Share

//97

Author: Darn Maligaya
last update Last Updated: 2025-09-02 17:49:22

Chapter ninety seven

Samantha

Lagot ako nito mamaya, pakiramdam ko masesermunan ako dahil sa nangyari kaninang umaga, nagmamadaling umalis si mama dito kanina siguro nagpipigil lang siyang mainis sa akin.

Hays bakit ba kase ganito ang sitwasyon ko? Nakakalungkot isipin sarili kong pamilya hindi naman ako komportable.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko kaninang umaga pagkatapos ko kumain dahil uminom ako ng gamot, wala ngang nakakaalam na may sakit ako, basta pinapagaling ko na lang ang sarili ko.

Hindi ako makalabas ng bahay, pakiramdam ko mas madodoble galit niya kapag lumabas nanaman ako at madatnan niyang wala ako dito sa bahay.

Baka isipin niya inuuna ko ang paggala kesa ang matuto sa kompanya.

“Okay ka lang?” tanong sa akin ng kasambahay, nakita niya kaseng nakatambay ako dito sa likod ng bahay at nakaupo.

“Oo.”

“Palagi kang nasisigawan ni madam.” Tumango na lang ako, rinig na rinig naman talaga sa buong bahay ang boses niya.

“Ganiyan din gawain sa amin ni madam, pero yung iba sabi m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Revenge   //97

    Chapter ninety sevenSamanthaLagot ako nito mamaya, pakiramdam ko masesermunan ako dahil sa nangyari kaninang umaga, nagmamadaling umalis si mama dito kanina siguro nagpipigil lang siyang mainis sa akin.Hays bakit ba kase ganito ang sitwasyon ko? Nakakalungkot isipin sarili kong pamilya hindi naman ako komportable.Medyo gumaan ang pakiramdam ko kaninang umaga pagkatapos ko kumain dahil uminom ako ng gamot, wala ngang nakakaalam na may sakit ako, basta pinapagaling ko na lang ang sarili ko.Hindi ako makalabas ng bahay, pakiramdam ko mas madodoble galit niya kapag lumabas nanaman ako at madatnan niyang wala ako dito sa bahay.Baka isipin niya inuuna ko ang paggala kesa ang matuto sa kompanya.“Okay ka lang?” tanong sa akin ng kasambahay, nakita niya kaseng nakatambay ako dito sa likod ng bahay at nakaupo.“Oo.”“Palagi kang nasisigawan ni madam.” Tumango na lang ako, rinig na rinig naman talaga sa buong bahay ang boses niya.“Ganiyan din gawain sa amin ni madam, pero yung iba sabi m

  • The Billionaire's Revenge   //96

    Chapter ninety sixSamanthaIsinama ako ni mama sa kompanya, inuunti unti na niya akong dinadala sa kompanya nila ni papa para daw magamay ko na ang lugar at makilala ako ng mga empleyado niya doon.Nakadress ako ngayon at naiilang talaga ako, sunod ako ng sunod kay mama dahil nahihiya pa ako. Nakapunta naman na ako dito noon pero syempre ngayon pinapakilala akong tagapagmana kaya naman naiilang ako.Lahat ng tingin nasa akin, yung iba siguro dito nakikita na ako noon pa.Ang iba din siguro dito ay schoolmates ko, basta palagi akong nakatingin sa baba, naiilang kase ako na makita sila.Nasa opisina ako ni mama ngayon, may mga sinasabi siya na gagawin ko kaya nakafocus ako ngayon sa kaniya, gusto na niya ako magtrabaho, parang tinitrain niya ako sa bawat department dito sa kompanya.Sumusunod lang naman ako sa mga pinapagawa niya sa akin.Kapag nagkamali ako lagot ako neto, kinakabahan ako na magkamali kaya focus na focus ako sa trabaho ko, maski lunch break hindi ako gaanong nakakain.

  • The Billionaire's Revenge   //95

    Chapter ninety fiveJIRONaging busy ako sa lahat, hanggang madaling araw nasa opisina ako, ayaw ko mag alala, ayaw ko masaktan gusto ko lang palaging may ginagawa kaso yung katawan ko ang bumibigay.“Huwag ka na muna pumasok boss.” Sabi ni manong Domeng sa akin.“Kaya ko naman.”“Nako ang tigas naman ng ulo, araw araw kang puyat, hindi ka naman ganiyan dati.” Oo hind inga, kase kapag huminto ako sa ginagawa ko, ang dami kong naiisip at nalulungkot ako, masakit sa pakiramdam kaya ayaw ko iyon maramdaman.“Hindi pa ako mamamatay manong.” Kaso nararamdaman ko na masakit ang buong katawan ko at medyo mahina din ang katawan ko, pinilit kong umupo sa kama kaso ang sakit, ang hirap lalo nararamdaman ko na mainit ang hininga ko.May lagnat ata ako pero kailangan ko pumasok ayaw ko manatili dito nakakabaliw lang.“Huwag ka na lang pumasok.” Inalalayan ako ni manong na umupo, hindi ako nakaimik kase mainit talaga ang katawan ko. “Mataas ang lagnat mo panigurado.” Dagdag niya.Simula kase ng um

  • The Billionaire's Revenge   //94

    Chapter ninety fourSamanthaHinahanapan ko ng tsempo si papa kase sa umaga palaging nandito si mama, tapos sa tanghali naman ay nasa kwarto siya.Madalas na siyang nasa kwarto, nahihiya naman ako mang istorbo sa kwarto lalo minsan nakahiga siya at nagpapahinga, hindi ba mas okay kung maglakad lakad siya? Hays binibaby nila yung sakit ni papa.Pero ayaw ko naman mangealam dahil baka mapagalitan nanaman ako.Sakto naman wala si mama, kakaalis lang ng lumabas si papa sa kwarto nila, inalalayan ko siya at ngumiti siya sa akin.“Salamat anak.” Pumunta siya sa may veranda upang magpahangin.“Ayos na po ba kayo dito?”“Oo anak salamat.” Hindi parin ako umalis sa tabi niya, pagkakataon ko na ata ito para magtanong kaso nakakahiya baka magalit? Pero sa tagal ko na dito hindi pa siya nagagalit sa akin.“Ang aga po umalis ni mama.”“Ganiyan naman yan araw araw, simula ng nagkasakit ako, naging busy na siya, naging mainitin na ang ulo at madalas wala sa bahay, ngayon na nga lang umuuwi yan ng ma

  • The Billionaire's Revenge   //93

    Chapter ninety threeSamanthaBakit ganun ako yung nahihiya sa ginagawa ni mama na pagpapakilala, oo wala ngang media kaso ang daming mayayaman na narito, hindi ko alam kung nakikita na nila ako noon na kasama si kuya Jiro.Yan ang nasa isipan ko ngayon kaya nagtago ako dito sa gilid ng pool.Kaso kahit pala magtago ako dito may malditang nakaabang sa akin, si Ericka nakit kong papunta sa dereksyon ko, nagmang maangan ako na hindi siya nakita.Kainis!“Sam! Este Athisa? congrats to your new family.” Napaka sarcastic ng pagkakabati niya sa akin kaya nginitian ko na lang.Ang nakakaasar pa tumabi pa siya dito sa akin, may balak nanaman itong mang inis.“Alam mo happy ako sayo, nahanap mo na ang tunay mong magulang, sabi sayo eh buhay pa sila ayaw mo lang maniwala sa akin.” Hindi ko alam kung sincere ba siya sa sinasabi niya pero hindi naman naging sincere ito noon pa. Hindi ako umiimik, bahala siya magsalita diyan ayaw ko makipag usap sa kaniya halata naman na nakikipagplastikan siya. “

  • The Billionaire's Revenge   //92

    Chapter ninety twoSamanthaAng sakit sa puso ng ganito para kaming hindi magkakilala ni kuya Jiro, ang hirap huminga para akong inaatake ng phobia ko, ang sakit sobra.Pinipigilan ko ang pagluha ko dahil maraming tao at kasama ko si Riri.Buti pa si Riri masayang namimili ng damit, kahit sabihin niyang ililibre niya ako hindi parin ako makangiti ng maayos hindi ko masabi rin ang dahilan, ang akala niya dahil sa tunay kong pamilya kaya ako nagkakaganito.Peo ang totoo, dahil talaga kay Jiro.Namimiss ko na, hays! Ano ba! Sam please huwag mo siyang isipin!“Ayos ka lang ba? Ang tahimik mo kanina pa, anong gusto mo Sam?”“Okay lang ako, pasensya na ha, ang daming tumatakbo kase sa isipan ko.”“Kagaya ng ano Sam?” hindi ako nakasagot, naglalakad kami dito sa mall, nakatingin sa kawalan hanggang sa may bigla akong nakita sa harapan ko.Parang nagslowmo ang paligid ko dahil makakasalubong ko si kuya Jiro, nasa malayo sila ni manong Domeng at naglalakad palapit sa amin ni Riri na naglalakad

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status