Share

The Billionaire's Revenge
The Billionaire's Revenge
Author: Darn Maligaya

//1

Author: Darn Maligaya
last update Last Updated: 2024-08-27 18:32:20

Chapter one

JIRO

Pinaslang sa harap ko ang mga magulang ko, wala akong nagawa dahil away sa negosyo ang pinagmulan ng gulong nakikita ko ngayon.

Inilayo ako ni mang Domeng upang hindi ko masilayan ang walang buhay kong mga magulang at upang mailayo na rin ako sa kapahamakan.

Nakita ko kung sino ang may gawa nun sa aking mga magulang, tandang tanda ko na sila.

Gusto ko silang gantihan pero hindi ko alam kung papaano.

Nagig mahirap para sa akin ang mamuhay na wala ang mga magulang ko, ang sakit sakit sa pakiramdam habang lumilipas ang araw na wala sila.

Tinulungan ako ni mang Domeng na bumangon, siya kase ang kanang kamay nila mommy at daddy kaya lahat ng mga documents na tungkol sa business namin ay pinag aralan ko, sakto naman kase na kakagraduate ko ng kurso ko kaya binangon ko ang kompanya namin, hindi ko namalayan na lumalago na hanggang sa naging successful na ito.

Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari sa mga magulang ko, tumatak sa isip ko lahat ng pangyayari kaya naman pinangako ko sa sarili ko na gaganti ako, kinompitensya ko ang negosyo ng pamilyang pumaslang sa mga magulang ko at kinuha ko ang bunso nilang anak na babae.

Sa sobrang maimpluwensya ko nagawa ko yun sa kanila, napaikot ikot ko sila hanggang sa makuha ko ang nag iisa nilang anak na babae, ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang mawala sa isipan niya ang tunay niyang pagkatao, nadamay lang siya sa ginawa ko sa kaniyang mga magulang, bakit kase kadugo mo sila.

Nasa ospital ako ngayon at inaasikaso si Athisa Riyal, hind na pala dapat Athisa ang itatawag ko sa kaniya, siya na ngayon si Samantha Villafuerte, maski ang edad kung kailan ko siya nakupkop ay babaguhin ko, lahat ng pagkatao niya ay magiging bago.

Naging maayos naman ngayon si Samantha pagkauwi ko sa kaniya sa bahay, hindi naman ako masamang tao para maltratuhin siya dahil mas bata siya sa akin.

Lalo at babae siya na walang kamalay malay sa nangyayari, nawalan siya ng ala-ala kaya naman naging madali lang para sa akin na ipakilala siya sa ibang katauhan niya.

Itinago ko lang siya dito sa mansyon ko upang mabawian ang mga magulang niya, ang balak ko lang ay ipadama sa kanila kung paano mawalan ng minamahal sa buhay pero hindi ko kayang saktan si Samantha lalo pa at naging malapit kami sa isat isa.

Nag iisang anak lang ako ng Villafuente at parang naging kapatid ko na si Sam.

Habang lumalaki kaming pareho ay nagtutulungan din kami, ipinasok ko siya sa isang private school na malayo dito, may service naman siya kaya hindi siya mahihirapan umuwi, alaga dito si Sam, hindi ko siya pinababayaan.

Yun nga lang ang inaalala ko ay kapag nakawala siya dito, ang ibig kong sabihin ay kapag nagkatagpo ang landas nila ng tunay niyang pamilya, ng mga taong kinakamuhian ko.

Palagi kong pinapabantayan si Sam at school bahay lang din naman siya, minsan lang siya lumabas ngunit may limitasyon ang kaniyang oras, huwag lang siyang maging pasaway dahil kapag lumabas siya dito sa lugar namin tiyak akong mahahanap siya ng mga tunay niyang magulang.

Mabuti na nga lang at noong nawala siya ay tahimik sa media ang mga magulang niya dahil na rin sa kasalanan nila sa mga magulang ko, kung isusumbong nila sa batas at ikakalat sa media ang mga nangyari sa kanila ay madadamay din ang krimen na ginawa nila sa mga magulang ko.

Kaya alam kong hindi nila hahanapin ang anak nila gamit ang media dahil maski sila ay may krimen na ginawa, mauuna silang makulong kung sakali.

Magdusa sila, alam kong iniisip nila na patay na ang kanilang anak, sana yun ang maramdaman nila para alam nila kung gaano kasakit ang mawalan ng minamahal.

“Sir Jiro, anong balak mo kay Sam kapag gusto ng lumayo sa poder natin?”

“Hindi yun mangyayari.” Banggit ko.

“Pero hindi natin hawak ang oras at panahon sir Jiro, mag aasawa si Sam at—”

“Tama na mang Domeng, ayaw ko muna pag usapan yan.” Banggit ko dahil isa din yan sa kinakatakot ko, parang ayaw ko na mawalay si Sam sa akin, pero kailangan din niya mag asawa kaso paano kung ang mapapangasawa niya ay ang maglapit sa kaniya sa tunay niyang mga magulang?

“Hanggang kailan Jiro.” Naging seryoso ang boses nim ang Domeng. “Hanggang kailan mo balak itago si Athisa.”

Hindi ako makasagot, alam kong ilang taon na ang lumipas simula ng kunin ko siya dito. Hindi ko na namamalayan ang araw at oras dahil sa trabaho ko.

“Hanggat buhay ang mag asawang Riyal.”

“Balak mor in ba silang paslangin?”

“Hindi, hindi ko ilalagay ang sarili ko sa mga kauri nila.”

“Pero ang kanilang anak, imposibleng hindi nila makita at mahanap, nasa iisang bansa lang tayo.”

“Yun na nga mang Domeng nasa iisang bansa tayo, pwede naman kaming umalis ng bans ani Sam.”

“Pero sir Jiro, wala ka bang balak mag asawa?” bigla akong nahiya sa tanong nim ang Domeng. “Hindi naman kita nilalait sir Jiro pero umiedad ka na din at si Sam ganun din, balang araw makakahanap kayo ng makakatuwang sa buhay.”

“Matagal pa yun.” sumbat ko, hindi ko na rin naasikaso maski ang puso ko, namanhid na rin ata sa pagmamahal, nakafocus ako sa mga bagay na ikauunlad ko at kay Samantha pero sa puso ko? Wala man lang akong natipuhan maski isang babae simula ng nawala ang mga magulang ko, natakot na atang masaktan.

“Sabagay, marami pang pwedeng mangyari, marami pa kayong pagsubok na dadaanan sir Jiro, marami ka pang makikilalang babae, makakapaghintay naman yan.” Tumatango lang ako sa kaniya hanggang sa sabihin niyang. “Malay natin baka kayo ni Sam ang magkatuluyan.” Pagkabanggit nim ang Domeng nun ay napahinto ako sa ginagawa ko, napatingin ako sa kaniya ng masama. “Biro lang naman sir ito naman napakaseryoso, alam kong kapatid lang ang turing mo sa kaniya.”

Hindi na ako umimik pa, ayaw ko muna pag usapan ang tungkol sa pag ibig dahil napakarami ko pang kailangan tapusin, hindi ko priority iyan.

Lumabas muna ako upang magpahangin, para akong nasasakal sa usapan namin ni mang Domeng pero may punto naman lahat ng sinabi niya.

Paano nga ba kung dumating ang araw na iyon?

Paano kung magkanobyo si Sam?

Bakit umiiba pakiramdam ko? Lintek naman kase, pagod lang siguro ako kaya ako ganito.

Pumunta ako sa garden upang magpahangin, gusto ko lang mawala lahat ng inaalala ko lalo pa at binuksan nim ang Domeng yung usapan tungkol kay Sam, hindi talaga pwedeng habang buhay siyang nakakulong dito sa poder ko.

“Kuya Jiro.” Napalingon ako dahil boses ni Sam ang narinig ko.

Saktong may bolang natama sa noo ko pagkalingon ko, napapikit na lamang ako dahil hindi ko inakala na matatamaan ako ng bola.

“Halla sorry kuya!”

“Sorry po sir!”

“Sorry po.”

Naglalaro sila Sam at yung anak ng kasambahay namin, nilalaro niya yung bata at saktong napunta sa akin yung bola, maski ang mga kasama sa bahay nag alala.

Napasigaw silang lahat ng matamaan ako, nakatitig sila sa akin at hinihintay ang magiging reaksyon ko, akala nila magagalit ako kagaya ng madalas nilang marinig sa akin pero may lumapit na bata sa akin yung nakatama ng bola. “Sorry po sir.” Walang tao na hindi kakalma kung may batang ganito kacute tapos magsosorry sa akin.

Ang akala kase nila istrikto akong tao.

Ang akala nila masungit ako.

Walang nakakaalam ng tunay kong ugali maliban kay mang Domeng at Sam. Hindi naman kase ako palakaibigan, mahirap magtiwala sa ibang tao.

Ngumiti lang ako sandali at lahat sila nakahinga ng maluwag, ganun na ba ako kasama sa paningin nila? Napansin ko si Sam na ngumiti sa akin.

“Mabait siya.” Rinig kong sabi niya sa bata.

Kinumbinsi pa talaga na mabait ako, wala naman akong pakealam kung anong tingin sa akin, basta ang mahalaga nagagawa ko ang mga gusto ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Revenge   //87

    Chapter eighty sevenSamanthaNahinto ang pagluha ko pero namumugto ang mga mata ko, humihikbi ako ng wala sa oras dahil hindi ko mapigilan.Nakatitig lang ako kay kuya Jiro, samantalang siya? Normal na facial expression lang niya ang nakikita ko ngayon kahit nakikita niya akong nakasalampak dito sa sahig at mugto ang mga mata.Mukhang handa siya sa mga nangyayari.Parang alam niya kung anong nangyayari sa akin ngayon.“Bakit?” yan ang kusang lumabas na salita sa bibig ko. Mahina lang pero alam kong narinig niya. Hindi siya nagsasalita, hindi siya umiimik, nakatitig lang siya ng deretso sa akin kaya naman nainis ako. “Bakit hindi mo agad sinabi!” sigaw ko sa kaniya at doon na tumulong muli ang luha ko.Hindi parin siya umiimik, hinihintay ko siyang magpaliwanag pero wala siyang sinasabi, mas lalo lang akong naiinis dahil sa katahimikan niya!“Alam mo na pala ang lahat pero tinago mo sa akin? Bakit mo tinago ang totoo? Ilang taon akong nagdusa na walang magulang at hind imo yun alam!”

  • The Billionaire's Revenge   //86

    Chapter eighty sixSamanthaIbang iba ang pakiramdam ko ngayon, maski ata si kuya Jiro napapansin ang pagbabago ng mood ko, palagi niya akong tinatanong kung okay lang ba ako, kung may problema ba ako, ang palagi kong sinasagot sa kaniya ay baka rereglahin ako kaya umiiba mood ko.Madalas akong tulala at tahimik, ganito pala kapag stress ka habang naghihintay ng resulta, hindi ko kase magawang ngumiti at maging kagaya ng dati na jolly at walang iniisip na problema.Halos ayaw pumasok ni kuya Jiro sa kompanya dahil sa akin, sabi ko ayos lang ako masakit puson ko kahit hindi naman totoo, hinihintay ko kase ang resulta ng DNA test kaya palagi akong nasa bahay, baka bigla nila akong tawagan na kasama si kuya Jiro kaya naman nagdadahilan ako.Im sorry Jiro, kailangan kong gawin ito.Nagpaiwan ako dito sa mansyon, inaaya niya akong pumunta sa kompanya dahil pagkatapos nun ay deretso na kami mamasyal at mag dinner sa labas.Nakokonsensya ako kay kuya Jiro pero naiintindihan naman niya, alam

  • The Billionaire's Revenge   //85

    Chapter eighty fiveSamanthaTinititigan niya lang ako habang nakatayo ako sa may tapat ng pinto, parang ayaw kong humakbang palapit sa kaniya.“Halika maupo ka dito.” Turo niya sa upuan sa may harapan niya.Lumapit ako upang makausap siya ng maayos at marinig ko din ng maayos ang mga sasabihin niya. “Pinapatawag niyo daw po ako?”“Yes noong nakaraang araw pa kaso ayaw mo daw.”“Pasensya na kase akala ko mga kidnapers yung dalawang lalake na tauhan niyo kase naman tinatanong ko sila kung saan ako dadalhin iba iba ang sinasabi.” Natawa siya sa sinabi ko, totoo naman yun kase yun ang hinala ko sa kanila.“Anyway, hind imo alam siguro kung bakit kita pinapahanap, dahil noong nakaraan nabanggit mo ang tungkol sa anak ko, hindi kita nakausap ng maayos dahil nagmamadali ako that time, and because of my curiosity after ng meeting ay naalala ko yung mga sinabi mo kaya gusto kitang makausap ng masinsinan.”“Sige ho, pasensya na kung naungkat ko ang tungkol doon.”“Paano mo nasabing same kayo n

  • The Billionaire's Revenge   //84

    Chapter eighty fourSamanthaAng sarap gumising na nasa bisig ng taong mahal mo, yun bang wala ka agad problem ana maiisip kase kinikilig ka.Dating pangarap ko lang ito, yun bang magkagusto din sa akin ang taong gustong gusto ko, pero ngayon natutupad na.Nauna akong nagising sa kaniya, ang ganda ganda pa ng view dahil tanaw namin mula dito sa higaan ang dagat, ang laki naman kase ng salamin sa labas at yung dagat talaga ang bubungad.Nagdahan dahan akong kumalas sa pagkakayakap ni kuya Jiro kase nagvavibrate yung phone ko.Kinuha ko ito mula sa bag ko, kagabi pa kase ito hindi natitignan, si Riri pala ang nagmimissed call, naalala ko nandoon nga pala siya sa graduation ko, hindi ko na nasabi sa kaniya na umalis na ako doon.Baka hinahanap niya ako kaya tawag siya ng tawag, makikipagkita na lang ako sa kaniya mamaya kapag nakauwi na kami ni kuya Jiro.Hinatid ako ni kuya Jiro sa mansyon niya bago siya pumasok, nagpaalam siya na baka gabihin at doon na daw ako matulog sa kwarto niya,

  • The Billionaire's Revenge   //83

    Chapter eighty threeSamanthaKagaya nga ng sinabi ni kuya Jiro binigyan niya ako ng body guard, pinakilala niya sa akin ang dalawang body guard ko, pero hindi sila naka uniform, nakacivilian sila parang normal na kasuotan lng din kapag nasa labas ng bahay.May picture taking kami, graduation picture kaya kailangan ko pumunta dito sa campus, yung mga body guard ko nasa bench, kunwaring may hinihintay. Hindi nila ako nilalapitn pero sinusundan nila ako sa malayo.“Uy Sam sino ba yung naghahanap sayo?”“Ang kukulit nila.”“Sabi sa kompanya daw na pinag OJThan mo kaya sinabi naman kung nasaan ka, kaso bakit ka tumakbo?”“Basta mahirap ipaliwanag.”Iba ang dinahilan nila sa mga classmates ko, iba rin ang sinasabi nila sa akin kaya paano ako magtitiwala sa kanila? Hays mabuti na lang nakatakas ako muntikan na akong makuha ng mga taong iyon.Natutulala na ako kakaisip kung bakit hinahanap ako ng mga taong yun, wala naman akong atraso sa kanila.May nagmamake up na sa akin kase isasalang na

  • The Billionaire's Revenge   //82

    Chapter eighty twoSamanthaLimit na lang ako lumabas ng mansyon ngayon, hindi naman ako napapansin ni kuya Jiro dahil palagi siyang wala at isa pa kapag lalabas lang ako deretso na sa campus at hindi ako dumadaan sa main gate ng campus.Para akong kriminal sa ginagawa ko, nagtatago ako kahit na wala naman akong kasalanan.Ngayong araw may date kami ni Riri sabi niya sa akin susunduin niya ako sa labas ng village sa may kanto kaya hindi na ako pupunta pa sa malayo.May sasakyan naman siya at isa pa ang sabi niya samahan ko daw siya mamili ng isusuot niya sa birthday ng classmate niya at para makapasyal na rin ako.By the way sa susunod na linggo na ang graduation namin, nakakatuwa na nakakalungkot at syempre nakakaexcite din.Habang na mall kami ako naman ang pinipilian niya ng damit.“Bakit ako? ikaw yung aattend ng birthday ah.”“Nandito tayo para bilhan kita ng gift mo para sa graduation syempre.”“Ha?”“Hahaha hind imo naman kase sasabihin kung anong gusto mo kapag tinanong kita k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status