Share

Chapter 2

Author: Zerorizz
last update publish date: 2026-08-28 09:29:34

Alia’s POV

Hindi alam ni Alia kung ilang taon na ang lumipas mula nang mawala ang kambal niya. May mga pagkakataong pakiramdam niya ay kahapon lang nila huling pinagtawanan ang mga pangarap nilang dalawa. Ngunit sa bawat paggising niya, ang katotohanan ang sumasalubong sa kanya—wala na ito.

"It's been years since you left us," mahina niyang bulong habang nakatitig sa lumang larawan nilang dalawa.

Habang tuluyan na sanang nagpapahinga ang kanyang isip, isang nakakasilaw na liwanag ang biglang bumalot sa loob ng kanilang maliit na bahay. Napadilat siya at napakunot-noo. Hindi iyon pangkaraniwang liwanag. Dahan-dahan siyang napabangon, pilit na inaaninag ang pinagmumulan nito. Ngunit habang lalo itong tumitindi, lalo ring nababalot ng takot at pagkalito ang kanyang dibdib dahil wala siyang maaninag kundi ang nakakasilaw na puting sinag.

"Sino ka?" nanginginig niyang tanong.

Kasabay ng kanyang pagtapak sa malamig na sahig ay ang marahang pagbukas ng pintuan. Isang matangkad na lalaki ang pumasok, suot ang isang perpektong itim na bespoke suit. Ang bawat detalye ng kanyang kasuotan ay sumasalamin sa yaman at kapangyarihan. Matalas ang kanyang panga, at ang malamig nitong mga mata ay walang kahit anong emosyon. Mabagal ngunit tiyak ang bawat hakbang nito, na tila sanay utusan ang buong mundo.

"There you are, Alia." nang marinig niya ang boses nito, tila huminto ang tibok ng puso niya. Hindi siya nagkakamali.

Lucas Santiago.

Ang pangalang ilang beses niyang narinig sa balita. Ang lalaking sinasabing kayang baguhin ang kapalaran ng kahit sino sa isang desisyon lamang. Hindi niya maintindihan kung bakit siya naroon. Mas lalo niyang hindi maintindihan kung bakit siya nasa harapan nito.

Tahimik siyang pinagmasdan nito. Pakiramdam niya ay wala itong pinalalampas kahit isang detalye sa mukha niya. Pagkatapos ay tumalikod ito at lumakad patungo sa malaking bintana.

"Your sister was my wife, right?" biglang bumigat ang kanyang pakiramdam

Iba ang pakiramdam na marinig mismo mula rito ang mga salitang iyon. Walang bakas ng lungkot sa boses nito. Wala ring pagsisisi. Para bang isa lamang itong karaniwang katotohanan na matagal na nitong tinanggap. Para sa lalaking ito, tila walang puwang ang emosyon sa bawat salitang binibitawan nito. Napalunok siya. Hindi niya alam kung paano sasagot.

"Anong kailangan mo sa akin?" halos pabulong niyang tanong.

Unti-unti itong humarap. Bawat hakbang nito palapit sa kanya ay lalong nagpapabigat sa hangin sa paligid. Hindi ito nananakot. Ngunit ang presensya nito mismo ang sapat upang maramdaman niyang wala siyang laban. Huminto ito sa harap niya.

"Take her place. I'll give you everything you've never had—wealth, power, money, and a future." parang biglang tumigil ang mundo niya.

Hindi niya alam kung tama ba ang narinig niya o niloloko lamang siya ng kanyang isip. Nanatili siyang nakatitig kay Lucas, pilit inuunawa ang bawat salitang lumabas sa bibig nito. Ngunit habang lumilipas ang bawat segundo, unti-unti niyang napagtanto na hindi iyon biro—iyon ang alok na seryosong inilatag ng pinakamakapangyarihang lalaking nasa kanyang harapan.

"What...?" Halos hindi lumabas ang boses niya.

Hindi siya makapaniwala sa alok nito. Ang pumalit sa sarili niyang kambal bilang asawa ng lalaking nasa harapan niya ay isang bagay na kailanman ay hindi sumagi sa isip niya. Pakiramdam niya ay unti-unting nawawala ang lakas sa kanyang mga tuhod.

Ngunit kasabay ng pagtutol ng konsensya niya ay ang sunod-sunod na alaala ng paghihirap ng kanilang pamilya. Ang bawat gabing iniisip niya kung saan siya kukuha ng pera kinabukasan. Tahimik lang siyang pinagmasdan ni Lucas. Parang alam na nito ang lahat ng iniisip niya.

"Just be my wife, and your future will be secure, Alia."

Bahagya lamang umangat ang sulok ng labi nito. Hindi iyon ngiti ng pagmamahal, kundi ngiti ng isang lalaking sanay makuha ang lahat ng gusto niya. Ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay parang isang utos na hindi maaaring tanggihan.

Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay unti-unti niyang isinusuko ang natitira niyang kalayaan kapalit ng kinabukasan ng kanyang pamilya.

"...I'll accept this."

Mabigat ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Para bang kasabay ng pagsang-ayon niyang iyon ay tuluyan niyang isinara ang p***o ng dati niyang buhay. Alam niyang wala nang babalikan matapos ang desisyong iyon. Hindi man lang ito nagulat.

Para bang bago pa siya nito dinala sa mansyon na iyon ay alam na nitong tatanggapin niya ang alok. Mariin niyang ikinuyom ang kanyang mga kamay, pilit nilulunok ang sakit at bigat ng desisyong kakagawa lamang niya.

"That's it. Everything you've ever wanted will be yours." Iyon lang ang sinabi nito bago tuluyang tumalikod at lumabas ng silid.

Naiwan siyang mag-isa sa gitna ng maliit na silid. Tahimik. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata habang pinipigilan ang sariling manghina. Hindi niya alam kung nailigtas ba niya ang kanyang pamilya... o tuluyan lamang niyang isinuko ang sarili sa isang lalaking kayang kontrolin ang kapalaran ng lahat ng nasa paligid nito. Ito naba ang mundo para sa kanya.

Para bang bago pa siya nito dinala sa mansyon na iyon ay alam na nitong tatanggapin niya ang alok. Mariin niyang ikinuyom ang kanyang mga kamay, pilit nilulunok ang sakit at bigat ng desisyong kakagawa lamang niya.

Hindi niya alam kung alin ang mas masakit. Ang malaman na ipinagpalit niya ang kanyang kalayaan, o ang tanggapin na wala siyang sapat na lakas upang tanggihan ang isang alok na kayang baguhin ang buhay ng kanyang pamilya.

Ilang segundo siyang nanatiling nakayuko.

Pakiramdam niya ay may mabigat na bagay na nakapatong sa kanyang dibdib. Gusto niyang isipin na tama ang ginawa niya. Na wala siyang ibang pagpipilian. Na ang lahat ng ito ay para sa kanyang ina at sa pamilyang umaasa sa kanya.

Ngunit kahit anong pilit niya, hindi niya kayang burahin ang katotohanang may kapalit ang lahat.

At ang kapalit ay siya..

"That's it. Everything you've ever wanted will be yours."

Iyon lang ang sinabi ni Lucas bago tuluyang tumalikod at lumabas ng silid.

Wala man lang itong pag-aalinlangan.

Wala ring panghihinayang.

Para bang isa lamang simpleng kasunduan ang katatapos nilang gawin. Para bang walang buhay na nabago sa likod ng mga salitang iyon. Para kay Lucas, tapos na ang usapan sa sandaling marinig niya ang pagsang-ayon ni Alia.

Ngunit para kay Alia, doon pa lamang nagsisimula ang lahat.

Naiwan siyang mag-isa sa gitna ng maliit na silid.

Tahimik.

Napakatahimik.

Maging ang tunog ng sarili niyang paghinga ay malinaw niyang naririnig. Unti-unti niyang ipinikit ang kanyang mga mata habang pinipigilan ang sariling manghina.

Sa likod ng kanyang nakapikit na mga mata ay muling lumitaw ang mukha ng kanyang ina.

Ang mahina nitong katawan.

Ang pilit na ngiti.

Ang mga panahong wala silang sapat na pagkain.

Ang mga gabing hindi siya makatulog dahil iniisip kung saan siya kukuha ng pera kinabukasan.

Lahat ng iyon ang dahilan kung bakit siya naroon.

Hindi dahil gusto niya.

Hindi dahil nais niyang maging asawa ni Lucas Santiago.

Kundi dahil desperado siyang makahanap ng paraan upang mailigtas ang mga taong mahalaga sa kanya.

Ngunit ngayon, habang nakatayo siya sa loob ng silid na hindi niya kilala, unti-unti niyang nararamdaman ang bigat ng katotohanang maaaring hindi na siya basta makakabalik sa dati niyang buhay.

Hindi niya alam kung ano ang mangyayari pagkatapos nito.

Hindi niya alam kung ano ang tunay na hinihingi ni Lucas sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Replacement Wife   Chapter 5

    Mabagal na dumilat si Alia nang maramdaman ang sinag ng umaga na tumatama sa kanyang mukha. Ilang segundo siyang nanatiling nakatitig sa mataas na kisame, pilit inaalala kung nasaan siya. Ngunit kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata ay ang pagbuhos ng mga alaala mula sa nagdaang gabi. "I'll accept this." Mariin siyang napapikit. Hindi pala iyon panaginip. Unti-unti siyang napabangon at napatingin sa paligid. Muli niyang nasilayan ang napakalawak na silid na tila isang hotel suite kaysa isang ordinaryong kwarto. Ang puting Italian marble na sahig ay kumikinang sa sinag ng araw, habang ang mamahaling kasangkapan ay tila maingat na inilagay sa bawat sulok. Tahimik siyang bumangon. Bawat hakbang niya ay mabagal, tila natatakot na baka biglang maglaho ang lahat kapag masyado siyang mabilis kumilos. Lumapit siya sa napakalawak na bintana. Mula roon ay tanaw ang buong siyudad. Napakataas. Napakalayo. Pakiramdam niya ay lalo lamang lumayo ang dating buhay niya. Napabuntong-hininga siya

  • The Billionaire's Replacement Wife   Chapter 4

    Kasabay ng pagkawala ni Lucas Santiago ay tila mas lalong bumigat ang hangin sa loob ng napakalawak na silid. Hindi niya namalayang nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay. Mariin niya iyong ikinuyom, ngunit hindi pa rin mapigilan ang bahagyang panginginig ng kanyang mga daliri."Take her place. I'll give you everything you've never had—wealth, power, money, and a future."Unti-unti siyang napaupo sa gilid ng kama. Pakiramdam niya ay nawalan ng lakas ang buo niyang katawan, na para bang isang iglap lang ay nawala ang lahat ng natitira niyang paninindigan."Just be my wife, and your future will be secure, Alia." bahagya lamang umangat ang sulok ng kanyang labi.Hindi niya inakalang darating ang araw na pipili siya sa pagitan ng kanyang konsensya at ng buhay ng kanyang pamilya. Ngunit nang ilatag ni Lucas Santiago ang alok, wala siyang nakita kundi ang mukha ng kanyang ina, ang lumang bahay na halos bumigay na sa paglipas ng panahon, at ang mga gabing paulit-ulit siyang nag-iisip kung

  • The Billionaire's Replacement Wife   Chapter 3

    Lucas’s POVTahimik ang gabi.Nakatayo si Lucas Santiago sa harap ng maliit na siyudad, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod na unti-unting nilalamon ng dilim. Walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha. Ang mga nangyari sa nakaraan ay matagal na niyang ibinaon. Makalipas ang ilang sandali, marahang bumukas ang pintuan ng silid. Pumasok ang isang dalagang matagal na niyang pinagmasdan mula sa malayo.Alia Montenor.Tahimik niyang minasdan ang reaksyon nito. Ang pagkalito sa mga mata, ang bahagyang panginginig ng katawan, at ang paraan ng paglinga nito sa bawat sulok ng silid. Eksakto ang lahat sa inaasahan niya. "There you are, Alia." mababa at kalmado ang kanyang boses.Nanatili siyang nakatingin sa dalaga habang unti-unti nitong nakikilala ang mukha niya. Walang gulat sa kanyang panig. Matagal na niyang alam na darating ang sandaling ito. Tahimik niya itong pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Hindi dahil may hinahanap siyang mali, kundi dahil kinukumpirma lamang niya ang isang bagay.

  • The Billionaire's Replacement Wife   Chapter 2

    Alia’s POV Hindi alam ni Alia kung ilang taon na ang lumipas mula nang mawala ang kambal niya. May mga pagkakataong pakiramdam niya ay kahapon lang nila huling pinagtawanan ang mga pangarap nilang dalawa. Ngunit sa bawat paggising niya, ang katotohanan ang sumasalubong sa kanya—wala na ito."It's been years since you left us," mahina niyang bulong habang nakatitig sa lumang larawan nilang dalawa.Habang tuluyan na sanang nagpapahinga ang kanyang isip, isang nakakasilaw na liwanag ang biglang bumalot sa loob ng kanilang maliit na bahay. Napadilat siya at napakunot-noo. Hindi iyon pangkaraniwang liwanag. Dahan-dahan siyang napabangon, pilit na inaaninag ang pinagmumulan nito. Ngunit habang lalo itong tumitindi, lalo ring nababalot ng takot at pagkalito ang kanyang dibdib dahil wala siyang maaninag kundi ang nakakasilaw na puting sinag."Sino ka?" nanginginig niyang tanong.Kasabay ng kanyang pagtapak sa malamig na sahig ay ang marahang pagbukas ng pintuan. Isang matangkad na lalaki ang

  • The Billionaire's Replacement Wife   Chapter 1

    Tahimik ang gabi sa maliit na baryong kinalakihan ni Alia Montenor. Mula nang mawala ang kanyang kambal, tila gumuho ang kanilang mundo. Baon sila sa utang, at bawat baryang kinikita niya ay bunga ng matinding paghihirap."It's been years since you left us," mahina niyang bulong habang nakatitig sa lumang larawan nilang dalawa.Sa gitna ng kanyang malalim na pag iisip, isang nakakasilaw na liwanag ang biglang tumama sa loob ng kanilang maliit na bahay. Napakunot-noo siya dahil hindi iyon pangkaraniwang liwanag. Mabagal siyang napabangon habang pilit na sinasala ng kanyang mga mata ang nakakasilaw na liwanag. Mabagal siyang napalingon sa pinagmumulan nito, ngunit habang tumitindi ang sinag ay lalo lamang siyang nahihirapang maaninag kung ano ang nasa harapan niya."Sino ka?" nanginginig niyang tanong habang nagmamadaling umalis sa kama.Kasabay ng kanyang pagtapak sa malamig na sahig ay ang marahang pagbukas ng pintuan. Isang matangkad na lalaki ang pumasok, suot ang isang perpektong i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status