공유

Chapter 3

last update 최신 업데이트: 2025-01-25 22:42:01

Pakiramdam ni Kara ay binibiyak ang kanyang ulo. Nang imulat niya ang kanyang mga mata tumambad ang hindi pamilyar na kisame. Iginala niya ang kanyang paningin at nakumpirma niyang hindi niya silid iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansing wala siyang suot na damit at comforter lamang ang nagsisilbing pantakip niya sa kanyang katawan. Napalingon siya sa kanyang kaliwa at halos mapalundag siya nang makitang may katabi siyang lalaki, medyo makapal ang kilay nito, maputi, matangos ang ilong at katamtaman ang kapal ng mga labi. Sanay siyang makatrabaho at may makilalang mga guwapo at mayayamang lalaki tulad ng kanyang ex-boyfriend ngunit maging si Victor ay walang panama sa lalaking mahimbing na natutulog sa tabi niya ngayon.

Napansin niyang iisang comforter lamang ang gamit nila kaya dahan-dahang iniangat ni Kara ang kumot upang makumpirma ang kanyang kinatatakutan. Napatakip siya sa kanyang bibig upang pigilan ang sarili na mapahiyaw nang makita niya ang hubad na katawan ng lalaki.

Maingat niyang iniangat ang comforter at saka mabilis na dinampot ang bestida at underwear niya sa sahig. Nang makapagbihis ay kumuha siya ng $100 sa kanyang wallet at iniwan sa side table bago dinampot ang kanyang stilletos at saka nag tiptoe palabas ng silid.

Nakita niya ang elevator at agad siyang pumasok doon bago pa magising ang lalaki sa kuwarto na sa tingin niya ay isang escort.

Sa sobrang sama ng loob ni Kara kagabi sa nalamang napipintong pagpapakasal ni Victor sa kanyang bestfriend ay nagmaneho siya paikot sa downtown hanggang sa nagpasya siyang pumasok sa isang bar at uminom doon.

Alam niyang marami siyang nainom na margarita ngunit kahit anong isip niya para balikan ang pangyayari ay hindi niya maalala kung paano niyang nakasama ang lalaki kanina sa hotel.

Pagdating niya ng bahay ay nasa lanai ang ama habang nagbabasa ng libro. Maingat siyang naglakad upang huwag gumawa ng ingay. Nang makaakyat siya sa hagdan at nakapasok sa kanyang kuwarto ay doon lamang siya nakahinga ng maluwag.

“Where have you been?”

 “Aunt Liv! What are you doing inside my room?” sabi ni Kara habang hawak ang kanyang dibdib dahil sa pagkagulat.

“Your father has been looking for you since breakfast and I have been making up excuses for you telling him that you woke up early and left already,” sagot ng nakatatandang kapatid ng ama ni Kara.

“L-leah and I went out last night and I slept in her apartment,” pagsisinungaling ni Kara.

Tumango ang matanda kaya nabawasan ang kaba niya dahil mukha namang naniwala ito. Lumakad ito patungong pinto ngunit muling lumingon pagkahawak sa doorknob. “Rest first, you and your father will meet the De Guzmans tonight.”

Napakunot ang noo ni Kara at saka niya naalala na ngayon nga pala ipakikilala sa kanya ang mapapangasawa.

Lumabas na ng silid ang kanyang tiyahin kaya ini-lock ni Kara ang pinto at saka nagtungo sa banyo. Binuksan niya ang faucet at pinuno ng tubig na may katamtamang init ang bathtub. Nang mailubog niya ang kanyang masakit na katawan ay napapikit siya. Naalala niya ang guwapong mukha ng lalaki at paglapat ng labi nito sa kanyang labi.

Idinilat niya ang kanyang mga mata ngunit parang nakikita pa rin niya ang tila nangungusap na mga mata ng lalaki. Napapikit siya at naalala ang itim at malambot na buhok ng lalaki na ilang ulit niyang nasabunutan habang…

Napabangon si Kara sa bathtub at saka napatingin sa kanyang pagkababae.

“Did I just give away my virginity to a call boy?” Napahawak siya sa kanyang noo nang maisip ang naging resulta ng minsang pagpapabaya.

Napabuntong hininga si Kara at tinapos na lamang ang paliligo. Matapos magpatuyo ng buhok ay nagbihis siya ng kanyang pantulog. Nang mailapat niya sa kama ang kanyang katawan ay mabilis siyang nakatulog.

“Kara, be ready by six,” pasigaw na sabi ni Liv matapos kumatok sa pinto.

Kahit gusto pang matulog ni Kara ay napilitan na siyang sumagot. “Got it!”

Isang itim na SUV ang sumundo kina Reginald at Kara pagsapit ng alas sais at dinala sila sa sikat na Filipino Restaurant sa downtown Palo Alto. Sinalubong din sila ng usherette at inihatid sa isang function room.

Napahintong maglakad si Kara nang maisip na baka pangit o kaya naman ay baldado ang kanyang mapapangasawa kaya pera na lamang ang magagamit ng mga magulang nito para may mapangasawang maganda ang kanilang anak.

Naisip niya na buti na lamang at guwapo ang lalaking naka-una sa kanya kahit pa binayaran niya lamang iyon. Pinawalan muna niya ang isang malalim na hininga bago pinihit ang pinto ng function room.

Pagpasok niya ay agad napukaw ang kanyang pansin sa lalaking nakatayo sa kanang bahagi ng mag-asawang hindi nalalayo ang edad sa kanyang ama. Halos panawan siya ng ulirat nang makumpirmang ang lalaking nakatayo sa kanilang harapan ay ang kanina pa gumugulo sa kaniyang isipan. Hindi nakatingin sa kanya ang lalaki dahil seryoso itong nakaharap sa kanyang ama. Napalunok si Kara dahil hindi maikakaila na mas lalo pang gumwapo ang lalaki sa suot nitong dark blue na polo long sleeves at dress pants.

Nahinto ang pagtitig niya sa lalaki nang marinig niyang tinawag ng kanyang ama ang kanyang pangalan.

“Kara, I said say hello to Roger and Mitch De Guzman,” pagtawag ni Reginald ng pansin ng anak.

Agad na nilingon ni Kara ang mag-asawa sa kanyang harapan at magalang na bumati.

Isang matamis na ngiti ang pinawalan ni Mrs. De Guzman. “You’re so beautiful, Kara. You look like your mom!”

Napangiti si Kara sa mainit na pagbati sa kanya ng babae lalo na at nabanggit pa nito ang kanyang namayapang ina.

“Thank you, Mrs. De Guzman,” magalang niyang sagot at saka humawak sa upuan upang pigilan ang sarili na tumakbo palabas ng pinto.

Masayang bumaling sa kanyang kanan si Mrs. De Guzman at saka ipinakilala kay Kara ang katabing lalaki. “This is my son, Marco.”

Kahit alanganin ay pilit niyang pinangiti ang kanyang mga labi na mabilis ding nawala nang makita niyang mula ulo hanggang paa siya tinitingnan ng lalaki na para bang sinusuri ang kanyang pagkatao.

이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (3)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
yeah,,May tinadhana na pala ang bida ,, masaya magbasa
goodnovel comment avatar
KEEMUNKNOWN0920
Ayan na si Marco! Yieeeeeee!
goodnovel comment avatar
Red
Na-imagine ko. Nakakainis!
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 179

    Excited si Noah sa inihanda niyang surpresa para kay Amari. Ilang araw niya itong pinag-isipan at sana ay mapasaya niya ang dalagita. Titig na titig naman si Amari sa masayang mukha ni Noah na nakaakbay sa kanya at iginigiya siya patungo sa labas ng kanilang eskuwelahan. Pagkuwan ay nilingon siya ng binata at nagtama ang kanilang paningin. Kapwa lumakas ang pintig ng mga puso nila at hindi na nila magawang tanggalin ang titig sa bawat isa.“Noah!”Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Thiago ang bestfriend ni Noah. Nagsenyasan lang ang dalawang lalaki at walang naintindihan si Amari sa kung anuman ang kanilang pinag-uusapan.“Sorry about that. Let’s go!” masayang pagyaya ni Noah.Tumango lamang si Amari dahil pakiramdam niya ay nakaapak ang kanyang mga paa sa alapaap.Pinuntahan muna nila ang school bus ni Amari, kinausap ni Noah ang driver bago sila nagtungo sa lobby ng eskwelahan kung saan naghihintay na ang driver at dalawang bodyguard. Naka-park rin ang dalawang

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 178

    Parating pa lang ang sinasakyang school bus ni Amari sa drop off area ay napukaw na ang atensyon ng lahat sa kumpulan ng mga estudyante sa isang gilid. Kaya pagbaba ng mga sakay ng school bus ay doon lahat nagtakbuhan ang mga estudyante para makiusyoso.Napatingin sa kanyang orasan si Amari, maaga pa naman kaya nakisilip na rin ang dalagita sa pinagkakaguluhan ng ibang estudyante. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Noah na masayang nakikipag-usap sa isang babae na nang humarap sa gawi niya ay agad niyang nakilala. Siya ang nanalong champion sa Palo Alto Junior Cooks.Parang may tumusok sa kanyang dibdib na nakikitang nag-uusap ang babae at si Noah kaya tumalikod na siya at naglakad palayo sa lugar na iyon. Nagtataka lang siya kung anong ginagawa ng babae sa ekwelahan niya dahil hindi naman sila schoolmates.Pagdating ng recess, tulad noon ay mag-isa siyang kumakain sa canteen at hindi na siya nagulat nang tabihan siya ni Noah. Inilapag ng lalaki ang isang canned juice sa kanya

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 177

    “Our final dish for tonight is called stick-it-up! We are giving the contestants the freedom to cook a main dish that they think best describes the theme,” paliwanag ng host. “They need to finish within one hour and thirty minutes.”Mabilis na kumilos si Amari nang marinig niya ang hudyat na maaari nang magsimula. Kinuha niya ang beef sirloin at hiniwa iyon ng manipis. Pagkuwan ay pinukpok-pukpok niya ang karne para masigurong malambot ito bago ibinabad sa toyo, suka, at bawang. Itinabi niya muna iyon para naman simulan ang pagdurog sa crackers na gagamitin niyang breadcrumbs bago naghiwa ng bawang, sibuyas at parsley. Hindi nagtagal ay nag-roast siya ng pine nuts at saka iyon dinurog. Naggisa siya ng bawang at sibuyas sa kawali, nilagyan niya ng toyo, suka at constarch, hinalo hanggang sa lumapot, Nilagyan din niya ng kaunting asukal at nang kumulo ay itinabi niya.Inilatag niya ang na marinade na niyang sirloin, at saka niya maingat na inilatag ang breadcrumbs, kasunod ang cheese, t

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 176

    Pinagsalikop ni Amari ang kanyang dalawang kamay at ikiniskis iyon ng ilang ulit habang nasa back stage. Ngayon ang championship ng Palo Alto Junior Cooks at pinalad na naman siyang makapasok sa final list ng mga nakapasang mga batang nais maging chef. Dalawang round ang paglalabanan nila at grading system ang mangyayari kaya lubhang kinakabahan ang dalagita kahit pa ilang linggo siyang nagsanay para sa kanyang mga lulutuin ngayon.Isa-isa nang tinawag sa stage ang mga contestant. Bawat tinatawag ay ini-interview rin muna bago tatawagin ang susunod na contestant. Anim silang nakapasok ngayon at lahat sila ay nagmula sa pamilyang may mga pag-aaring restaurant sa buong Palo Alto. Ang isa ay ang panganay na apo ng may-ari ng Palo Alto Hotel and Casino na isang seven-star hotel at ito ang laging nangunguna sa kanilang qualifying rounds na pinagdaanan. Habang silang lima ay anak o apo ng mga may-ari ng sikat na resort, restaurants at diners. “Now, our last contestant and the youngest among

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 175

    “I only see her as my younger sister.” Paulit-ulit na naririnig ni Amari iyon sa kanyang isipan pati na ang paraan nang pagyakap ni Noah sa baywang ng kaklaseng babae kahit ilang buwan na iyong nakaraan.Napatitig sa malawak na soccer field si Amari, naroon ang buong team ni Noah na nagpa-practice. Kahapon ay kasama ng lalaki na nagpunta ang ama nito at Kuya Marco niya sa bahay nila at kinausap siya ni Noah. Hiniling ng lalaki na panoorin niya ang kanilang practice ngayon, hindi siya nangako pero natagpuan na lamang niya ang sarili na dumidiretso sa field pagkatapos ng kanyang klase.Naupo siya sa bench kung saan malapit na nakatambak ang mga gamit ng mga players. Tahimik siyang nanood ng cooking show sa kanyang phone habang nililingon-lingon si Noah na mula nang makita siya ay maya’t maya na ang pagkaway sa kanya.Kung hindi niya narinig ang sinabi ng lalaki ilang buwan na ang nakalilipas, siguro ay kinikilig na siya ngayon. Hindi alam ni Noah na para siyang kinagat nang napakaraming

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 174

    Buhat ni Amari sa kanyang likod ang backpack na naglalaman ng kanyang school tablet, at supplies na kailangan sa art project habang ang kaliwang kamay naman ay bitbit ang kanyang lunch box. Pababa na siya ng school bus at huling hakbang na lang nang may kung anong pumatid sa kanya at bumagsak siya sa sementadong sahig ng drop-off point nila sa school.Nagtawanan ang lahat ng kanyang kasama sa bus maging ang ilang estudyanteng nakakita sa kanya. Namumula na ang kanyang mata at sinubukan niyang tumayo pero masakit talaga ang pagkakabagsak niya. Natahimik ang lahat nang may lumapit sa kanya at halos buhatin na siya para maiangat. Nang tingalain niya ito ay walang iba kung hindi si Noah.“Where does it hurt?” kunot ang noong tanong ni Noah kay Amari.Nakagat ni Amari ang gilid ng kanyang pisngi para pigilan ang kanyang pag-iyak. Tiningnan ni Noah ang kanyang mukha at nang may makitang sugat sa panga ng batang babae ay bigla na lamang kinwelyuhan ang isang kaklaseng lalaki ni Amari na ka

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status