Share

//3

Author: Darn Maligaya
last update Last Updated: 2024-08-27 18:33:59

Chapter three

Samantha

Parang ayaw ko na lumabas ng kwarto ko, kinakabahan ako, tanda ko naman ang mga nangyari, kaso yung parte na nasa tricycle ako parang panaginip.

Si kuya Jiro ba ang nagdala sa akin dito?

Hays ano ba yan! Bakit kase nalate akong umuwi, nasaktohan pang umulan at kumulog.

Ang gaan gaan na ng pakiramdam ko ngayon maski noong nilapitan ako ni kuya Jiro, halos ganun ang nangyayari tuwing niyayakap ako ni kuya Jiro kapag nakakarinig ako ng kulog at kidlat.

Para siyang gamot ko tuwing umaatake ang phobia ko, simua’t sapul ganun na talaga ang ginagawa niya kapag nakikita niyang umaatake ang phobia ko, niyayakap niya lang ako ng mahigpit at pinapakalma.

“Maam Sam gising ka na ba?” kumakatong na si manong Domeng sa pinto ko.

“Opo!” sigaw ko at agad ko siyang pinagbuksan.

“Pinapatawag ka ni sir Jiro.” Ito na yun, paano ako makakatakas ngayon, wala ng atrasan, matitikman ko na ang galit ng isang Jiro Villafuente.

“Manong samahan mo naman ako doon.”

“Hanggang sa labas lang ako ng pinto, nasa opisina siya ngayon.” may opisina kase siya malapit sa kwarto niya dito mismo sa bahay.

“Manong.” Nagmamakaawa ako kay manong Domeng na samahan ako sa loob, natatakot ako baka kung anong gawin sa akin, kung anong sabihin, first time kong sumuway pero sa totoo lang may karapatan naman akong gawin ang gusto ko, lampas na ako sa legal na taon at kailangan ko rin naman lumabas labas para naman mamotivate, mag unwind. Hays masabi ko kaya iyan kay kuya Jiro mamaya?

“Nako, halika na mamaya ako pa mapapagalitan.”

“Magsisipilyo muna ako manong at magpapalit, susunod na lang po ako doon.”

Nag ayos muna ako ng sarili, nakakahiya naman kakagising ko lang tapos deretso agad doon, hinintay ako ni manong Domeng sa labas ng kwarto ko, talagang siniguradong wala akong kawala, paano naman kaya ako tatakas nito?

Nasa tapat na kami nang pinto nang kwarto ni kuya Jiro, kumatok si kuya Jiro at pinapasok kami nim ang Domeng, mukhang busy siya ang aga aga nakaharap sa laptop niya.

“Lumabas ka na.” aakmang lalabas na sana ako. “Mang Domeng.” Pagdidiin niya sa pangalan nim ang Domeng.

Napatingin ako kay mang Domeng, nanghihingi ng tulong pero yung mukha niya nang aasar pa. “Sige po maiwan ko na kayo.”

Hindi nakafocus si kuya Jiro sa amin, abala siya sa tinatype niya kaya naman dumiretso na lang ako sa couch malapit sa table niya.

Nakikiramdam ako sa kung anong sasabihin niya sa akin, palalayasin kaya niya ako kapag sinabi ko yung mga nasa isip ko kanina?

Malamang ganun ang mangyayari, ano pang idadahilan ko, mali ko rin naman talaga, iniingatan lang din talaga niya na mangyari yung nangyari kagabi.

Hinihintay ko siyang magsalita kaso busy pa siya, nahihiya naman akong magsalita baka maistorbo ko siya sa ginagawa niya.

Halos magkakalahating oras na akong nakaupo hindi pa rin niya ako pinapansin.

Mag iisang oras na hindi pa rin niya ako kinakausap, pinapunta lang ba niya ako dito para panuorin siya? Napapasulyap ako sa kaniya pero busy siya sa ginagawa niya, hindi ako makapagsalita kung ano ano na lang din ang ginagawa ko dito, tinitignan bawat sulok ng kwartong ito.

Halos isang oras at kalahati bago ko narinig ang pagsara ng laptop ni kuya Jiro, nagulat na lang ako nakatingin na siya sa akin.

Napalihis ako ng tingin dahil nahihiya ako.

“Kanina pa kita hinihintay magsalta.”magsalita.” Sabi ni kuya Jiro.

Huh? Ako?

Bakit ako? siya itong nagpatawag sa akin tapos ako yung hinihintay magsalita?

Hindi ko naman masabi iyan sa kaniya. “Umm—”

“Wala ka talagang sasabihin?” ang seryoso ng tono ng boses niya kaya natataranta ako at kinakabahan. Ano bang dapat kong sabihin? Hindi ko rin alam. Natatakot ako ngayon sa kaniya kaya hindi ako makapagsalita.

“Kuya anong sasabihin ko?”

“Ewan ko sayo.” Mas lalo akong kinabahan nang biglang magsungit siya sa akin. “Ano ba kaseng ginawa mo kahapon? Kaya anong dapat mong sabihin?”

“Umm, lumabas kami nang mga kaibigan ko tapos hinintay namin yung sunset kaya nagabihan ako tapos nauna na akong umuwi sila naiwan pa kaso umulan at kumulog kaya—”

“Hindi ko sinabing magkwento ka, tinatanong ko kung anong sasabihin mo sa nangyari kahapon.” Ang bobo ko promise, napahiya ako doon ah hindi ko rin siya maintindihan.

“Ano bang sasabihin ko kuya?”

Napapikit siya ng mata at hindi na nagsalita. Ako yung nahihiya sa kaniya kase may kasalanan ako, ano ba dapat kong sabihin? Natataranta ako dito dahil sa kaniya, nakakatakot si kuya Jiro kapag seryoso siya, hindi tuloy gumagana ang utak ko.

Nagfocus akong mabuti para naman maintindihan ko sinabi niya, anong dapat kong sabihin sa ginawa ko kahapon?

Ngayon ko lang talaga napagtanto yun.

“Sorry po.” Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, pakiramdam ko nasabi ko na ang hinihintay niyang masabi ko. “Sorry talaga kuya Jiro.”

“Hindi kita hinihigpitan dahil ayaw kong sumaya ka, hinihigpitan kita dahil inaalala kita.” Paliwanag niya sa akin.

“Alam ko naman iyon, kaso sunset yung hinihintay namin kaya nagabihan, tapos ang ganda doon, nakakagaan sa pakiramdam yun nga lang malayo dito.”

Tumatango na lang siya ngayon at hindi sumasagot sa mga sinasabi ko sa kaniya, okay na kaya siya? Hindi na siya galit?

Pero hindi naman ata siya nagalit sa akin, serious mode lang ba.

Hindi ko tuloy alam kung pwede na akong umalis o hindi kase naman nahihiya akong magsalita, pero hindi na ako nakakaramdam ng kaba ngayon, natatakot kase ako kanina dahil hindi ko magets yung gusto niyang ipahiwatig.

Naikwento ko tuloy mga ginawa namin doon, gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko siyang ngumiti sandali.

Yung sorry ko lang pala ang hinihintay niya, kung nagets ko kaagad edi sana hindi na ako tumagal pa doon.

Paglabas ko sa kwarto ni kuya Jiro agad akong sinalubong ni manong Domeng na may ngiti sa kaniyang labi.

“Bakit po?” tanong ko agad.

“Mukhang good mood na ulit si sir.”

“Paano niyo po nasabi?”

“Hindi ka naman lalabas diyan sa kwarto niya hanggat hindi kayo nagiging okay.” Oo nga naman, pero para naman kaming magkasintahan sa sinasabi ni manong Domeng sa akin.

“Pinagsabihan lang po niya ako bilang kapatid niya.” yung ngiti ni manong domeng ayaw maalis. “Bakit po manong?” tanong ko agad kase parang kinikilig siya.

“Sobra ang pag aalala niya sayo kahapon, hindi siya mapakali, hind inga niya natapos yung dinner niya at maski yung meeting niya online matrack lang kung nasaan ka.”

Iniimagine ko palang kung gaano na siya mag alala parang may kuryente na sa katawan ko, kung hindi ko siya tinatawag na kuya malamang mapagkakamalan kaming magkasintahan.

“Kasalanan ko naman po iyon manong Domeng wala din po kasing signal banda doon sa pinuntahan po namin.”

“Yun nga din ang sinabi ko sa kaniya, imbis na ipautos niya sa iba ang paghahanap sayo, siya na itong kusang umalis upang hanapin ka, alalang alala sayo yung tao.” Sabay siko sa akin ng mahina na parang kilig na kilig.

Ayaw ko naman bigyan ng ibang malisya yung ginawa sa akin ni kuya Jiro, ang daming magagalit sa akin dito kung sakaling hindi na kuya ang turing ko sa kaniya, ang dami kayang nagkakagusto sa kaniya dito.

And I’m sure mask isa kompanya nila marami siyang tagahanga.

Napatulala na lang ako sa labas, kung susundin ko ang sarili ko at mapapahamak naman ako sa huli mas okay na sundin si kuya Jiro dahil alam kong hindi ko ikapapahamak ang gusto niya.

At dahil wala naman akong ginagawa tumulong na lang ako sa garden kaso pagdating ng alas tres ng tanghali pinatawag nanaman ako ni kuya Jiro.

“Bakit po?” tanong ko agad, ang bantot ko pa kase pinagpawisan ako doon sa ginawa ko sa mga halaman.

“Sasama ka sa akin.”

“Ha? Ah eh magbibihis muna ako.” tumango lang siya kaya nagmadali ako, saan naman kaya kami pupunta? Madalas naming puntahan ay grocery lang naman o kaya kakain sa labas, kasama syempre si manong Domeng.

Nagmadali akong bumalik dahil nakakahiyang paghintayin ang isang Jiro Villafuente.

Nasa labas na siya ng kwarto niya, nakapantalon at tshirt lamang siya, napakasimple at ang pogi niyang tignan, ngayon ko lang siya nakitang ganiyan ang porma.

Ano ba to bakit hindi ko maiwasan mahiya at mapatingin sa kaniya, mas makinis pa nga ang mukha niya kesa sa akin.

“Saan tayo pupunta kuya Jiro?”

“Basta.” Sumusunod na lamang ako sa kaniya, ang akala ko nga kasama si manong Domeng dahil doon ako sa likod uupo sana. “Dito ka sa tabi ko.” Utos niya sa akin.

Siya ang magmamaneho? Ngayon lang kami aalis ng walang ibang kasama.

Ang lakas tuloy kumabog nang dibdib ko.

Nagkunwari akong kalmado pero ang totoo naiilang ako, saan kami pupunta? Nakashades na siya ngayon habang nagmamaneho, pakiramdam ko isa akong prinsesa na pinagmamaneho ng isang gwapong prinsipe.

Ang gwapo niya ngayon lalo at nakashades siya.

Nakatanaw lang ako sa dinadaanan namin, hindi kami umiimik pero may music naman kaya maingay dito sa loob ng sasakyan.

Ayaw naman niyang sabihin kung saan kami pupunta, ang layo na namin sa madalas naming putahan, akala ko nga maggrogrocery lang kami.

Gusto ko na magtanong ulit kase naman hindi ko na alam kung saan kami pupunta.

Ipapaampon na ba niya ako sa iba?

Iwawala? Pero para naman akong pusa ililigaw.

Saan ba niya ako dadalhin? Tanging sarili ko lang ang dala ko at ang aking kaluluwa.

Medyo pamilyar ang dinaanan namin ngayon lalo na ng lumiko kami sa pataas na lugar. “Teka dito yung—” lumingon ako sa kaniya, yung ngiti niya hindi buo pero alam kongi isa lang ang nasa isipan naming dalawa ngayon.

Pupunta kami doon sa lugar kung saan ako dinala ng mga kaibigan ko.

“Maganda dito kuya.”

Alam kong maganda ang mood niya kahit nakashades siya, napapatulala tuloy ako habang nagmamaneho siya.

“Tumingin ka sa paligid kesa sa akin, mas maganda makikita mo.” Hindi ko namalayan ang sarili ko dahil pang artista talaga ang itsura ni kuya Jiro.

Nakakahiya tuloy yung sinabi niya sa akin.

Medyo malayo yung byahe pero sulit, sakto pa ang oras namin ngayon dahil hapon pa lang, ang bilis kase niya magmaneho.

Medyo kakaunti ang tao ngayon siguro dahil weekdays at may pasok.

Pagbaba namin ng sasakyan si kuya Jiro ang nililingon ng mga babaeng dumadaan dito at mga babaeng nakatambay.

Nahihiya akong lumapit sa kaniya para akong pulubi na nakisakay, pero ganun naman talaga ako sa buhay niya, hindi naman ako girlfriend.

“Saan ba dito magandang pwesto?” tanong niya sa akin.

“Doon kuya halika!” sigaw ko sa kaniya, ako ang tour guide niya kaya sinusundan lang niya ako, bumili pa siya ng ice cream para sa aming dalawa habang naghihintay magdilim.

Ang mga tao sa paligid halos sa amin ang tingin, akala siguro nila girlfriend ako, nakapambahay nga lang ako kase akala ko mamamalengke o maggrogrocery lang ako, pero hindi ko inakala na dito niya ako dadalhin.

Siguro dahil sa kwento ko kaya siya naengganyong pumunta dito.

Maganda naman talaga at nakakagaan sa pakiramdam. “Medyo mabagal magdilim.” Sambit ko kase naman ang tahimik naming dalawa.

“Kaya nga.”

May mga grupo ng mga babae na nakaupo malapit kay kuya Jiro, siya ang pinagtitinginan at pinag uusapan, sinadya ata nilang lapitan siya dahil nagtitilian sila habang tinitignan siya.

Si kuya Jiro naman kumakain lang ng ice cream habang nakatanaw sa paligid.

Ako naman nakatingin sa grupo ng mga babae na pinag uusapan siya, kilig na kilig sila sa kaniya tapos umuusod pa sila at gustong tabihan si kuya Jiro.

Ang lalandi, tsk!

Kung sabagay wala namang girlfriend si kuya Jiro bakit ako magagalit, dapat ikasiya ko pa nga kapag may nagustuhan siyang babae dahil hindi na magiging boring ang buhay niya, may pagakaabalahan na siyang iba, kaso nga lang paano ako? este iba na kase ang isasama niya kapag may gusto siyang puntahan.

“Ayaw mo ba niyan? Natutunaw na.”

“Ah gusto kuya wala lang akong panyo.”

May kinuha siya sa bulsa niya at lumapit sa akin, tumutulo na pala yung ice cream ko kakaisip ko ng kung ano ano, siya ang nagpunas sa kamay ko ng mga tumulong ice cream.

Ngayon lang dumampi ng matagal ang kamay ko at kamay niya, para akong nakuryente bigla kaya muntikan ko pa mahulog yung hawak kong ice cream.

“Okay na ako kuya, salamat.”

“Kapatid niya yan imposibleng girlfriend.” Rinig kong sabi ng babae, mukhang kami ang tinutukoy niya.

Kapatid nga naman talaga ang turing niya sa akin, ano pa ba ineexpect ko, bakit ba ako ganito? Siguro nadadala lang ako ng pagod kaya kung ano ano iniisip ko.

Hindi ako mapakali, naiirita ako ngayon hindi ko alam kung bakit.

Napapabuntong hininga na lang ako dahil baka nagseselos lang ako.

Ano daw? Selos? Ano ba itong naiisip ko bakit ako magseselos? Ang tagal naman ng sunset, gusto ko na umuwi, ayaw ko kase ng mga malalanding babae na umaaligid kay kuya Jiro, hindi ko sila gusto para sa kaniya.

Lumipat ako ng pwesto, sa pagitan nang mga babae at ni kuya Jiro.

Malapit na lumubog ang araw, hindi naman pinapansin ni kuya Jiro yung mga grupo ng babae na nasa gilid ko, hinarangan ko na sila, naiirita na kase ako sa kanila.

Pinagdamot yung hindi naman pag mamay ari.

Nagsisitayuan at nag-iingay ang mga tao dito dahil palubog na ang araw at napakaganda ng tanawin.

“Tignan mo dali, ang ganda oh!” turo ko kay kuya Jiro.

Tinanggal niya yung shades niya at ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng matagal habang nakatanaw sa sunset.

Ako naman nakatitig kay kuya Jiro dahil umiba ang mood ko nang makita ko siyang nakangiti kahit hindi dahil sa akin.

Ano bang meron sa taong ito bakit kaya niyang kontrolin ang mood ko maski ang puso ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Revenge   Epilogue

    EpilogueSAMANTHAGumaan ang pakiramdam ko pagkamulat ko nang aking mga mata. Nasa isang magandang kwarto ako, malinis at maaliwalas.Tanging ang mga mata ko lamang ang umiikot upang makita ang buong paligid ko, nasa gilid ko na pala si Jiro natutulog habang nakaupo.Binantayan niya talaga ako, pakiramdam ko gabi na kase madilim sa labas, nakatali kase ang mga kurtina at mukhang mahaba ang naitulog ko.Habang nakahiga ako inaalala ko lahat ng nangyari, oo nga pala natamaan ako ng bala ng baril pero hindi ko pa maramdaman ngayon ang sugat ko, parang namanhid pa ang katawan ko pero naigagalaw ko naman ang aking ulo at ang aking kamay.Pakiramdam ko kapag naigalaw ko na ang buong katawan ko mararamdaman ko na ang sakit ng sugat ko, naiiyak na lamang ako kase nakasurvive ako.Maya maya pa naramdaman kong gumalaw si Jiro umangat siya at umayos ng pagkakaupo sabay tumingin sa akin. “Gising ka na.” nabigla siya ng makita akong nakamulat na.“Oo, ayos lang ako matulog ka muna.”“Hindi na ako i

  • The Billionaire's Revenge   //101

    Chapter one hundred oneSamanthaYung awkward moment namin unti unting nawala dahil lumapit siya sa akin, nagiging komportable talaga ang pakiramdam ko kapag malapit siya sa akin.“Nag aalala ka pa rin ba talaga sa akin?” mahina niyang tanong, yung boses niya napakasweet at parang tumatama sa balat ko kaya naman para akong nakukuryente habang nagsasalita siya, napatango na lang ako sa kaniya. “Sabihin mo, mahal mo pa baa ko?” sa tanong niyang yan hindi agada ko nakasagot, napatingin ako sa kaniya dahil ang seryoso ng mukha niya.Yung puso ko, ang bilis ng tibok na parang may naghahabulan sa loob.Ang gaan sa pakiramdam ang tumitig sa kaniya dahil alam kong seryosong tao ako kausap ko, hindi na ako tumanggi, tama na ang pagpapanggap na okay ako, gusto ko na muling sumaya.“Oo, hindi naman nagbago yun.” bigla niya akong niyakap ng mahigpit kahit na may gusto pa akong sabihin sa kaniya, gusto kong humingi ng tawad, at magpasalamat.Gusto ko humingi ng tawad dahil ang dami kong naisip na

  • The Billionaire's Revenge   //100

    Chapter one hundredSamanthaNakaramdam ako ng maginhawa ngayon, patay na ba ako? pero hindi eh humihinga ako alam ko.Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Hindi ito ang kwarto ko, iba ang amoy nakakarelax siya, saang kwarto to? Anong lugar ito?Ginilid ko ang ulo ko, may katabi akong lalaki, nakatalikod siya sa akin, tinitigan ko lamang siya hanggang sa mapagtanto ko ang mga nangyari kanina.Nasa tulay ako ah paano ako napunta dito?Pagkatitig ko ng likuran ng katabi ko alam kong siya ito, si Jiro ito lalo naaamoy ko ang pabango niya.Ibig bang sabihin nito iniligtas niya ako sa phobia ko? Nawawalan na ako ng pag asa dahil akala ko mahihimatay na ako pero nandito ako ngayon malakas na muli at naaalala na ang mga nangyari habang umuulan.Iniligtas nanaman niya ako.Paano niya kaya ako napupuntahan?Hindi ko siya makausap dahil mukang natutulog siya, baka magising ko siya kapag gumalaw ako.Alam na alam niya kapag umaatake ang phobia ko, grabe para siyang super hero.Kinapa ko

  • The Billionaire's Revenge   //99

    Chapter ninety nineSamanthaWalang sumunod sa akin.Wala man lang nag abalang sundan ako para pabalikin.Papanindigan ko itong ginawa ko kahit nakokonsensya ako dahil si papa nag aalala, kaso si mama wala namang pakealam at isa pa nasasakal na ako sa bahay na iyon, sa pamilyang iyon.Hahayaan ko na lang ang trato niya sa akin?Si papa halos gumive up na sa ugali ni mama dahil hindi nagbabago, kapag ganon pala ang ginawa, kapag pinabayaan ang maling ginagawa, mas lalong nagiging masama. Hindi pwedeng itolerate ang mali, akala tuloy niya palagi siyang tama.Hays ewan bakit ganito, nalulungkot ako.Hindi ganito ang pinangarap kong sitwasyon.Mag isa ko lang naglalakad hanggang sa makalabas ako ng village, nagtataka ata ang mga gwardya sa akin kase ako lang ang naglalakad dito.Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako sa mismong gate ng village, dito na ako sa may highway at medyo madilim nga lang.May pera pa naman akong dala kaya pa itong pangpamasahe, tatawagan ko muna si Riri para m

  • The Billionaire's Revenge   //98

    Chapter ninety eightSamanthaHindi na pwede itog nangyayari, habang buhay na lang ba akong magkukulong? Para na rin akong baldado sa ginagawa sa akin dito.Kinakausap ko si mama pero para akong hangin sa paningin niya, ang lakas naman niya magkimkim ng galit o tampo sa akin?Pinuntahan ko si papa para humingi ng payo.“Bakit anak?”“Bakit po ganon sa akin si mama? Kung ituring ako parang ang laki ng kasalanan ko.”“Ganiyan siya magkimkim, ugali na niya yan noon pa, ako na ang humihingi ng tawad para sa kaniya.”“Pero po halos linggo na ang nakalipas hindi pa rin niya ako pinapansin, kinakausap ko siya at nilalambing, tinatanong ko kung anong gusto niyang ulam, kung anong gusto niyang kainin, sinusungitan niya lang ako.”Ngumiti si papa sa sinasabi ko. “Ngayon mo lang kase siya nakasama anak, ganiyan talaga ang ugali ng mama mo, pero lilipas din yan tsagain mo lang.” hindi na ako umimik pa, kailangan lang ba maghintay ng oras? Kailangan maghintay ng panahon?Yan ang pinayo sa akin ni

  • The Billionaire's Revenge   //97

    Chapter ninety sevenSamanthaLagot ako nito mamaya, pakiramdam ko masesermunan ako dahil sa nangyari kaninang umaga, nagmamadaling umalis si mama dito kanina siguro nagpipigil lang siyang mainis sa akin.Hays bakit ba kase ganito ang sitwasyon ko? Nakakalungkot isipin sarili kong pamilya hindi naman ako komportable.Medyo gumaan ang pakiramdam ko kaninang umaga pagkatapos ko kumain dahil uminom ako ng gamot, wala ngang nakakaalam na may sakit ako, basta pinapagaling ko na lang ang sarili ko.Hindi ako makalabas ng bahay, pakiramdam ko mas madodoble galit niya kapag lumabas nanaman ako at madatnan niyang wala ako dito sa bahay.Baka isipin niya inuuna ko ang paggala kesa ang matuto sa kompanya.“Okay ka lang?” tanong sa akin ng kasambahay, nakita niya kaseng nakatambay ako dito sa likod ng bahay at nakaupo.“Oo.”“Palagi kang nasisigawan ni madam.” Tumango na lang ako, rinig na rinig naman talaga sa buong bahay ang boses niya.“Ganiyan din gawain sa amin ni madam, pero yung iba sabi m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status