Share

Chapter Forty-nine

ORAS na para umuwi ng probinsiya ang mga magulang ni Jemima. Tumingin-tingin si Jemima sa loob ng condo unit.

“Make sure, guys, na wala kayong maiiwan dito,” aniya sa pinasiglang tono.

Sa kaniya naman nakatingin ang mga magulang niya habang naghuhuntahan sina Ismael at Melinda papalabas ng pinto.

“Mag-iingat ka, anak.” Nagyakap ng mahigpit ang mag-ina.

“Kayo rin, ma. Ingat po kayo.”

Hinaplos ng ina ang mukha ng naiiyak na niyang anak.

Si Allan naman ang yumakap kay Jemima.

“Pa!...”

Nginitian ng ama ang anak. Alam niyang itinatago nito ang nararamdamang kalungkutan.

“Don’t worry too much. He will be fine. Bigyan mo siya ng time, anak. Masyado lang siyang na-overwhelm sa bigat ng responsibilities niya ngayon.”

Tumango si Jemima sa ama, sabay pahid sa tumulong luha.

“Anak,…”

Lalapitan pa sana ni Zorayda ang anak pero niyaya na siya ng asawa papalabas ng pinto. “Don’t cry too much, anak,” bilin niya habang papalabas ng pinto ng condo unit ni Jemima. Nakita niyang tumango ang a
Julia

Thank you for reaching this far.

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status