ANASTASIANapalunok ako nang nagtama ang paningin namin ni Kirill. Ang kulang bughaw niyang mga mata ay para bang nilulunod ako dahil sa sobrang lalim at lamig. Nakakapanibagong makita ang ganitong klase ng emosyon sa mukha niya. Sanay ako na mayroon siyang pilyong ngiti sa labi niya—hindi 'yung gan'to na nasa punto nang nakakatakot. “Ay shet, look! Ang hot naman nila boss!” pahiyaw na sabi ni Anya habang nginunguso pa sila Kirill. Hindi ako umiimik, pinapanuod ko na lamang na maglakad si Kirill papunta sa mga organizer ng event. Kasama niya si Travis, at nakikipagusap sila 'don. Ikinuyom ko ang kamao ko. Pasmado na kasi ang kamay ko at kinakabahan ako, pero hindi ko naman alam kung bakit. Ano kayang pinagusapan 'nong dalawa kanina? Bakit dalawa lang sila? Bakit madidilim ang mga mukha nila? Bakit ini-ignore ako ni Kirill? Bakit hindi niya pa ako nilalapitan ngayon? SUNOD-SUNOD ang mga katanungan sa isipan ko. I felt so anxious right now. Curious na curious ako sa kung ano an
ANASTASIA “Hey, try this—masarap!”Natuod ako sa kinauupuan ko nang in-approach na naman ako ni Travis. Wala akong choice kundi ang bumaling ng tingin sa kaniya lalo na't pinalilibutan nga kami nang iba pang emplayado. Patapos na kaming kumain, tanging dessert na ginawa na lang nila ang kinakain at kani-kaniyang kwentuhan na lamang ang nagaganap. Naguusap ang mga key figures nang bawat kumpanya, pero heto si Travis. Hataw sa panlalandi sa akin.Tipid akong ngumiti sa kaniya. “I'm fine, allergic ako sa peanut,” saad ko. Dahil totoo naman, allergic talaga ako sa ano mang uri ng mani. Ang inaalok niya kasi sa akin ay ice cream na mayroong toppings na peanut. At hindi ko alam kung saan niya nakuha 'yan. Nangunot nang noo niya. “What? Kailan pa? Hindi ka naman allergic dati—” Pinandilatan ko siya nang mata para patigilin siya. Bigla pa akong tumawa para lang huminto na talaga siya dahil parang wala siyang planong tumigil. Balak pa yatang i-reveal na mayroon kaming something noon. “Ano
ANASTASIA “How are you? Ayos na ba ang sprained foot mo?” Naagaw ni Travis ang atensyon ko nang bigla siyang magsalita. Naka-poker face lang ako, at talagang sinasadya kong sungitan siya kahit pa sinabi ni Kirill sa akin kanina na dapat ay landiin ko rin ito. “I'm fine, nakakalakad na ako ng maayos. Minassage na rin kasi ni Kirill ang paa ko, so yeah—no need to worry.” Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Travis. “Kirill, huh? So totoo bang fiancee ka niya?” tanong pa nito. Hindi ko naman siya nilingon. Dere-deretso lang ang paglalakad ko dahil natatanaw ko na ang cottage sa kung saan ay mayroong mahahabang lamesa at maraming pagkain. Mukhang budol fight ang tema nang hapunan ngayong first night. “Why? Nagdududa ka ba na hindi kayang sungkitin ng ganda ko ang isang bilyonaryong pogi na katulad niya?” tanong ko habang direkta pa rin ang paglalakad palapit 'don. Hindi naman na sumagot pa si Travis, at hinayaan ko na lamang siya. Paglapit namin ay mayroong mga nag-approach sa akin na
ANASTASIA“We're so glad that the two of you finally arrive safe, Mr. Ivanov.” Nakapaskil ang isang matamis pero plastic na ngiti sa labi ko nang makababa kami ng kotse. Agad kaming sinalubong ng mga ker figures sa Haydee Corp, at isa na 'don si Travis na kanina pa nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang problema nang lalaking 'to. Nagaway kami kanina, napakalala ng away namin sa public places at halos isumpa ko na siya. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ba grabe na naman ang pag-approach niya sa akin. “Are you alright, Ms. Ei?” tanong sa akin nang isa sa mga employee ng kompanya namin. Nasa likuran kami ni Kirill na busy sa pakikipagusap, kaya naman pasimple akong bumubulong kay Anya. Head nang production department. “Ayos lang naman, pero masakit ang paa ko dahil na-sprain ako,” bulong ko. Tumango-tango naman ito bago ay dumukwang din palapit para bumulong sa akin. “Kanina pa natataranta 'yang CEO nang kabilang company. Mukhang hindi pwedeng hindi makarating si Boss
ANASTASIANatanaw na namin ni Kirill ang dulo ng daan na tinatahak naming dalawa. And to my surprise, mukhang tama ang pathway na pinili namin. Dahil ang sumalubong sa amin sa dulo ay ang kotse ni Kirill, at ilan lang mga rescue pickup na mukhang kakarating lang. Expected na namin na mayroong mga rescue, pero ang hindi ko inaasahan ay ang lalaking naglalakad palapit sa amin ngayon habang kunot ang noo. Hindi ko alam kung galit ba o nagaalala ang gagong 'to. May naunang sumalubong sa amin na isang lalaking naka-fully casual attire. “Boss! Pasensya na po, late kami—” Hindi nito tinuloy ang sasabihin, hindi ko rin alam kung bakit. Pero baka nag-sign si Kirill dito. Pansin ko na may nagaayos na ng kotse ni Kirill, at may iilan ding mga nagbabantay. “What happened? Why is he carrying you?” tawag pansin sa akin ng kupal na nakalapit na pala sa amin. Hindi ko man lang napansin. Pasekreto kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa balikat ni Kirill. Nakatuo pa rin ang atensyon ko kay Travis.
ANASTASIA “Heto na nga ba ang sinasabi ko 'eh! Please, sabihin mong naalala mo pa ang daan, Kirill!” Malakas na ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Jusko, mayroon kasing dalawang pathway sa harapan namin ni Kirill. Pero wala naman akong maalala na may dinaanan kaming ganito. At isa pa, diretso lang naman ang tinahak namin na daan kanina kaya imposibleng maligaw kaming dalawa. “Stop panicking, straight lang ang dinaanan natin kanina,” sagot ni Kirill. Nakasakay pa rin ako sa likuran niya. Kanina ko pa nga siya pinipilit na ibaba na ako dahil baka pagod na siya, pero ayaw niya. Sinasabi niya lang na kasama raw ito sa exercise niya kaya hayaan ko na lang siyang buhatin ako. And as someone na legit na pagod at masakit talaga ang katawan—ay hindi ko ito tinanggihan. “We'll go right,” aniya, bago ay nagsimula nang maglakad sa kanang pathway. Napalunok naman ako. “Paano