Hello po! Short update lang po tonight dahil nasa dagat ako kahit umuulan. Happy weekend po!
Nadatnan ni Kara ang kanyang mag-ama na tulog pareho sa kama. Naka-sideview ng higa si Marco at yakap-yakap ang anak na nakatulugan na ang tsupon sa bibig. Pumasok siya sa maliit na silid para kumuha ng malinis na damit at saka mabilis na naligo sa banyo. Baka kasi may nadala siyang virus galing sa labas kaya ayaw niyang lumapit sa anak nang hindi malinis ang katawan.Matapos maligo ay niligpit niya ang kanyang maruming damit at inilagay sa isang bag. Iyon kasi ang ipauuwi niya sa driver para labhan ng kasambahay.Inayos din niya ang kabuuan ng silid bago pinuntahan si Marco.“Marco, wake up! Sa room ka na muna matulog,” ani Kara na sinabayan ng mahinang tapik sa braso.Pero hindi gumising ang lalaki. Napansin niya na ubos na ang laman ng blood bag at natanggal na rin ang pagkakakabit nito sa anak. Ibig sabihin ay mahigit apat na oras din siyang nawala.Naupo siya sa kabilang side ng kama. Pagkuwan ay isinandal niya ang ulo sa kutson at pinakatitigan ang mukha ng kanyang mag-ama. Napa
Itinaas ni Leah ang kanyang kanang kamay para kuhanin ang atensyon ni Kara na papasok na ngayon ng cafe. Dito niya pinili na makipagkita sa kaibigan dahil mula nang malaman ng babae ang sakit ng anak ay naging malulungkutin ito. Nag-aalala siya na baka kailangan din ng babae ng ibang paligid at baka sakal ay makatulong ang paborito nilang tambayan noon para makapag-relax ang kaibigan.Nang makalapit si Kara ay sinalubong siya agad nang mahigpit na yakap ni Leah.“I ordered our favorite drinks and cake. I hope you still like it,” nakangiting sabi Leah.Tumango si Kara at saka tahimik na naupo. “How is my godson?” nag-aalalang tanong ni Leah.“He’s admitted again for transfusion,” sabi ni Kara na huminto magsalita dahil parang may humarang sa kanyang lalamunan. “Am I a bad mom for leaving him with his father because I cannot witness the transfusion at this time.”Hinawakan ni Leah ang kamay ng kaibigan. “No, Kara. Marco is with Kyros. Take a breather, you need it too.”“I keep on think
Dadamputin na sana ni Noah ang hawak na luggage ni Amari pero mabilis na naglakad palayo sa kanya ang babae. Hahabulin sana niya pero may napara rin agad itong taxi at mabilis na sumakay. Naiwan si Noah doon na pinapanood ang babae palayo sa ospital.Napabuntong-hininga na lamang ang lalaki at saka laglag ang balikat na muling sumakay sa kanyang sasakyan. Kanina nang maibalik ni Marco sa kanya ang dokumentong pina-review ng ama ay nagmamadali siyang nagmaneho para makabalik agad. Gusto niyang maabutan ang babae para sana siya ang maghahatid kay Amari pauwi sa beach house at nang magkausap sila nang maayos pero hindi nangyari.Samantala, sa silid ni Kyros, kalong ni Marco ang anak habang binabasahan niya ng English Book tungkol sa iba't ibang hayop at sound ng mga ito. May mga makukulay itong drawing at nagpa-pop out kada bukas ng pahina kaya tahimik na nakikinig ang bata. Pumapalakpak pa ito kapag nagustuhan ang bagay na tumatayo sa bawat pahina. "Moooo," ani ni Kyros habang tinutur
Nang lumabas si Kara mula sa maliit na silid ay nagpaalam ang magkapatid na bababa sa clinic ni Dr. Moore para sa mga test na gagawin kay Amari para malaman kung match sila ni Kyros.“Will you be okay here alone?” nag-aalalang tanong ni Marco sa misis.Tumango si Kara. “I will call you if I need you.”Lumapit si Marco para halikan si Kara sa noo bago hinalikan din ang anak sa pisngi at saka hinila na ang kapatid palabas ng silid dahil kakaiba na naman ang ngiti nito."See you later, ate! May gusto ka bang food?” pahabol na sabi Amari.“Wala. Busog ako,” ani Kara.Paglabas ng magkapatid sa hallway napangiti si Amari at saka hinabol sa paglalakad ang kapatid.“I will call you if I need you,” paggaya ni Amari kay Kara.Kunot ang noo ni Marco na nilingon ang kapatid. “Bakit mo ginagaya ang ate mo?”“Pinapaalala ko lang sa iyo ang sinabi niya,” nakangiting sabi ng babae.“Why? Hindi ko naman nakalimutan?” naguguluhang sabi ni Marco.Naunang pumasok si Amari sa bumukas na elevator. “Make he
Dahil masyadong mababa ang hemoglobin at platelet ni Kyros, nag-order ng admission si Dr. Moore para ma-monitor ang sitwasyon ng bata. Mananatili sila sa ospital hangga’t hindi tumataas sa safe level ang dugo nito.Inayos ni Kara ang higa ng anak na natutulog. Kalilipat nila sa VIP Room. Habang si Marco naman ay kinakausap ni Dr. Moore para sa mga posibleng gawin habang naghihintay pa ng matched na bone marrow donor para kay Kyros. Maya-maya ay nabasag ang katahimikan sa VIP Wing nang tumunog ang elevator kasunod nang pag-echo sa pasilyo ng tunog ng heels ng kung sinong naglalakad na papalapit nang papalapit sa silid ni Kyros. Napansin ni Marco na napatitig ang kausap niyang doktor sa kanyang likuran kaya napalingon sa kanyang likod ang lalaki. Nagsalubong ang mga kilay ni Marco nang makita si Amari, ngayon alam na niya kung bakit biglang parang hangin na lamang ang kausap niyang doktor. Nakasuot ang dalaga ng grey turtleneck longsleeves bodycon dress na aabot lamang hanggang kalaha
Naramdaman ni Kara na may kung anong malambot na dumampi sa kanyang noo. Inaantok man ay napilitan siyang idilat ang kanyang mga mata.“Ma, I have a meeting with the Board at 9:00 in the morning,” sabi ni Marco sa misis na kailangan na niyang gisingin dahil nagising na rin ang anak nila habang nagbibihis siya. “Si Kyros gising na.”“Sige,” maiksing sagot ni Kara sabay yakap sa anak dahil inaantok pa siya. Ginanahan kasi siya magsulat kagabi ng script para sa bago niyang project at pasado alas tres na ng madaling araw siya natulog.“Mama, wok,” bulol na pagyaya ni Kyros sa ina. Tuwing umaga kasi kapag nagising na si Kyros ay dinadala na siya ni Marco sa lanai para doon maglakad-lakad lalo na kapag hindi naman kailangan ang lalaki sa opisina ng maaga. Nang makta ni Marco na tulog na ulit ang misis ay kumuha ng disposable diaper ang lalaki at pinalitan muna ng diaper ang anak at pajama. Ipapaasikaso na lamang muna niya sa kasambahay ang kanyang anak. “Don’t crawl, Kyros. Just sit the