MasukChapter six
Samantha
Pumunta ako sa kwarto ni kuya Jiro upang magpaalam na papasok, nakita ko kaseng medyo bukas kaso nag alangan ako dahil maaga pa, baka kung ano makita ko.
Iba naiisip ko hahaha, pero sige magpapaalam muna ako, gawain ko naman ito kapag bukas ang pinto niya, minsan kase nagbrebreakfast siya nang ganitong oras.
Pagbukas ko sa pinto walang tao.
Napatingin ako sa paligid at hinahanap siya, walang tao, walang nakaupo sa couch kung saan madalas siyang kumain nang almusal.
“Kuya?” tawag ko sa kaniya kaso walang sumasagot.
Aalis na lang ata ako, wala naman siya dito sa kwarto niya, iniwan pa niyang bukas.
Humakbang ako paatras kaso nabigla ako dahil may nakaharang sa likuran ko hindi ko alam kung ano dahil wala namang kung ano diyan sa likuran ko kanina, kaya napaharap ako bigla kaso sa gulat ko kay kuya Jiro na nasa likuran ko pala ay napahawak ako sa tuwalya niya na nakasampay sa kaniyang leeg.
Muntikan pa akong matumba patalikod mabuti na nga lang nasalo ng kamay ni kuya Jiro ang likuran ko.
Tapos ang kamay ko nakahawak sa tuwalya niya na nakasampay sa kaniyang leeg kaya mas lalo siyang napalapit sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko lalo pa at napakalapit niya sa akin, wala siyang pang itaas na damit dahil kakaligo lang niya, mabuti na nga lang may suot siyang pang ibaba.
Hindi ako makagalaw, ang bilis ng kabog ng dibdib ko, ang bango kase ni kuya Jiro tapos parang ang sarap niyang yakapin ngayon.
Teka, teka, teka!
Yung utak ko kung ano ano iniisip.
Ako na mismo ang lumayo sa kaniya. “Pasensya na kuya.”
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya agad, parang wala lang sa kaniya yung nangyari, para nga kaming nasa pelikula kanina kaso siya? Balewala lang, nagpapantasya nanaman ako.
Nagpupunas na siya ngayon nang tuwalya sa basa niyang buhok.
“Ah eh, magpapaalam lang ako kuya Jiro na aalis na ako, papasok na.” ang aga ata niyang naligo, ganitong oras madalas kase nag aalmusal pa siya.
“Ah.” Yan lang sinabi niya. “Ingat.” Ang tipid talaga niya magsalita.
Wala naman na akong gagawin dito at ang awkward kase nakahalf naked siya nahihiya ako, lumabas na ako ng kwarto niya at doon nagtitili ng mahina.
Nakakahiya ka Sam! Sabi ko sa isipan ko, kase naman first time na mangyaro iyon sa amin, yun bang magkalapit kami ni kuya Jiro ng ganun tapos nakahalf naked pa siya.
Pakiramdam ko ang pula na ng mukha ko.
Bakit ganito? Sa ibang lalake hindi naman ganito ang pakiramdam ko, kung sabagay wala pa sa kalingkingan ni kuya Jiro ang mga lalake na nakikilala ko.
Hays, makapasok na nga!
Pagdating ko sa classroom nag alangan akong pumasok kase naman aasarin nanaman nila ako kay Jude, araw araw na lang, ang ganda ng mood ko ngayong umaga tapos umiiba habang palapit ako sa klase ko.
Nakakainis kase si Jude palagi na lang tumatabi sa akin, supportive naman ang ibang classmate kong bully. Nakakairita kaya.
Pagpasok ko umiba na ang seating arrangement, si Jude naman kausap ang mga kaibigan niya sa klase at hindi ako pinapansin.
Himala?
Ang layo ng inuupuan niya ngayon kesa sa dati.
Aba mabuti naman natauhan na siya.
Umupo na lamang ako sa dati kong inuupuan, hindi ko pinapansin si Jude, may ibang classmate naman ako na kakilala ko kaya nakipagkwentuhan muna ako sa kanila bago dumating yung professor namin.
Nagtataka ako kay Jude, ang tahimik niya at tanging yung kaibigan niya lang ang kinakausap niya, nakaraang mga araw at kahapon hindi siya ganiyan, anong nangyari?
Kapag nang aasar siya tsaka lang din mang aasar ang mga classmate ko sa akin, pero wala ngayon, busy yung leader nang pang aasar, para siyang may problema, hindi lang niya pinapahalata.
Napapasilip kase ako sa kaniya, tinitignan kung anong nangyari, malamang curious ako, hindi naman sa gusto ko yung ginagawa niya, kumbaga nacucurious lang ako sa nangyayari, baka mamaya masama na binabalak saken pero mukhang hindi naman.
Hindi na ako umalis pa sa klase kase sunod sunod ang mga subjects ko, wala namang nang aasar sa akin kaya ayos lang payapa na ako.
Minsan nga nagtataka yung ibang classmate ko nagtatanong kung anong nangyari kay Jude, abay hindi ko rin alam, kaya mas better quiet na lang.
Mas okay na tahimik siya.
“Nandiyan na bagong professor natin!” sigaw nang classmate ko sa labas.
Bagong professor? Patataka ko, maski ang ibang classmate ko nagtaka, ang iba naman mukhang alam na may paparating na bagong maglelecture sa amin.
Nagsi-ayos na silang lahat dahil may paparating nang professor namin, ako na nasa gitnang bahagi nang klase ay napalingon sa lalake na papasok dito sa loob ng classroom.
Namamalikmata ba ako?
Pero hindi lang niya kahawig ang nakikita ko.
Siya mismo.
Si kuya Jiro nga!
Siya ang professor ko? Paano nangyari yu?
Pumwesto siya sa harapan at tinignan kaming lahat bago nagsalita. “I’m your new professor for this semester, I’m Mr. Villafuente.” Hindi nga ako nagkakamali, si kuya Jiro nga.
Napalingon ang iba sa akin dahil pareho kami ng apelyedo, pero mas pinagtuunan nila ng pansin si Jiro dahil sa kaniyang angking kagwapuhan, ibang iba ang porma niya ngayon at nakasalamin pa siya, napakagentleman tignan parang ang sarap yakapin.
Pinagpapantasyahan tuloy siya ng mga babae kong classmate, halata naman sa kilos nila dahil napapangiti sila kay kuya Jiro.
Ag umpisa na siyang maglecture, mukhang istrikto ang dating niya sa akin pero ang gwapo niya, lahat nakatingin sa kaniya pero ako? iniisip ko, hindi na ako babagsak sa klaseng ito hahaha biro lang syempre kailangan kong galingan.
Ang pananalita niya, ang pagkilos niya, at kung paano niya ipaintindi ang lecture, nakakatuwa dahil ang galing, hindi ko maimagine na pwede pala siyang maging professor, nakakagulat lang.
Ang galing niya magturo kaso nakakakaba lang dahil nagtatawag siya nang mga sasagot sa tanong niya, nahihiya ako.
Ang bilis lang din ng oras nagsabi na siya na tapos na ang klase at umalis na agad, ako naman na pasaway umalis din at sinundan siya.
“Kuya!” sigaw ko pa, oo ng apala nasa hallway kami ang ingay ko.
Hindi niya ako pinapansin kahit alam kong narinig niya ang boses ko, binilisan ko na lang ang pagtakbo ko hanggang sa maabutan ko siya.
Ngumiti ako sa kaniya pero ang seryoso niya nang makita ako. “Yes?”
“Kuya este sir? Ano ba itatawag ko sayo dito?”
“Kung ano moa ko dito ganun itawag mo.”
“Ahh sir, sir kuya Jiro.” Hindi ko maipinta ang mukha niya parang gusto niyang mainis at matawa nang sabay sa akin. “Teka, ikaw na ba magiging professor ko hanggang graduation?”
“Yup.”
“Wow! Kuya ang galing! Ay sir pala.”
“Hindi ka papasa kung hind imo gagalingan.”
“Oo naman kuya ako pa ba, este sir hehehe.” Nalilito ako, hindi ko alam ang itatawag sa kaniya, nagsabi siya na may gagawin pa kaya hindi ko na sinundan.
Bumalik na ako sa klase ko, nakakatuwa lang kase makikita ko dito si kuya Jiro, yung ibang classmate ko nagtatanong kung kaano ano ko daw si kuya Jiro, sabi ko na lang malayong kamag anak.
Ang hirap naman kung ikwekwento ko pa talambuhay ko sa kanila, anyway, nawala din si Jude, mukhang may pinoproblema nga talaga siya, hindi siya nang aasar tapos yung mukha niya nag aalala kanina pa.
“Ano pala nangyari kay Jude?” tanong ko sa isang classmate ko.
“Narinig ko kanina sabi niya nalugi daw kompaniya nila, biglaan.”
“Huh? Biglaan? Pwede ba yu?”
“Ewan, yun kase rinig ko kaya itong si Jude umalis nagskip nanaman uuwi ata.”
Kaya pala alalang alala siya, yun pa man din ang pinagmamalaki niya, yung yaman ng pamilya nila pero hindi naman siya yung nagpalago, kundi yung mga magulang niya.
Labas na ako diyan family problem na yan.
Yung uwi ko nakakaexcite kase pwede kong kulit kulitin si kuya Jiro kaso pagdating ko sa pinto hinarangan agada ko nim ang Domeng. “Busy siya bawal istorbohin.”
“Ay, ganun po ba, akala ko pwede siyang kausapin.”
“Anong kailangan mo sa kaniya Sam?”
“Wala naman mang Domeng gusto ko lang makipagkwentuhan sa kaniya.”
“Hayaan mo sa susunod na lang.”
Nadismaya ako pero ayos lang baka busy sa kompanya kaso paano yun ang damo niyang trabaho, nagmamanage siya sa kompanya tapos nagiging professor pa siya? Kawawa naman si kuya, bakit kaya siya pumasoks a university namin bilang professor?
Malaki naman ang kinikita niya sa kompaniya kesa sa sasahurin niya, nakapagtataka lang kase pero okay na rin magkikita kami araw araw.
Ang saya ko lang dahil hindi ako maboboring sa subject na iyon dahil si kuya Jiro ang professor ko. Tititigan ko lang siya ginaganahan na ako.
Mag aaral akong mabuti nakakahiya kung bagsak ako sa subject niya tapos magkaapelyedo pa kami, hindi naman kase nila nakikita si kuya Jiro na kasama ko, maliban na lang sa mga tunay kong kaibigan na nakikita kung sino ang sumusundo sa akin kung minsan.
EpilogueSAMANTHAGumaan ang pakiramdam ko pagkamulat ko nang aking mga mata. Nasa isang magandang kwarto ako, malinis at maaliwalas.Tanging ang mga mata ko lamang ang umiikot upang makita ang buong paligid ko, nasa gilid ko na pala si Jiro natutulog habang nakaupo.Binantayan niya talaga ako, pakiramdam ko gabi na kase madilim sa labas, nakatali kase ang mga kurtina at mukhang mahaba ang naitulog ko.Habang nakahiga ako inaalala ko lahat ng nangyari, oo nga pala natamaan ako ng bala ng baril pero hindi ko pa maramdaman ngayon ang sugat ko, parang namanhid pa ang katawan ko pero naigagalaw ko naman ang aking ulo at ang aking kamay.Pakiramdam ko kapag naigalaw ko na ang buong katawan ko mararamdaman ko na ang sakit ng sugat ko, naiiyak na lamang ako kase nakasurvive ako.Maya maya pa naramdaman kong gumalaw si Jiro umangat siya at umayos ng pagkakaupo sabay tumingin sa akin. “Gising ka na.” nabigla siya ng makita akong nakamulat na.“Oo, ayos lang ako matulog ka muna.”“Hindi na ako i
Chapter one hundred oneSamanthaYung awkward moment namin unti unting nawala dahil lumapit siya sa akin, nagiging komportable talaga ang pakiramdam ko kapag malapit siya sa akin.“Nag aalala ka pa rin ba talaga sa akin?” mahina niyang tanong, yung boses niya napakasweet at parang tumatama sa balat ko kaya naman para akong nakukuryente habang nagsasalita siya, napatango na lang ako sa kaniya. “Sabihin mo, mahal mo pa baa ko?” sa tanong niyang yan hindi agada ko nakasagot, napatingin ako sa kaniya dahil ang seryoso ng mukha niya.Yung puso ko, ang bilis ng tibok na parang may naghahabulan sa loob.Ang gaan sa pakiramdam ang tumitig sa kaniya dahil alam kong seryosong tao ako kausap ko, hindi na ako tumanggi, tama na ang pagpapanggap na okay ako, gusto ko na muling sumaya.“Oo, hindi naman nagbago yun.” bigla niya akong niyakap ng mahigpit kahit na may gusto pa akong sabihin sa kaniya, gusto kong humingi ng tawad, at magpasalamat.Gusto ko humingi ng tawad dahil ang dami kong naisip na
Chapter one hundredSamanthaNakaramdam ako ng maginhawa ngayon, patay na ba ako? pero hindi eh humihinga ako alam ko.Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Hindi ito ang kwarto ko, iba ang amoy nakakarelax siya, saang kwarto to? Anong lugar ito?Ginilid ko ang ulo ko, may katabi akong lalaki, nakatalikod siya sa akin, tinitigan ko lamang siya hanggang sa mapagtanto ko ang mga nangyari kanina.Nasa tulay ako ah paano ako napunta dito?Pagkatitig ko ng likuran ng katabi ko alam kong siya ito, si Jiro ito lalo naaamoy ko ang pabango niya.Ibig bang sabihin nito iniligtas niya ako sa phobia ko? Nawawalan na ako ng pag asa dahil akala ko mahihimatay na ako pero nandito ako ngayon malakas na muli at naaalala na ang mga nangyari habang umuulan.Iniligtas nanaman niya ako.Paano niya kaya ako napupuntahan?Hindi ko siya makausap dahil mukang natutulog siya, baka magising ko siya kapag gumalaw ako.Alam na alam niya kapag umaatake ang phobia ko, grabe para siyang super hero.Kinapa ko
Chapter ninety nineSamanthaWalang sumunod sa akin.Wala man lang nag abalang sundan ako para pabalikin.Papanindigan ko itong ginawa ko kahit nakokonsensya ako dahil si papa nag aalala, kaso si mama wala namang pakealam at isa pa nasasakal na ako sa bahay na iyon, sa pamilyang iyon.Hahayaan ko na lang ang trato niya sa akin?Si papa halos gumive up na sa ugali ni mama dahil hindi nagbabago, kapag ganon pala ang ginawa, kapag pinabayaan ang maling ginagawa, mas lalong nagiging masama. Hindi pwedeng itolerate ang mali, akala tuloy niya palagi siyang tama.Hays ewan bakit ganito, nalulungkot ako.Hindi ganito ang pinangarap kong sitwasyon.Mag isa ko lang naglalakad hanggang sa makalabas ako ng village, nagtataka ata ang mga gwardya sa akin kase ako lang ang naglalakad dito.Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako sa mismong gate ng village, dito na ako sa may highway at medyo madilim nga lang.May pera pa naman akong dala kaya pa itong pangpamasahe, tatawagan ko muna si Riri para m
Chapter ninety eightSamanthaHindi na pwede itog nangyayari, habang buhay na lang ba akong magkukulong? Para na rin akong baldado sa ginagawa sa akin dito.Kinakausap ko si mama pero para akong hangin sa paningin niya, ang lakas naman niya magkimkim ng galit o tampo sa akin?Pinuntahan ko si papa para humingi ng payo.“Bakit anak?”“Bakit po ganon sa akin si mama? Kung ituring ako parang ang laki ng kasalanan ko.”“Ganiyan siya magkimkim, ugali na niya yan noon pa, ako na ang humihingi ng tawad para sa kaniya.”“Pero po halos linggo na ang nakalipas hindi pa rin niya ako pinapansin, kinakausap ko siya at nilalambing, tinatanong ko kung anong gusto niyang ulam, kung anong gusto niyang kainin, sinusungitan niya lang ako.”Ngumiti si papa sa sinasabi ko. “Ngayon mo lang kase siya nakasama anak, ganiyan talaga ang ugali ng mama mo, pero lilipas din yan tsagain mo lang.” hindi na ako umimik pa, kailangan lang ba maghintay ng oras? Kailangan maghintay ng panahon?Yan ang pinayo sa akin ni
Chapter ninety sevenSamanthaLagot ako nito mamaya, pakiramdam ko masesermunan ako dahil sa nangyari kaninang umaga, nagmamadaling umalis si mama dito kanina siguro nagpipigil lang siyang mainis sa akin.Hays bakit ba kase ganito ang sitwasyon ko? Nakakalungkot isipin sarili kong pamilya hindi naman ako komportable.Medyo gumaan ang pakiramdam ko kaninang umaga pagkatapos ko kumain dahil uminom ako ng gamot, wala ngang nakakaalam na may sakit ako, basta pinapagaling ko na lang ang sarili ko.Hindi ako makalabas ng bahay, pakiramdam ko mas madodoble galit niya kapag lumabas nanaman ako at madatnan niyang wala ako dito sa bahay.Baka isipin niya inuuna ko ang paggala kesa ang matuto sa kompanya.“Okay ka lang?” tanong sa akin ng kasambahay, nakita niya kaseng nakatambay ako dito sa likod ng bahay at nakaupo.“Oo.”“Palagi kang nasisigawan ni madam.” Tumango na lang ako, rinig na rinig naman talaga sa buong bahay ang boses niya.“Ganiyan din gawain sa amin ni madam, pero yung iba sabi m







