Share

CHAPTER 7

Author: Author Lemon
last update Last Updated: 2023-05-01 14:46:36

"OPEN naman," naisabulong ni Sam sa sarili nang makapasok sa cafe adriatico.

Sino naman kasing mag-aakala na open ito e walang katao-tao at sobrang tahimik ng lugar, mula sa labas hangang sa loob. Iginala pa niya ang paningin at naghahanap ng mapagtatanungan, nang may isang unipormadong lalaki ang lumapit sa kaniya, tila isa itong crew doon, malawak itong ngiti sa mga labi habang papalapit sa kaniya.

"Miss Samantha Walton, right?" Tanong nito.

Medyo natigilan siya dahil hindi niya expect na alam nito ang pangalan niya. Pero sa huli ay marahan tumango na lamang siya.

"Sumunod ho kayo sa akin," anito at nagpatiuna nang maglakad.

Tahimik lamang siyang sumunod, habang pasimpleng iginagala ang paningin sa paligid. Wala talagang ibang tao maliban sa kaniya at mangilan-ngilang mga crew na may kanya-kanyang ginagawa. Is it possible that Gareth rented the whole place? Ang tanong ni Sam sa kaniyang isipan.

"This is your
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Revenge   CHAPTER 60

    "HABULIN niyo! hindi pa 'yon nakakalayo!" Dinig na dinig ni Samantha ang boses ng isa sa mga lalaking kumidnap sa kaniya, dahil doon mas binilisan pa niya ang pagtakbo upang makalayo sa mga ito. Nagkaroon siya ng pagkakataong makatakas nang binuksan ng isa sa mga lalaki ang pintuan ng kinaroroonan niya, buong lakas niya itong hinampas sa may mata pagsungaw ng ulo nito dahilan upang panandalian itong hindi makakita. Wala siyang sinayang na pagkakataon at agad siyang tumalilis. Pinutol na rin nga niya ang bandang ibaba ng kaniyang suot na wedding gown para makatakbo siya. Hindi alintana ni Samantha ang sukal at ang mga kahoy na tumutusok sa hubad niyang paa, ang dapat niyang isipin ay kung paano makalayo sa mga lalaking halang ang mga bituka! "Tulong!" Sigaw niya sa kaniyang isipan, baka sakaling madinig siya ng Diyos at iligtas siya. Ayaw pa niyang mawala sa mundo at gusto pa niyang makita si Gareth at maikasal dito. Sa kakatakbo ni Samantha sa kas

  • The Billionaire's Revenge   CHAPTER 59

    CHERRY'S POV "COME ON, Gareth. Lasing ka na, tayo na at ihahatid na kita sa kwarto mo," sambit ni Cherry habang pilit na inaalalayan ang pasuray-suray na si Gareth dahil sa kalasingan nito. Kaninang pag-alis nina Sam at Drake, muling bumalik sa pag-iinom ang lalaki at nagpakalango sa alak na wari ay sinasadya iyon upang mawala ang galit na nararamdaman. Tanging si Gareth lamang ang nakakaalam sa kung anong nararamdaman nito nang mga sandaling 'yon. Ang tanging nakikita lamang ni Cherry sa lalaki nang mga oras na 'yon ay galit patungkol sa dalawa. "Damn that woman! Damn that asshole!" Paulit-ulit na bulong ni Gareth na halos hindi na makatayo ng diretso ngunit sige pa rin sa paglagok sa bote ng alak na hawak, hangang sa mapaupo na ito sa buhanginan. "Bakit hindi mo na lang hayaan ang babaeng 'yon. She chose that man and-" "Shut up! I don't wanna here something about them!" Wika ni Gareth sa pabulol-bulol na salita. Natahimik si Che

  • The Billionaire's Revenge   CHAPTER 58

    "DRAKE, kanina ka pa ba diyan?" Napatingala si Sam sa bagong dating, pilit na binago ng babae ang ekspresyon ng mukha upang hindi mahalata ni Drake ang nararamdaman niya nang mga sandaling 'yon. Nagpamulsa si Drake at tinitigan si Sam na animo'y pinag-aaralan ang mukha nito na tila nais nitong basahin ang emosyon niya. Mabilis na nag-iwas ng tingin ang babae at ibinaling sa maalon na dagat ang paningin. "She said something to you, am I right?" Pagkadaka'y saad ni Drake na hindi pinuputol ang pagkakatitig kay Sam na nanatiling nakaupo sa buhanginan. Muling napatingin si Sam kay Drake at tumawa ng pagak. "Anong sinasabi mo?" Patay malisyang tugon niya sa lalaki. Napabuntong hininga si Drake at pagkaraan ay tumabi sa pagkakaupo kay Sam sa may buhanginan. "C'mon, Sammy. I saw you and that Cherry talking- er- I mean, like silent fighting on something or let say, someone. Let me guess, it has something to do with Gareth, isn't it?" Hindi agad n

  • The Billionaire's Revenge   CHAPTER 57

    DONALD'S WEDDING "BAKIT pa ba ako sumama rito?" Frustrated na bulong ni Sam sa sarili. Mag-isa siyang nakaupo sa isang table at tumitingin sa mga taong nagkakasiyahan sa paligid. Pinagsisihan niyang sumama pa siya dahil alam naman niya sa una pa lang na hindi siya mag eenjoy at 'yun na nga ang nangyayari nang mga sandaling 'yon. Sa hindi kalayuan ay natatanaw niya si Gareth sa kumpol ng mga bisitang sumasayaw sa saliw ng malamyos na musika, kasayaw nito si Cherry. Kinapa niya ang sariling pakiramdam kung may pagseselos ba siyang nararamdaman nang mga sandaling 'yon, ayaw man niyang aminin pero bakit tila kumikirot ang puso niya? Bakit naiinis siya? Bakit nanggigil siya sa dalawa!? Bigla siyang napaiwas nang tingin kay Gareth nang tumingin ito sa lugar na kinaroroonan niya, ganoon din ang kasayaw nitong si Cherry. Bigla tuloy siyang nahiya at pakiramdam niya ay nag-aapoy sa init ang mukha niya nang mga sandaling 'yon. Baka isipin ng mga ito na naiinggit

  • The Billionaire's Revenge   CHAPTER 56

    NAUNANG umuwi si Sam kaysa kay Gareth. Sinabi niya rito na sumakit ang ulo niya at gusto na niyang umuwi. Nais mang sumabay ni Gareth sa kaniya pero buti na lamang at may mga dumating na mga business man katulad nito at nakulong ito sa isang kwentuhan, kaya tumalilis na siya. Hinatid siya ni Butler Andy. Totoo naman masakit ang ulo niya at nais na niyang makauwi. Alas onse na ng gabi 'yon at tahimik na ang buong bahay ng mga Sebastian. Pinuntahan muna niya ang kaniyang anak na tulog na tulog sa silid nito kasama si Tonet. Pagkatapos ay nagtungo na sa isang silid at nagshower. Nang matapos at paglabas mula sa banyo ay nadatnan niyang tumutunog ang cellphone niya hudyat na may tumatawag. Si Ren. "Ren, bakit?" Habang napapahilot sa noo dahil hindi nawawala ang sakit ng ulo kahit pa nakaligo na. Ang kailangan siguro ay tulog. "We need to talk," umpisa ni Ren sa kabilang linya. "Go, talk." Tila walang ganang wika niya dahil nga masakit ang ulo niya.

  • The Billionaire's Revenge   CHAPTER 55

    NATIGILAN at panandaliang naigit ni Gareth ang kaniyang paghinga nang makita kung sino ang babaeng bagong dating sa tila bulwagan na 'yon. It's Sam. Palingon-lingon ito sa paligid na tila may hinahanap. Hindi maitatanggi ni Gareth na bumagay sa babae ang bagong kulay at gupit nitong buhok na agad niyang napansin. Dinagdagan pa ng eleganteng gown na kitang-kita ang bawat kurba ng katawan nito. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Gareth ang biglang pagbaling ng tingin ng mga mayayaman at kilalang kalalakihan sa kaniyang asawa. Oh geez! Aminin man niya o hindi ay nakaramdam siya ng pagka-proud sa isiping hangang tingin lamang ang mga ito kay Sam at hangaan ito mula sa malayo. She's mine morons! Maging siya ay nagulat sa ibinulong ng isipan niya. At kailan pa siya naging possessive sa babae? Akmang maglalakad at lalapitan na niya ang asawa nang biglang may nauna sa kaniya. Naningkit ang mga mata niya at naikuyom ang kamao nang makilala kung sino 'yon. It's Drake.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status