Chapter five
Jiro
“I’m busy I will call you later.”
“Sir tungkol po kay Sam.” Napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang pangalan ni Samantha.
“Bakit? anong meron?”
“Meron po kaseng umaaligid na lalake sa kaniya dito sa campus, classmate po niya, Jude ang pangalan, halata kaseng sinusundan si maam Samantha at naiilang siya dito, sir Jiro mukhang pauwi na rin po siya ngayon.”
“Pero may klase pa siya diba?”
“Opo, mukhang hindi na siya papasok sa last subject niya po sir.”
Napabuntong hininga na lamang ako, sino naman kaya yang Jude? Wala siyang nababanggit sa akin na nambubully sa kaniya, ngayon lang nireport sa akin ng tauhan ko.
Naghired ako ng magmamanman kay Sam sa lahat nang gagawin niya at kung saan man siya pupunta, hindi ako mapalagay sa nilagay kong tracker sa phone niya, kaya ginawa ko yan.
Hindi lang dahil sa safety niya kung hindi para na rin sa tunay niyang pamilya, gusto kong makasiguro na hindi siya matatagpuan nang mga tunay niyang pamilya.
Binilin ko agad si manong Domeng na kapag nakauwi na si Sam ay papuntahin dito sa kwarto ko.
At hindi nga nagkamali ang tauhan ko, umuwi nga ng maaga si Sam, pumunta naman agad siya dito sa kwarto ko, kaso hindi siya umaamin, ayaw niyang sabihin sa akin kung ano ang nangyayari sa kaniya doon sa eskwelahan.
Ayaw ko siyang tanungin agad dahil baka magtaka kung paano ko nalalaman ang mga nangyayari sa kaniya, ayaw ko siyang magduda sa akin.
Hindi ko siya mapilit magkwento, panay ang titig niya sa akin, hindi ko malaman kung naiinis o ano ang nararamdaman niya sa akin.
Pinagmeryenda ko na lamang siya kaso halatang wala siya sa mood kaya pinagpahinga ko na lang siya matapos niyang kumain.
“Ayusin mo schedule ko bukas, icancel mo lahat ng meeting ko.” Utos ko kay mang Domeng.
“Pero sir, may importante kayong meeting sa—”
“Gawan mo nang paraan.”
“Saan ba kay pupunta sir? Bakit pinacancel niyo lahat ng meeting niyo?”
“Sa campus nila Sam.” Sagot ko kay mang Domeng.
“Ehem.”
“May kailangan akong kausapin doon, importante.”
Yung ngiti nim ang Domeng abot tenga niya, hindi ko alam kung bakit ganiyan siya, kinikilig na parang nang aasar.
“Kung sabagay, importante naman talaga ang pupuntahan niyo sir.”
“Huwag mong babanggitin sa kaniya na pupunta ako sa school nila.”
“Syempre.”
Pinaayos ko lahat ng schedule ko, ang hirap kaseng gumalaw kapag may nakalimutan kang gawin, lalo sa mga meeting ko.
Kinabukasan naunang umalis si Sam. “Bakit hindi ka nakisabay sa kaniya sir?”
“Malamang ayaw ko malaman niya na pupunta ako sa campus nila.”
“Ano bang gagawin mo doon?”
“Secret.”
Matanong talaga kapag matanda, kung sabagay komportable na si mang Domeng sa akin dahil simula pagkabata ko nasa tabi ko na siya.
Hinintay kong tumawag ang tauhan ko bago ako umalis dito, kailangan nasa klase si Sam bago ako pumunta sa campus nila, hindi niya ako pwedeng makita ngayon doon.
Kaya kailangan ko ang hudyat nang tauhan ko bago ako pumunta sa campus nila.
Pagdating ko doon kinausap ko mismo ang may ari ng campus na iyon, maski ang ibang matataas na opisyal nila.
“Napadalaw kayo, ano pong mapaglilingkod namin sa iniyo?”
“Ngayon lang po ulit namin kayo nakita dito Mr. Villafuente.”
“May gusto kase akong ipakiusap sa iniyo.”
Sinabi ko sa kanila kung anong pakay ko, nagtaka sila sa sinabi ko, hindi sila sumagot kaagad at napanganga sila sa request ko sa kanila.
Mabuti na lang pinagbigyan nila ako kaya nakaalis agad ako sa opisina nila, hindi sila makatanggi dahil malaki ang ambag ko sa eskwelahan na ito, kilala din ang pangalan at ang kompanya ko pero nagtataka sila sa request ko.
Bahala sila kung ano isipin nila.
Sakto naman na kakalabas nila Sam sa isang subject nila kaya napatago ako bigla, hindi niya ako pwedeng makita ngayon dito.
“Hoy Jude! Ayun si Sam oh!” aalis na sana ako pero may narinig akong pangalan, matalas talaga ang pandinig ko ngayon pagdating sa pangalan niya tapos yung Jude nacurious ako kaya napahinto ako.
“Parang bubwit.” Bulong ko sa aking sarili. “Ano naman kaya ang pakay niya kay Sam.”
Hindi ko makita si Sam, siguro nagtago dito sa nagngangalang Jude.
May mga kasama yung Jude mukhang barkada niya pero nahuhuli siyang maglakad at parang may susundan sila.
Inabangan ko siya sa may gilid at hinila ko ang bag niya, hindi naman siya napansin ng mga kaibigan niya dahil tinakpan ko ang kaniyang bibig.
Niluwagan ko naman agad ang pagkakatakip sa bibig niya nang maitago ko na siya.
“Tang ina! Sino ka!” sigaw niya sa akin.
“Kung wala kang magandang gagawin sa buhay umalis ka dito sa school na to.”
“Sino ka ba ha? Kilala mo baa ko? Kilala mo ba ang pamilya ko?”
“Oo, kayo yung may ari ng JBC company na napakaliit.” Nagtataka siya sa akin dahil kilala ko siya. Lumapit ako sa kaniya upang marinig niyang mabuti ang sasabihin ko. “Lubayan mo si Sam kung ayaw mong ikaw ang maging dahilan ng pagkalugi ng kompaniya niyo.” Umalis na agad ako at hinayaan siyang magtaka doon.
Bahala siya kung matatakot siya o hindi.
Dumiretso na lang ako sa kompanya at inasikaso ang dapat asikasuhin, kailangan kong paglaruan ang lalakeng yun, sigurado pagdating niya sa bahay nila lugi na ang kompanya ng mga magulang niya.
Tignan natin kung hindi pa niya tigilan si Sam, sa sobrang maimpluwensya ko nagawa ko ang gusto ko, umuwi ako sa bahay pero wala pa si Sam, mabuti naman at pumasok na siya sa last subject niya, may nagmamanman naman palagi sa kaniya kaya kampante akong hindi siya sasaktan nang kung sino.
“Mukhang masaya ka ngayon sir?”
“Alangan naman maging malungkot ako, wala namang dahilan nang ikakalungkot ko.”
“Mukhang may magandang nangyari sayo ah.”
“May magandang mangyayari palang.”
Si manong Domeng talaga ang hilig mangealam, para ko na rin kase siyang kamag anak kaya napalapit na rin sa akin.
Kinabukasan naghanda na ako, tinawagan na ako sa campus kaya niready ko ang aking sarili.
“Bakit parang iba ang suot mo ngayon sir Jiro?”
“Umalis na ba si Sam?” tanong ko kay manong Domeng.
“Oo sir kanina pa, maaga siyang umalis.”
“Nag almusal ba siya?”
“Oo sir kasabay ko.”
“Bakit hindi siya sumabay sakin?”
“Sir nahihiya yun sayi.”
“Edi sana dinala mo dito yung pagkain niya o kaya sinabi mo sa akin para naman may kasabay ako.”
“Ayiee—” tinignan ko si mang Domeng ng masama, alam ko iniisip niya kaya gusto kong tigilan niya ang kakaisip ng ganun. “Ang gandang lalake mo sir sa suot mo.”
“Salamat.”
“Marami nanamang mahuhumaling sayo sir, kaso wala ka namang kinahuhumalingan.” Inaayos ko yung suot ko at hinahayaan si manong Domeng na magsalita. “Ay meron pala.”
“Sino nanaman.”
“Ako sir, hahaha.” Natawa na lang ako sa kaniya dahil hindi niya mabanggit ang gusto niyang sabihin lalo pa at pinagsabihan ko na siya kaso ganiyan talaga ang mga matatanda, mahirap pagsabihan kaya hayaan na.
Ako lang ang umalis at naghintay ng oras, nasa opisina ako ng dean at kinausap sila.
Maraming nakakakilala sa akin dito, malamang kilala nila ang apelyedo at ang kompaniya ko, takang taka sila kung bakit narito ako ngayon at nakikipag usap sa kanila.
Hindi naman sa pagmamayabang pero ang layo kase ng antas ko sa antas nila kaya nahihiya sila sa akin, lalo pa at ang kompanya ko, hayag na hayag dito sa bansa hanggang sa ibang bansa.
Maghihintay lang ako ng oras at gagawin ko na ang dapat kong gawin.
Chapter eighty sevenSamanthaNahinto ang pagluha ko pero namumugto ang mga mata ko, humihikbi ako ng wala sa oras dahil hindi ko mapigilan.Nakatitig lang ako kay kuya Jiro, samantalang siya? Normal na facial expression lang niya ang nakikita ko ngayon kahit nakikita niya akong nakasalampak dito sa sahig at mugto ang mga mata.Mukhang handa siya sa mga nangyayari.Parang alam niya kung anong nangyayari sa akin ngayon.“Bakit?” yan ang kusang lumabas na salita sa bibig ko. Mahina lang pero alam kong narinig niya. Hindi siya nagsasalita, hindi siya umiimik, nakatitig lang siya ng deretso sa akin kaya naman nainis ako. “Bakit hindi mo agad sinabi!” sigaw ko sa kaniya at doon na tumulong muli ang luha ko.Hindi parin siya umiimik, hinihintay ko siyang magpaliwanag pero wala siyang sinasabi, mas lalo lang akong naiinis dahil sa katahimikan niya!“Alam mo na pala ang lahat pero tinago mo sa akin? Bakit mo tinago ang totoo? Ilang taon akong nagdusa na walang magulang at hind imo yun alam!”
Chapter eighty sixSamanthaIbang iba ang pakiramdam ko ngayon, maski ata si kuya Jiro napapansin ang pagbabago ng mood ko, palagi niya akong tinatanong kung okay lang ba ako, kung may problema ba ako, ang palagi kong sinasagot sa kaniya ay baka rereglahin ako kaya umiiba mood ko.Madalas akong tulala at tahimik, ganito pala kapag stress ka habang naghihintay ng resulta, hindi ko kase magawang ngumiti at maging kagaya ng dati na jolly at walang iniisip na problema.Halos ayaw pumasok ni kuya Jiro sa kompanya dahil sa akin, sabi ko ayos lang ako masakit puson ko kahit hindi naman totoo, hinihintay ko kase ang resulta ng DNA test kaya palagi akong nasa bahay, baka bigla nila akong tawagan na kasama si kuya Jiro kaya naman nagdadahilan ako.Im sorry Jiro, kailangan kong gawin ito.Nagpaiwan ako dito sa mansyon, inaaya niya akong pumunta sa kompanya dahil pagkatapos nun ay deretso na kami mamasyal at mag dinner sa labas.Nakokonsensya ako kay kuya Jiro pero naiintindihan naman niya, alam
Chapter eighty fiveSamanthaTinititigan niya lang ako habang nakatayo ako sa may tapat ng pinto, parang ayaw kong humakbang palapit sa kaniya.“Halika maupo ka dito.” Turo niya sa upuan sa may harapan niya.Lumapit ako upang makausap siya ng maayos at marinig ko din ng maayos ang mga sasabihin niya. “Pinapatawag niyo daw po ako?”“Yes noong nakaraang araw pa kaso ayaw mo daw.”“Pasensya na kase akala ko mga kidnapers yung dalawang lalake na tauhan niyo kase naman tinatanong ko sila kung saan ako dadalhin iba iba ang sinasabi.” Natawa siya sa sinabi ko, totoo naman yun kase yun ang hinala ko sa kanila.“Anyway, hind imo alam siguro kung bakit kita pinapahanap, dahil noong nakaraan nabanggit mo ang tungkol sa anak ko, hindi kita nakausap ng maayos dahil nagmamadali ako that time, and because of my curiosity after ng meeting ay naalala ko yung mga sinabi mo kaya gusto kitang makausap ng masinsinan.”“Sige ho, pasensya na kung naungkat ko ang tungkol doon.”“Paano mo nasabing same kayo n
Chapter eighty fourSamanthaAng sarap gumising na nasa bisig ng taong mahal mo, yun bang wala ka agad problem ana maiisip kase kinikilig ka.Dating pangarap ko lang ito, yun bang magkagusto din sa akin ang taong gustong gusto ko, pero ngayon natutupad na.Nauna akong nagising sa kaniya, ang ganda ganda pa ng view dahil tanaw namin mula dito sa higaan ang dagat, ang laki naman kase ng salamin sa labas at yung dagat talaga ang bubungad.Nagdahan dahan akong kumalas sa pagkakayakap ni kuya Jiro kase nagvavibrate yung phone ko.Kinuha ko ito mula sa bag ko, kagabi pa kase ito hindi natitignan, si Riri pala ang nagmimissed call, naalala ko nandoon nga pala siya sa graduation ko, hindi ko na nasabi sa kaniya na umalis na ako doon.Baka hinahanap niya ako kaya tawag siya ng tawag, makikipagkita na lang ako sa kaniya mamaya kapag nakauwi na kami ni kuya Jiro.Hinatid ako ni kuya Jiro sa mansyon niya bago siya pumasok, nagpaalam siya na baka gabihin at doon na daw ako matulog sa kwarto niya,
Chapter eighty threeSamanthaKagaya nga ng sinabi ni kuya Jiro binigyan niya ako ng body guard, pinakilala niya sa akin ang dalawang body guard ko, pero hindi sila naka uniform, nakacivilian sila parang normal na kasuotan lng din kapag nasa labas ng bahay.May picture taking kami, graduation picture kaya kailangan ko pumunta dito sa campus, yung mga body guard ko nasa bench, kunwaring may hinihintay. Hindi nila ako nilalapitn pero sinusundan nila ako sa malayo.“Uy Sam sino ba yung naghahanap sayo?”“Ang kukulit nila.”“Sabi sa kompanya daw na pinag OJThan mo kaya sinabi naman kung nasaan ka, kaso bakit ka tumakbo?”“Basta mahirap ipaliwanag.”Iba ang dinahilan nila sa mga classmates ko, iba rin ang sinasabi nila sa akin kaya paano ako magtitiwala sa kanila? Hays mabuti na lang nakatakas ako muntikan na akong makuha ng mga taong iyon.Natutulala na ako kakaisip kung bakit hinahanap ako ng mga taong yun, wala naman akong atraso sa kanila.May nagmamake up na sa akin kase isasalang na
Chapter eighty twoSamanthaLimit na lang ako lumabas ng mansyon ngayon, hindi naman ako napapansin ni kuya Jiro dahil palagi siyang wala at isa pa kapag lalabas lang ako deretso na sa campus at hindi ako dumadaan sa main gate ng campus.Para akong kriminal sa ginagawa ko, nagtatago ako kahit na wala naman akong kasalanan.Ngayong araw may date kami ni Riri sabi niya sa akin susunduin niya ako sa labas ng village sa may kanto kaya hindi na ako pupunta pa sa malayo.May sasakyan naman siya at isa pa ang sabi niya samahan ko daw siya mamili ng isusuot niya sa birthday ng classmate niya at para makapasyal na rin ako.By the way sa susunod na linggo na ang graduation namin, nakakatuwa na nakakalungkot at syempre nakakaexcite din.Habang na mall kami ako naman ang pinipilian niya ng damit.“Bakit ako? ikaw yung aattend ng birthday ah.”“Nandito tayo para bilhan kita ng gift mo para sa graduation syempre.”“Ha?”“Hahaha hind imo naman kase sasabihin kung anong gusto mo kapag tinanong kita k