LOGIN
Tahimik ang gabi sa maliit na baryong kinalakihan ni Alia Montenor. Mula nang mawala ang kanyang kambal, tila gumuho ang kanilang mundo. Baon sila sa utang, at bawat baryang kinikita niya ay bunga ng matinding paghihirap.
"It's been years since you left us," mahina niyang bulong habang nakatitig sa lumang larawan nilang dalawa. Sa gitna ng kanyang malalim na pag iisip, isang nakakasilaw na liwanag ang biglang tumama sa loob ng kanilang maliit na bahay. Napakunot-noo siya dahil hindi iyon pangkaraniwang liwanag. Mabagal siyang napabangon habang pilit na sinasala ng kanyang mga mata ang nakakasilaw na liwanag. Mabagal siyang napalingon sa pinagmumulan nito, ngunit habang tumitindi ang sinag ay lalo lamang siyang nahihirapang maaninag kung ano ang nasa harapan niya. "Sino ka?" nanginginig niyang tanong habang nagmamadaling umalis sa kama. Kasabay ng kanyang pagtapak sa malamig na sahig ay ang marahang pagbukas ng pintuan. Isang matangkad na lalaki ang pumasok, suot ang isang perpektong itim na bespoke suit. Ang bawat detalyeng suot niya ay sumisigaw ng kapangyarihan, matalas ang panga, at ang malamig niyang mga mata— walang kahit anong bakas ng emosyon. Hindi na niya kailangang magsalita upang maramdaman ang kapangyarihang dala ng kanyang presensya. Mabagal ngunit tiyak ang bawat hakbang niya, na tila sanay utusan ang buong mundo. "There you are, Alia." Mababa, kalmado, ngunit puno ng awtoridad ang boses nito. Napaatras si Alia. Nanlaki ang kanyang mga mata nang tuluyang maaninag ang mukhang nasa kanyang harapan. Lucas Santiago. Ang bilyonaryong may impluwensya na umaabot sa iba't ibang panig ng mundo. Hindi lamang pera ang hawak niya—kundi ang kapangyarihang baguhin ang kapalaran ng mga kumpanya, industriya, at mga taong humahadlang sa kanya. Tahimik siyang pinagmasdan ni Lucas mula ulo hanggang paa, tila may kinukumpirmang detalye sa kanyang mukha at katawan. Pagkatapos ay dahan-dahan itong tumalikod at lumakad patungo sa napakalawak na bintana na nakadungaw sa siyudad. "Your sister was my wife, right?" diretso ang tono ng boses nito. Walang lungkot, walang kahit anong bakas ng panghihinayang. Ang boses niya ay patag, walang kulay, at tila nagbabasa lamang ng isang ulat sa negosyo. Para sa kanya, ang pagkamatay ng sariling asawa ay isa lamang katotohanang tapos na—isang numerong nabura sa listahan, isang pahina ng kasaysayan na wala nang halaga . Nanigas si Alia. Pakiramdam niya ay lalong bumigat ang hangin sa loob ng silid kaya hindi siya makahinga. Unt-unting humarap si Lucas sa kanya at muling humakbang palapit. "Anong kailangan mo sakin?" halos gumaralgal ang boses niya, ngunit naroon ang determinasyong marinig ang totoong pakay nito. Unt-unting humarap si Lucas sa kanya at muling humakbang palapit. Hindi ito naninigaw, ngunit sapat ang malamig at mapanuring titig nito upang mawalan si Alia ng lakas ng loob. Para bang sa isang maling salita lang niya ay kaya nitong wasakin ang buong mundong pinanghahawakan niya. "A deal," kalmado ang boses ni Lucas, ngunit bawat salita ay may bigat ng isang utos. Wala itong bakas ng pag-aalinlangan, na para bang alam na nito ang magiging sagot ni Alia bago pa man nito ihain ang alok. Sa paraan ng pagtitig nito, tila hindi iyon isang kasunduan na maaaring tanggihan—kundi isang kapalarang matagal nang nakatakda. "Take her place. I'll give you everything you've never had—wealth, power, money, and a future." Tila isa lamang simpleng kasunduan sa negosyo ang kanyang alok. Walang emosyon ang kanyang mukha, wala ring pagsusumamo. Ngunit para sa isang taong tulad ni Lucas Santiago, ang isang alok ay hindi pakiusap—ito ay isang utos na bihirang may nangangahas na tanggihan. "What?" Halos pabulong na lamang ang lumabas sa bibig ni Alia sa matinding gulat. Alam ng puso at konsensya niya na mali ang hinihingi nito. Ngunit kasabay ng pagtutol ay unt-unting sumiksik sa kanyang isip ang mukha ng kanyang may-sakit na ina, ang mga nagpapatong-patong na bayarin, ang mga gabing natutulog silang salat sa pagkain, at ang kahirapang tila wala nang katapusan. "Just be my wife, and your future will be secure, Alia." Bahagyang umangat ang sulok ng labi ng lalaki. Hindi iyon ngiti ng pag-ibig. Kundi ngiti ng isang makapangyarihang tao na sigurado sa lahat. Nabalot ng nakabibinging katahimikan ang silid. Mariing ipinikit ni Alia ang kanyang mga mata. Alam niyang kapag tinanggap niya ang alok na ito, tuluyan na niyang ibebenta ang kanyang kaluluwa at wala nang babalikan. Ngunit kapag tumanggi siya, mananatili silang nakakulong sa putik ng kahirapan. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Tiningnan niya nang diretso ang bilyonaryo. "...I'll accept this." hindi na nagulat si Lucas sa sagot nito. Walang nagbago sa kanyang ekspresyon. Para bang bago pa man niya dalhin ang dalaga sa silid na iyon ay alam na niyang wala naman talaga itong ibang pagpipilian. Nanginginig ang mga labi ni Alia habang nakayuko, mariing ikinuyom ang kanyang mga kamay pilit nilalabanan ang bigat ng kasalanang pinasok niya. "That’s it. Everything you've ever wanted will be yours." malamig na saad ni Lucas. Huminto siya sa may pintuan, hindi na muling lumingon, at tuluyang lumabas ng silid. Naiwang nakatayo si Alia sa gitna ng karangyaan, tahimik na nakatitig sa saradong pintuan. Hindi niya alam, sa isang simpleng pagsang-ayon na iyon, tuluyan na siyang pumasok sa isang trapong matagal nang inihanda ng pinakamakapangyarihang lalaki sa mundong kailanman ay hindi niya inakalang magiging parte siya nito.Mabagal na dumilat si Alia nang maramdaman ang sinag ng umaga na tumatama sa kanyang mukha. Ilang segundo siyang nanatiling nakatitig sa mataas na kisame, pilit inaalala kung nasaan siya. Ngunit kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata ay ang pagbuhos ng mga alaala mula sa nagdaang gabi. "I'll accept this." Mariin siyang napapikit. Hindi pala iyon panaginip. Unti-unti siyang napabangon at napatingin sa paligid. Muli niyang nasilayan ang napakalawak na silid na tila isang hotel suite kaysa isang ordinaryong kwarto. Ang puting Italian marble na sahig ay kumikinang sa sinag ng araw, habang ang mamahaling kasangkapan ay tila maingat na inilagay sa bawat sulok. Tahimik siyang bumangon. Bawat hakbang niya ay mabagal, tila natatakot na baka biglang maglaho ang lahat kapag masyado siyang mabilis kumilos. Lumapit siya sa napakalawak na bintana. Mula roon ay tanaw ang buong siyudad. Napakataas. Napakalayo. Pakiramdam niya ay lalo lamang lumayo ang dating buhay niya. Napabuntong-hininga siya
Kasabay ng pagkawala ni Lucas Santiago ay tila mas lalong bumigat ang hangin sa loob ng napakalawak na silid. Hindi niya namalayang nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay. Mariin niya iyong ikinuyom, ngunit hindi pa rin mapigilan ang bahagyang panginginig ng kanyang mga daliri."Take her place. I'll give you everything you've never had—wealth, power, money, and a future."Unti-unti siyang napaupo sa gilid ng kama. Pakiramdam niya ay nawalan ng lakas ang buo niyang katawan, na para bang isang iglap lang ay nawala ang lahat ng natitira niyang paninindigan."Just be my wife, and your future will be secure, Alia." bahagya lamang umangat ang sulok ng kanyang labi.Hindi niya inakalang darating ang araw na pipili siya sa pagitan ng kanyang konsensya at ng buhay ng kanyang pamilya. Ngunit nang ilatag ni Lucas Santiago ang alok, wala siyang nakita kundi ang mukha ng kanyang ina, ang lumang bahay na halos bumigay na sa paglipas ng panahon, at ang mga gabing paulit-ulit siyang nag-iisip kung
Lucas’s POVTahimik ang gabi.Nakatayo si Lucas Santiago sa harap ng maliit na siyudad, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod na unti-unting nilalamon ng dilim. Walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha. Ang mga nangyari sa nakaraan ay matagal na niyang ibinaon. Makalipas ang ilang sandali, marahang bumukas ang pintuan ng silid. Pumasok ang isang dalagang matagal na niyang pinagmasdan mula sa malayo.Alia Montenor.Tahimik niyang minasdan ang reaksyon nito. Ang pagkalito sa mga mata, ang bahagyang panginginig ng katawan, at ang paraan ng paglinga nito sa bawat sulok ng silid. Eksakto ang lahat sa inaasahan niya. "There you are, Alia." mababa at kalmado ang kanyang boses.Nanatili siyang nakatingin sa dalaga habang unti-unti nitong nakikilala ang mukha niya. Walang gulat sa kanyang panig. Matagal na niyang alam na darating ang sandaling ito. Tahimik niya itong pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Hindi dahil may hinahanap siyang mali, kundi dahil kinukumpirma lamang niya ang isang bagay.
Alia’s POV Hindi alam ni Alia kung ilang taon na ang lumipas mula nang mawala ang kambal niya. May mga pagkakataong pakiramdam niya ay kahapon lang nila huling pinagtawanan ang mga pangarap nilang dalawa. Ngunit sa bawat paggising niya, ang katotohanan ang sumasalubong sa kanya—wala na ito."It's been years since you left us," mahina niyang bulong habang nakatitig sa lumang larawan nilang dalawa.Habang tuluyan na sanang nagpapahinga ang kanyang isip, isang nakakasilaw na liwanag ang biglang bumalot sa loob ng kanilang maliit na bahay. Napadilat siya at napakunot-noo. Hindi iyon pangkaraniwang liwanag. Dahan-dahan siyang napabangon, pilit na inaaninag ang pinagmumulan nito. Ngunit habang lalo itong tumitindi, lalo ring nababalot ng takot at pagkalito ang kanyang dibdib dahil wala siyang maaninag kundi ang nakakasilaw na puting sinag."Sino ka?" nanginginig niyang tanong.Kasabay ng kanyang pagtapak sa malamig na sahig ay ang marahang pagbukas ng pintuan. Isang matangkad na lalaki ang
Tahimik ang gabi sa maliit na baryong kinalakihan ni Alia Montenor. Mula nang mawala ang kanyang kambal, tila gumuho ang kanilang mundo. Baon sila sa utang, at bawat baryang kinikita niya ay bunga ng matinding paghihirap."It's been years since you left us," mahina niyang bulong habang nakatitig sa lumang larawan nilang dalawa.Sa gitna ng kanyang malalim na pag iisip, isang nakakasilaw na liwanag ang biglang tumama sa loob ng kanilang maliit na bahay. Napakunot-noo siya dahil hindi iyon pangkaraniwang liwanag. Mabagal siyang napabangon habang pilit na sinasala ng kanyang mga mata ang nakakasilaw na liwanag. Mabagal siyang napalingon sa pinagmumulan nito, ngunit habang tumitindi ang sinag ay lalo lamang siyang nahihirapang maaninag kung ano ang nasa harapan niya."Sino ka?" nanginginig niyang tanong habang nagmamadaling umalis sa kama.Kasabay ng kanyang pagtapak sa malamig na sahig ay ang marahang pagbukas ng pintuan. Isang matangkad na lalaki ang pumasok, suot ang isang perpektong i







