Inihatid ni Miles si Kara sa kanyang apartment. Gabi na rin umalis ang bakla dahil maghapon na iyak lamang ng iyak ang dalaga.
Kinabukasan ay nawala na sa internet ang lumabas na eskandalo. Ilang ulit sinubukan ni Kara na tawagan si Victor upang magpaliwanag pero naka-block na ang kanyang number sa lalaki.
Ilang araw rin siyang nagpabalik-balik sa building ng Deschanel ngunit ayaw siyang papasukin ng mga guwardiya.
“Please let me talk to Victor,” pagmamakaawa ni Kara sa security.
Magpupumilit pa sana si Kara nang mapansin niyang nagbubulung-bulungan na ang mga tao sa paligid. Wala na siyang nagawa kung hindi umuwi na lamang.
Pagdating sa kanyang apartment ay dire-diretso si Kara sa kanyang silid at saka pabagsak na dumapa sa kama. Nagawa man ni Victor na ipabura sa internet ang video at balita sa iba’t ibang entertainment news, kalat na kalat pa rin sa buong fashion world ang pangyayari pati ang pakikipaghiwalay sa kanya ni Victor. Kaya sinong may-ari ng clothing line ang kukuha pa sa kanya? Muling naiyak si Kara sa kanyang sitwasyon. Hindi siya makapaniwala na sa isang iglap ay nasira ang pinaghirapan niyang apat na taong career bilang modelo.
Napalingon si Kara sa kanyang bag nang marinig ang assigned ringing tone sa kanyang ama. Agad niyang pinahid ang mga luha at sinikap pasayahin ang boses bago sinagot ang tawag.
“Hi, Dad!”
“Kara,” sagot ng isang babae sa kabilang linya.
Agad namang nabosesan ni Kara ang tiyahin niya. Binalikan pa niya nang tingin ang screen ng kanyang phone upang i-double check kung cellphone number ng kanyang ama ang ginamit. Nang masigurong number iyon ng ama ay nagsimula siyang mag-alala. “Aunt Liv?”
“Yes, this is me, Kara. Please come home, your father had a heart attack,” garalgal na sagot ng kanyang tiyahin.
Matapos malaman sa tiyahin kung saang ospital dinala ang ama ay agad na naghanda si Kara para magtungo sa airport.
Mag-tatanghali nang dumating si Kara sa California, dumiretso na rin siya sa ospital kung saan naka-confine ang ama. Dinatnan niyang mahimbing itong natutulog. Pinagmasdan niya ang mukha ng ama, halatang tumanda ang hitsura nito dahil sa problema sa kumpanya.
May kumatok sa pinto at pumasok ang isang nurse. “Are you the daughter of Mr. Reginald Baker?”
“Yes, how is my dad?” aburidong tanong ni Kara.
“The doctor wants to speak with you outside,” saad ng nurse na agad ding lumabas ng pinto kaya sumunod siya.
Sa labas ay naroon nga ang doktor ng kanyang ama.
“I am Dr. Reynolds, your father had a mild stroke,” bungad nito. Matapos ipaliwanag ang kalagayan ng ama at magbilin upang hindi maulit ang atake ay nagpaalam na rin ang doktor.
Pagpasok ni Kara ay gising na si Reginald na hindi na nagulat nang makita ang anak. Gumuhit ang lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa kanyang anak. Malaki na ang problema niya sa paluging publishing company at ang tanging inspirasyon niya na magsigasig na palaguin muli ang kumpanya ay upang hindi maliitin ng mga Deschanel si Kara ngunit hindi niya inaasahan na masasangkot sa eskandalo ang anak at hihiwalayan ni Victor.
Iniangat ni Reginald ang kanyang kamay na patakbong inabot ni Kara at saka sumubsob sa dibdib ng ama. Hindi napigilang umiyak ng dalaga.
Tinapik ni Reginald ang likod ni Kara at pilit na pinasigla ang boses. “Why are you crying? I’m still alive.”
Lalong naiyak si Kara sa sinabi ng ama. “Dad, it’s not funny.”
“I’m sorry, muffin. I will be fine, stop crying,” pag-aalalo ni Reginald sa anak.
Naupo ng maayos si Kara sa gilid ng hospital bed at saka pinunas ang kanyang mga luha. “I know our company is still struggling. We can save it together; I will help you.”
“Really?” Nabuhayan ng loob si Reginald. Alam niyang ang naiisip niyang solusyon na lamang ang makapagsasalba sa kanilang kumpanya.
“Yes! I’ll do anything for you and the company, Dad,” paniniguro ni Kara sa ama na sinabayan pa niya ng isang ngiti.
“I saw an old friend the other month and we reconnected,” pagsisimula nito.
Tumango si Kara kaya nagpatuloy magkwento ang ama.
“We remembered our promise a few years ago that when we crossed paths someday and you and his son are still single, we will marry you to each other,” seryosong sabi ni Reginald.
Kumunot ang noo ni Kara. Gusto niyang magprotesta pero hindi puwedeng sumama ang loob ng kanyang ama.
“They are willing to invest in our company if you marry his son,” dagdag pa ni Reginald.
“O-okay,” alanganing sagot ng dalaga ngunit natatakot siyang kontrahin ang naiisip ng ama.
Lumiwanag ang mukha ni Reginald sa narinig at nayakap ng mahigpit ang anak. “Thank you, Kara!”
Isang linggong nanatili sa ospital ang ama ni Kara kaya naging busy ang dalaga sa pag-aasikaso rito at pagpunta-punta sa kanilang kumpanya. Dahil dito ay pansamantala niyang nakalimutan ang iniwan na problema sa Paris.
Kahit nang makauwi na sa bahay si Reginald, ang dalaga pa rin ang nag-aasikaso ng kanilang kumpanya. Nalaman niya na kulang na ang sales nila para sa pampasahod sa mga empleyado at nagsimula na ring lumobo ang utang ng kanyang ama.
Pag-uwi ng dalaga sa kanilang bahay, nadatnan niyang nanonood ng balita ang ama sa living room. Masigla itong sumalubong. “Roger called and he said his son agreed to meet us tomorrow.”
Pilit na ngumiti si Kara, siguro nga ay iyon na lamang ang solusyon dahil maging ang ipon niya ay hindi sapat sa utang pa lamang ng ama. Magsasalita sana siya pero napukaw ang atensyon niya sa lumabas na mukha sa telebisyon. Ina-anunsyo na ikakasal na si Victor sa kasamahan niyang modelo at bestfriend na si Allona.
Napamaang si Kara ngunit bago pa makita ng kanyang ama ang balita ay mabilis niyang dinampot ang remote control at in-off ang TV.
“Dad, I remembered I need to meet my friend Leah. Please rest early,” nagmamadaling sabi ni Kara sabay talikod sa ama bago pa tumulo ang kanyang mga luha.
Paglabas niya ay agad siyang sumakay sa kotse at nagmaneho palayo.
“Good morning!”Masayang mukha ni Marco ang bumungad kay Kara sa umaga. “Good morning!” nakangiting sagot ni Kara bago siya napalingon sa kanyang tabi. Wala ang dalawang bata. “Nasa swimming pool sila kasama sina Xander, Amari at Yaya Grace.” Isang pilyong ngiti ang nakapinta ngayon sa mukha ni Marco.Natawa si Kara. Kilala niya ang tingin at ngiti na iyon ng asawa. “Baka bigla silang bumalik.”Umiling ang lalaki. “Nag-usap na kami ni Xander.”Pinanlakihan ni Kara ng mga mata niya ang mister. “Pinag-usapan ninyo? Nakakahiya!”“Ngayon pa lang kita masosolo dahil busy tayo ng tatlong araw sa mga bisita tapos bukas babalik na rin tayo sa Palo Alto,” sagot ni Marco at saka mabilis na inangkin ang labi ni Kara.Magsasalita sana si Kara para tumutol pero nang ibuka niya ang kanyang bibig ay nilaliman na ng lalaki ang halik sa kanya. Mapusok ang mga halik nito dahilan para madala na rin si Kara. Maya-maya pa ay bumitaw sa kanyang labi ang lalaki at bumaba sa panga niya ang mga halik nito ba
“Grabe ka Marco, akala ko kami lang ang sinagot mo ang round trip ticket at accommodation. Iyon pala lahat ng guests sa kasal ninyo?” nanlalaki ang mga mata ni Layla na naka-abresiete sa kanyang mister.Si Layla ang Editor-In-Chief ng Showbiz Mag sa Pilipinas at isa sa mabuting kaibigan ni Marco noong sa Manila Office pa siya naka-assign. Maliban sa kanya ay kasama rin ang buong pamilya ni Nickelle at mismong si Kara ang namili sa mga anak ng babae bilang parte ng entourage. Si Nikolai bilang ring bearer habang sina Neisha at Naomi naman ang flower girls.“Anything for my wife,” nakangiting sagot ni Marco kay Layla.“Gaano ka na ba kayaman ngayon? Balita ko lalo kang nagpayaman noong iniwan ka ni Kara?” natatawang sabi pa ni Layla.“Hon, nakakahiya kay Kara,” pagsaway ng asawa ng babae na nasa kanyang tabi dahil ngayon lang nila nakasama ang misis ni Marco at bilang mga kaibigan nina Nickelle ay lubhang nag-iingat ang lalaki.Nanlaki ang mga mata ni Layla. “Bakit? Totoo naman iyon! For
Hindi mapakali si Marco sa harap ng simbahan. Pinauna na kasi sila ng organizer at sinabing hindi sila sabay na babiyahe ni Kara mula sa hotel.“Bro, nakailang paroot-parito ka na. Maupo na lang muna tayo sa loob,” pag-aya ni Axel sa kanyang pinsan.“Nag-aalala kasi ako, nasa ibang bansa tayo at…” “At bitbit natin ang mga bodyguards ninyo. Nangako rin si Dom ng high security protocol. Wala ka bang tiwala sa kaibigan natin?” pagpapakalma ni Axel sa pinsang-buo.Isang malalim na buntong-hininga ang pinawala ni Marco. Last week kasi ay nakatanggap siya ng isang patay na ahas na nasa box. Ito na ang pinakamalala kumpara sa mga text messages at sulat na sinasabihan siyang mag-iingat siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kaya lagi niyang pinasasamahan sa bodyguard noon si Kara. Nang mabunyag na sa publiko ang tungkol kina Kara at Kyros, maging ang kanyang mag-ina ay idinadamay na. Wala naman siyang maisip na naagrabyado pero hindi pa rin niya maipagsawalang-bahala dahil hindi lang buhay n
Nagising si Kara nang marinig ang isang musika na nagmumula sa isang violin. Napangiti siya dahil sigurado siyang may paandar na naman ang kanyang sweet na mister. Excited siyang naupo sa kama at napangiti siya nang makita ang isang pulang rosas sa night stand. Nakapatong ang bulaklak sa isang note:Happy 30th Birthday, my ever gorgeous wife!I love you times more than our networth!Love,HubbyNakangiting umikot ang mga mata ni Kara. Isang bulaklak at isang sweet note ay kaya na siyang pakiligin ng asawa.Kumunot ang noo niya nang mapansing nag-iisa siya sa kanilang silid. “Nasaan kaya ang tatlong boys ko?” pabulong niyang tanong, kausap ang sarili.Sinilip niya ang banyo, walang tao. Sumunod niyang sinilip ang walk-in cabinet sa pag-aakalang naroon ang tatlo at nagtatago pero wala rin sila roon. Napilitan na siyang maglinis muna ng katawan, magsipilyo at magbihis nang maayos na pambahay bago bumaba. Baka nag-aabang ang mga ito sa lanai para sa surprise breakfast.Pagbaba niya sa ha
“Hubby, wake up.” Ungol lamang ang isinagot ni Marco sa asawa dahil antok na antok ang lalaki. Wala pa kasing dalawang oras itong nakakatulog dahil hindi ito mapakali mula pa kaninang hapon nang magsimula ang contraction ng tiyan ni Kara kaya inaasahan na nila na anumang oras ay manganganak na siya. Napilitan nang bumangon si Kara mula sa kama para magpalit ng dami na pang-alis dahil mas dumalas na ang contraction pero nakailang hakbang pa lamang siya nang pumutok na ang panubigan niya. “Marco!” napasigaw ang babae nang may tumagas na maraming tubig mula sa kaniyang p*****a. Natatarantang napaupo si Marco. “What happened?!” “My water just broke. We need to be in the hospital as soon as possible!” aburidong sabi ni Kara sa takot na matuyuan. Alam niyang pagod ang asawa dahil sa kaliwa’t kanang meeting sa opisina at pasado ala una na ng madaling araw nakatulog kaya kahit ganun ay hindi niya magawang mainis sa lalaki na mahirap gisingin ngayon. Mabils na tumayo ang lalaki at tina
“Stop calling me baby. I am not one of your girls,” inis na sabi ni Amari.Napasinghap siya nang mas lalong hinigit ni Noah ang katawan niya. Napapikit siya sa inis, tiningnan muna niya kung may nakakakita ba sa kanila pero medyo madilim sa kinatatayuan niya. Sinubukan niyang magpapalag.“Don’t move, baby. Stay still,” paos at pabulong na sabi ni Noah.Nag-init ang mukha ni Amari nang maramdaman may kung anong bumubukol sa gitna ng lalaki at tumutusok iyon sa kanyang lower back. “Noah, you are drunk. Let go of me.”“Please..” pagmamakaawa ni Noah.Alam ni Amari na marami nang nainom ang lalaki at kung hindi ito mapipigilan ay posibleng gumawa na naman ito ng eksena pero mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa kanya ng lalaki. Nagpalinga-linga siya at napansin niya ang paglapit ng kanyang Kuya Marco sa pinto habang may kausap na isang matandang babae.“Kuya!” pagtawag ni Amari.Agad hinanap ni Marco ang boses ng kapatid. Mabilis na bumitaw si Noah sa babae sa takot na may masabi sa kanya si