LOGINIsang mapait at sarkastikong tawa ang. pinakawalan ni Radleigh Ross, tila hindi makapaniwala sa narinig.
"Hindi ba't sabi mo, ako lang ang tanging lalaking ginalaw mo? Mukhang mabilis magbago ang kwento mo pagdating sa ibang lalaki." "Ang tao, may nakaraan naman talaga," pilyong sagot ni Astherielle, bagamat ramdam niya ang biglang paglamig ng hangin. Habang lalong nagiging kumplikado at mapanganib ang sitwasyon, mabilis na itinaas ni Ysmael ang kanyang dalawang kamay. "Hoy, Radleigh, malinis ang konsensya ko. Walang anuman sa amin!" Hindi pinansin ni Astherielle ang reaksyon ng doktor. Sa halip, bumulong siya sa mahinang boses, "Kaibigan mo?" Umiwas si Radleigh Ross, bago marahas na itinulak ang mukha ng dalaga paitabi gamit ang isang daliri. "Lumayo ka sa akin. Huwag mo akong maamoy-amoy." Hindi man lang nainsulto si Astherielle. Sa halip, kinindatan pa niya ito nang nakaloloko. "Kung nalaman ko lang nang maaga na magkaibigan pala kayo, eh di sana ikaw na lang ang niligawan ko noon." Hindi siya tinapunan ng tingin ni Radleigh Ross. Mabilis namang sumingit si Ysmael. "Sige na, simulan na natin ang pagsusuri." Doon lang nalaman ni Astherielle na ang marangyang ospital na ito ay pagmamay-ari pala ng pamilya ni Ysmael. Kaya naman pala rito siya dinala ni Radleigh Ross—mula sa simula, wala itong tiwala sa kaniya, at lalong walang tiwala sa ibang doktor. Nang ilabas ng nars ang karayom, mabilis niyang itinaas ang kanyang manggas pati na rin ni Radleigh. Ang balat ng lalaki ay maputi, ngunit ang nakakuha ng pansin ni Astherielle ay ang mga lumang pilat sa braso nito. Tila mga marka ito ng latigo na nag-iwan ng mapuputing bakas sa balat. Isang makapangyarihan at mayamang tagabagmana... paano ito nagkaroon ng ganoong klaseng mga sugat? "Aray." Nang bumaon ang karayom, napasinghap si Astherielle sa sakit at mabilis na lumingon sa ibang direksyon. Napatingin sa kaniya si Radleigh Ross, at isang tipid na ngiti ng pang-aasar ang sumilay sa kanyang mga labi. Ang babaeng walang takot sa kamatayan kung umasta... takot pala sa karayom. Umupo si Radleigh Ross sa isang mahabang upuan sa koridor habang hinihintay ang resulta at muling ipinikit ang mga mata. Ngunit hindi nagtagal, biglang tumunog ang cellphone ni Astherielle. Ang kanyang ama ang tumatawag. "Astherielle, anak... hindi mabuting tao si Radleigh Ross. Ang problema sa pera ng kompanya natin, gagawan ni Papa ng paraan. Huwag kang magpapakababa sa kaniya..." Sumullyap ang dalaga sa lalaking natutulog sa upuan, bago lumayo nang bahagya. "Papa, maayos ako rito. Huwag kayong mag-alala, uuwi ako kapag tapos na ang usapan namin." Eksakto isang oras ng lumabas si Ysmael mula sa laboratoryo, may hawak na papel, at may seryosong mukha. "Radleigh... magiging ama ka na. Positive ang DNA match." Mabilis na tumayo si Radleigh Ross, at sa isang iglap ay hinablot ang report. "Ano?" Humakbang si Astherielle lapit sa kaniya. "Ngayon, naniniwala ka na bang hindi ako nagsisinungaling?" Walang emosyon ang mukha ni Radleigh Ross, ngunit ang papel na hawak ng kanyang mahahabang daliri ay bahagyang nangangatog sa galit.Inisip ni Astherielle na marahil ay natutuwa ito, kaya naman hinawakan niya ang kamay nito. "Umalis na tayo. Habang hindi pa nagsasara ang City Hall." Marahas na binawi ni Radleigh Ross ang kanyang kamay at tinitigan ang dalaga nang may poot. "Ano ang sa tingin mo ang ginagawa mo?" "Magpapakasal na tayo, malamang. O gusto mo bang ipanganak ang bata na walang ama?" "Sino ang nagsabi sa 'yong hahayaan ko siyang mabuhay?" Napatigas sa kanyang kinatatapakan si Astherielle. Ang huling sinabi nito ay tila isang malamig na saksak sa kanyang dibdib. "Dahil buntis ka, at nandito na rin naman tayo sa ospital... ipalaglag mo 'yan," malamig at walang-pusong utos ni Radleigh Ross. Ysmael, ihanda mo ang operating room." "Nababaliw ka na ba?!", Radleigh Ross, sarili mong dugo at laman 'to! At may lakas ka ng loob na ipapatay ang sarili mong anak?!" Ang boses ni Astherielle ay bumasag sa katahimikan ng koridor. "Anak?" Isang nakatutunaw na tawa ang pinakawalan ni Radleigh, humakbang siya palapit kay Astherielle, ang mukha ay puno ng pang-aapi. "Isang aksidente lang ang nangyari sa cruise ship. Huwag mong tawaging anak ang isang bagay na binuo sa lason at pagkakamali." Tinitigan siya ni Astherielle, nanginginig ang buong katawan sa galit, ngunit pinilit niyang huwag pumatak ang luha. Isang malamig at mapait na tawa ang kumawala sa kanyang mga labi. "Sige. Mas mabuti nga 'yon. Dahil ang isang demonyong katulad mo na kayang pumatay ng sarili niyang dugo at laman... kapag ipinanganak ang batang ito, magiging isang halimaw lang din na katulad mo!" "Astherielle!" Amba ni Ysmael sa takot sa pwedeng gawin ni Radleigh. Gaya ng inaasahan, ang mukha ni Radleigh Ross ay naging kasing-dilim ng gabi. Ang kanyang mga panga ay nagtagis. Ngunit hindi na nag-aksaya ng panahon si Astherielle. Itinaas niya ang kanyang kamay at inilahad ang palad sa harap nito. "Kung gusto mong ipabura ang batang 'to, ibigay mo sa akin ang Isang Bilyong Piso." "Astherielle! Nababaliw ka na ba?!" Singit ni Ysmael. "Isang bilyon para sa aborsyon?!" "Bakit hindi?" Matapang na hinarap ni Astherielle si Ysmael bago ibinalik ang tingin sa nagngangalit na si Radleigh. "Ang isang embryo na nagtataglay ng perpektong gene ng nag-iisang Radleigh Ross... hindi ba ito nagkakahalaga ng isang bilyon? Kung ayaw niyang buhayin ang tagapagmana niya, pagbayaran niya ang buhay nito!" Tinitigan siya ni Radleigh Ross, at isang mapanganib na ngisi ang sumilay sa kanyang mukha. "Sa wakas, lumabas din ang tunay na kulay ng isang mukhang-perang tulad mo. Tinanggal mo na ang maskara mo.Gusto mong gamitin ang isang bilyon na 'yan para isalba ang naghihingalong kompanya ng pamilya mo?" pagpapatuloy ng lalaki. "Napakabilis talaga makasagap ng balita ng ating Boss," hindi naitanggi ni Astherielle ang katotohanan. "Pagkatapos mabaon sa utang ng pamilya mo, saktong doon mo ako hinarangan. Ginamit mo ang katawan mo, pumasok ka sa silid ko, at ngayon ay ginagawa mong sangla ang bata. Astherielle, napakadumi ng laro mo." "Mas madumi ang mundo kung hahayaan kong bumagsak ang pamilya ko!" Sigaw ni Astherielle, ang mga mata ay nag-aapoy. "Pwedeng hindi mo ako pakasalan, dahil sa totoo lang, hindi ko rin pangarap maging asawa ng isang lalaking walang puso! Pero kung gusto mong mawala ang batang 'to, ibigay mo sa akin ang isang bilyon kapalit ng pirma ko sa waiver!" "Paano kung pakasalan kita?" Biglang tanong ni Radleigh, ang boses ay naging mapanganib ang lalim. "Eh di maghanda ka ng isang bilyong piso bilang dowry. Pera pa rin ang dulo nito, Boss Radleigh." "Masyado kang kampante," bulong ni Radleigh, unti-unting humahakbang palapit sa kaniya. "Akala mo ba ay hawak mo ako sa leeg dahil lang sa batang 'yan?" "Kampante ako dahil alam ko ang kahinaan mo," buong giting na hinarap siya ng dalaga. Inilabas niya ang kanyang cellphone. "Isang tawag ko lang sa Matandang Master ng pamilya Del Fierro, makararating sa kaniya ang balitang may apo na siya. Sa oras na mangyari 'yon, pakasalan mo man ako o hindi, itatakwil ka niya kapag nalaman niyang ipinalalaglag mo ang bata. At doon, mas malaki pa sa isang bilyon ang mawawala sa 'yo." Nabahala si Ysmael. "Astherielle, huwag mong galitin ang leon..." "Hindi ko siya ginalit, Ysmael. Ipinapakita ko lang sa kaniya kung sino ang kausap niya," matigas na sabi ng dalaga. Biglang humakbang si Radleigh Ross nang napakabilis.Bago pa man makaurong si Astherielle, marahas siyang itinalbóg ng lalaki sa pader. Thud. Nakulong siya sa pagitan ng semento at ng matikas na katawan ni Radleigh. Ang malalaking kamay ng lalaki ay nakatukod sa magkabilang gilid ng kanyang ulo, halos magkaabot ang kanilang mga labi sa sobrang lapit. "Ang lakas ng loob mong bantaan ako gamit ang matandang 'yon," usok ang hininga ni Radleigh, ang mga mata ay tila gustong lapain ang dalaga. "Gusto mong maglaro ng apoy, Astherielle? Sa tingin mo ba ay may takot ako sa kaniya... o sa 'yo?" "Hindi ka natatakot, pero may pakialam ka sa posisyon mo sa pamilya niyo," pilit na pinanatili ni Astherielle ang tapang. Dahan-dahang ibinaba ni Radleigh Ross ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay halos sumayad sa tainga ng dalaga. "Kung gusto mong isalba ang pamilya mo... matuto kang lumuhod. Ipakita mo sa akin kung paano magmakaawa ang isang Astherielle." Para sa kompanya ng kanyang ama... ang lumuhod o magmakaawa ay maliit na bagay. Dahan-dahang iniangat ni Astherielle ang kanyang kamay. Ang kanyang mga daliri, nangangatog man, ay dahan-dahang humawak at kumapit sa dulo ng puting polo ni Radleigh Ross. "Pakiusap... Radleigh... Tulungan mo ang Papa ko." Tinitigan siya ni Radleigh mula sa itaas, ang kanyang mga mata ay nanatiling malamig at walang-puso, ngunit may isang segundong napatitig siya sa mapupulang labi ng dalaga. "Mali ang ginawa mo, Astherielle..." pabulong ngunit mariing sabi ng lalaki. "Hindi mo dapat ginamit ang anak ko para itali at bantaan ako. Dahil ngayon... sisiguraduhin kong magiging impiyerno ang buhay mo sa oras na maging asawa kita." "Alam ko namang galit ka kapag binabantaan ka, Boss Radleigh... pero anong magagawa ko?" Iniangat ni Astherielle ang kanyang mukha. Ang maamo at mapang-akit niyang mukha ay biglang napuno ng labis na lungkot at kawalan ng pag-asa. "Baon sa utang ang pamilya ko, tapos ayaw mo pa sa batang 'to. Bilang isang ina, paano ko matitiis na ipapatay ang sarili kong dugo at laman?" Ibinaba niya ang kanyang tingin, at ang kanyang mahahabang pilikmata ay tila nabahiran ng luha. Ang linyang iyon ay nagdulot ng matinding inis at kilabot kay Radleigh Ross. Ipinikit ng lalaki ang kanyang mga mata, at ang mga ugat sa kanyang leeg ay muling umbok sa galit. "Tumigil kana, Huwag ka nang umarte." Natigilan si Astherielle. "Sa tingin mo ba umaarte lang ako?" Malamig siyang tinitigan ni Radleigh Ross, ang tingin ay puno ng pang-uuyam. "Hindi ko kailanman binabago ang desisyon ko para sa kahit na sino. Aba, matigas talaga ang bungo ng lalaking 'to, sa loob-loob ni Astherielle. Tinanggal ni Astherielle ang luha-luhang drama sa kanyang mga mata at pinalitan ito ng isang mapang-akit na ngiti. "Kung ganoon, anong klaseng paraan ba ang gusto mo para lumambot 'yang puso mo, Boss Radleigh?" Muli siyang lumapit kay Radleigh Ross. Ang kanyang mga braso ay dahan-dahang ipinulupot sa leeg ng lalaki, at ang kanyang malambot na baywang ay mariing idinikit sa matigas at matikas na katawan nito. "Ganito ba?" Nanatiling nakatayo si Radleigh Ross, hinahayaan lang ang dalaga na maglambing at sumandal sa kaniya. Ang mukha niya na nasisikatan ng araw ay nanatiling blangko, at ang kanyang mga mata ay madilim at nakatatakot. Tila wala siyang maramdamang init o pagnanasa. Kahit anong gawin ng dalaga, mukhang hindi siya natitinag. Ngunit nang isandal ni Astherielle ang kanyang mukha sa balikat ni Radleigh, aksidente niyang napansin ang ugat sa gilid ng leeg nito—mabilis at malakas ang tibok nito, tila ba nagwawala sa excitement. Biglang nabuhay ang pagiging pilyo ni Astherielle. Inilapit niya ang kanyang labi sa tainga ng lalaki at bumulong nang napakahina "Mukhang iba ang sinasabi ng katawan mo, Boss. Nagkakagusto ka na ba sa akin?" Biglang lumamig ang mga mata ni Radleigh Ross. Marahas niyang hinila ang dalaga palayo at hinawakan nang mahigpit ang magkabilang pulso nito. "Puro ka lang ba kapit at dumi?" "Masama lang kasi ang pwesto natin dito," sumandal pa rin si Astherielle sa kaniya, hayagang tinutukso ang lalaki. "May mas matindi pa akong alam na galaw... gusto mo bang subukan, Boss?" "Igapos niyo siya sa operating table!" galit na utos ni Radleigh. "Wow, sa operating table mo ba gustong maglaro?" banat pa rin ni Astherielle. "Kunin niyo ang pampatulog!" "Hoy! Teka, mag-usap tayo nang maayos—" Hindi pa natatapos ni Astherielle ang kanyang sasabihin nang marahas siyang itulak ni Radleigh Ross pabalik. Sa isang iglap, hinawakan siya ni Andrei mula sa likod. Doon lang narealize ni Astherielle na seryoso si Radleigh Ross. Ang mapang-akit na ngiti sa kanyang mukha ay agad na napawi at napalitan ng lamig. "Talagang ipapalaglag mo ang bata?" "Sa tingin mo ba nakikipagbiruan ako sa 'yo?" "Kung ganoon, bakit mo ako hinayaang..." "Gusto ko lang makita kung hanggang saan aabot ang galing mo sa pambubudol at pag-akit ng lalaki." Iniangat ni Radleigh Ross ang kanyang kamay, dahan-dahang inayos ang kanyang kuwelyo na nayari dahil sa pagkapit ng dalaga. Tiningnan niya si Astherielle mula ulo hanggang paa, at isang nakatutunaw na ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi. "Ngunit hanggang doon lang pala ang kaya mo. Walang kwenta." "Radleigh Ross, napakawalang-hiya mo!" sigaw ni Astherielle. "Bitawan niyo ako!" Nakatayo si Radleigh Ross tatlong hakbang ang layo sa kaniya, tila ba nanonood lang ng isang bagay na walang kwenta. "Turukan niyo ng anesthesia. Patigilin niyo ang bibig niyan." Lumapit ang nars hawak ang karayom. Nanatili lang doon si Radleigh Ross, malamig na sinalubong ang kanyang tingin. Walang awang bakas sa mukha nito. Walang pag-aalinangan. Wala kahit ano. Papalapit na nang papalapit ang karayom sa kanyang braso... nang biglang tumunog ang cellphone ni Radleigh Ross. Ang Matandang Master ng pamilya Del Fierro ang tumatawag. Itinaas ni Radleigh Ross ang kanyang kamay bilang senyas na huminto sila. Lumakad siya sa may bintana para sagutin ang tawag. Alam niya Astherielle na kapag hindi siya nakaisip ng paraan ngayon, tuluyan nang mawawala ang bata. Kailangan niyang makatakas. "Aray... Ang sakit ng tiyan ko!" Biglang napaluhod si Astherielle habang hawak ang kanyang tiyan, sakto sa pagtapos ng tawag ni Radleigh Ross. Lumapit ang lalaki sa kaniya, at marahas na hinawakan ang kanyang baba para iangat ang kanyang mukha. "Ano ba! Nasasaktan ako!" reklamo ni Astherielle habang nakabusangot. Isinandal siya ni Radleigh Ross sa pader, at ang matatalim nitong mga mata ay agad na nakita ang kanyang pagpapanggap. "Gusto mong isalba ang bata?" Nagtatakang napatingin sa kaniya si Astherielle. "Kung gusto mong mabuhay 'yang nasa tiyan mo, sumunod ka sa akin. May pupuntahan tayo."Tinitigan ng lahat ang singsing na bumagsak mismong sa paanan ng matanda.Yumuko ang lolo ni Radleigh, tiningnan ang singsing, at itinapat ang kaniyang paa upang tapakan ito.Bumaba si Radleigh mula sa entablado at dahan-dahang lumuhod sa tabi ng matanda."Lolo, pakiusap, iusod mo ang paa mo. Natatapakan mo ang singsing ko."Tila huminto ang paghinga ng lahat ng bisita. Sino ba ang hindi nakakaalam na hindi magkasundo si Radleigh at ang kaniyang lolo? Ngunit para lamang sa isang rings na ayaw man lang isuot ng babae sa kaniyang kamay, handa siyang lumuhod at magmakaawa nang ganito sa matanda.Nang makita ng lolo ang kaniyang napakababang katayuan, lubos itong nasiyahan."Oh... pasensya na, medyo malabo na kasi ang mata ko."Kuwari'y iniusod niya ang kaniyang paa nang may halong panlilinglang.Nakalaylay ang mga mata ni Radleigh, walang anumang ekspresyon habang pinupulot ang rings, pinunasan iyon sa kaniyang hita, at dahan-dahang bumalik sa entablado.Inabot niya ang kamay ni Astherie
Naging tahimik ang buong bulwagan ng kasal sa loob ng isang sandali, at ang lahat ng mga bisita ay may pagtatakang napatingin sa babaeng biglang gumawa ng eksena at pumasok sa gitna ng altar.Ang... ang dalaga ng pamilya?Inalis ni Yana ang kaniyang baseball cap, na naglantad sa kaniyang napakaputla at pagod na mukha.Direkta siyang tumingin kay Radleigh, at ang kaniyang mga labi ay gumuhit ng isang nakakapang-insultong ngiti."Kuya, nagpakasal ka ngayong araw pero hindi mo man lang ako sinabihan. Hindi mo na ba ako itinuturing na kapatid?"Kumunot ang noo ni Radleigh at napatingin kay Andrei. Naramdaman ni Andrei ang matinding lamig sa kaniyang likod, kaya mabilis siyang lumingon at sa mababang boses ay pinagalitan ang kaniyang mga tauhan."Sino ang nagpalabas sa kaniya?"May ibinulong ang tauhan sa kaniyang tainga. Biglang nagbago ang mukha ni Andrei, at may pag-aalinlangan siyang tumingin kay Radleigh.Ngunit ang paningin ni Radleigh ay lumampas na sa kaniya at dumating sa kinaroro
Mabilis na inutusan ni Andrei ang kaniyang mga tauhan na iahon si Yana mula sa malamig at madilim na balon. Pagkaahon, bumagsak si Yana sa malamig na semento—basang-basa ang buong katawan, nanginginig, at kulay-ube ang mga labi dahil sa kawalan ng hangin. Para siyang isang manikang tinanggalan ng kaluluwa at buhay.Yumuko si Radleigh, walang bakas ng awa sa kaniyang mga mata. Isa-isa niyang pinulot ang mga nagkalat na butil ng kaniyang rosaryo at matiyagang ibinalik ito sa pisi. Pagkatapos, tumalikod siya upang tuluyan nang lisanin ang lugar. Habang naglalakad siya sa pasilyo, hindi man lang siya huminto o nag-atubili, ngunit sa gilid ng kaniyang paningin ay napansin niya ang kaniyang lolo. Nakatayo ang matanda sa isang madilim na sulok, nakabalot sa isang makapal na coat, at matagal na nakatitig sa kaniya.Basag ang katahimikan nang magsalita ang matanda."Kapatid mo pa rin siya, Radleigh."Hindi lumingon si Radleigh. Ang kaniyang boses ay kasing lamig ng yelo."Kaya nga humihinga pa
Nasa gitna ng isang mahalagang pulong si Radleigh nang makatanggap siya ng tawag sa cellphone. Mismong si Andrei ang nakakita kung paano nagdilim at lumubog ang mukha nito, bago ito mabilis na tumayo at umalis ng conference room.Si Radleigh ay kilala sa pagiging maingat, may disiplina sa sarili, at palaging pinapanatili ang kaniyang disenteng imahe sa harap ng iba. Ang tanging dahilan na makakapagpaalis sa kaniya nang ganoon kamabilis, ayon sa hula ni Andrei, ay may kaugnayan kay Astherielle.At hindi nga siya nagkamali—may masamang nangyari.Ang pinakamaagang flight ay sa hapon pa, kaya agad na nag-ayos si Andrei ng isang pribadong eroplano para sa kaniya.Sa pinakamabilis na oras, lumapag ang eroplano sa kabisera, at isang nakalaang sasakyan ang mabilis na naghatid sa kaniya sa Renmin Hospital.Ligtas na sa panganib si Astherielle, ngunit patuloy pa rin itong hindi nagkakamalay.Nakatayo si Radleigh sa tabi ng kama ng ospital habang napakadilim ng kaniyang mukha, habang ang doktor
Mula noong lumipat si Astherielle, nagkaroon ng napakalaking pagbabago sa tahanan ni Radleigh na kitang-kita ng mga mata.Sa tabi ng pinto, nadagdagan ng dalawang pares ng sapatos ng babae. Sa kulay-abo na sofa, may ilang maliliit na dilaw na Minion pillows—bagama't napaka-out of place ng kulay nito, gabi-gabi ay nakakapiling niya ang mga ito habang nanonood ng pelikula sa sofa.Sa ibabaw ng coffee table ay nakatambak ang mga libro tungkol sa pag-aalaga ng sanggol at mga magazine sa fashion, pati na rin ang mga paborito niyang prutas at meryenda.Sa balkonahe naman, nag-alaga siya ng ilang makukulay na halaman na hindi man lang niya alam ang pangalan, ngunit dahil maganda sa kaniyang paningin, hinukay niya ang mga ito mula sa halamanan sa ibaba ng gusali.Ang kusina na dati'y parang palamuti lamang ay nag-iba na rin ang hitsura.Puno na ang refrigerator ng mga paborito niyang sangkap sa pagluluto. Ang mga cabinet ay napuno rin ng mga napakagagandang pinggan at mangkok na kaniyang napi
Mukhang nakakita ng multo ang mukha ni Yana sa matinding gulat."Bakit ka nandito?!"Naglakad si Astherielle at umupo, habang nakatitig sa kaliwang pisngi ni Yana na nag-umpisa nang mawala ang pamamaga, at tumawa nang mahina."Pumunta ako rito para matulog.""Matulog?!"Biglang sumabog sa galit si Yana."Lugar ito ng pagtatrabaho! Hindi mo ba nakikitang nagtatrabaho ang kapatid ko? Pumunta ka rito para matulog?! Wala ka bang ibang lugar na matutulugan?!"Natawa na lang si Astherielle sa kaniyang isip. Silid ito ng opisina ni Radleigh, at malaya siyang matulog kung kailan niya gusto. Hindi naman ito opisina ng pamilya ni Yana, kaya bakit ba napakalawak ng pakikialam nito?"Hindi ako makatulog nang maayos sa bahay, kaya tinawagan ko ang kapatid mo."Nang-aasar na ngumiti si Astherielle at nagpatuloy."Sinabi niya sa akin na pumunta ako rito sa opisina niya para matulog."Ilang araw nang inaatake ng insomia si Astherielle. Kagabi sa gitna ng gabi, dahil sa kabagut-bagot na pakiramdam, na

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





