Share

The Billionaire's Restraint: Falling For His Business Wife
The Billionaire's Restraint: Falling For His Business Wife
Author: Vielia

Tukso

Author: Vielia
last update publish date: 2026-07-17 14:32:21

“Paano nagkaroon ng labing-anim na pandesal ang tiyan ng lalaking ’to? Ginawa ba siyang

hulmahan ng panaderya?”

Sa gitna ng isang napakalaking kama na nababalot ng marangyang itim na tela, lula sa alak at tila nawawala sa sarili si Astherielle habang nakaupo sa ibabaw ng isang lalaki.

Walang pasubali niyang hinila ang sinturon ng suot nitong bathrobe. Laking gulat niya nang

bumadya sa kanyang paningin ang matitigas na abs ng lalaki—bawat umbok ay perpekto,

matitigas, at tila mga butil ng mais na hinog sa ginto, nag-uumapaw sa purong tikas at

kakisigan.

“Isa, dalawa...” Huminto siya sa kalagitnaan ng pagbibilang “Ayoko na nga, nakakapagod

magbilang. Mas masarap na titigan na lamang ang biyaya saakin ”

Walang pasubali niyang hinila nang tuluyan ang itim na silk bathrobe nito.

“Anak ng... bakit mas malaki pa ang hinaharap niya kaysa sa akin?!”

Dala ng kalasingan nainggit at nainsulto siya, kaya isang malutong na sampal ang pinadapo

ni Astherielle sa pisngi ng lalaki.

Pak!

Nagising ang lalaki dahil sa biglaang sakit na naramdaman nito. Idinilat niya ang kanyang

madidilim at malamig na mga mata.

“Ano sa tingin mo ginagawa mo?”

Ngunit ang pilya ay walang kamalay-malay na ginigising na pala niya ang isang natutulog na

demonyo. Diretso niyang ipinatong ang dalawa niyang kamay sa naglalakihang chest

muscles ng lalaki at... pinisil-pisil pa ito na parang laruan.!

Ang perpekto at mistulang nililok ng mga diyos na mukha nito ay nabalot ng isang madilim at

hindi mapaniwalaang galit.

“Alisin mo ang marurumi mong kamay, kung hindi, baka gusto mong putulin ko—”

Pak! muling sinampal siya ni Astherielle.

“Manahimik ka kung ayaw mong masaktan! Binayaran kita para sa gabing ’to, kaya ang

tungkulin mo lang ay paligayahin ako. Naiintindihan mo?!”

……

“Madam! Madam, gising! Gising po!”

Marahas siyang niyakap at niyugyog ng kanilang mayordoma na si Aling Risa.

“Aling Risa... alam mo ang batas sa mansyon ng mga Revamonte. Ang mang-abala sa

magandang tulog ng prinsesa, may multa na limang libo. Kung ayaw mong mabawasan ang

sweldo mo, palitan mo ng litrato ng isang hot na lalaking may abs.”

Natulala si Aling Risa nang ilang sandali.

“Madam! Anong oras na, lalaki pa rin ang nasa isip niyo?! Bagsak na ang negosyo natin!

Dehadong-dehado na tayo!”

Nanlaki ang mapupungay na mata ni Astherielle, tuluyang nabulabog.

“Anong sabi mo? Naghihingalo na ang Papa ko?!”

Bumulong si Aling Risa sa tainga ng dalaga, halos isigaw ang katotohanan.

“Madam Elle! Nalugi ang pinakamalaking pamumuhunan ni Sir! Lahat ng yaman natin, nabaon sa utang!”

Doon lang tuluyang nagbalik ang diwa ni Astherielle.

“Nasaan si Papa?!”

“Nasa rooftop! Bilisan niyo, puntahan niyo siya!”

Hinawi ni Astherielle ang kumot at kumaripas ng takbo patungong rooftop.

Sa rooftop, isang tila nawawalan ng pag-asang pigura ang nakatayo sa gilid ng sementadong pader, handa nang tumalon.

“Pa, sandali!” Sigaw ni Astherielle pagkatulak ng p***o.

Sa gulat ni Eduardo, muntik na siyang madulas.

Nakita niya ang kanyang anak, mukhang isang natatarantang paru-paro na sumusugod sa

gitna ng unos.

“Elle, huwag kang lumapit!”

Rumihestro ang kirot sa kanyang dibdib habang nakatitig sa amang unti-unting nilalamon ng

kawalan.

“Desidido na ako, anak. Sa dugo at buhay ko na lang mababayaran ang bawat sentimo ng

atraso natin” humihikbing pahayag ni Eduardo,

Tumingala ito sa langit, bago muling ibinalik ang nagmamakaawang paningin sa anak.

“Sa mga susunod na araw, hindi na kayo mapoprotektahan ni Papa... Magpakatatag kayo ng iyong Ina, Elle. At pakiusap... huwag niyo akong kakalimutan...”

Sa sobrang haba at bigat ng drama, hindi na napigilan ni Astherielle na sumabat.

“Pa, sandali lang naman. Bago ka tumalon, gusto ko lang itanong... kumuha ka ba ng

insurance?”

Eduardo: “?”

Lumingon si Astherielle at bumulong kay Aling Risa, “Magkano ang makukuha natin kapag

naaksidente siya at namatay?”

Namula at nangitim ang mukha ni Eduardo sa matinding kahihiyan at galit.

“Buhay pa ako, pwede bang huwag mo akong pag-usapan na parang bangkay na

binabayaran?!”

Paalala ni Aling Risa, “Madam, magpapakamatay po si Sir. Walang makukuhang sentimo sa

suicide.”

“Ah? Sayang naman...” Hayagang rumihestro ang matinding panghihinayang sa mukha ni

Astherielle. Akala ni Astherielle ay tuluyan na itong bibitiw kaya sumigaw siya.

“Teka lang! Pa! Huwag ka munang tumalon!”

Itinaas niya ang kanyang cellphone.

“May pera ako! Kaya kong bayaran ang utang mo!”

Binuksan niya ang kanyang e-wallet para tingnan ang balanse.

₱2.68.

Ngumiti nang pilit si Astherielle halos lumubog ang mukha sa hiya.

“Pasensya na, Pa. Kagabi kasi, medyo masama ang timpla ko kaya nag-arkila ako ng buong yate... naubos pala.”

Nagdilim ang paningin ni Eduardo. Wala kang kwentang anak!

Bumulong si Astherielle sa sarili, “Sino ba namang hindi mabubuwisit, kagabi ko lang nalaman na may dalawang guhit ……”

Hindi iyon narinig ni Eduardo dahil nilamon ng ugong ng hangin. Huminga lang siya nang

malalim, punong-puno ng pait, handa nang humakbang pababa.

“Huwag muna, Pa! May alas pa ako!”

Mula sa bulsa ng kanyang pantulog, naglabas si Astherielle ng isang pregnancy test kit at itinaas ito na parang isang tropeo.

“Buntis ako sa anak ni Radleigh Ross! Pupuntahan ko siya ngayon, pipilitin ko siyang iligtas ang pamilyang Revamonte!”

Agad na namutla ang mukha ni Eduardo. “Ano... anong sabi mo?”

“Sabi ko, pupuntahan ko si Radleigh Ross.”

“Hindi, ang naunang pangungusap.”

“Buntis ako sa anak ni Radleigh Ross.”

“Kanino... kaninong anak?!”

“Kay—RAD—LEIGH—ROSS”

Nakahawak sa kanyang dibdib, tuwid na natumba si Eduardo pabalik.

Agad siyang sinalo ni Aling Risa at ng mga kasambahay, tinapik-tapik ang mukha nito.

“Sir! Sir, gising!”

Nang makita ang pagkakataon, tumalikod si Astherielle at kumaripas ng takbo.

“Pa, huwag ka munang mamamatay! Hahanapin ko lang ang tatay ng apo mo para iligtas

ka!”

Sa sobrang galit at gulat, muling nagbalik ang lakas ni Eduardo. Manginginig niyang itinuro ang papalayong likod ng anak. “Pakiusap... pigilan niyo ang baliw na iyan!”

“Hindi po kaya, Sir! Mas mabilis pa po siya sa baka kung tumakbo kapag pera ang usapan!”

Kasabay ng paglaho ng anak ay ang pagbagsak ng kanyang katawan sa malamig na semento.

Tapos na. Sira at gumuho na ang lahat.

Ang kanyang nag-iisang anak na babae—ang prinsesang iningatan niya nang higit pa sa sarili niyang buhay, —ganoon na lamang kadaling winasak, nakuha, at nilapastangan ng

iba?

Si Radleigh Ross iyon. Ang pinakamalupit at walang awang pinuno na humawak sa

pamilyang Del Fierro sa buong kasaysayan. Mukha siyang mala-anghel at tila isang banal

na santo, ngunit sa kabaligtaran ng kanyang pagkatao, siya ay isang demonyong

pumapatay nang walang kukurap-kurap na mata.

Noong musmos pa lamang ito, napatunayan na kung anong klase siyang halimaw—walang

awa niyang pinatahimik sa bingid ng kamatayan ang sarili niyang ama kasama ang kabit

nito.

Hindi doon nagtapos ang gabi ng lagim. Maliban sa sakitin at mahinang panganay na kapatid na si Hendrix Vance, isa-isang pinabagsak, niyanig, at tuluyang pinaglaho ni Radleigh Ross ang pito pa niyang nakatatandang kapatid.

Isang malamig na lalaki na kayang pumatay ng sariling dugo at laman—paano ito maaawa

at magpapakabayani para iligtas ang pamilyang Revamonte dahil lang sa isang hindi pa isinisilang na bata?

Ipinikit ni Eduardo ang kanyang mga mata, yakap ang lubos na kawalang-pag-asa. Swerte

na nga ng anak niya na hindi siya napapansin ni Radleigh Ross, tapos ngayon...

nagmamadali pa siyang ihatid ang sarili niyang leeg sa taga-katay?

…….

Tinapakan ni Astherielle ang gas ng kanyang sasakyan hanggang sa makarating siya sa

nagtataasang gusali ng Del Fierro Corporation.

Kasabay ng mabigat na katahimikan sa paligid, isang marangya at limitadong edisyon ng

Rolls-Royce ang dahan-dahang gumagapang patungo sa pangunahing pasukan ng

naglalakihang kumpanya.

Nakaupo ang isang lalaking pinalilibutan ng kakaiba at nakakatakot na awra ng kapangyarihan.Pinapaikot niya ang isang string ng rosaryo sa kanyang mahahabang daliri

habang nakapikit.

“Manager Luke, alam mo ba ang kahihinatnan ng mga taong nagtatangkang lokohin ako?”

Ang malamig na liwanag mula sa screen ng video conference ay tumama sa kanyang

napakaguwapo at walang kapintasang mukha.

Sa kabilang dako ng linya, nanginginig at tila mawawalan na ng hininga sa pag-iyak si

Manager Luke habang nakaluhod.

“President Radleigh, patawad po... Hindi ko po dapat pinalitan ang mga de-kalidad na

kargamento... Nabulag po ako ng kasakiman. Pakiusap, bigyan niyo pa ako ng isang

pagkakataon, maawa kayo sa akin.”

Doon ay biglang itinigil ni Radleigh Ross ang pag-ikot ng rosaryo. Dahan-dahan niyang

iminulat ang kanyang mga matang tila nakatitig sa isang bangkay.

“Kailanman ay hindi ako nag-iiwan ng pangalawang pagkakataon... maliban na lang kung may maunang mag-alay ng buhay sa harap ko ngayon din—”

Hindi pa man tuluyang nabibitawan ang kanyang marahas na hatol...

BOGSH!

Kakarating pa lamang ng kotse sa tapat ng entrance nang bigla itong mag-preno nang

napakarahas.

Dahilan ng para mabitawan niya ang mga beads ng rosaryo. Matalim at may halong galit na

nag-angat ng tingin si Radleigh Ross.

“P-President Radleigh... patawad po... Hihinto na po sana ako nang maayos, pero may

isang babaeng parang baliw na biglang sumulpot mula sa kung saan at humarang sa harap ng kotse natin...”

Sa bahaging iyon, nananatiling nakatayo nang tuwid si Astherielle sa tapat ng bumper ng

Rolls-Royce, Tiningnan niya diretso ang bintana ng sasakyan.

“Humanda ka sa akin, Radleigh Ross. Pananagutan mo 'to”.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Restraint: Falling For His Business Wife    Wedding Ring

    Ginising si Astherielle ng matinding sakit at pamamaga sa kaniyang buong katawan.Hindi pa man nawawala ang pagod sa kaniyang katawan, isa-isang bumabalik sa kaniyang isip ang mga eksena kung paano siya ginulo ni Radleigh kagabi hanggang madaling araw. Kusa siyang humawak sa kaniyang tabi...Malamig. Wala kahit konting init na naiwan sa kama.Biglang idinilat ni Astherielle ang kaniyang mga mata, inilibot ang tingin sa bakanteng kama, at instantly na sumabog ang kaniyang galit!"Radleigh, hayop ka!"Bigla siyang umupo, kinuha ang unan at marahas na ibinalibag iyon sa malayo.Kagabi kung makayakap at makahikbi siya ay parang mawawalan ng hininga, tapos pagdating ng umaga, isusuot lang ang pantalon at aalis nang walang man lang pahiwatig?!Galit na galit ang kaniyang dibdib habang mabilis niyang kinuha ang telepono at nanginginig ang mga daliring tinawagan ang lalaki.Dalawang ring lang ay sinagot na ito.Mula sa speaker, umalingawngaw ang dalawang salitang napakalamig, napakasimple, at

  • The Billionaire's Restraint: Falling For His Business Wife   Huling Beses

    Bago pa man tuluyang makalabas ang mga salita sa kaniyang bibig, yumuko si Radleigh at marahas na kinagat ang kaniyang collarbone.Napasinghap si Astherielle sa gulat at sakit. Mabilis niyang hinawakan ang basang itim na buhok ng lalaki, galit man ay tuluyan nang nanghina ang kaniyang buong katawan."Radleigh! Pwede ba, huwag kang umasal na parang ulol na aso?!"Bumulong ang lalaki sa kaniyang balat, mainit at nanginginig ang boses sa kaniyang leeg."Hindi ba't ito naman ang pinakagusto mo?""Hindi, 'no!" Mabilis na iniiwas ni Astherielle ang kaniyang mukha, pilit na nagmamatigas.Ngunit hindi siya binitawan ni Radleigh. Ang mga halik nito ay dahan-dahang gumapang mula sa kaniyang tainga pababa sa kaniyang leeg—puno ng nakatatakot at masidhing pagmamay-ari."Isa-isa mo akong pinalalabas sa katinuan, pilit mo akong ginagalit, at gumagawa ka ng napakaraming gulo... hindi ba para lang makitang nawawalan ako ng kontrol dahil sa 'yo?"Puno ng puting usok ang buong banyo. Ang malamig na sal

  • The Billionaire's Restraint: Falling For His Business Wife   Apoy

    Napatigil si Radleigh. Nakatukod ang kaniyang mga kamay sa katapat ng mukha ni Astherielle habang nanginginig ang kaniyang malalim na paghinga.Ibinaling ni Astherielle ang kaniyang mukha sa kabilang tabi, ayaw siyang tingnan.Inabot ni Radleigh ang kaniyang chin at pilit na iniharap ang kaniyang mukha para magtama ang kanilang mga mata.Mababaw at may halong gigil ang kaniyang boses."Nagtatanong ako kay Ysmael... pagkalipas ng tatlong buwan, pwede na.""Kung gano'n, bitawan mo na ako! Wala pa akong tatlong bu—"Hindi na natapos ni Astherielle ang kaniyang sasabihin nang mapansin niya ang kakaibang titig ni Radleigh. Ang kaniyang mga mata ay dahan-dahang bumaba at huminto sa kaniyang mga kamay."Sabi ko sa 'yo, ang mga kamay mong 'to... may ibang paggagamitan."Nang masundan ni Astherielle ang kaniyang tingin, mabilis na namula ang kaniyang buong mukha hanggang sa tainga."Radleigh, huwag mong subukan!""Bakit hindi? Noong isang araw, napakatapang mo, 'di ba?"Binitawan ni Radleigh a

  • The Billionaire's Restraint: Falling For His Business Wife   Dama

    Ang marahas at brutal na katok sa pinto ay malayong-malayo sa mahinahong gawi ng mga empleyado ng hotel.Napaarko ang labi ni Astherielle sa isang sarkastikong ngiti, habang may pait na pumasok sa kaniyang isip."Huwag mong sabihing ang walang-hiya kong asawa 'yan?"Kahit galit, may lihim pa rin siyang pag-asang sumilip sa kaniyang puso."Ako na ang titingin," ayaw ni Tristan na si Radleigh ang nasa labas. Naglakad siya at binuksan ang pinto."Huwag kang kikilos! Pulis 'to!"Ilang lalakeng naka-uniporme ang nakatayo sa labas. Ang nangunguna ay may hawak na ID."May nakatanggap kaming report na may nangyayaring hindi lehitimong transaksyon sa kuwartong ito!"Natigilan si Tristan."Ano'ng pinagsasabi mo?"Malamig ang boses ng pulis."Ilabas mo ang ID mo."Lilitong tumingin si Tristan sa likod. Lumapit si Astherielle habang may malamig na ngiti."Sino'ng nagsumbong?"Bahagyang sumulyap ang pulis sa gilid ng hallway.Nakuha agad ni Astherielle ang punto. Lumabas siya ng pinto at tumingin

  • The Billionaire's Restraint: Falling For His Business Wife   Check in

    Lihim na pinuri ni Astherielle si Tristan sa kaniyang isip dahil sa napakagaling nitong pagsakay sa kaniyang laro. Nagtaas siya ng kilay at pahiwatig na tinitigan si Radleigh, naghihintay na pumutok ang galit nito at aminin sa lahat ang kaniyang tunay na relasyon sa kaniya.Ngunit nanatiling matigas at madilim ang mukha ni Radleigh—hindi ito nagsalita nang kahit isang salita.May ilang mga bisita na nagsabing nakakainip ang nakatayo lang, kaya mas maganda raw na maglaro na lang sila.Lumipat ang grupo sa katabing lounge area kung saan nakapalibot ang malalambot na sofa. Umupo si Tristan sa tabi ni Astherielle, samantalang si Radleigh naman ay umupo sa kabilang tapat kasama si Amanda sa kaniyang tabi.Naroon din sina Sebastian at Ysmael. Nang makita ni Ysmael na nakakabit ang kamay ni Astherielle kay Tristan, mabilis itong tumingin sa napakadilim na mukha ni Radleigh. Agad itong umupo sa malayo at nagkunwaring walang nakikita habang may hawak na baso.Napakasimple lang ng laro: roll th

  • The Billionaire's Restraint: Falling For His Business Wife   Kaarawan

    Matapos maipasa ni Astherielle ang kaniyang friend request kay Radleigh, pumasok siya sa isang yugto ng panggugulo. Araw-araw ay nagpapadala siya ng mga litratong napakatukso at ng mga salitang nakakawala ng bait.Isang beses, kumuha siya ng larawan sa tapat ng salamin sa banyo. Nakasabit nang napakaluwag ang silk camisole sa kaniyang balikat, lumilitaw ang pambihirang hugis ng kaniyang collarbone habang nakatutukso ang kaniyang bewang.[Sir Radleigh, mukhang maliit itong underwear ko, pwede mo bang tingnan?]Nang mag-shopping siya sa mall, isinukat niya ang isang pulang bestida na may mataas na hiwa sa pampribadong fitting room. Kumuha siya ng litrato mula ulo hanggang paa kung saan nakalitaw ang kaniyang maputing binti.[Nang makita ko 'tong damit, bigla kong naisip 'yung itim na suit mo, bagay tayo.]Isang gabi rin matapos maligo, nagpalit siya ng itim na lace nightgown, kumuha ng litrato at ipinadala sa lalaki.[Kasusukat ko lang, maganda ba?]May pagkakataon pang nakahiga siya sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status