Share

Chapter 2 - Accident

Author: Black_ink
last update publish date: 2026-05-13 20:35:20

Sumapit ang hating gabi pero hirap pa rin akong makatulog kahit ramdam ko naman na akong antok. Inis na isinubsob ko ang mukha ko sa unan dahil may kung anong mabilis na tumatakbo sa aking isipan.

Nang naradamdam ko na lakang ang matigas na braso ang pumulupot sa beywang ko. Mahigpit iyon at ramdam ko ang init ng hininga niya sa leeg ko. Namilog ang mga mata ko nang maramdaman ko ang paglapit niya para halikan ako.

Bago pa dumampi ang labi niya sa akin, itinukod ko ang dalawa kong kamay sa kanyang dibdib at lumayo.

Agad na natigilan siya, dahil sa apat na taon naming pagsasama bilang mag-asawa, ako ang palaging unang nagi-initiate at palagi pang wala ito sa mood. Ngayong mukhang siya ang may gana ngayon ay wala nang dahilan pa na pagnigyan ko pa siya dahil maghihiwalay na rin naman kami sa lalong madaling panahon at ayaw kong magkaroon pa ng kumplikasyom sa hinaharap.

Ikinagulat niya ang pagtangi ko.

"Why, you're not in the mood?” mahinang sabi na tila pa nang-aakit. Ngunit hindi ako magpapatinang. Hindi ako magpapadala sa simpleng pang-aakit niya.

"I have my period.” tipid kong sagot na isang kasinungalingan. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi naman siya nagpumilit. Hinila na lamang niya ang kumot at kinumutan ako gaya ng palagi niyang ginagawa.

Nahiga lang siya sa aking tabi, tahimik at kung may anong iniisip. Marahil ay inaalala ang mga nangyari sa buong maghapon bago makatulog. Ang akala ko ay tuluyan na siyang matutulog ngunit bigla ba naman itong nagsalita. “’Yung pinapirmahan mo sa akin kanina tungkol sa transfer of property, nasaan na? Patingin nga, para masiguro nating tama ang lahat.”

Nagsimulang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Tinitigan ko siya kahit na madilim sakto lang ang sinag ng buwan mula sa labas upang makita ko siya.

Nag-isip ako nang irarason nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya iyong dinampot at sinagot.

“Hello?” sagot niya sa kausap at nakinig pa muna. “Sagutin ko lang ‘to, excuse me.” Napataas ang kilay ko dahil obvious namam na kung sinong kausap niya. Dis oras na ng gabi, hindi na working hours iyon.

Pero ayos lang dahil nakalusot na naman ako.

Abala ako sa aking pag-aayos, nagpipili ako ng mga gamit naming dalawa at kinuha ko ang sa akin upang ilagay sa isang malaking box at kinaladkad pababa.

Eksakto naman ang pagdating ni Maxwell kaya nakita niya akong nahihirapan, lumapit siya’t tinulungan ako.

"Bakit ang dami mo naman yatang itinatapong gamit?"

"Halos hindi naman na natin ginagamit ang mga 'yan. Mas mabuting itapon na kesa maipon lang." Tumango siya na tila pagsang-ayon sa sinabi ko, kinuha niya ang kahon sa akin nang walang kibo. Habang pinapanood ko siyang papalayo, ay nanatili akong nakatitig sa kanya.

Kung binuksan niya lang iyon, kung sumilip lang siya kahit isang segundo. Makikita niya na ang bawat laman nun ay ang mga bagay na dati kong pinaka-iingatan dahil iyon ang mga bagay na binili ko ay mga bagay kasama ng aming alaala.

Matalino siya at matalas ang pag-iisip. Malalaman sana niyang may kakaiba, itatanong niya sana kung bakit ko biglang nililinis ang bahay namin nang ganito. May pagkakataon pa sana kaming mag-usap, baka may pag-asa pang maayo. Ngunit hindi niya napansin, hindi niya nagawa dahil may mas priority siya.

Dere-derecho lang siya sa basurahan at walang hirap na ihinulog ang buong kahon, tumalikod na parang walang nangyari. Nang hapong iyon, biglang nasira ang computer ko sa habang may tinatapos akong deadline. Para matapos sa tamang oras, hiniram ko ang laptop ni Maxwell. Habang naglilipat ng mga files, may notification na lumitaw sa screen niya. Hindi ko sinasadyang na-click iyon at galing ito sa isang group chat ng law firm.

"Max, remind ko lang ang dinner sa firm mamaya. Isama mo naman ang girlfriend mo.”

Bahagyang nanginig ang kamay ko nang mabasa ko ito.

Apat na taon nang kasal, pero hindi pa rin niya sinasabi sa kahit sino sa ka-trabaho niya na may asawa siya. Kaya ni isa ay wala man lang nakakakilala sa akin nang pumunta ako sa firm niya para sa mag-file ng divorce. Nagpunta ako roon na isang estranghedo sa paningin nila.

Isasama na kaya niya ako mamaya? Aaminin na ba niya sa wakas na apat na taon na siyang buhay may asawa? Ayaw kong umasa, masasaktan lang ako!

Napakunot ang noo ko nang mabasa ang mga sumunod pang mensahe at binasa iyon. Nagreply naman ang isang lalaki, ang sabi ay pamigiradong si Sabrina na ang kasama ni Maxwell.

Bahala sila at wala akong pakialam!

Kinabukasan nagbalik ako sa law firm dahil may kaunting pinag-usapan lamang kami ni Atty. Del Rosario, hawak ko ang divorce papers habang naglalakad ay biglang may matigas na bumangga sa akin kaya nabitawan ko ang hawak kong envelope. “I'm sorry,” sabay naming sabi at pinulot ang nalaglag ko.

Nang pagtingala ko ay si Maxwell pala. Bago kami parehong makapagsalita ay may isang braso na ang pumulupot mula sa likuran niya. “Max, hindi ba may kikitain kang client? Bakit ang tagal mo?"

Lumapit si Sabrina kay Maxwell, sobrang lapit. Kita ko ang tila pagpa-panic niya at hindi nito makuhang salubungin ang mga mata ko na tila hindi niya alam kung paano magpapaliwanag. Akalo mo naman ay nahuli siya sa isang krimen at guilty. Ngunit inaamin ko masakit sa akin ang mga nakikita ko dahil hindi niya man lang itinulak si Sabrina papalayo upang humiwalay ng kaunti sa kanya habang nasa harapan ko.

Hindi ko na natagalan pa at humingi ako ng paumanhin, kinuha ko ang kasunduan mula sa kamay niya at nagpaalam. “ Thank you, Mr. Torrecampo. Mauna na ako sa inyo.”

Habang lulan ng kotse at humampas ang malamig na ihip ng hangin sa gabi mula sa bukas na bintana ay inililipad nito ang mahaba kong buhok sa aking mukha. Pauwi na ako ngunit paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang sandaling lumitaw si Sabrina tabi ni Maxwell kanina.

Napakaraming beses na akong nasaktan kaya hindi ko na hahayaan na madurog pang muli itong puso ko. Pagod na pagid na ako! Ubos na ubos na!

Sino ang mag-aakalang ang tatlumpung araw para sa akin ay tila napaka-tagal. Kinusot ko ang mahapdi kong mga mata dahil doon ay hindi ko napansin ang sasakyan sa harap ko na malapit nang sumalpok hanggang sa bumangga na nga ako rito.

“Ahh– Aray…” Hiyaw ko sa sobrang sakit. Naipit pala ang binti ko sa nayuping pinto ng kotse, at nang makakita ako na may dugo. Pinagpawisan ako ng malamig at namutla. Ramdam ko ang sobrang sakit sumabit nilakasan ko ang loob ko, kinuka ko kaagad ang cellphone at edenial ang hotline ng 911.

Naisugod naman ako agad sa pinaka-malapit na ospital at habang nasa ER, sinuri ako ng mga doktor. Hindi naman daw nakamamatay pero kailangan ko ng minor surgery sa binti. Sinabi nilang kailangan kong tawagan anv pamilya ko. Malayo naman ang parets ko kaya nagpasya akong tawagan si Maxwell.

Ngunit nakailang tawag ako ay man lang nagawang sagutin. hindi pa rin siya sumasagot. Naalaa kong nasa dinner pala siya ngayon ta hindi ko maiwasang ma-imagine kung ano ito kasaya kasama si Sabrina pati ang mga ka-workmate niya habang nagtatawanan at nag-iinuman.

Kasama niya ang babaeng kinababaliwan noon pa, bakit bakit naman siya mag-aaksaya pa ng oras para sagutin ang mga tawag ko? Napansin ng isang nurse na wala akong nakakausap kaya nilapitan ako nito.

"Wala man lang ba puwedeng pumunta sa iyo rito, ma’am m Nasaan po ang asawa mo?”

malumanay na tanong nito sa akin.

Umiling ako."Magdi-divorce na kami." napasinghap ito at Nlnanlaki ang mga mata. Malinaw na hindi niya inaasahan ang narinig.

"Pero kasal pa rin kayo at mag-asawa. Napaka-walang puso niya kung hindi ka man lang niya mapuntahan ngayon rito at pirmahan ang mga kailangan pirmahan?”

Bigla ay nagbalik na naman sa aking alaala na sa loob ng apat na taon naming mag-asawa, ay sumariwa na nama ang sakit at matinding emosyon sa ilang gabi akong naghintay na magkasabay siya sa hapunan? O makatanggap man lang sana ng mensahe upang sabihin na gagabihin siya sa pag-uwi para hindi ako nagmistulang tangang naghihintay sa wala?

Sa inaakala kong magkakaroon kami ng pag-asa o pagkakasunduan ay nag-aral ako ng batas para lang may mapag-usapan kami, ngunit nasira lang ang tiwala ko’t kumyansa nang sabihin niya kulang ako sa kaalaman at hindi ako eksperto.

Ang buong puso kong pagpaplano ng mga surprises tuwing birthday niya, pero ang sukli nun ay sabihin niyang masyado siyang pagod para mag-celerate. Mula sa unang araw hanggang ngayon, ako lang ang desperadong nagpapanatili at nagpapahala sa pagsasama naming dalawa.

Nakakalungkot lang dahil sa bawat alaala ay isinisigaw ang katotohanang– Kailan man ay hindi niya ako nagawang mahalin. Tiningnan ko ang nurse at tahimik na nagsabi, "Kung ngayon pa nga lang ay hindi ko na siya ma-contact. Ano pang silbi para ipaalam ko pa ito sa kanya?” Bumuntong-hininga ito at malungkot ang titig sa akin habang puno ng pakikisimpatya.

"Subukan mo na lang tumawag ng isang kaibigan,” mungkahi nito.

Tinatawagan ko si Stella, ang nag-iisa kong kaibigan at maasahan. Hindi nagtagal ang dumatin din ito sa wakas.

Kinaumagahan na nalaman ni Maxwell nalaman ang tungkol sa akin kaya nagmamadaling pinuntahan ako nito. Nang dumating at makita niya ang kalagayan ko, bakas sa mukha ang pag-aalala at kalituhan nito sa akin.

"Kil, bakit hindi mo sinabi sa akin na naaksidente ka?"

Bubuka na sana ang bibig ko upang magpaliwanag nang maalala ko ang makaipang tawag ko sa kanya na hindi niya sinagot. Napalunok ako at ginawaran na lamang siya ng tipid na ngiti.

"Okay lang, busy ka at ayaw ko na makaabala pa sa iyo, simpleng injury lang naman ito, hindi ko ikamamatay,” walang ganang sabi ko sa kanya. Bumalatay ang pagkabahala o guilt sa mga mata niya at agad siyang nagpaliwanag.

"Noong isang araw, nagkataon lang na nagkita kami ni Sabrina, Kil. Mali ang iniisip mo."

"Ah, kumusta pala ng divorce niya? Final na ba?” Ito

ang unang pagkakataon na tinanong ko siya nang walang paligoy-ligoy tungkol doon. Bakas sa mukha niyang ang pagkagulat pero sumagot naman ito agad.

"Yes, She's finally divorce.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Regret : Chasing The One He Let Go   Chapter 4 - Letting go

    Nang marinig ni Sabrina halos magkatulad lang pala kami ng sitwasyon at pinagdaanan ay kita ko sa mga mata nito ang awa kaya hindi niya napigilan na aluin ako. “Dumaan rin ako sa ganyan. Pero, ayos lang. Kapag natapos na ‘t finally divorce ka na ay magiging maayos din ang lahat. Siguradong tutulungan ka ni Maxwell kagaya ko.” Hindi ko lang masabi sa kanya na tinulungan talaga ako ni Maxwell sa pinakamahirap na bahagi. Ang lihim na magpapairma ko sa rito. “Nasabi niya nga sa akin na siyang ang humawak ng kaso mo. Congratulations nga pala.” bati ko sa kanya. “Kapag may dedekasyon talaga ang isang tao sa kanyang ginagawa ay nagtatagumpay.” “Yes, you're right. Malaki talaga ang naitulong ni Max sa akin lalo na sa pag-ipon ng mga evidence again my ex-husband. He never leaves me by my side and to make sure that I am safe. Kung hindi dumating si Max no’ng gabing iyon ay baka napatày na ako ng hayop na iyon! Handa na ako saksakin ng ex-husband ko ng kutsilyo, nababaliw na siya!” mahabang p

  • The Billionaire's Regret : Chasing The One He Let Go   Chapter 3 - Denied

    Matamis akong ngumiti kahit sa loob ko ay tuluyan nang nasira. Pinigilan hijdi maiyak sa harap niya. Alam kong iyong lang ang hinihintay niya para tuluyan nang ipursige niya ulit si Sabrina. “Congratulations,” sabi ko. Kita ko ang kanyang pagkalito. Hindi niya maintindihan kung ako ang ibig kong sabihin. “What do you mean by that?” Ngumiti lang ako nang hindi nagsasalita. Double meaning kasi iyon. Congratulations, Maxwell Torrecampo. Ikaw naman ang susunod na magiging-divorced.Biglang nag-ring na naman ang cellphone niya. Nagmamadali siyang sinilip ang screen bago lumabas ng hallway para sagutin. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik siya. Bahagyang nakaawang ang pinto kaya narinig niya kaming nag-uusap ni Stella.“Oo, hinihintay ko lang matapos ang waiting period. Fifteen days. aang araw at malaya na ako.” “Waiting period? Sinong magdidivorce?” Salamat na lang at naroon si Stella nang sandaling iyon itinuro ko siya kay Maxwell ikinalma ko ang sarili. “Si Stella. Siya ang magki

  • The Billionaire's Regret : Chasing The One He Let Go   Chapter 2 - Accident

    Sumapit ang hating gabi pero hirap pa rin akong makatulog kahit ramdam ko naman na akong antok. Inis na isinubsob ko ang mukha ko sa unan dahil may kung anong mabilis na tumatakbo sa aking isipan. Nang naradamdam ko na lakang ang matigas na braso ang pumulupot sa beywang ko. Mahigpit iyon at ramdam ko ang init ng hininga niya sa leeg ko. Namilog ang mga mata ko nang maramdaman ko ang paglapit niya para halikan ako.Bago pa dumampi ang labi niya sa akin, itinukod ko ang dalawa kong kamay sa kanyang dibdib at lumayo. Agad na natigilan siya, dahil sa apat na taon naming pagsasama bilang mag-asawa, ako ang palaging unang nagi-initiate at palagi pang wala ito sa mood. Ngayong mukhang siya ang may gana ngayon ay wala nang dahilan pa na pagnigyan ko pa siya dahil maghihiwalay na rin naman kami sa lalong madaling panahon at ayaw kong magkaroon pa ng kumplikasyom sa hinaharap. Ikinagulat niya ang pagtangi ko. "Why, you're not in the mood?” mahinang sabi na tila pa nang-aakit. Ngunit hi

  • The Billionaire's Regret : Chasing The One He Let Go   Chapter 1 - Filed a divorce

    In four years of our marriage. AkaIa ko ay matutunan din akong mahalin ng asawa ko– But I was wrong. And now, I made a dissision what's the best for me, ngayon ay pililiin ko na ang sarili ko that's why I decided to end it. Gusto ko nang makipaghiwalay sa asawa ko. Kay Maxwell Torrecampo–nang hindi niya alam.“I want to file a divorce.” Sa aking harapan ay matiim na nakatitig sa akin habang nakikinig nang mabuti ang lawyer kong si Atty. Luke Del Rosario. Siya ang napili kong humawak at magprocess ng divorce ko. “Okay, Mrs. Torrecampo para maituloy natin ang gusto mong pakikipag-divorce sa asawa mo, kailangan ay pareho kayong pumirma sa mga papel. After that, there’s a thirty days of waiting period. But where is he? Bakit wala rito ang asawa mo?”“He’s busy, pero sisiguraduhin kong pipirma siya. Ako na ang bahala roon,” sagot ko. “Alrigt. I'll do the draft for the divorce agreement. Wait me here, Mrs. Torrecampo.” Tinalikuran na ako nito at hindi naman nagtagal ang paghihintay ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status