Chapter four
Samantha
Nakakatamad pumasok kung kailan graduating na ako, paano naman kase paiba-iba ang schedule ko minsan may pasok minsan wala, mas marami yung pinapagawa kesa sa tinuturo, kung sabagay pabor naman sa akin ito dahil mas marami akong oras gumala, yun nga lang hindi pwede sa gabi.
Para akong natrauma sa nangyari sa akin noong nakaraang linggo, hindi naman sa natatakot ako kay kuya Jiro, natatakot ako para sa sarili ko, paano kung hindi dumating si kuya Jiro sa ganung sitwasyon, baka inatake na ako sa puso o kaya namatay, hays ang lala nang naiisip ko.
“Sam!”
“Oh Riri!”
“Nahihirapan ako sa isang subject ko Sammy!” siya ang bestfrend kong si Riri magkaiba na kami ngayon ng subject kase naman bumagsak siya sa isang semester.
“Tutulungan na lang kita total wala akong ginagawa.”
“Talaga!”
“Bilisan mo dahil may klase na ako mamaya.”
“Oo heto na.”
Nasa bench kami ng school at ako? naghihintay sa next subject ko, ang pangit kase ng schedule ko, para hindi ako antukin tutulungan ko na lang si Riri.
Tinuturuan ko siya ngayon nang biglang may mga lalake na lumapit dito sa bench na kinauupuan namin.
Malawak kase itong lugar kaya pwede naman ang magbabarkada kaso nakikita nilang naglelecture kaming dalawa ang iingay nila.
“Diba ikaw si Samantha?” nabigla ako nang sabihin nila ang pangalan ko. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang kami ni Riri sa ginagawa namin kahit ang iingay nila, nagkakantsawan at napapatingin kami sa kanila dahil hindi ko alam kung si Riri o ako ang pinag uusapan nila. “Boyfriend mo si Jude diba?”
“Ha?” ako ba O si Riri ang kausap? pero sa akin nakatingin kaya malamang ako?
Si Jude ay classmate kong mayaman, palagi niya akong inaasar at hindi ko gusto ang taong yun, inaakbayan niya ako palagi pero tinatanggal ko dahil naiirita ako sa kaniya, oo umamin siya noon na may gusto sa akin kaso hindi ko talaga siya type.
“Teka, ako ba sinasabihan niyo?”
“Sino pa ba?”
“Kaibigan niyo ba si Jude? Anong pinagkakalat niya?”
“Sabi niya girlfriend ka niya, may proweba naman sweet kayo sa isat isa.”
Tsk, papatulan ko tong mga to kung hindi lang gahol ang oras ko, nagkakalat sila ng maling impormasyon samantalang wala naman akong sinasagot na maging boyfriend ko.
Magaling lang talaga mang asar ang lalaking iyon at narinig kase ng ibang mga classmate ko na umamin siya sa akin tungkol sa nararamdaman niya.
Tinapos ko na lamang ang pagtuturo kay Riri at tsaka ako umalis, makikita ko nanaman si Jude at kailangan ko siyang kausapin sa pinagkakalat niya.
Dumiretso na ako sa classroom ko habang si Riri naman ay bumalik na din sa kaniyang klase, ang bilis ng oras kapag may ginagawa ka.
Pagdating ko ay nagsitinginan sila sa akin, inaasar ako at kinikilig sila nang hindi ko malaman ang dahilan, napatingin ako kay Jude na parang nagevolve na lalake, I mean tumino ang itsura.
Inaasar talaga nila ako kay Jude dahil nagiba ng hilig lalo sa pananamit dahil daw sa akin, pinagtabi pa kaming dalawa, nag iwan sila ng dalawang upuan na bakante para sa amin.
Hindi ko gusto ang ganito, naikakalat pa nil ana may boyfriend ako.
“Bagay naman sila pareho silang mayaman.” Akala lang nila iyon dahil sinusundo ako dito ni manong Domeng, minsan lang ako magcommute.
Nanahimik na lang ako kase wala naman akong laban sa kanila kahit magpaliwanag ako, mapapagod lang ang dila ko kaya naman bahala sila mag isip.
“Hi miss.”
“Tumigil ka diyan.” Sabi ko kay Jude.
“Ito naman, binago ko na nga sarili ko para sayo oh.”
“Sinabi ko bang gawin mo yan?”
“Syempre kung mahal mo ang isang tao kailangan mong baguhin ang mga ayaw sayo, diba?” sa lakas ng boses niya nagtitilian ang mga kasama namin dito sa classroom, tingin sila nang tingin sa amin.
Naiirita ako at nahihiya, huminga ako nang malalim at magfofocus na lang ako sa klase namin.
Kahit naririnig ko lahat nang mga pinagsasabi nila ay hindi na lamang ako umiimik, nandito na professor ko kaya nakafocus ako sa lecture niya kahit nakakairita ang katabi ko.
Umiwas agada ko dito sa classroom namin after nng lecture, alam ko kaseng aasarin lang nila ako kay Jude, ayaw ko ng ganun.
Naghanap ako ng pwedeng mapagtambayan para naman makapagpahinga ako sa ingay dahil may susunod pa akong kalse.
Para akong loner pero may mga kakilala naman ako dito sa campus, yun nga lang iba iba kase ng kurso kaya kapag vacant lang nagkikita.
Hindi ko namalayan na sinundan ako ni Jude, may kasama rin siya yung mga kaibigan niya. “Bakit ka nandito?”
“Syempre nandito ka.”
“Ang layo ko na nga sumunod ka pa.”
“Syempre nga nandito ka.”
Lilipat na sana ako ng pwesto pero hinarangan niya ako, alam ko naman na walang gagawin itong masama sa akin lagot siya kay kuya Jiro kapag may ginawa siyang kalokohan sa akin.
“Dadaan ako.” sabi ko pero hindi siya umalis sa harapan ko.
“Alam mo pakipot ka pa, ano bang ayaw mo sa akin? Mayaman naman ako, kaya naman kitang buhayin, may itsura naman ako.”
“Pero bobo ka.” Nagsitawanan ang mga kasama niya, kumunot ang noo niya sa akin, naiinis ako dahil pinipilit niya ang sarili niya sa akin, kahit dukutin niya ang puso ko sa katawan ko hindi ko siya kayang mahalin.
“Ikaw—”
“Oy hinay hinay lang babae yan haha.”
“Umalis ka sa harapan ko.”
“Pasalamat ka mahal kita.” Hinila niya ako palapit sa kaniya at hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang ko.
“Lubayan mo nga ako!”
“Akin ka na, wala ka namang boyfriend ah, matututunan mo rin akong mahalin.”
“May saltik ka talaga.” Tinulak ko siya para makawala sa kaniya sabay takbo sa malayo, hindi ko nga alam kung papasok pa ako sa huli kong subject.
Gusto ko na lang umuwi.
Minabuti ko na lang talaga na umuwi, sakto naman nasa mansyon pala si kuya Jiro, alam niyang nakauwi ako ng maaga.
“Pinapatawag ka ni sir.” Sabi ni manong Domeng sa akin.
“Bakit daw po?”
“Hindi ko alam.”
Kakarating ko lang pero pinapatawag na agad, hindi pa ako nakakapagpahinga at nakakabihis pero dumiretso na ako sa kwarto ni kuya Jiro.
“Kuya.” Napatingin siya sa akin pagkapasok ko sa loob, bakit pakiramdam ko nag iinit ang mukha ko sa mga titig ni kuya Jiro? May lagnat ba ako?
“Maupo ka.” Malumanay niyang sab isa akin, umupo ako sa couch na nasa harapan ng table niya. “Kamusta araw mo?”
“Ha?” nagtaka ako kase ngayon lang niya ako kinamusta nang ganiyan, I mean yun bang kakauwi ko sa school tapos pinatawag agad at kinamusta ang araw? Bakit pakiramdam ko alam niya ang pakiramdam ko.
Wala akong gana ngayon, para akong naiirita basta ganun, dahil kay Jude.
Ngumiti ako, pinilit kong ngumiti sa harapan niya. “Okay naman ako kuya.” Ang hirap pala kapag pinipilit ang isang bagay, lalo kapag ngumingiti ng pilit kahit hindi okay.
Inaalala ko kase kung ganun araw araw sa akin si Jude hindi na ako magiging komportable sa campus, graduating pa man din ako.
“Sigurado ka?”
“Oo naman kuya.” Grabe ang titig sa akin ni kuya Jiro, nagtaka siguro siya dahil ang aga ko umuwi, may last subject pa man din ako, hindi naman niya malalaman na nagskip ako.
Tumayo siya at dahan dahan na lumapit sa akin, tumabi siya sa akin at nagulat ako ng ilapit niya ang sarili niya sa akin, yun pala may kinuha siya sa gilid ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko kapag lumalapit sa akin si kuya Jiro, sa kaniya ko lang nararamdaman ito.
“Magtsaa tayo, pampakalma.” Hindi ako umimik, anong pampakalma?
Pansin ba niyang hindi na ako kalmado?
Pinipilit ko naman maging okay kaso ang talas ng pakiramdam ni kuya Jiro, pansin talaga niya na hindi ako okay.
Binigyan niya ako ng tsaa, kaya inunti unti kong inumin.
“Sir heto na po pinapakuha niyo.” Yung isang kasambahay nila may dalang cookies para sa amin, ang sama ng tingin niya sa akin, halatang inggit, isa siya sa mga inggitera dito sa mansyon, umalis din siya kaagad dahil hindi naman siya kailangan dito.
“Heto kumain ka.”
“Salamat.”
Pinagmamasdan ko si kuya Jiro ngayon habang inaayos yung lamesa sa harapan namin, naalala ko si Jude kase naman nagtataka ako sa sarili ko, bakit ba hindi ko kayang magkagusto sa iba noon pa man?
Parang wala na akong pakealam sa ibang lalake sa labas ng mansyon o kahit sa mga school na pinanggalingan ko simula nang dumating ako dito sa mansyon, tumanda na akong walang naging boyfriend o kahit man lang ka mutual understanding.
Abnormal baa ko?
Ang sabi nila, kapag may gusto ka, nakafocus ka lang sa taong gusto mo, kapag lumalapit sayo yung taong gusto mo makakaramdam ka ng kaba sa dibdib o kaya kuryente, iba rin ang pakiramdam kapag nagkadikit kayo o kaya malapit siya sayo, nagiging komportable ka madalas sa kaniya kapag tumatagal. Wala pa akong naramdaman na ganiyan sa mga lalake doon sa campus o kahit sa mga kakilala ko.
Maliban sa lalake na nasa gilid ko at kasama ko ngayon.
Napapatulala ako sa kaniya, napapaisip kung dahil ba sa kaniya kaya wala akong magustuhang iba? ang taas kase ng standard ni kuya Jiro, kumabaga hindi kame bagay, yun bang bagay sa kaniya ay mga prisesa.
Pero ako?nagfefeeling prinsesa tuwing inaalagaan at inaalala niya ako.
May gusto baa ko kay kuya Jiro ko?
“Hays hindi pwede.” Bigla kong banggit kaya naman napatingin siya sa akin.
“Hindi pwede ang alin?”
“Ah eh, hindi pwedeng isawsaw itong cookies sa tsaa kuya.”
“Paanong hindi, masarap kaya try mo.” sinawsaw ba naman niya bigla yung cookies sa tsaa niya at sabay pinakita sa akin na nasasarapan siya.
Ang hirap magtimpi, hindi ako pwedeng magkagusto sa kaniya, ang layo ko sa level niya and I’m sure ang mga tipo ni kuya Jiro ay hindi kagaya ko, and lastly kapatid lang ang turing niya sa akin. That’s it.
Chapter ninety sevenSamanthaLagot ako nito mamaya, pakiramdam ko masesermunan ako dahil sa nangyari kaninang umaga, nagmamadaling umalis si mama dito kanina siguro nagpipigil lang siyang mainis sa akin.Hays bakit ba kase ganito ang sitwasyon ko? Nakakalungkot isipin sarili kong pamilya hindi naman ako komportable.Medyo gumaan ang pakiramdam ko kaninang umaga pagkatapos ko kumain dahil uminom ako ng gamot, wala ngang nakakaalam na may sakit ako, basta pinapagaling ko na lang ang sarili ko.Hindi ako makalabas ng bahay, pakiramdam ko mas madodoble galit niya kapag lumabas nanaman ako at madatnan niyang wala ako dito sa bahay.Baka isipin niya inuuna ko ang paggala kesa ang matuto sa kompanya.“Okay ka lang?” tanong sa akin ng kasambahay, nakita niya kaseng nakatambay ako dito sa likod ng bahay at nakaupo.“Oo.”“Palagi kang nasisigawan ni madam.” Tumango na lang ako, rinig na rinig naman talaga sa buong bahay ang boses niya.“Ganiyan din gawain sa amin ni madam, pero yung iba sabi m
Chapter ninety sixSamanthaIsinama ako ni mama sa kompanya, inuunti unti na niya akong dinadala sa kompanya nila ni papa para daw magamay ko na ang lugar at makilala ako ng mga empleyado niya doon.Nakadress ako ngayon at naiilang talaga ako, sunod ako ng sunod kay mama dahil nahihiya pa ako. Nakapunta naman na ako dito noon pero syempre ngayon pinapakilala akong tagapagmana kaya naman naiilang ako.Lahat ng tingin nasa akin, yung iba siguro dito nakikita na ako noon pa.Ang iba din siguro dito ay schoolmates ko, basta palagi akong nakatingin sa baba, naiilang kase ako na makita sila.Nasa opisina ako ni mama ngayon, may mga sinasabi siya na gagawin ko kaya nakafocus ako ngayon sa kaniya, gusto na niya ako magtrabaho, parang tinitrain niya ako sa bawat department dito sa kompanya.Sumusunod lang naman ako sa mga pinapagawa niya sa akin.Kapag nagkamali ako lagot ako neto, kinakabahan ako na magkamali kaya focus na focus ako sa trabaho ko, maski lunch break hindi ako gaanong nakakain.
Chapter ninety fiveJIRONaging busy ako sa lahat, hanggang madaling araw nasa opisina ako, ayaw ko mag alala, ayaw ko masaktan gusto ko lang palaging may ginagawa kaso yung katawan ko ang bumibigay.“Huwag ka na muna pumasok boss.” Sabi ni manong Domeng sa akin.“Kaya ko naman.”“Nako ang tigas naman ng ulo, araw araw kang puyat, hindi ka naman ganiyan dati.” Oo hind inga, kase kapag huminto ako sa ginagawa ko, ang dami kong naiisip at nalulungkot ako, masakit sa pakiramdam kaya ayaw ko iyon maramdaman.“Hindi pa ako mamamatay manong.” Kaso nararamdaman ko na masakit ang buong katawan ko at medyo mahina din ang katawan ko, pinilit kong umupo sa kama kaso ang sakit, ang hirap lalo nararamdaman ko na mainit ang hininga ko.May lagnat ata ako pero kailangan ko pumasok ayaw ko manatili dito nakakabaliw lang.“Huwag ka na lang pumasok.” Inalalayan ako ni manong na umupo, hindi ako nakaimik kase mainit talaga ang katawan ko. “Mataas ang lagnat mo panigurado.” Dagdag niya.Simula kase ng um
Chapter ninety fourSamanthaHinahanapan ko ng tsempo si papa kase sa umaga palaging nandito si mama, tapos sa tanghali naman ay nasa kwarto siya.Madalas na siyang nasa kwarto, nahihiya naman ako mang istorbo sa kwarto lalo minsan nakahiga siya at nagpapahinga, hindi ba mas okay kung maglakad lakad siya? Hays binibaby nila yung sakit ni papa.Pero ayaw ko naman mangealam dahil baka mapagalitan nanaman ako.Sakto naman wala si mama, kakaalis lang ng lumabas si papa sa kwarto nila, inalalayan ko siya at ngumiti siya sa akin.“Salamat anak.” Pumunta siya sa may veranda upang magpahangin.“Ayos na po ba kayo dito?”“Oo anak salamat.” Hindi parin ako umalis sa tabi niya, pagkakataon ko na ata ito para magtanong kaso nakakahiya baka magalit? Pero sa tagal ko na dito hindi pa siya nagagalit sa akin.“Ang aga po umalis ni mama.”“Ganiyan naman yan araw araw, simula ng nagkasakit ako, naging busy na siya, naging mainitin na ang ulo at madalas wala sa bahay, ngayon na nga lang umuuwi yan ng ma
Chapter ninety threeSamanthaBakit ganun ako yung nahihiya sa ginagawa ni mama na pagpapakilala, oo wala ngang media kaso ang daming mayayaman na narito, hindi ko alam kung nakikita na nila ako noon na kasama si kuya Jiro.Yan ang nasa isipan ko ngayon kaya nagtago ako dito sa gilid ng pool.Kaso kahit pala magtago ako dito may malditang nakaabang sa akin, si Ericka nakit kong papunta sa dereksyon ko, nagmang maangan ako na hindi siya nakita.Kainis!“Sam! Este Athisa? congrats to your new family.” Napaka sarcastic ng pagkakabati niya sa akin kaya nginitian ko na lang.Ang nakakaasar pa tumabi pa siya dito sa akin, may balak nanaman itong mang inis.“Alam mo happy ako sayo, nahanap mo na ang tunay mong magulang, sabi sayo eh buhay pa sila ayaw mo lang maniwala sa akin.” Hindi ko alam kung sincere ba siya sa sinasabi niya pero hindi naman naging sincere ito noon pa. Hindi ako umiimik, bahala siya magsalita diyan ayaw ko makipag usap sa kaniya halata naman na nakikipagplastikan siya. “
Chapter ninety twoSamanthaAng sakit sa puso ng ganito para kaming hindi magkakilala ni kuya Jiro, ang hirap huminga para akong inaatake ng phobia ko, ang sakit sobra.Pinipigilan ko ang pagluha ko dahil maraming tao at kasama ko si Riri.Buti pa si Riri masayang namimili ng damit, kahit sabihin niyang ililibre niya ako hindi parin ako makangiti ng maayos hindi ko masabi rin ang dahilan, ang akala niya dahil sa tunay kong pamilya kaya ako nagkakaganito.Peo ang totoo, dahil talaga kay Jiro.Namimiss ko na, hays! Ano ba! Sam please huwag mo siyang isipin!“Ayos ka lang ba? Ang tahimik mo kanina pa, anong gusto mo Sam?”“Okay lang ako, pasensya na ha, ang daming tumatakbo kase sa isipan ko.”“Kagaya ng ano Sam?” hindi ako nakasagot, naglalakad kami dito sa mall, nakatingin sa kawalan hanggang sa may bigla akong nakita sa harapan ko.Parang nagslowmo ang paligid ko dahil makakasalubong ko si kuya Jiro, nasa malayo sila ni manong Domeng at naglalakad palapit sa amin ni Riri na naglalakad