Share

//2

Author: Darn Maligaya
last update Last Updated: 2024-08-27 18:33:14

Chapter two

Samantha

Masaya naman ako sa buhay ko, kasama ko ang kuya Jiro ko, yun nga lang maraming naiinggit sa akin dito, ang iba sa mga kasambahay maski na ang mga nakakakilala kay kuya Jiro na babae.

Hindi naman sila pinapansin ni kuya Jiro dahil busy siya sa kompanya at sa ibang bagay, nagtataka nga ako kung bakit wala pa siyang aswa dahil may itsura naman siya, mayaman din at mabait yun nga lang mas marami ang kasungitan sa katawan.

Wala rin siyang pinupuntang girlfriend dito sa bahay, trabaho at sa bahay lang talaga ang araw araw na gawain niya tapos minsan nakikilaro ng basketball, or golf basta sporty din naman siya.

“Kuya Jiro may ipapaalam sana ako sayo.”

“Ano?” agad niyang tanong.

“Kase may gagawin kami ng mga kaibigan ko, magbobonding lang.”

“Pwede naman basta umuwi ka bago magdilim.” Yun talaga ang palagi niyang bilin sa akin, umuwi bago magdilim eh mas masaya nga gumala kapag gabi kaso hindi ako pinapayagan ni kuya Jiro.

“Sige.” Napilitan ako, paano nanaman kaya ako makakapagpaalam sa mga kaibigan ko kung ganito? Sila nga nakakalabas pa ng gabi samantalang ako hindi.

Minsan naiinggit ako dahil ang iba nakakalabas sa gabi samantalang ako hindi, naiintindihan ko naman si kuya Jiro kaso para akong nasasakal minsan, pero hayaan na, kapakanan ko lang naman inaalala niya.

Atleast nakapagpaalam ako, paano kaya kung suwayin ko siya?

Ano kaya mangyayari? Kase naman hindi ko pa nasubukan tumakas sa kaniya, hindi ko pa alam kung paano gagawin iyon, ang hirap lang dahil baka itakwil niya ako kaya natatakot akong sumuway.

Bahala na, gusto ko lang naman sumaya ngayon, ang hirap ng nakakulong dito sa bahay na napakalawak.

Naghanda na ako upang umalis, si kuya Jiro nandito lang naman sa bahay niya may sarili siyang opisina dito kaya bawal siyang istorbohin.

“Saan ka nanaman pupunta Sam?”

“Sa mga kaibigan ko po mang Domeng nagpaalam naman na ako kay kuya.”

“Ah ganun ba, sige mag iingat ka.” Mabait itong si mang Domeng sa akin, siya lang halos ang mabait dito sa mansyon ni kuya Jiro. May iilan din pero mas masungit ang karamihan naiinggit ata sa akin dahil ako lang halos ang nakakapasok sa kwarto at opisina ni kuya Jiro.

May iilan din akong kaibigan dito sa mansyon kaso busy sila sa trabaho kaya hindi nila maharap mamasyal.

Lumabas ako pero may nasalubong akong mga malditang kasambahay, tinignan nila ako mula ulo hanggang baba at sinungitan, yung tipong wala ka namang ginagawa sa kanila pero ang sungit ng trato sayo? Ang hirap ng ganito pero hinahayaan ko na lang basta si kuya Jiro hindi magalit sa akin ayos na ako.

Akala nila nilulustay ko pera ni kuya Jiro, may allowance kase ako pero pinaghihirapan ko naman iyon, gumagawa din ako ng gawiang bahay at tumutulong kay kuya Jiro kung ano iutos sa akin, lalo kapag may sakit siya ako ang nag aalaga sa kaniya.

Hindi naman ako kagaya ng ibang tao na binibigyan lang ng pera tapos wala ng gagawin, syempre kailangan kong suklian lahat sa kaniya.

Tinatawagan na ako ng mga kaibigan ko kaya naman nagmadali akong lumabas ng bahay, kada labas ko dito pakiramdam ko yung mata ni kuya Jiro nasa likuran ko, parang may nagmamasid sa akin palagi.

Baka dahil sa takot lang ako sumuway kaya ako ganito? Hindi ko pa kase siya nakitang magalit sa akin, sa ibang tao oo pero sa akin hindi pa.

“Huy bakit balisa ka anong meron?”

“Ah eh wala naman.” Nabigla ako dahil sinundo ako ng mga kaibigan ko dito sa labas ng bahay malapit sa gate ng village.

“Hindi pa kame nakakapunta sa bahay niyo kailan kaya kami makakapasok doon?”

“Hindi ko naman bahay iyon nakikitira lang kase ako alam niyo yun.” nakwento ko naman sa kanila na ampon lang ako at hindi ko bahay iyon pero gusto kase nilang pumunta doon, alam niyo naman ang mga kaibigan diba halos gustong sumugod sa mga bahay ng kaibigan nila kaso wala naman akong bahay, hindi naman sa akin iyon kaya hindi ko sila madala. “Sa susunod na magpapaalam pa ako.”

“Okay lang naman, pero teka, nagpaalam ka ba na magagabihan ka? Medyo malayo kase pupuntahan natin.”

“Oo.” Nag alangan ako sa sagot ko kase alam ko naman na hindi ako papayagan ni kuya Jiro.

Napabuntong hininga na lamang ako, hindi naman siguro ako magagabihan ng sobra, bahala na basta gusto ko lang mag enjoy.

Sa kagustuhan kong maglibang ang layo pala ng pinuntahan naming lugar, maraming pumupunta dito kaya naman dito nila ako dinala, ngayon lang din ako nakakalabas, minsan lang din kami mamasyal ni kuya Jiro ay saglit lang din dahil masyado siyang abala sa trabaho.

Hindi ko na talaga namalayan ang oras hanggang sa mag aalasais na pala nandito pa kami, bigla ko na lang naalala ng tumunog ang phone ko.

Hindi ko sinagot kase natatakot ako.

“Hindi pa ba tayo uuwi?”

“Ano ba yan Sam yung sunset ang hinihintay natin uuwi ka na agad, ayun oh tignan mo.” turo niya sa palubog na araw, napakaganda nga talaga at hindi ko na talaga tinignan ang oras dahil nadadala ako sa tanawin at sa pagkwekwento ng mga kaibigan ko.

Mas lalong dumadami ang tao dito lalo pa at pagabi, dumadami na rin ang mga nagtitinda kaya hindi pa kami umaalis.

Napagtanto ko na gabi na, madilim na at wala akong makitang stars mukhang paulan pa.

“Hindi pa ba kayo uuwi? Mauuna na ako.”

“Huh? Uuwi? Alas otso pa lang ng gabi Sam, bakit takot na takot ka?” nahihiya ako kase naman para akong bata na natatakot mapalo ng magulang, takot lang kase ako dahil hindi ako tumupad sa usapan namin ni kuya Jiro.

Wala pang signal dito sa pinuntahan namin dahil mataas.

Ang pinakalate kong oras alasais pero ngayon alasotso na.

Hindi na ako mapakali ngayon, hindi na ako nag eenjoy lalo pa at pakiramdam ko uulan. “May kailangan kase akong gawin sa bahay, kailangan kong tulungan ang kuya ko.”

“Kaya mo ba umuwi mag isa mo?”

“Oo naman.” Bahala na basta makauwi.

“Sige ingat ka, dito lang kami maaga pa kase.”

Nakasanayan ko kase na sumunod sa tinakdang oras sa akin, simula bata ako ganun na, kahit nasa wastong edad na ako hindi ko magawa ang gusto ko kailangan susundin ko ang oras ni kuya Jiro, bakit ganun hindi ako makasuway, siguro dahil hindi ko pa kaya mabuhay mag isa, wala naman akong trabaho at nakaasa pa rin ako kay kuya Jiro.

Pwede na nga ako mag asawa kaso iba yung takot ko, parang ako at si kuya Jiro lang ang nasa mundong ito.

Sumakay na ako agad para naman makauwi na, nagpahatid ako sa terminal ng bus para mabilisan, hindi lang ako kinakabahan kay kuya Jiro kundi kinakabahan din ako sa panahon.

Sigurado ako hinahanap na niya ako, para talaga akong bata, buti pa yung mga estudyante doon kanina sa pinuntahan ko walang naninita, ako na over age na ata sa curfew curfew na yan pero heto aligagang umuwi.

Wala pa kami sa may terminal biglang bumuhos ang ulan, mas lalo akong kinabahan lalo ng kumukulog na.

Napatakip ako ng tenga at napapikit, grabe ang kaba ko ngayon lalo pa at huminto si manong driver dahil mababasa kaming dalawa kapag tumuloy siyang nagmaneho.

Huminto siya sa isang waiting shed, maraming taong nakasilong doon pero ako? hindi ako bumababa ng tricycle kahit na basang basa siya, nanginginig ako hindi dahil sa lamig, nawawala ako sa sarili kapag nakakarinig ako ng malakas na kulog.

May phobia ako sa kulog at kidlat kaya ayaw ko rin ng nagpapagabi, isa din yun sa dahilan kaya ayaw akong magabihan ni kuya Jiro dahil madalas kumukulog at kidlat sa gabi.

“Hoy miss bumaba ka na!”

“Miss!”

Para akong nananaginip na may sumisigaw pero hindi ko kayang bumaba dahil nanginginig ang buong katawan ko, hindi ko alam kung since birth ba ganito na ako dahil wala akong maalala sa pagkabata ko, basta simula ng nakilala ko si kuya Jiro ganito na ako, ang sabi naman niya sa akin nakuha ko daw ito noong namatay ang mga magulang ko.

Umiiyak na ako habang nakatakip ang aking magkabilang tenga gamit ang mga kamay ko, gusto ko na lumabas dahil basang basa na ako.

Ang dami ng sumisigaw sa akin pero hindi ko sila pinapansin.

Ang tagal kong nasa loob ng tricycle, nanginginig at umiiyak hanggang sa may maliwanag na tumutok sa aking mukha.

Hindi ko masyadong maimulat ang aking mga mata dahil malakas ang ilaw pero naaaninag ko na may sasakyan na nakatapat sa tricycle na sinasakyan ko.

Walang harang kase itong tricycle kaya kitang kita ako, at basang basa.

“Nandito na ako.” bigla kong narinig ang boses ni kuya Jiro, umiba ang pakiramdam ko parang nagkaroon ako ng lakas ng loob, totoo ba ito? o naghahalucinate lang ako?

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at lumingon sa taong nasa gilid ko.

Nanginginig pa ako dahil sa takot at lamig pero pansin ko ang suot niya parang totoong si kuya Jiro nga, hinila ko ang kaniyang jacket ay yumakap sa kaniya.

Tinanggal naman niya agad ang suot niyang jacket at pinayakap sa akin.

“Kaya mong tumayo?” ang hina ng pandinig ko ngayon pero pinipilit kong kumalma.

Hindi ko kayang gumalaw, parang wala akong pakiramdam kanina pa pero habang nakayakap ako kay kuya Jiro para akong nasa higaan ko na inaantok at komportable.

Hindi ko na namalayan ang mga nangyari basta pagkagising ko nasa loob na ako ng higaan ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Revenge   //87

    Chapter eighty sevenSamanthaNahinto ang pagluha ko pero namumugto ang mga mata ko, humihikbi ako ng wala sa oras dahil hindi ko mapigilan.Nakatitig lang ako kay kuya Jiro, samantalang siya? Normal na facial expression lang niya ang nakikita ko ngayon kahit nakikita niya akong nakasalampak dito sa sahig at mugto ang mga mata.Mukhang handa siya sa mga nangyayari.Parang alam niya kung anong nangyayari sa akin ngayon.“Bakit?” yan ang kusang lumabas na salita sa bibig ko. Mahina lang pero alam kong narinig niya. Hindi siya nagsasalita, hindi siya umiimik, nakatitig lang siya ng deretso sa akin kaya naman nainis ako. “Bakit hindi mo agad sinabi!” sigaw ko sa kaniya at doon na tumulong muli ang luha ko.Hindi parin siya umiimik, hinihintay ko siyang magpaliwanag pero wala siyang sinasabi, mas lalo lang akong naiinis dahil sa katahimikan niya!“Alam mo na pala ang lahat pero tinago mo sa akin? Bakit mo tinago ang totoo? Ilang taon akong nagdusa na walang magulang at hind imo yun alam!”

  • The Billionaire's Revenge   //86

    Chapter eighty sixSamanthaIbang iba ang pakiramdam ko ngayon, maski ata si kuya Jiro napapansin ang pagbabago ng mood ko, palagi niya akong tinatanong kung okay lang ba ako, kung may problema ba ako, ang palagi kong sinasagot sa kaniya ay baka rereglahin ako kaya umiiba mood ko.Madalas akong tulala at tahimik, ganito pala kapag stress ka habang naghihintay ng resulta, hindi ko kase magawang ngumiti at maging kagaya ng dati na jolly at walang iniisip na problema.Halos ayaw pumasok ni kuya Jiro sa kompanya dahil sa akin, sabi ko ayos lang ako masakit puson ko kahit hindi naman totoo, hinihintay ko kase ang resulta ng DNA test kaya palagi akong nasa bahay, baka bigla nila akong tawagan na kasama si kuya Jiro kaya naman nagdadahilan ako.Im sorry Jiro, kailangan kong gawin ito.Nagpaiwan ako dito sa mansyon, inaaya niya akong pumunta sa kompanya dahil pagkatapos nun ay deretso na kami mamasyal at mag dinner sa labas.Nakokonsensya ako kay kuya Jiro pero naiintindihan naman niya, alam

  • The Billionaire's Revenge   //85

    Chapter eighty fiveSamanthaTinititigan niya lang ako habang nakatayo ako sa may tapat ng pinto, parang ayaw kong humakbang palapit sa kaniya.“Halika maupo ka dito.” Turo niya sa upuan sa may harapan niya.Lumapit ako upang makausap siya ng maayos at marinig ko din ng maayos ang mga sasabihin niya. “Pinapatawag niyo daw po ako?”“Yes noong nakaraang araw pa kaso ayaw mo daw.”“Pasensya na kase akala ko mga kidnapers yung dalawang lalake na tauhan niyo kase naman tinatanong ko sila kung saan ako dadalhin iba iba ang sinasabi.” Natawa siya sa sinabi ko, totoo naman yun kase yun ang hinala ko sa kanila.“Anyway, hind imo alam siguro kung bakit kita pinapahanap, dahil noong nakaraan nabanggit mo ang tungkol sa anak ko, hindi kita nakausap ng maayos dahil nagmamadali ako that time, and because of my curiosity after ng meeting ay naalala ko yung mga sinabi mo kaya gusto kitang makausap ng masinsinan.”“Sige ho, pasensya na kung naungkat ko ang tungkol doon.”“Paano mo nasabing same kayo n

  • The Billionaire's Revenge   //84

    Chapter eighty fourSamanthaAng sarap gumising na nasa bisig ng taong mahal mo, yun bang wala ka agad problem ana maiisip kase kinikilig ka.Dating pangarap ko lang ito, yun bang magkagusto din sa akin ang taong gustong gusto ko, pero ngayon natutupad na.Nauna akong nagising sa kaniya, ang ganda ganda pa ng view dahil tanaw namin mula dito sa higaan ang dagat, ang laki naman kase ng salamin sa labas at yung dagat talaga ang bubungad.Nagdahan dahan akong kumalas sa pagkakayakap ni kuya Jiro kase nagvavibrate yung phone ko.Kinuha ko ito mula sa bag ko, kagabi pa kase ito hindi natitignan, si Riri pala ang nagmimissed call, naalala ko nandoon nga pala siya sa graduation ko, hindi ko na nasabi sa kaniya na umalis na ako doon.Baka hinahanap niya ako kaya tawag siya ng tawag, makikipagkita na lang ako sa kaniya mamaya kapag nakauwi na kami ni kuya Jiro.Hinatid ako ni kuya Jiro sa mansyon niya bago siya pumasok, nagpaalam siya na baka gabihin at doon na daw ako matulog sa kwarto niya,

  • The Billionaire's Revenge   //83

    Chapter eighty threeSamanthaKagaya nga ng sinabi ni kuya Jiro binigyan niya ako ng body guard, pinakilala niya sa akin ang dalawang body guard ko, pero hindi sila naka uniform, nakacivilian sila parang normal na kasuotan lng din kapag nasa labas ng bahay.May picture taking kami, graduation picture kaya kailangan ko pumunta dito sa campus, yung mga body guard ko nasa bench, kunwaring may hinihintay. Hindi nila ako nilalapitn pero sinusundan nila ako sa malayo.“Uy Sam sino ba yung naghahanap sayo?”“Ang kukulit nila.”“Sabi sa kompanya daw na pinag OJThan mo kaya sinabi naman kung nasaan ka, kaso bakit ka tumakbo?”“Basta mahirap ipaliwanag.”Iba ang dinahilan nila sa mga classmates ko, iba rin ang sinasabi nila sa akin kaya paano ako magtitiwala sa kanila? Hays mabuti na lang nakatakas ako muntikan na akong makuha ng mga taong iyon.Natutulala na ako kakaisip kung bakit hinahanap ako ng mga taong yun, wala naman akong atraso sa kanila.May nagmamake up na sa akin kase isasalang na

  • The Billionaire's Revenge   //82

    Chapter eighty twoSamanthaLimit na lang ako lumabas ng mansyon ngayon, hindi naman ako napapansin ni kuya Jiro dahil palagi siyang wala at isa pa kapag lalabas lang ako deretso na sa campus at hindi ako dumadaan sa main gate ng campus.Para akong kriminal sa ginagawa ko, nagtatago ako kahit na wala naman akong kasalanan.Ngayong araw may date kami ni Riri sabi niya sa akin susunduin niya ako sa labas ng village sa may kanto kaya hindi na ako pupunta pa sa malayo.May sasakyan naman siya at isa pa ang sabi niya samahan ko daw siya mamili ng isusuot niya sa birthday ng classmate niya at para makapasyal na rin ako.By the way sa susunod na linggo na ang graduation namin, nakakatuwa na nakakalungkot at syempre nakakaexcite din.Habang na mall kami ako naman ang pinipilian niya ng damit.“Bakit ako? ikaw yung aattend ng birthday ah.”“Nandito tayo para bilhan kita ng gift mo para sa graduation syempre.”“Ha?”“Hahaha hind imo naman kase sasabihin kung anong gusto mo kapag tinanong kita k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status