Share

Chapter 150

last update Last Updated: 2025-07-18 21:33:42
Mainit ang ulo ni Marco sa binabasang report nang dumating ang kanyang mag-ina.

Lumapit si Kara sa mister at humalik sa labi nang mabilis. Kinuha naman agad ni Marco ang anak sa bisig ni Kara at saka hinalikan ito sa pisngi.

“Bakit salubong na naman ang mga kilay mo?” nakangiting tanong ni Kara.

“Heto kasing quarterly report ng bar natin sa SanFo, nakakainit ng ulo,” sagot ni Marco. “Buti na lang dito kayo dumiretso kaya nabawasan init ng ulo ko.”

Ngumiti lang si Kara at saka hinilot ang noo ng mister para mawala ang kunot sa noo nito. Napangiti na rin si Marco. Napatingin ang lalaki nang makita ang kapatid na papalapit din sa kanya at saka humalik sa pisngi niya.

“Hi, Kuya kong guwapo!” nakangiting bati ni Amari.

“O, why are you here?” nagtatakang tanong ni Marco.

Ngumiti si Amari. “Bukas na kasi balik ko ng Italy kaya naisip ko na makipag-bonding muna sa inyo.”

Napangiti lamang si Kara nang tapunan siya nang tingin ni Amari. Pareho silang babae kaya wala siyang balak na ibuko ito sa
Lilian Alexxis

:)

| 20
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jeanette Dayson
thank you po sa update!nakakakilig naman!!hehe . gawan mo din po story miss Lilian ang tatlo. Amari Noah & Dr. Moore. hahah ang cute ni Noah mag selos. ..mukhang pareho may gusto sa isat isa sina amari at noah kasu itong Noah ehh parang torpe di
goodnovel comment avatar
Analyn Bermudez
haha nangangamoy selos di Noah Ms Lilian haha mukhang crush ata ni Amari si doc Moore..ano kaya meron kina Noah at Amaris????haha nakakatuwa cla dlawa
goodnovel comment avatar
グレース メアリー
thank you po sa update, ako'y may ngiti sa aking mga labi dahil sa aking nabasa, hehe.........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 179

    Excited si Noah sa inihanda niyang surpresa para kay Amari. Ilang araw niya itong pinag-isipan at sana ay mapasaya niya ang dalagita. Titig na titig naman si Amari sa masayang mukha ni Noah na nakaakbay sa kanya at iginigiya siya patungo sa labas ng kanilang eskuwelahan. Pagkuwan ay nilingon siya ng binata at nagtama ang kanilang paningin. Kapwa lumakas ang pintig ng mga puso nila at hindi na nila magawang tanggalin ang titig sa bawat isa.“Noah!”Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Thiago ang bestfriend ni Noah. Nagsenyasan lang ang dalawang lalaki at walang naintindihan si Amari sa kung anuman ang kanilang pinag-uusapan.“Sorry about that. Let’s go!” masayang pagyaya ni Noah.Tumango lamang si Amari dahil pakiramdam niya ay nakaapak ang kanyang mga paa sa alapaap.Pinuntahan muna nila ang school bus ni Amari, kinausap ni Noah ang driver bago sila nagtungo sa lobby ng eskwelahan kung saan naghihintay na ang driver at dalawang bodyguard. Naka-park rin ang dalawang

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 178

    Parating pa lang ang sinasakyang school bus ni Amari sa drop off area ay napukaw na ang atensyon ng lahat sa kumpulan ng mga estudyante sa isang gilid. Kaya pagbaba ng mga sakay ng school bus ay doon lahat nagtakbuhan ang mga estudyante para makiusyoso.Napatingin sa kanyang orasan si Amari, maaga pa naman kaya nakisilip na rin ang dalagita sa pinagkakaguluhan ng ibang estudyante. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Noah na masayang nakikipag-usap sa isang babae na nang humarap sa gawi niya ay agad niyang nakilala. Siya ang nanalong champion sa Palo Alto Junior Cooks.Parang may tumusok sa kanyang dibdib na nakikitang nag-uusap ang babae at si Noah kaya tumalikod na siya at naglakad palayo sa lugar na iyon. Nagtataka lang siya kung anong ginagawa ng babae sa ekwelahan niya dahil hindi naman sila schoolmates.Pagdating ng recess, tulad noon ay mag-isa siyang kumakain sa canteen at hindi na siya nagulat nang tabihan siya ni Noah. Inilapag ng lalaki ang isang canned juice sa kanya

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 177

    “Our final dish for tonight is called stick-it-up! We are giving the contestants the freedom to cook a main dish that they think best describes the theme,” paliwanag ng host. “They need to finish within one hour and thirty minutes.”Mabilis na kumilos si Amari nang marinig niya ang hudyat na maaari nang magsimula. Kinuha niya ang beef sirloin at hiniwa iyon ng manipis. Pagkuwan ay pinukpok-pukpok niya ang karne para masigurong malambot ito bago ibinabad sa toyo, suka, at bawang. Itinabi niya muna iyon para naman simulan ang pagdurog sa crackers na gagamitin niyang breadcrumbs bago naghiwa ng bawang, sibuyas at parsley. Hindi nagtagal ay nag-roast siya ng pine nuts at saka iyon dinurog. Naggisa siya ng bawang at sibuyas sa kawali, nilagyan niya ng toyo, suka at constarch, hinalo hanggang sa lumapot, Nilagyan din niya ng kaunting asukal at nang kumulo ay itinabi niya.Inilatag niya ang na marinade na niyang sirloin, at saka niya maingat na inilatag ang breadcrumbs, kasunod ang cheese, t

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 176

    Pinagsalikop ni Amari ang kanyang dalawang kamay at ikiniskis iyon ng ilang ulit habang nasa back stage. Ngayon ang championship ng Palo Alto Junior Cooks at pinalad na naman siyang makapasok sa final list ng mga nakapasang mga batang nais maging chef. Dalawang round ang paglalabanan nila at grading system ang mangyayari kaya lubhang kinakabahan ang dalagita kahit pa ilang linggo siyang nagsanay para sa kanyang mga lulutuin ngayon.Isa-isa nang tinawag sa stage ang mga contestant. Bawat tinatawag ay ini-interview rin muna bago tatawagin ang susunod na contestant. Anim silang nakapasok ngayon at lahat sila ay nagmula sa pamilyang may mga pag-aaring restaurant sa buong Palo Alto. Ang isa ay ang panganay na apo ng may-ari ng Palo Alto Hotel and Casino na isang seven-star hotel at ito ang laging nangunguna sa kanilang qualifying rounds na pinagdaanan. Habang silang lima ay anak o apo ng mga may-ari ng sikat na resort, restaurants at diners. “Now, our last contestant and the youngest among

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 175

    “I only see her as my younger sister.” Paulit-ulit na naririnig ni Amari iyon sa kanyang isipan pati na ang paraan nang pagyakap ni Noah sa baywang ng kaklaseng babae kahit ilang buwan na iyong nakaraan.Napatitig sa malawak na soccer field si Amari, naroon ang buong team ni Noah na nagpa-practice. Kahapon ay kasama ng lalaki na nagpunta ang ama nito at Kuya Marco niya sa bahay nila at kinausap siya ni Noah. Hiniling ng lalaki na panoorin niya ang kanilang practice ngayon, hindi siya nangako pero natagpuan na lamang niya ang sarili na dumidiretso sa field pagkatapos ng kanyang klase.Naupo siya sa bench kung saan malapit na nakatambak ang mga gamit ng mga players. Tahimik siyang nanood ng cooking show sa kanyang phone habang nililingon-lingon si Noah na mula nang makita siya ay maya’t maya na ang pagkaway sa kanya.Kung hindi niya narinig ang sinabi ng lalaki ilang buwan na ang nakalilipas, siguro ay kinikilig na siya ngayon. Hindi alam ni Noah na para siyang kinagat nang napakaraming

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 174

    Buhat ni Amari sa kanyang likod ang backpack na naglalaman ng kanyang school tablet, at supplies na kailangan sa art project habang ang kaliwang kamay naman ay bitbit ang kanyang lunch box. Pababa na siya ng school bus at huling hakbang na lang nang may kung anong pumatid sa kanya at bumagsak siya sa sementadong sahig ng drop-off point nila sa school.Nagtawanan ang lahat ng kanyang kasama sa bus maging ang ilang estudyanteng nakakita sa kanya. Namumula na ang kanyang mata at sinubukan niyang tumayo pero masakit talaga ang pagkakabagsak niya. Natahimik ang lahat nang may lumapit sa kanya at halos buhatin na siya para maiangat. Nang tingalain niya ito ay walang iba kung hindi si Noah.“Where does it hurt?” kunot ang noong tanong ni Noah kay Amari.Nakagat ni Amari ang gilid ng kanyang pisngi para pigilan ang kanyang pag-iyak. Tiningnan ni Noah ang kanyang mukha at nang may makitang sugat sa panga ng batang babae ay bigla na lamang kinwelyuhan ang isang kaklaseng lalaki ni Amari na ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status