LOGINMaraming maraming salamat po sa suporta, alam ko hindi gaanong kagandahan ang kwentong ito pero sana may kapulutan pa rin ng aral, maraming salamat readers ko love: Hyorin Dey
EpilogueSAMANTHAGumaan ang pakiramdam ko pagkamulat ko nang aking mga mata. Nasa isang magandang kwarto ako, malinis at maaliwalas.Tanging ang mga mata ko lamang ang umiikot upang makita ang buong paligid ko, nasa gilid ko na pala si Jiro natutulog habang nakaupo.Binantayan niya talaga ako, pakiramdam ko gabi na kase madilim sa labas, nakatali kase ang mga kurtina at mukhang mahaba ang naitulog ko.Habang nakahiga ako inaalala ko lahat ng nangyari, oo nga pala natamaan ako ng bala ng baril pero hindi ko pa maramdaman ngayon ang sugat ko, parang namanhid pa ang katawan ko pero naigagalaw ko naman ang aking ulo at ang aking kamay.Pakiramdam ko kapag naigalaw ko na ang buong katawan ko mararamdaman ko na ang sakit ng sugat ko, naiiyak na lamang ako kase nakasurvive ako.Maya maya pa naramdaman kong gumalaw si Jiro umangat siya at umayos ng pagkakaupo sabay tumingin sa akin. “Gising ka na.” nabigla siya ng makita akong nakamulat na.“Oo, ayos lang ako matulog ka muna.”“Hindi na ako i
Chapter one hundred oneSamanthaYung awkward moment namin unti unting nawala dahil lumapit siya sa akin, nagiging komportable talaga ang pakiramdam ko kapag malapit siya sa akin.“Nag aalala ka pa rin ba talaga sa akin?” mahina niyang tanong, yung boses niya napakasweet at parang tumatama sa balat ko kaya naman para akong nakukuryente habang nagsasalita siya, napatango na lang ako sa kaniya. “Sabihin mo, mahal mo pa baa ko?” sa tanong niyang yan hindi agada ko nakasagot, napatingin ako sa kaniya dahil ang seryoso ng mukha niya.Yung puso ko, ang bilis ng tibok na parang may naghahabulan sa loob.Ang gaan sa pakiramdam ang tumitig sa kaniya dahil alam kong seryosong tao ako kausap ko, hindi na ako tumanggi, tama na ang pagpapanggap na okay ako, gusto ko na muling sumaya.“Oo, hindi naman nagbago yun.” bigla niya akong niyakap ng mahigpit kahit na may gusto pa akong sabihin sa kaniya, gusto kong humingi ng tawad, at magpasalamat.Gusto ko humingi ng tawad dahil ang dami kong naisip na
Chapter one hundredSamanthaNakaramdam ako ng maginhawa ngayon, patay na ba ako? pero hindi eh humihinga ako alam ko.Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Hindi ito ang kwarto ko, iba ang amoy nakakarelax siya, saang kwarto to? Anong lugar ito?Ginilid ko ang ulo ko, may katabi akong lalaki, nakatalikod siya sa akin, tinitigan ko lamang siya hanggang sa mapagtanto ko ang mga nangyari kanina.Nasa tulay ako ah paano ako napunta dito?Pagkatitig ko ng likuran ng katabi ko alam kong siya ito, si Jiro ito lalo naaamoy ko ang pabango niya.Ibig bang sabihin nito iniligtas niya ako sa phobia ko? Nawawalan na ako ng pag asa dahil akala ko mahihimatay na ako pero nandito ako ngayon malakas na muli at naaalala na ang mga nangyari habang umuulan.Iniligtas nanaman niya ako.Paano niya kaya ako napupuntahan?Hindi ko siya makausap dahil mukang natutulog siya, baka magising ko siya kapag gumalaw ako.Alam na alam niya kapag umaatake ang phobia ko, grabe para siyang super hero.Kinapa ko
Chapter ninety nineSamanthaWalang sumunod sa akin.Wala man lang nag abalang sundan ako para pabalikin.Papanindigan ko itong ginawa ko kahit nakokonsensya ako dahil si papa nag aalala, kaso si mama wala namang pakealam at isa pa nasasakal na ako sa bahay na iyon, sa pamilyang iyon.Hahayaan ko na lang ang trato niya sa akin?Si papa halos gumive up na sa ugali ni mama dahil hindi nagbabago, kapag ganon pala ang ginawa, kapag pinabayaan ang maling ginagawa, mas lalong nagiging masama. Hindi pwedeng itolerate ang mali, akala tuloy niya palagi siyang tama.Hays ewan bakit ganito, nalulungkot ako.Hindi ganito ang pinangarap kong sitwasyon.Mag isa ko lang naglalakad hanggang sa makalabas ako ng village, nagtataka ata ang mga gwardya sa akin kase ako lang ang naglalakad dito.Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako sa mismong gate ng village, dito na ako sa may highway at medyo madilim nga lang.May pera pa naman akong dala kaya pa itong pangpamasahe, tatawagan ko muna si Riri para m
Chapter ninety eightSamanthaHindi na pwede itog nangyayari, habang buhay na lang ba akong magkukulong? Para na rin akong baldado sa ginagawa sa akin dito.Kinakausap ko si mama pero para akong hangin sa paningin niya, ang lakas naman niya magkimkim ng galit o tampo sa akin?Pinuntahan ko si papa para humingi ng payo.“Bakit anak?”“Bakit po ganon sa akin si mama? Kung ituring ako parang ang laki ng kasalanan ko.”“Ganiyan siya magkimkim, ugali na niya yan noon pa, ako na ang humihingi ng tawad para sa kaniya.”“Pero po halos linggo na ang nakalipas hindi pa rin niya ako pinapansin, kinakausap ko siya at nilalambing, tinatanong ko kung anong gusto niyang ulam, kung anong gusto niyang kainin, sinusungitan niya lang ako.”Ngumiti si papa sa sinasabi ko. “Ngayon mo lang kase siya nakasama anak, ganiyan talaga ang ugali ng mama mo, pero lilipas din yan tsagain mo lang.” hindi na ako umimik pa, kailangan lang ba maghintay ng oras? Kailangan maghintay ng panahon?Yan ang pinayo sa akin ni
Chapter ninety sevenSamanthaLagot ako nito mamaya, pakiramdam ko masesermunan ako dahil sa nangyari kaninang umaga, nagmamadaling umalis si mama dito kanina siguro nagpipigil lang siyang mainis sa akin.Hays bakit ba kase ganito ang sitwasyon ko? Nakakalungkot isipin sarili kong pamilya hindi naman ako komportable.Medyo gumaan ang pakiramdam ko kaninang umaga pagkatapos ko kumain dahil uminom ako ng gamot, wala ngang nakakaalam na may sakit ako, basta pinapagaling ko na lang ang sarili ko.Hindi ako makalabas ng bahay, pakiramdam ko mas madodoble galit niya kapag lumabas nanaman ako at madatnan niyang wala ako dito sa bahay.Baka isipin niya inuuna ko ang paggala kesa ang matuto sa kompanya.“Okay ka lang?” tanong sa akin ng kasambahay, nakita niya kaseng nakatambay ako dito sa likod ng bahay at nakaupo.“Oo.”“Palagi kang nasisigawan ni madam.” Tumango na lang ako, rinig na rinig naman talaga sa buong bahay ang boses niya.“Ganiyan din gawain sa amin ni madam, pero yung iba sabi m







