공유

Chapter 38

last update 최신 업데이트: 2025-04-19 22:25:00

Puminta ang pagtatanong sa mukha ni Samuel at bago pa siya magsalita ay nasagot na siya ni Kara.

“I just realized I left my silver clutch bag last night at the venue. My cellphone and credit card are in it,” paliwanag ng babae.

Tumango si Samuel at may pinindot muna sa kanyang cellphone bago iyon iniabot sa babae.

“Thank you!”

Hindi na nag-aksaya ng oras si Kara at agad na tinawagan ang kanyang bangko. Matapos makumpirma ang kanyang identity ay naipa-cancel na niya agad ang kanyang credit card. Isinunod din niyang tinawagan ang kanyang network provider at ipinablock naman ang kanyang cellphone.

“Sorry, one more call,” nahihiya niyang sabi kay Samuel.

Tumango lamang ang lalaki. Kaya tinawagan naman niya ang telepono sa kanilang bahay. Agad niyang nabosesan ang kanyang tiyahin. “Aunt Liv, this is Kara.”

“O-oh, hello Yvonne!” Napakunot ang noo ni Kara sa sinabing pangalan ni Olivia.

“Auntie, are you okay?” nag-aalala niyang tanong.

“Kara is not here. I will just tell her that you called
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 116

    “Marco, tama na please? Gusto ko na lang umuwi,” naiiyak nang sabi ni Kara. Tahimik na tinitigan ni Marco ang asawa. “Saan ka uuwi? This is our home.”“Our?” nagtatakang tanong ni Kara. “Hindi ba apartment yung unit natin?”Umiwas nang tingin si Marco. Umayos nang upo ang lalaki at pinaupo rin ang asawa ng maayos sa kama. “We really need to talk. Sana pakinggan at intindihin mo ako kasi gusto kong maging maayos ang lahat sa atin.”Umismid si Kara. “Kung puro kasinungalingan lang naman ang sasabihin mo, huwag na lang.”“Wifey…”“Divorced na tayo kaya hindi mo na ako asa…”Hindi naituloy ni Kara ang sasabihin dahil biglang inangkin ni Marco ang labi niya. Pilit niyang itinutulak ang lalaki palayo pero mas lalo lamang siyang niyakap at pinalalim pa ang halik. Sa inis ni Kara ay kinagat niya ang labi ni Marco. Napabitaw naman ang lalaki nang masaktan.“Bakit nananakit ka na? Hindi kita tinuruan nang ganyan, sinong nagturo sa iyo?” nagbibiro lang si Marco pero agad niyang pinagsisihan iyo

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 115

    “Let me go!” napapitlag na sabi ni Kara.Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansing tanging ang ilaw na lamang mula sa lamp shades ang nagsisilbing liwanag ng hindi niya kilalang silid at nasa kama na siya. Napaupo siya at saka niyakap ang mga tuhod. Pilit niyang binalikan ang mga pangyayari. Ang huli niyang natatandaan ay sinasabing si Marco na ang majority shareholder ng ClickFlix at nagtangka siyang takasan ang lalaki ngunit may mga bodyguard na nagbabantay at ibinalik siya sa opisina at kasunod noon ay wala na siyang maalala. Kumuyom ang kanyang mga kamao nang maisip na si Marco ang nagdala sa kanya sa silid na iyon.Iginala niya ang kanyang paningin sa malaking silid na iyon. Kumunot ang noo niya nang makitang may naka-frame na picture niya sa side table. Kuha iyon sa ginanap na Auction and Gala Night kung saan niya na-donate ang mga regalong diamond jewelry sa kanya ni Victor.Napahawak siya sa kanyang dibdib nang maramdamang sumasakit na ang mga iyon. Doon niya lamang napansin

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 114

    Sadya yatang hindi na gumagana ang pambobola ni Marco kay Kara dahil napailing lang ang babae sa sinabi nito. Naisip kasi ng babae na puwede ba namang hindi siya kumain, kung marami naman siyang pambili at kasama pa niya ang pamilya niya.Kinuha ni Marco ang wet wipes sa kanyang gilid at pinunasan ang kamay. Inalok din niya si Kara ngunit umiling lang ang babae nang hindi siya tinitingnan.“Do you have any other questions, anything?” magiliw na tanong ni Marco sa team na nasa loob ng kanyang opisina.“Sir, can we ask something personal?” makulit na tanong ni Jade.Humalukipkip si Marco. “Sure, let me hear your question.”“Are you still single?” kumukurap-kurap na tanong ni Jade. Nanlaki ang mga mata ng mga babaeng wala pang asawa at excited na nag-abang sa isasagot ng lalaki.Isang matamis na ngiti ang pinawalan ni Marco habang ang kanyang kamay ay gumapang sa hita ni Kara dahilan para manigas ang babae sa pinaghalong gulat at takot na may makakita.“I’m married.”Rumehistro ang pang

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 113

    Nakatanggap ng tawag si Kara mula sa opisina ni Mr. Tan na kailangan niyang magpunta sa opisina ng ClickFlix ngayon. Darating daw ang lahat ng Board of Directors at gusto nilang makilala ang magagaling at top selling writers ng kompanya.Alas onse ng umaga siya pinapunta at doon na rin daw manananghalian dahil nanlibre ng tanghalian para sa lahat ang bagong majority shareholder ng kompanya. Dumating si Kara bago mag alas onse at hindi na magkamayaw mula sa reception ang mga empleyado. Napansin din niya na mas mahigpit ang security ngayon. Hinarang pa siya ng isang lalaking naka-itim na mukhang bouncer bago siya pumasok sa pinto.“She’s Karamelle, one of our writers.” Maagap na pagsalo sa kanya ni Ophelia.“Welcome to ClickFlix, ma’am,” magalang na bati ng security.Kumunot ang noo ni Kara. “Why are they so strict today?’“I heard Mr. Tan is trying to impress the new majority shareholder of ClickFlix to get the CEO position,” kuwento ni Ophelia na ngayon ay iginigiya siya sa Creative

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 112

    Pagkababa ni Kara sa train ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Ophelia na nasa parking na ang producer na kanilang maka-meeting kaya lakad-takbo na ang ginawa niya. Hindi kasi sila agad nakaalis sa apartment dahil nag-alburuto pa ang kanyang anak.Nang marating niya ang building ng opisina ng Clickflix ay humahangos na siyang tinungo ang elevator. Mabuti na lamang at wala siyang kasabay kaya mabilis niyang narating ang kanilang floor. Nasa reception na si Jade na kanina pa inaabangan si Kara habang si Ophelia naman ay iniistima na ang producer sa conference room kasama ang kanilang company director at acting CEO."Kara, at last!” aburidong sabi ni Jade.Kumunot ang noo ni Kara at saka siya napatingin sa wall clock sa reception. Five minutes to nine pa lang naman kaya hindi pa naman siya late.“The producer arrived 10 minutes early,” ani Jade.“Relax, Jade!” nakangiting sabi ni Kara na nauna nang pumasok sa loob.Pagdating sa pinto ng CEO’s conference room ay huminto saglit si Kar

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 111

    Maagang gumising si Kara para ihanda ang babauning breastmilk ng kanyang anak. After lunch pa siya makakabalik sa coffee shop kaya alam niyang makakaubos ng apat hanggang limang bote ng gatas ang anak. Mabuti na lamang at marami siyang na-pump kahapon. Sinisiguro kasi niya na may sapat na supply ng kanyang breastmilk ang anak niya para siguradong lumaking malusog ang bata.Matapos i-sterilized ang mga tsupon at bote ay pinalamig niya ang mga iyon. Mamaya na niya kukunin ang mga frozen milk sa freezer para ilagay sa insulated bag. Maliligo na sana siya nang marinig niya ang mahinang pagtawag ni Kyros sa kanya kaya sinilip niya ito sa kanilang silid.“Mama,” mahina nitong tawag. Nakangiti niyang nilapitan ang bata. “Good morning, handsome!”Ngumiti si Kyros at lumitaw ang dalawang malalim na biloy sa magkabilang pisngi nito. Hinawakan ng bata ang mukha ng kanyang ina at saka ikiniskis ang mumunting ilong sa ilong ng ina. Natawa na lamang si Kara, hindi niya itinuro iyon sa anak. Pinuna

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status