แชร์

The Billionaire's Regret : Chasing The One He Let Go
The Billionaire's Regret : Chasing The One He Let Go
ผู้แต่ง: Black_ink

Chapter 1 - Filed a divorce

ผู้เขียน: Black_ink
last update วันที่เผยแพร่: 2026-05-13 20:30:03

In four years of our marriage. AkaIa ko ay matutunan din akong mahalin ng asawa ko– But I was wrong. And now, I made a dissision what's the best for me, ngayon ay pililiin ko na ang sarili ko that's why I decided to end it. Gusto ko nang makipaghiwalay sa asawa ko. Kay Maxwell Torrecampo–nang hindi niya alam.

“I want to file a divorce.”

Sa aking harapan ay matiim na nakatitig sa akin habang nakikinig nang mabuti ang lawyer kong si Atty. Luke Del Rosario. Siya ang napili kong humawak at magprocess ng divorce ko.

“Okay, Mrs. Torrecampo para maituloy natin ang gusto mong pakikipag-divorce sa asawa mo, kailangan ay pareho kayong pumirma sa mga papel. After that, there’s a thirty days of waiting period. But where is he? Bakit wala rito ang asawa mo?”

“He’s busy, pero sisiguraduhin kong pipirma siya. Ako na ang bahala roon,” sagot ko.

“Alrigt. I'll do the draft for the divorce agreement. Wait me here, Mrs. Torrecampo.” Tinalikuran na ako nito at hindi naman nagtagal ang paghihintay ko nang bumalik na ito at nakuha ko na nga ang kasunduan.

Habang bumababa na ako sa hagdan ay paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang lahat ng nangyari sa nakaraan.

“Kil? What's brought you here?” Napahinto ako. Nang umangat ang tingin ko ay agad na nagtama ang aming mga mata. Kumalabog ang dibdib ko, ganito ako palagi sa tuwing magkakatitigan kaming dalawa.

Ang mga mata niya ay tila kayang basahin ang laman ng isipan ko at hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kaba dahil baka kasi malaman niyang nagsisinungaling ako.

Napag-alaman ko na kakilala pala ni Maxwell ang lawyer ko kaya kailangan na mag-doble ngat ako.

Pero, kung sa bagay, wala naman siyang pakialam sa akin kaya sigurado akong hindi niya malalaman.

Huminga ako nang malalim at kumilos ng natural sa harap nito. “Ah– May pinakunsulta lang ako sandali. Have you remembered the property transfer agreement that I mentioned in you before?” agad na singit ko. “Here.” Sabay na inilabas ko ang ginawang agreement ng lawyer ko. I handled it over to him at agad na binuklat ko sa huling pahina, ibinigay ko na rin ang signing pen para pirmahan na niya agad.

Blangko lamang iyon at itinuro ko lang kung saan siya dapat na pumirma. Bilang isa ring abogado ay awtomatikong napakunot ang noo ni Maxwell. He's going to check it when he suddenly sees Sabrina.

Ang babaeng hindi ko man lang mapalitan sa puso niya.

Papasok na ito sa elevator. Dahil doon ay kita ko ang pag-aalinlangan ni Maxwell ngunit lihim akong natuwa nang agad na rin siyang pumirma. “Done. Kung wala ka nang kailangan, puwede bang mauna ka munang umuwi? Marami pa pala akong tatapusin. I forgot.”

“Oh, sure!” Gumaan ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko sandali ngunit agad itong napalitan ng matinding paghihinayang. Kung tiningnan at binuksan niya sana ito. Malalaman niyang hindi ito property transfer kun ‘di isang divorce agreement.

Mapait akong napangiti dahil ang atensyon niya ay nalipat na kay Sabrina na kapapasok lang ng elevator.

Habang siya ‘y nakatitig sa magandang mukhang iyon ni Sab, may kung anong sakit at kirot akong nadama sa dibdib ko. Nagpasya na lamang ako na lisanin ang law firm at hinawakan ko nang mahigpit ang bag ko ‘t tumalikod para umalis.

Habang papalayo na ay narinig ko pa ang kanilang usapan.

“Who’s her, Max?” tanong ni Sab.

“Ah– Isang bagong client lang na nagtatanong about divorce,” tipid na sagot nito sa babae ngunit batid ko ang lambing roon na ni minsan ay hindi ko man lang narinig kausapin ako nang gano’n ng saarili kong asawa.

“Ang aga mo ah... Give me a minute. We're going to eat our lunch, okay?”

Pagkasabi niya no’n ay napatitig ako sa aking kamay na hawak ang pinirmahan niyang divorce agreement. Nang marinig ko ang malambing nitong boses kanina ay napatingin ako sa pirmadong divorce agreement sa aking kamay at napailang na lamang ako dahil totoo naman, nandito nga ako para sa diborsyo.

Isang buwan na lang, makukuha ko na rin ang gusto. Pareho na kaming lalaya sa sekretong kasal.

Walang nakakaalam na ikinasal kami maliban sa aming mga pamilya. Maging si Sabrina, ang babaeng hindi malimutan ni Maxwell.

Siya ang may gusto na panatilihing sikreto ang aming kasal. College kami noon at una ko itong sa first day of class ay talagang na-love at first sight na sa kany. Sa aming dalawa, ako ang naghahabol sa loob ng apat na taon, pero, ni katiting na pagtingin ay hindi niya man lang ako tinapunan.

Pero hindi ako pinang hinaan ng loob noon. Kahit harap-harapan akong rejected ay ayos lang dahil wala naman akong nalaman na may nililigawan siya o girlfriend. Hindi rin siya interesado sa pakikipag-date. Iyon pala ay dahil nasa malayo, si Sabrina ay nasa ibang bansa nagtapos ng pag-aaral.

Nang grumaduate na kaming pareho, naging abala ako sa trabaho. Siya, nawalan kami ng komunikasyon, pero ni minsan ay hindi ko siya nakalimutan.

Nagkanya-kanya kami ng aming landas, ngunit, laking gulat makalipas ang apat na taon. Muli ay pinagtagpo ang aming landas. Nagkita kami at sa isang blind date pa.

Mas lalo akong hindi makapaniwala nang diretsahan ako nitong tinanong kung gusto ko ba siyang pakasalan?

Hindi ko alam, wala akong edeya kung bakit? Kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ‘t nagmamadali siyang maikasal kami. Gayun pa man, hindi ko ikinakaila na masaya ako. For me, it's a dream come true!

Hindi niya inilihim sa akin na kinamadali na siya ng kaniyang pamilya na magkapamilya kaya agad-agad umoo ako nang walang pag-aalinlangan. Unti-unti ko lang nalaman ang kanyang lihim matapos ang kasal.

Iyon ay ang tungkol kay Sabrina. Ngunit nabigo siya rito dahil nabalitaan niyang ikinasal na ito sa kaniyang boyfriend pagkatapos ng graduation ay nakipagtanan na ito. Si Sabrina ay ang nakababatang kapatid ng kanyang matalik na kaibigang si Eliot. Five years ang tanda ni Maxwell kay Sabrina ngunit tanging nakatatakdang kapatid lang din ang turing nito sa kanya. Wala siyang niligawang ibang babae dahil naghihintay siya ng tamang pagkakataon sumablit huli na, nawasak si Maxwell kaya gusto niyang makalimot agad kung kaya‘y pinakasalan niya ako bilang rebound.

Nasaktan ako nang malaman ang tungkol doon. Ngunit nahpakatatag ako. Naisip ko, marami pa naman kaming oras. Kung magsisikap ako nang husto, sigurado akong makikita rin niya ang halaga ko.

Ngunit sa loob ng apat na taon naming pagsasama, nanatiling malamig at malayo ang loob ni Maxwell sa akin. Mas lalong nadurog ako nang makita ko ang isang photo album. Puno ito ng mga pictures at lahat ng iyon ay walang iba kun ‘di ay si Sabrina. Mula noong anim na taong gulang hanggang dalawampu’t lima. Hindi sana ito dapat masakit nang ganoon.

Pero paano kung ang babaeng iyon ang totoong mahal ng asawa ko? Tila may mga patalim na tinarak sa dibdib ko nang patuloy pa rin pala niya kinikolekta ang mga latest photos nito na nakalagay sa album. Kahit ikinasal kami nang hindi niya ako mahal ay hindi ko maiwasang masaktan.

Isang gabi ay umuwi si Maxwell na may kakaibang saya na tila ba nangliliwanag ang kanyang mukha at nagniningning ang mga mata. Iyon pala ay nalaman nitong naghiwala si Sabrina at sng asawa nito. Nagbalik na pala ang babaeng mahal niya ng pagkatagal-tagal at siya ang napili nitong mag-asikaso ng divorce papers upang tuluyang lumaya sa mapanakit na asawa.

Mapait akong natawa at doon na ako nakapagpasyang tapusin na ang anumang namamagitan sa amin. Wala namang patutunguhang kasal na ito.

Nakaramdam ako ng kakaibang bigat sa dibdib nang bumalik ako sa bahay na pinagsaluhan namin sa loob ng apat na taon. Habang pinagmamasdan ko ang nahay na ito ay doon na bumuhos ang lahat ng aming mga alaala. Napako ang tingin ko sa wedding portrait namin sa sala. Ang larawang lagi kong pinananatiling malinis.

Nang makita ko ang pilit na ngiti ni Maxwell sa litrato, tila may humiwa sa puso ko. Kinuha ko ito at agad na itinapon sa basurahan. Ginugol ko ang natitirang gabi sa pag-aayos ng aking personal na kagamitan.

Nang dumating na Maxwell ay napansin agad nito na wala na ang wedding portrait namin. Bumaling ang tingin nito sa akin habang abala ako sa pagsusulat.

“Nasaan ang wedding photo natin?” kunot noo na tanong nito.

“Ah, lumuwag na kasi 'yung pako. Natakot naman akong baka malaglag at tuluyang mabasag kaya ibinaba ko na muna.”

Muhang nakuntento naman siya sa sagot ko at hindi na muli pang nag-usisa. Inilapag niya ang mga dalang late-night snacks sa tabi ko bago pumasok sa study room. Nang malanghap ko ang matapang na amoy nito ay napatigil ako sa aking ginagawa.

Nang buksan ko iyon upang silipin ay agad na sumamyo sa ilong ko ang matapang at maanghang nitong amoy. Hindi ako mahilig sa mga pagkaing ito lalo na’t maanghang. May problema ako sa tiyan kaya mga matatabang lang na pagkain ang madalas kong kainin. Pero hindi iyon napansin ni Maxwell kailanman. Dati, napipilitan lang akong kainin ang mga dala niya anu mang dalhin niya para lang mapasaya ko ang lahat para lang pasayahin siya. Pero, ngayon, hindi na. Agad na dinampot ko ang mga pagkain at itinapon sa basurahan.

Simula ngayong araw na ito, nagpasya na akong iwan akong kung anong ng anumang lahat ng sakit at lungkot mula sa kasal na ito at tuluyan lisanin, alisin si Maxwell sa buhay ko.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The Billionaire's Regret : Chasing The One He Let Go   Chapter 4 - Letting go

    Nang marinig ni Sabrina halos magkatulad lang pala kami ng sitwasyon at pinagdaanan ay kita ko sa mga mata nito ang awa kaya hindi niya napigilan na aluin ako. “Dumaan rin ako sa ganyan. Pero, ayos lang. Kapag natapos na ‘t finally divorce ka na ay magiging maayos din ang lahat. Siguradong tutulungan ka ni Maxwell kagaya ko.” Hindi ko lang masabi sa kanya na tinulungan talaga ako ni Maxwell sa pinakamahirap na bahagi. Ang lihim na magpapairma ko sa rito. “Nasabi niya nga sa akin na siyang ang humawak ng kaso mo. Congratulations nga pala.” bati ko sa kanya. “Kapag may dedekasyon talaga ang isang tao sa kanyang ginagawa ay nagtatagumpay.” “Yes, you're right. Malaki talaga ang naitulong ni Max sa akin lalo na sa pag-ipon ng mga evidence again my ex-husband. He never leaves me by my side and to make sure that I am safe. Kung hindi dumating si Max no’ng gabing iyon ay baka napatày na ako ng hayop na iyon! Handa na ako saksakin ng ex-husband ko ng kutsilyo, nababaliw na siya!” mahabang p

  • The Billionaire's Regret : Chasing The One He Let Go   Chapter 3 - Denied

    Matamis akong ngumiti kahit sa loob ko ay tuluyan nang nasira. Pinigilan hijdi maiyak sa harap niya. Alam kong iyong lang ang hinihintay niya para tuluyan nang ipursige niya ulit si Sabrina. “Congratulations,” sabi ko. Kita ko ang kanyang pagkalito. Hindi niya maintindihan kung ako ang ibig kong sabihin. “What do you mean by that?” Ngumiti lang ako nang hindi nagsasalita. Double meaning kasi iyon. Congratulations, Maxwell Torrecampo. Ikaw naman ang susunod na magiging-divorced.Biglang nag-ring na naman ang cellphone niya. Nagmamadali siyang sinilip ang screen bago lumabas ng hallway para sagutin. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik siya. Bahagyang nakaawang ang pinto kaya narinig niya kaming nag-uusap ni Stella.“Oo, hinihintay ko lang matapos ang waiting period. Fifteen days. aang araw at malaya na ako.” “Waiting period? Sinong magdidivorce?” Salamat na lang at naroon si Stella nang sandaling iyon itinuro ko siya kay Maxwell ikinalma ko ang sarili. “Si Stella. Siya ang magki

  • The Billionaire's Regret : Chasing The One He Let Go   Chapter 2 - Accident

    Sumapit ang hating gabi pero hirap pa rin akong makatulog kahit ramdam ko naman na akong antok. Inis na isinubsob ko ang mukha ko sa unan dahil may kung anong mabilis na tumatakbo sa aking isipan. Nang naradamdam ko na lakang ang matigas na braso ang pumulupot sa beywang ko. Mahigpit iyon at ramdam ko ang init ng hininga niya sa leeg ko. Namilog ang mga mata ko nang maramdaman ko ang paglapit niya para halikan ako.Bago pa dumampi ang labi niya sa akin, itinukod ko ang dalawa kong kamay sa kanyang dibdib at lumayo. Agad na natigilan siya, dahil sa apat na taon naming pagsasama bilang mag-asawa, ako ang palaging unang nagi-initiate at palagi pang wala ito sa mood. Ngayong mukhang siya ang may gana ngayon ay wala nang dahilan pa na pagnigyan ko pa siya dahil maghihiwalay na rin naman kami sa lalong madaling panahon at ayaw kong magkaroon pa ng kumplikasyom sa hinaharap. Ikinagulat niya ang pagtangi ko. "Why, you're not in the mood?” mahinang sabi na tila pa nang-aakit. Ngunit hi

  • The Billionaire's Regret : Chasing The One He Let Go   Chapter 1 - Filed a divorce

    In four years of our marriage. AkaIa ko ay matutunan din akong mahalin ng asawa ko– But I was wrong. And now, I made a dissision what's the best for me, ngayon ay pililiin ko na ang sarili ko that's why I decided to end it. Gusto ko nang makipaghiwalay sa asawa ko. Kay Maxwell Torrecampo–nang hindi niya alam.“I want to file a divorce.” Sa aking harapan ay matiim na nakatitig sa akin habang nakikinig nang mabuti ang lawyer kong si Atty. Luke Del Rosario. Siya ang napili kong humawak at magprocess ng divorce ko. “Okay, Mrs. Torrecampo para maituloy natin ang gusto mong pakikipag-divorce sa asawa mo, kailangan ay pareho kayong pumirma sa mga papel. After that, there’s a thirty days of waiting period. But where is he? Bakit wala rito ang asawa mo?”“He’s busy, pero sisiguraduhin kong pipirma siya. Ako na ang bahala roon,” sagot ko. “Alrigt. I'll do the draft for the divorce agreement. Wait me here, Mrs. Torrecampo.” Tinalikuran na ako nito at hindi naman nagtagal ang paghihintay ko

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status