Share

Kabanata 4 "The Devil's Mask"

Tahimik na kumain ng umagahan ang pamilyang Fabroa kasama ang sekretarya ng Chairman na si Harriet Avellino. Tanging tunog lamang ng pagtatama ng kutsara at plato, mahinang pagnguya at pagbubuntong hininga ang maririnig sa paligid.

Habang nakatutok ang lahat sa kanilang sari-sariling pinggan, kinuha ni Zion ang pagkakataon na ito upang tignan si Harriet na nakaupo sa tabi ng kaniyang lolo.

Harriet is so beautiful today.

Nakapustura ito at nakalugay ang mahabang tsokolateng buhok.

Naalala noon ni Zion ang sabi ng mga kaklaseng lalaki sa highschool. They said Harriet is so pretty that everyone in the school has a crush on her. Zion felt proud when he heard that. Kapatid na ang turing niya kay Harriet at masaya siya kapag nakakarinig ng magandang balita para rito. But he never sees her as a woman, not until today.

Dahil ba sa pink lipstick sa labi ng dalaga?

O dahil suot ni Harriet ang dilaw na damit na iniregalo ni Zion noong nakaraang kaarawan ng dalaga?

Anyway, Zion feels odd because his heart keeps beating so fast while looking at her.

Nang iangat ni Harriet ang paningin para kumuha sana ng isang baso ng tubig, aksidenteng nagtama ang mga mata ng dalawa sa hangin.

‘Weird,’ Zion thought.

Nagkatinginan lamang sila pero samu’t saring emosyon ang naramdaman niya. Kinakabahan pa nga ito na baka namumula ang mukha niya dahil sa biglaang pag-init ng katawan. Gayunpaman, upang hindi magtaka si Harriet sa kakaiba niyang ginagawi, ngumiti si Zion sa kaniya.

[“Hello”] Zion mouthed at her as he smiled sweetly.

Subalit imbes na suklian ni Harriet ang matamis na ngiti ni Zion katulad ng dati niyang ginagawa, umiwas ito ng tingin taglay ang ekspresyon  na parang may mapait na nakain.

Zion got frozen for a moment.

Hindi siya makapaniwala sa nangyari?!

Dati-rati, kapag binati niya si Harriet, agad itong ngumingiti na may halong pamumula pa nga. Nasaan na ang Harriet na palaging excited na makitang umuwi ng bahay si Zion?

‘What the hell just happened? Did she just… ignore me?’ pagtataka ni Zion sa sarili. Ayaw man niyang aminin, pero nasaktan siya sa ginawa ni Harriet.

Pumunta siya sa mansyon para dalawin siya, pero ganito ang isusukli nito?

For that, Zion decided to have a talk with her as soon as they finished they breakfast.

“Napakaganda mo ngayon, Harriet,” pagpuri ni Sorren sa dalaga.

Nang mabasag ang katahimikan, isa-isang itinungo ng mga nasa paligid ang tingin sa magandang babaeng nakaupo sa tabi ng Chairman.

“Halos hindi kita nakilala. Bagay na bagay sayo ang damit mo,” dagdag ni Sorren.

Nang tumingin si Harriet sa matandang lalaking kumukop sa kaniya mula pagkabata, kumislap ang magkabilang dulo ng kaniyang mga mata.

Harriet just kept on staring at the old man, as if soon she’ll gonna cry.

‘Buhay si lolo Sorren. Buhay nga siya at nandito siya sa harapan ko,’ ang paghihinagpis ni Harriet sa kaibuturan ng kaniyang puso.

Hinding hindi niya makakalimutan ang araw kung kailan nakita niya walang ng buhay ang matandang itinuring na niyang magulang. Kaya naman labis labis ang pasasalamat ni Harriet na bumalik siya sa nakaraan upang muling makasama at makita si Sorren.

Sa kakaibang ikinikilos ni Harriet, nagkatinginan ang pamilyang Fabroa. Lahat sila ay nagtataka kung bakit masyadong punong-puno ang emosyon ng dilag habang tinitignan si Sorren.

Para sa kanila, kahapon lamang noong huling nagkita si Harriet at ang chairman. Kaya bakit siya umaasta na parang matagal na ang nakalipas mula ng sila’y magkasama?

‘Huh! Nagda-drama na naman ang pabida!’ sigaw ni Madell sa sarili. Pagkatapos ay sumabat ang m*****a sa usapan.

“Oo nga. Ngayon ko lang nakita si Harriet na  magsuot ng ganiyan. Hindi ba’t iyan ang regalo ni kuya Zion noong birthday mo?”

Harriet and Madell looked at each other.

It is not a praise but a warning.

Natatandaan ni Harriet na pinagbantaan siya ni Madell na huwag na huwag susuotin ang iniregalong damit ni Zion, o anumang bestida. Dahil sa oras na gawin niya ito, kakaladkarin niya siya palabas ng bahay.

Ayaw ni Madell ng nalalamangan. Pagdating sa hitsura, maganda naman si Madell. Sadyang mas maganda lang at maalindog si Harriet sa kaniya. Kaya naman upang maiwasan na masapawan, pinagsabihan niya si Harriet na magsuot lamang ng simpleng damit at huwag mag-ayos ng mabuti. Because the moment she does, Harriet will look more like a princess than Madell.

Ang ito na nga ang nangyari ngayon. Sa ganda at sa pagiging elegante, mas higit na nakakalamang ang ampon kaysa sa tunay na apo. And that made Madell felt so enraged!

Napakamot ng ulo si Zion at napabuntong hininga. ‘Heto na naman tayo,’ sambit niya sa isipan. Sa oras na magmaldita si Madell, ito na ang panahon para iligtas ni Zion ang kababatang si Harriet.

Therefore, he opened his lips and about to defend his friend. Pero bago pa niya ito magawa, nagsalita na si Harriet bilang tugon kay Madell.

“Oo nga pala, natipuhan rin ni miss Madell ang damit na ito,” magalang na sagot ni Harriet. “Ito ‘yong damit na muntik mo ng sunugin dati. Natatandaan mo? Buti nalang, nakuha ko siya agad bago masunog.” Pagkasabi nito ay hinaplos ni Harriet ang maliit ng peklat sa kanang kamay.

Sorren and Zion looked at the scar burn on her hand.

Ang sabi noon ni Harriet, nakuha niya ang peklat dahil naaksidente siya habang tumutulong sa kusina. Pero nangyari pala ito dahil sa pang-aapi ni Madell!

With widened eyes, Madell looked at her, wordless. Halos isang taon na ang nakararaan mula ng insidente na iyon!

Pinagbantaan niya si Harriet na huwag sasabihin sa iba ang nangyari, at pumayag naman si Harriet na ilihim ito magpakailanman.

‘This b*tch… why does she…’

“Madell. Did you really do that?” ang malamig na pananalitang lumabas mula sa bibig ni Zion. Kanina pa siya nananahimik, pero hindi na niya mapigilan ang sarili sa pagkakataong ito.

“H-Huh?” nauutal na sagot ni Madell.

Dumako ang matalim na mga mata ni Zion sa nakababatang kapatid. “DID YOU REALLY DO THAT?”

Bago pa man makapagsinungaling si Madell at maitanggi ang pangyayari ay nagsalita si Sherly, ang ina nito.

“Zion, do you really have to raise your voice and frighten your sister?”

Zion stared coldly at his mother. As soon as his eyes reached her, Sherly felt the chills ran down to her spine.

“Hindi ko alam na ganito pala ang tunay na nangyari,” ang sabi ni Sorren. “Papalagpasin ko na sana ang pagkakamali mo nitong nakaraan, but now that I heard what you did before, I think you deserve a punishment, Madell.”

“G-Grandpa…”

“Finn and Sherly, make sure Madell can’t use her credit card and car for one month.”

“Lolo naman!” sigaw ni Madell. “This is unfair!” Tinitigan niya ng masama si Harriet at sinabing, “You b*tch! Why are you lying?! Hindi ko ginawa ko sayo iyon! Sinunog ko ba ang kamay mo? Ha? Ha?!”

Huminga ng malalim si Harriet, bago lumingong magmuli kay Sorren. “Sa tingin ko po Chairman, masyadong mabigat ang parusa ni Madell. Nagkaroon lang po kami ng simpleng hindi pagkakaunawaan noon. At kung tungkol sa paninigarilyo, napilitan lang po siya miss Madell dahil pinilit siya ng mga kaklase.”

Talagang nagpantig ang tainga ni Madell sa narinig.

Hindi lang binanggit ni Harriet ang tungkol sa damit, ipinaalala din nito ang tungkol sa paninigarilyo niya!

Madell was about to shout, not until she saw her mom signalling her to stop.

Tama.

Sa tingin ni Madell ay wala siyang dapat ikabahala dahil kahit paborito ng lolo ang ampon, halos lahat ng nasa paligid ay nasa panig niya.

So Madell shut her lips, and waited for her mom to rescue her.

 “Hayaan niyo akong magpaliwanag,” sambit ni Sherly.

“Alam mo ang tungkol dito?” tanong ni Sorren sa manugang.

“Opo,” mabait na sagot ni Sherly. “Nandoon po ako noong nangyari ang insidente.”

Nilingon ni Harriet ng tingin ang sinungaling na babae sa kaniyang gawing kaliwa.

“Actually, the kids had a simple fight, katulad ng sabi ni Harriet,” pagpapatuloy ni Sherly. “Gusto po kasing hiramin ni Madell ang damit, dahil gagamitin niya sa event sa school. Pero ayaw siyang pahiramin ni Harriet. Kasi nga naman, regalo ito ni Zion. Kaya hindi siguro nakapagpigil si Harriet at naitulak niya si Madell. Ito namang si Madell, nagalit rin dahil nasaktan siya. Kinuha niya ang damit at noong nag-aagawan, napaso ang kamay ni Harriet doon sa fireplace.”

Ibang-iba ang kwento ni Sherly sa totoong nangyari. At hindi makapaniwala si Harriet kung saan aabot ang lawak ng mga imahinasyon nito makapagsinungaling lang.

‘Kampon talaga sila ni Satanas,’ sambit ni Harriet habang tinititigan ang mag-ina.

“Hindi ba Harriet?” pamimilit ni Sherly sa kaniya. Binigya niya ito ang ngiti taglay ang maskara ng anghel.

Harriet never wear an angel mask. Mabait talaga siya at hangga’t maaari ayaw niya na magkaroon ng gulo. But now, she realized that it is not the angel mask that she needs to wear, but the devil’s.

“Wala po akong matandaan na nandoon kayo,” sagot ni Harriet na ikinagulat ng lahat.

Ito ang unang pagkakataon na sinalungat niya ang salita in madam Sherly!

Kahit si Zion ay nalimutang makahinga habang pinagmamasdan ang matapang na kababata.

“Sa pagkakatanda ko, kami lang po ni Madell ang magkasama ng gabi na iyon,” pagpapatuloy ni Harriet.

Nauutal na sumagot si Sherly, “W-What are you s…”

“Ahhh,” but Harriet didn’t let her finish. “Mayroon pa po pala kaming nakasama na nakakita sa amin ni miss Madell.”

Dahan-dahan, itinungo ni Harriet ang mga mata sa isa sa mga katulong na nanonood sa gilid. Doon sa babaeng natutuwa kanina habang pinagmamasdan si Harriet na pinapahirapan ng iba.

“Reese,” Harriet called the maid.

“Y-Yes?” tugon ni Reese.

“You were there, right?”

Namumutlang pinagmasdan ng katulong na si Reese ang maiinit na titig ng mga tao sa paligid. Nang panahon na iyon, hindi niya napansin ang mala-demonyong ngiti ni Harriet na nangangakong gagawin niya ang lahat, mahila lamang ang lahat pababa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status