LOGIN“We’re just getting what we need, Astherielle. Huwag mo akong kukulitin unless it’s absolutely necessary. It’s that simple.” Iyan ang malamig na deklarasyon ni Radleigh Ross noong araw na pirmahan nila ang kanilang kasunduan. Isang purong transaksyon lang ang lahat—isang kasal sa papel para iligtas ang pamilya ng dalaga mula sa pagkabangkarote, kapalit ng batang dinadala nito. Nilinaw ng bilyonaryo na walang espasyo ang emosyon sa pagitan nilang dalawa. Ngunit sadyang mapangahas at walang takot si Astherielle. Balewala sa kaniya ang mga banta ng lalaki, ginawa niyang misyon ang basagin ang tila yelong kontrol nito sa sarili. Hanggang sa isang gabi... Umuwi si Radleigh nang hatinggabi mula sa isang business dinner, ngunit sinalubong siya ng kabuuang kadiliman. Sa loob ng marangyang silid, mahimbing na natutulog si Astherielle—walang pakialam at tila hindi napansin ang kaniyang pagkawala. Sa unang pagkakataon, ang seryoso at mailap na bilyonaryo ay tuluyang nawalan ng pagtitimpi. Nilamon ng isang biglaang selos at mapanganib na pag-aari, marahas na hinila ni Radleigh ang kaniyang kurbata at idinikit ang katawan ng dalaga sa kaniyang dibdib. Bumaon ang malaki niyang kamay sa baywang nito, habang ang kaniyang madidilim na mata ay nag-aalab sa pagnanasa habang pinipilit si Astherielle na bigkasin ang pangalan niya nang paulit-ulit sa gitna ng gabi. Kapos sa hininga at namumula ang mga pisngi sa galit, pilit humiyaw ni Astherielle. “Radleigh, bitawan mo ako! Hindi ba't kasosyo lang tayo sa negosyo?!” Isang mapanganib na ngisi ang sumilay sa mga labi ng lalaki habang inilalapit ang mukha sa dalaga. “Business partners? Honey, that literally includes your body and your soul.” Akala niya, madali niya itong matatanggihan. Ngunit sa sandaling tumigil ang dalaga sa paghabol sa kaniya, doon niya napagtanto na tuluyan na siyang naging alipin ng babaeng isinumpa niyang kailanman ay hindi niya iibigin.
View More“Paano nagkaroon ng labing-anim na pandesal ang tiyan ng lalaking ’to? Ginawa ba siyang
hulmahan ng panaderya?” Sa gitna ng isang napakalaking kama na nababalot ng marangyang itim na tela, lula sa alak at tila nawawala sa sarili si Astherielle habang nakaupo sa ibabaw ng isang lalaki. Walang pasubali niyang hinila ang sinturon ng suot nitong bathrobe. Laking gulat niya nang bumadya sa kanyang paningin ang matitigas na abs ng lalaki—bawat umbok ay perpekto, matitigas, at tila mga butil ng mais na hinog sa ginto, nag-uumapaw sa purong tikas at kakisigan. “Isa, dalawa...” Huminto siya sa kalagitnaan ng pagbibilang “Ayoko na nga, nakakapagod magbilang. Mas masarap na titigan na lamang ang biyaya saakin ” Walang pasubali niyang hinila nang tuluyan ang itim na silk bathrobe nito. “Anak ng... bakit mas malaki pa ang hinaharap niya kaysa sa akin?!” Dala ng kalasingan nainggit at nainsulto siya, kaya isang malutong na sampal ang pinadapo ni Astherielle sa pisngi ng lalaki. Pak! Nagising ang lalaki dahil sa biglaang sakit na naramdaman nito. Idinilat niya ang kanyang madidilim at malamig na mga mata. “Ano sa tingin mo ginagawa mo?” Ngunit ang pilya ay walang kamalay-malay na ginigising na pala niya ang isang natutulog na demonyo. Diretso niyang ipinatong ang dalawa niyang kamay sa naglalakihang chest muscles ng lalaki at... pinisil-pisil pa ito na parang laruan.! Ang perpekto at mistulang nililok ng mga diyos na mukha nito ay nabalot ng isang madilim at hindi mapaniwalaang galit. “Alisin mo ang marurumi mong kamay, kung hindi, baka gusto mong putulin ko—” Pak! muling sinampal siya ni Astherielle. “Manahimik ka kung ayaw mong masaktan! Binayaran kita para sa gabing ’to, kaya ang tungkulin mo lang ay paligayahin ako. Naiintindihan mo?!” …… “Madam! Madam, gising! Gising po!” Marahas siyang niyakap at niyugyog ng kanilang mayordoma na si Aling Risa. “Aling Risa... alam mo ang batas sa mansyon ng mga Revamonte. Ang mang-abala sa magandang tulog ng prinsesa, may multa na limang libo. Kung ayaw mong mabawasan ang sweldo mo, palitan mo ng litrato ng isang hot na lalaking may abs.” Natulala si Aling Risa nang ilang sandali. “Madam! Anong oras na, lalaki pa rin ang nasa isip niyo?! Bagsak na ang negosyo natin! Dehadong-dehado na tayo!” Nanlaki ang mapupungay na mata ni Astherielle, tuluyang nabulabog. “Anong sabi mo? Naghihingalo na ang Papa ko?!” Bumulong si Aling Risa sa tainga ng dalaga, halos isigaw ang katotohanan. “Madam Elle! Nalugi ang pinakamalaking pamumuhunan ni Sir! Lahat ng yaman natin, nabaon sa utang!” Doon lang tuluyang nagbalik ang diwa ni Astherielle. “Nasaan si Papa?!” “Nasa rooftop! Bilisan niyo, puntahan niyo siya!” Hinawi ni Astherielle ang kumot at kumaripas ng takbo patungong rooftop. Sa rooftop, isang tila nawawalan ng pag-asang pigura ang nakatayo sa gilid ng sementadong pader, handa nang tumalon. “Pa, sandali!” Sigaw ni Astherielle pagkatulak ng p***o. Sa gulat ni Eduardo, muntik na siyang madulas. Nakita niya ang kanyang anak, mukhang isang natatarantang paru-paro na sumusugod sa gitna ng unos. “Elle, huwag kang lumapit!” Rumihestro ang kirot sa kanyang dibdib habang nakatitig sa amang unti-unting nilalamon ng kawalan. “Desidido na ako, anak. Sa dugo at buhay ko na lang mababayaran ang bawat sentimo ng atraso natin” humihikbing pahayag ni Eduardo, Tumingala ito sa langit, bago muling ibinalik ang nagmamakaawang paningin sa anak. “Sa mga susunod na araw, hindi na kayo mapoprotektahan ni Papa... Magpakatatag kayo ng iyong Ina, Elle. At pakiusap... huwag niyo akong kakalimutan...” Sa sobrang haba at bigat ng drama, hindi na napigilan ni Astherielle na sumabat. “Pa, sandali lang naman. Bago ka tumalon, gusto ko lang itanong... kumuha ka ba ng insurance?” Eduardo: “?” Lumingon si Astherielle at bumulong kay Aling Risa, “Magkano ang makukuha natin kapag naaksidente siya at namatay?” Namula at nangitim ang mukha ni Eduardo sa matinding kahihiyan at galit. “Buhay pa ako, pwede bang huwag mo akong pag-usapan na parang bangkay na binabayaran?!” Paalala ni Aling Risa, “Madam, magpapakamatay po si Sir. Walang makukuhang sentimo sa suicide.” “Ah? Sayang naman...” Hayagang rumihestro ang matinding panghihinayang sa mukha ni Astherielle. Akala ni Astherielle ay tuluyan na itong bibitiw kaya sumigaw siya. “Teka lang! Pa! Huwag ka munang tumalon!” Itinaas niya ang kanyang cellphone. “May pera ako! Kaya kong bayaran ang utang mo!” Binuksan niya ang kanyang e-wallet para tingnan ang balanse. ₱2.68. Ngumiti nang pilit si Astherielle halos lumubog ang mukha sa hiya. “Pasensya na, Pa. Kagabi kasi, medyo masama ang timpla ko kaya nag-arkila ako ng buong yate... naubos pala.” Nagdilim ang paningin ni Eduardo. Wala kang kwentang anak! Bumulong si Astherielle sa sarili, “Sino ba namang hindi mabubuwisit, kagabi ko lang nalaman na may dalawang guhit ……” Hindi iyon narinig ni Eduardo dahil nilamon ng ugong ng hangin. Huminga lang siya nang malalim, punong-puno ng pait, handa nang humakbang pababa. “Huwag muna, Pa! May alas pa ako!” Mula sa bulsa ng kanyang pantulog, naglabas si Astherielle ng isang pregnancy test kit at itinaas ito na parang isang tropeo. “Buntis ako sa anak ni Radleigh Ross! Pupuntahan ko siya ngayon, pipilitin ko siyang iligtas ang pamilyang Revamonte!” Agad na namutla ang mukha ni Eduardo. “Ano... anong sabi mo?” “Sabi ko, pupuntahan ko si Radleigh Ross.” “Hindi, ang naunang pangungusap.” “Buntis ako sa anak ni Radleigh Ross.” “Kanino... kaninong anak?!” “Kay—RAD—LEIGH—ROSS” Nakahawak sa kanyang dibdib, tuwid na natumba si Eduardo pabalik. Agad siyang sinalo ni Aling Risa at ng mga kasambahay, tinapik-tapik ang mukha nito. “Sir! Sir, gising!” Nang makita ang pagkakataon, tumalikod si Astherielle at kumaripas ng takbo. “Pa, huwag ka munang mamamatay! Hahanapin ko lang ang tatay ng apo mo para iligtas ka!” Sa sobrang galit at gulat, muling nagbalik ang lakas ni Eduardo. Manginginig niyang itinuro ang papalayong likod ng anak. “Pakiusap... pigilan niyo ang baliw na iyan!” “Hindi po kaya, Sir! Mas mabilis pa po siya sa baka kung tumakbo kapag pera ang usapan!” Kasabay ng paglaho ng anak ay ang pagbagsak ng kanyang katawan sa malamig na semento. Tapos na. Sira at gumuho na ang lahat. Ang kanyang nag-iisang anak na babae—ang prinsesang iningatan niya nang higit pa sa sarili niyang buhay, —ganoon na lamang kadaling winasak, nakuha, at nilapastangan ng iba? Si Radleigh Ross iyon. Ang pinakamalupit at walang awang pinuno na humawak sa pamilyang Del Fierro sa buong kasaysayan. Mukha siyang mala-anghel at tila isang banal na santo, ngunit sa kabaligtaran ng kanyang pagkatao, siya ay isang demonyong pumapatay nang walang kukurap-kurap na mata. Noong musmos pa lamang ito, napatunayan na kung anong klase siyang halimaw—walang awa niyang pinatahimik sa bingid ng kamatayan ang sarili niyang ama kasama ang kabit nito. Hindi doon nagtapos ang gabi ng lagim. Maliban sa sakitin at mahinang panganay na kapatid na si Hendrix Vance, isa-isang pinabagsak, niyanig, at tuluyang pinaglaho ni Radleigh Ross ang pito pa niyang nakatatandang kapatid. Isang malamig na lalaki na kayang pumatay ng sariling dugo at laman—paano ito maaawa at magpapakabayani para iligtas ang pamilyang Revamonte dahil lang sa isang hindi pa isinisilang na bata? Ipinikit ni Eduardo ang kanyang mga mata, yakap ang lubos na kawalang-pag-asa. Swerte na nga ng anak niya na hindi siya napapansin ni Radleigh Ross, tapos ngayon... nagmamadali pa siyang ihatid ang sarili niyang leeg sa taga-katay? ……. Tinapakan ni Astherielle ang gas ng kanyang sasakyan hanggang sa makarating siya sa nagtataasang gusali ng Del Fierro Corporation. Kasabay ng mabigat na katahimikan sa paligid, isang marangya at limitadong edisyon ng Rolls-Royce ang dahan-dahang gumagapang patungo sa pangunahing pasukan ng naglalakihang kumpanya. Nakaupo ang isang lalaking pinalilibutan ng kakaiba at nakakatakot na awra ng kapangyarihan.Pinapaikot niya ang isang string ng rosaryo sa kanyang mahahabang daliri habang nakapikit. “Manager Luke, alam mo ba ang kahihinatnan ng mga taong nagtatangkang lokohin ako?” Ang malamig na liwanag mula sa screen ng video conference ay tumama sa kanyang napakaguwapo at walang kapintasang mukha. Sa kabilang dako ng linya, nanginginig at tila mawawalan na ng hininga sa pag-iyak si Manager Luke habang nakaluhod. “President Radleigh, patawad po... Hindi ko po dapat pinalitan ang mga de-kalidad na kargamento... Nabulag po ako ng kasakiman. Pakiusap, bigyan niyo pa ako ng isang pagkakataon, maawa kayo sa akin.” Doon ay biglang itinigil ni Radleigh Ross ang pag-ikot ng rosaryo. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga matang tila nakatitig sa isang bangkay. “Kailanman ay hindi ako nag-iiwan ng pangalawang pagkakataon... maliban na lang kung may maunang mag-alay ng buhay sa harap ko ngayon din—” Hindi pa man tuluyang nabibitawan ang kanyang marahas na hatol... BOGSH! Kakarating pa lamang ng kotse sa tapat ng entrance nang bigla itong mag-preno nang napakarahas. Dahilan ng para mabitawan niya ang mga beads ng rosaryo. Matalim at may halong galit na nag-angat ng tingin si Radleigh Ross. “P-President Radleigh... patawad po... Hihinto na po sana ako nang maayos, pero may isang babaeng parang baliw na biglang sumulpot mula sa kung saan at humarang sa harap ng kotse natin...” Sa bahaging iyon, nananatiling nakatayo nang tuwid si Astherielle sa tapat ng bumper ng Rolls-Royce, Tiningnan niya diretso ang bintana ng sasakyan. “Humanda ka sa akin, Radleigh Ross. Pananagutan mo 'to”.Tinitigan ng lahat ang singsing na bumagsak mismong sa paanan ng matanda.Yumuko ang lolo ni Radleigh, tiningnan ang singsing, at itinapat ang kaniyang paa upang tapakan ito.Bumaba si Radleigh mula sa entablado at dahan-dahang lumuhod sa tabi ng matanda."Lolo, pakiusap, iusod mo ang paa mo. Natatapakan mo ang singsing ko."Tila huminto ang paghinga ng lahat ng bisita. Sino ba ang hindi nakakaalam na hindi magkasundo si Radleigh at ang kaniyang lolo? Ngunit para lamang sa isang rings na ayaw man lang isuot ng babae sa kaniyang kamay, handa siyang lumuhod at magmakaawa nang ganito sa matanda.Nang makita ng lolo ang kaniyang napakababang katayuan, lubos itong nasiyahan."Oh... pasensya na, medyo malabo na kasi ang mata ko."Kuwari'y iniusod niya ang kaniyang paa nang may halong panlilinglang.Nakalaylay ang mga mata ni Radleigh, walang anumang ekspresyon habang pinupulot ang rings, pinunasan iyon sa kaniyang hita, at dahan-dahang bumalik sa entablado.Inabot niya ang kamay ni Astherie
Naging tahimik ang buong bulwagan ng kasal sa loob ng isang sandali, at ang lahat ng mga bisita ay may pagtatakang napatingin sa babaeng biglang gumawa ng eksena at pumasok sa gitna ng altar.Ang... ang dalaga ng pamilya?Inalis ni Yana ang kaniyang baseball cap, na naglantad sa kaniyang napakaputla at pagod na mukha.Direkta siyang tumingin kay Radleigh, at ang kaniyang mga labi ay gumuhit ng isang nakakapang-insultong ngiti."Kuya, nagpakasal ka ngayong araw pero hindi mo man lang ako sinabihan. Hindi mo na ba ako itinuturing na kapatid?"Kumunot ang noo ni Radleigh at napatingin kay Andrei. Naramdaman ni Andrei ang matinding lamig sa kaniyang likod, kaya mabilis siyang lumingon at sa mababang boses ay pinagalitan ang kaniyang mga tauhan."Sino ang nagpalabas sa kaniya?"May ibinulong ang tauhan sa kaniyang tainga. Biglang nagbago ang mukha ni Andrei, at may pag-aalinlangan siyang tumingin kay Radleigh.Ngunit ang paningin ni Radleigh ay lumampas na sa kaniya at dumating sa kinaroro
Mabilis na inutusan ni Andrei ang kaniyang mga tauhan na iahon si Yana mula sa malamig at madilim na balon. Pagkaahon, bumagsak si Yana sa malamig na semento—basang-basa ang buong katawan, nanginginig, at kulay-ube ang mga labi dahil sa kawalan ng hangin. Para siyang isang manikang tinanggalan ng kaluluwa at buhay.Yumuko si Radleigh, walang bakas ng awa sa kaniyang mga mata. Isa-isa niyang pinulot ang mga nagkalat na butil ng kaniyang rosaryo at matiyagang ibinalik ito sa pisi. Pagkatapos, tumalikod siya upang tuluyan nang lisanin ang lugar. Habang naglalakad siya sa pasilyo, hindi man lang siya huminto o nag-atubili, ngunit sa gilid ng kaniyang paningin ay napansin niya ang kaniyang lolo. Nakatayo ang matanda sa isang madilim na sulok, nakabalot sa isang makapal na coat, at matagal na nakatitig sa kaniya.Basag ang katahimikan nang magsalita ang matanda."Kapatid mo pa rin siya, Radleigh."Hindi lumingon si Radleigh. Ang kaniyang boses ay kasing lamig ng yelo."Kaya nga humihinga pa
Nasa gitna ng isang mahalagang pulong si Radleigh nang makatanggap siya ng tawag sa cellphone. Mismong si Andrei ang nakakita kung paano nagdilim at lumubog ang mukha nito, bago ito mabilis na tumayo at umalis ng conference room.Si Radleigh ay kilala sa pagiging maingat, may disiplina sa sarili, at palaging pinapanatili ang kaniyang disenteng imahe sa harap ng iba. Ang tanging dahilan na makakapagpaalis sa kaniya nang ganoon kamabilis, ayon sa hula ni Andrei, ay may kaugnayan kay Astherielle.At hindi nga siya nagkamali—may masamang nangyari.Ang pinakamaagang flight ay sa hapon pa, kaya agad na nag-ayos si Andrei ng isang pribadong eroplano para sa kaniya.Sa pinakamabilis na oras, lumapag ang eroplano sa kabisera, at isang nakalaang sasakyan ang mabilis na naghatid sa kaniya sa Renmin Hospital.Ligtas na sa panganib si Astherielle, ngunit patuloy pa rin itong hindi nagkakamalay.Nakatayo si Radleigh sa tabi ng kama ng ospital habang napakadilim ng kaniyang mukha, habang ang doktor












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.