Share

Chapter 3 - Denied

Author: Black_ink
last update publish date: 2026-05-13 20:36:41

Matamis akong ngumiti kahit sa loob ko ay tuluyan nang nasira. Pinigilan hijdi maiyak sa harap niya. Alam kong iyong lang ang hinihintay niya para tuluyan nang ipursige niya ulit si Sabrina.

“Congratulations,” sabi ko. Kita ko ang kanyang pagkalito. Hindi niya maintindihan kung ako ang ibig kong sabihin.

“What do you mean by that?”

Ngumiti lang ako nang hindi nagsasalita. Double meaning kasi iyon. Congratulations, Maxwell Torrecampo. Ikaw naman ang susunod na magiging-divorced.

Biglang nag-ring na naman ang cellphone niya. Nagmamadali siyang sinilip ang screen bago lumabas ng hallway para sagutin. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik siya.

Bahagyang nakaawang ang pinto kaya narinig niya kaming nag-uusap ni Stella.

“Oo, hinihintay ko lang matapos ang waiting period. Fifteen days. aang araw at malaya na ako.”

“Waiting period? Sinong magdidivorce?” Salamat na lang at naroon si Stella nang sandaling iyon itinuro ko siya kay Maxwell ikinalma ko ang sarili.

“Si Stella. Siya ang magkikipag-divorce.”

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Stella sa aming dalawa at mabilis na tumango.

“Oo, makikipag-divorce na ako sa walang kuwenta kong asawa,” turan niya.

Ngayon lang sila nagkakilalang dalawa. Hindi kailanman nag-aksaya ng panahon si Maxwell para kilalanin ako, kaya halos hindi niya rin kilala ang mga kaibigan ko.

Kumunot ang noo nito nang marinig iyon. “Bakit hindi ka sa lumapit akin para matulungan kita?” mungkahi nama ni Maxwell rito.

“Abala ka sa kaso ni Sabrina. Kaya ayaw ko nang istorbohin ka,” ako na ang sumagot.

Sa sandaling binanggit ko ang pangalan ni Sabrina naging mailap ang mga mata niya at tumigil nang magtatanong.

“Gano’n ba? Kung may kailangan man kayo, kahit na ano sa susunod, please… lapitan niyo lang ako.”

Bagama’t nagawa ko ibahin ang usapan ay hindi pa rin ako kuntento. Alam kong hindi siya basta-basta naniniwala. Subalit

sa sandaling isingit ko na ang pangalan ni Sabrina ay nawawala siya sa fucos.

Sabi nga nila, nakakabulag ang pag-ibig. Doon ko pa lang sa wakas naintindihan ang ibig sabihin nun. Pinanononod ko siyang mabilis na nagta-type sa kanyang cellphone at pansin ko ang pagiging balisa niya. Nagbilang anv sa isip hanggang sampo. At sa ika-sampo ay tumayo siya upang magpaalam.

“Kil, kailangan ko na munang umalis. Stella, ikaw na muna ang bahala sa kanya,” bilin niya sa kaibigan ko bago ibaling ang tingin sa akin. “Susundin kita sa paglabas mo.”

Alam kong si Sabrina na naman ang dahilan, pero, wala na akong pakialam. “Sige, within five days.”

Pero sumapit na ang araw ng discharge ko. Hinintau ko siya simula umaga hanggang umabot ng hating-gabi. Walang Maxwell na sumipot.

Nakita ko ang post ni Sabrina habang nasa tabing-dagat ay alam ko na. Magkasama sila!

Sinubukan ko pa rin siyang tawagan at ilang sigundo niya pa bago sagutin. “Hello, Kil? Nasa business trip ako ngayon, bakit?”

Sapul– Nakalimutan nga niya! Dimig na singi ko pa ang tunog ng humahampas na mga alon sa dalampasigan. Sinungaling!

Si Sabrina na lang palagi ang priority niya. Laging pangalawa lang ako, hinding-hindi kailan man naging mahalaga para sa kanya.

Pero ayos lang! Matatapos na rin naman ang pagtitiis na sobrang pagpapaka-tanga ko. Nagkunwari na lamang akong walang alam at mahinahon ko siyang tinanong. “Saan ba iyan? Gaano ka katagal diyan?”

“Tatlong araw akong naka-leave, bukas na ang balik ko,” sagot niya. Hindi ko na pinahaba pa ang usapan, sinabi ko lang na mag-ingat niya at ibinaba na ang tawag.

Nag-book na lang ako ng sasakyan at naghintay sa tabing kalsada. Binuksan ko ang phone calendar binilang na natitirang araw bago ako tuluyang lumaya.

Sampung araw na lang, kaunting tiis na lang, magiging akin na ulit ang mundo ko. Mabubuhay ako sa sarili kong mga desisyon.

Wala na akong pakialam kung walang sumundo sa akin sa ospital, kung mayro’n man–

Ano pa ba halaga sa totoo lang?

Nang makauwi, gusto kong nang pabilisin ang paglilipat ng gamit ko, pero dahil hindi pa lubos na magaling ang binti ko ay hirap akong kumilos. Dahil dito, nagpasya na lang akong kumuha na lang ako ng mga movers. Ang lahat ay nakasalansan na sa buong sala. Nag-e-empake at naglalabas na ang mga movers ng mga gamit at nakabukas nang malawak ang pinto sa harap.

Nang dumating si Maxwell at nakita ito, lamapit ito sa akin, itinanong kung anong nangyayari. Pinaghandaan ko na ito, kaya maayos akong sumagot, “Handa na ang bahay. Mas malapit sa law firm at mas convenient. Naisip ko nang lumipat.”

Naalala nito ang property agreement na pinirmahan ko sa kanya at tinanguan na lamang ako. Pagkatapos niyang mahhubad ng saaptos, naupo siya sofa at kaswal na nakikipag-usap habang pinagmamasdan ang buong bahay.

“Mahilig ka sa mga halaman. Gusto mo banv magpagawa tayo ng mas malaling garden sa bagi nating lilipatan?

Nanahimik ako sandali at tinitigan siya sa mata.

“Hindi na, hindi na ako mag-aalaga pa ng mga halaman. Sinulyapan ni Maxwell ang mga sariwang lily sa mesa na inaalagaan ko. Marahil iniisip na hindi ako nagsasabi ng totoo.

Susubukan niya pa akong kumbinsihin tungkol sa pagkahilig ko sa halaman nang bigla niyang mapansin na puros gamitan niya lang ang nasa mga kahon. “Bakit gamit ko lang ang inililipat nila? Nasa’n pala ang mga gamit mo?”

“Mas nauna ko na itong ipinalipat.” Buong akala niya na ang mga gamit ko ay nasa bagong bahay na. Hindi na niya alam na totoong mga gamit niya lang kasama niya ang titira sa bahay na iyon. Tumayo siya at nakipag-usap sa mga movers at nagbigay ng instructions kung ako pa ang mga dapat gawin.

Tahimik ko siyang pinagmamasdan, nilunik ang gusto ko pa sanang sabihin sa kanya. Nang maayos na ang lahat, tinulungan niya akong bumaba at saktong paglabas na paglabas namin ng elevator ay nakasalubong namin si Sabrina at ang kanyang kapatid nitong si Eliot.

Natigilan at natahimik kaming apat at nagpakiramdaman, hanggang si Maxwell naman ay tila hindi na naman mapakali. Parang gusto ko siyang pagtawanan, ano ba ang ikinakatakot niya?

“B-bakit kayo nandito?” nai-usal niya sa dalawa. Tinaasan siya ng kilay ni Eliot.

“Gusto ni Sabrina ang makita ka, eh, hindi ko naman alam kaya hiningi ko sa parents mo ang address– Surprise!”

Samantalang ang mga mata naman ni Sabrina ay nakapako sa akin. Dalawang beses pa lang kaming nagkita. Babae siya at alam kong matalas ang kutob niya, dahil doon ay naging mausisa siya. Nungiti ito ang nagtanongckay Maxwell.

“Max, sino siya?”

Sandaling natahimik si Maxwell, tila nag-iisip pa muna kung paano ako ipakikilala sa dalawa.

Ako na akong kusang nagpakilala sa kanilanv dalawa at inilahad ang isa kong kamay.

“Hi, I'm Killian Delavin. Batchmates kami ni Atty. Torrecampo no’ng college. Sa kanya ako nagpapatulong sa pakikipag-divorce kaya pumunta ako rito para humingi ng payo. Hindi ko naman alam na lilipat pala siya ngayong araw. Wrong timing nga eh,” mahabang saad ko. Nahuli kong nakatitig sa akin si Maxwell at hindi ko mapangalanan kung anong emosyon ang nakikita sa mga mata niya. Ang mga nasabi kong iyon ay nagpabalik kay Maxwell sa wisyo.

Sumakay na lamang siya sa paliwanag ko at ipinakilala niya ako sa dalaeantmahkapatid.

Mukhang natural lang lahat, ngunit bakas pa rin sa mukha ni Sabrina na hindi pa ito tuluyang kumbinsido.

Nang abala na sina Maxwell at Eliot sa mga kahon ay lumapit siya sa akin at nagsimulang makipag-usap. “Killian, bakit ka nakikipag-divorce?”

Nginitian ko siya at bago sinagot. “He's inlove with someone else.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Regret : Chasing The One He Let Go   Chapter 4 - Letting go

    Nang marinig ni Sabrina halos magkatulad lang pala kami ng sitwasyon at pinagdaanan ay kita ko sa mga mata nito ang awa kaya hindi niya napigilan na aluin ako. “Dumaan rin ako sa ganyan. Pero, ayos lang. Kapag natapos na ‘t finally divorce ka na ay magiging maayos din ang lahat. Siguradong tutulungan ka ni Maxwell kagaya ko.” Hindi ko lang masabi sa kanya na tinulungan talaga ako ni Maxwell sa pinakamahirap na bahagi. Ang lihim na magpapairma ko sa rito. “Nasabi niya nga sa akin na siyang ang humawak ng kaso mo. Congratulations nga pala.” bati ko sa kanya. “Kapag may dedekasyon talaga ang isang tao sa kanyang ginagawa ay nagtatagumpay.” “Yes, you're right. Malaki talaga ang naitulong ni Max sa akin lalo na sa pag-ipon ng mga evidence again my ex-husband. He never leaves me by my side and to make sure that I am safe. Kung hindi dumating si Max no’ng gabing iyon ay baka napatày na ako ng hayop na iyon! Handa na ako saksakin ng ex-husband ko ng kutsilyo, nababaliw na siya!” mahabang p

  • The Billionaire's Regret : Chasing The One He Let Go   Chapter 3 - Denied

    Matamis akong ngumiti kahit sa loob ko ay tuluyan nang nasira. Pinigilan hijdi maiyak sa harap niya. Alam kong iyong lang ang hinihintay niya para tuluyan nang ipursige niya ulit si Sabrina. “Congratulations,” sabi ko. Kita ko ang kanyang pagkalito. Hindi niya maintindihan kung ako ang ibig kong sabihin. “What do you mean by that?” Ngumiti lang ako nang hindi nagsasalita. Double meaning kasi iyon. Congratulations, Maxwell Torrecampo. Ikaw naman ang susunod na magiging-divorced.Biglang nag-ring na naman ang cellphone niya. Nagmamadali siyang sinilip ang screen bago lumabas ng hallway para sagutin. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik siya. Bahagyang nakaawang ang pinto kaya narinig niya kaming nag-uusap ni Stella.“Oo, hinihintay ko lang matapos ang waiting period. Fifteen days. aang araw at malaya na ako.” “Waiting period? Sinong magdidivorce?” Salamat na lang at naroon si Stella nang sandaling iyon itinuro ko siya kay Maxwell ikinalma ko ang sarili. “Si Stella. Siya ang magki

  • The Billionaire's Regret : Chasing The One He Let Go   Chapter 2 - Accident

    Sumapit ang hating gabi pero hirap pa rin akong makatulog kahit ramdam ko naman na akong antok. Inis na isinubsob ko ang mukha ko sa unan dahil may kung anong mabilis na tumatakbo sa aking isipan. Nang naradamdam ko na lakang ang matigas na braso ang pumulupot sa beywang ko. Mahigpit iyon at ramdam ko ang init ng hininga niya sa leeg ko. Namilog ang mga mata ko nang maramdaman ko ang paglapit niya para halikan ako.Bago pa dumampi ang labi niya sa akin, itinukod ko ang dalawa kong kamay sa kanyang dibdib at lumayo. Agad na natigilan siya, dahil sa apat na taon naming pagsasama bilang mag-asawa, ako ang palaging unang nagi-initiate at palagi pang wala ito sa mood. Ngayong mukhang siya ang may gana ngayon ay wala nang dahilan pa na pagnigyan ko pa siya dahil maghihiwalay na rin naman kami sa lalong madaling panahon at ayaw kong magkaroon pa ng kumplikasyom sa hinaharap. Ikinagulat niya ang pagtangi ko. "Why, you're not in the mood?” mahinang sabi na tila pa nang-aakit. Ngunit hi

  • The Billionaire's Regret : Chasing The One He Let Go   Chapter 1 - Filed a divorce

    In four years of our marriage. AkaIa ko ay matutunan din akong mahalin ng asawa ko– But I was wrong. And now, I made a dissision what's the best for me, ngayon ay pililiin ko na ang sarili ko that's why I decided to end it. Gusto ko nang makipaghiwalay sa asawa ko. Kay Maxwell Torrecampo–nang hindi niya alam.“I want to file a divorce.” Sa aking harapan ay matiim na nakatitig sa akin habang nakikinig nang mabuti ang lawyer kong si Atty. Luke Del Rosario. Siya ang napili kong humawak at magprocess ng divorce ko. “Okay, Mrs. Torrecampo para maituloy natin ang gusto mong pakikipag-divorce sa asawa mo, kailangan ay pareho kayong pumirma sa mga papel. After that, there’s a thirty days of waiting period. But where is he? Bakit wala rito ang asawa mo?”“He’s busy, pero sisiguraduhin kong pipirma siya. Ako na ang bahala roon,” sagot ko. “Alrigt. I'll do the draft for the divorce agreement. Wait me here, Mrs. Torrecampo.” Tinalikuran na ako nito at hindi naman nagtagal ang paghihintay ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status