Share

Chapter 54

last update Huling Na-update: 2025-05-10 16:39:59

Napatitig si Kara sa mga mata ni Marco at may kung anong nagpataba sa kanyang puso. Inilapit pa ng lalaki ang kanyang mukha sa asawa at marahang inangkin ang pang itaas na labi ng kanyang misis. Kusa namang gumanti nang halik ang babae.

Hindi iyon nagtagal at mismong si Marco rin ang bumitaw. Inayos niya ang tumakas na ilang hibla ng buhok na humarang sa maamong mukha ni Kara.

“Marco,” panimula ni Kara. Lumunok pa ang babae bago nagpatuloy. “Does that mean I can actually work and have a career?”

Tumango si Marco. “I am reconsidering our conversation last time.”

Nagningning ang mga mata ng babae. Gusto kasi niyang mapag-aralan kung paano patakbuhin ang publishing company nila dahil kahit saan tingnan ay darating ang panahon na kailangan niyang pamahalaan ang kanilang negosyo.

“Thank you, hubby,” nakangiting sabi ni Kara at saka siya nag-tiptoe para dampian nang halik ang labi ng lalaki na ngayon ay mababanaag ang kasiyahan sa mga mata sa narinig na pagtawag sa kanya ng asawa.

Hinawaka
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
more please ganda
goodnovel comment avatar
Mrs.Kim❤
Thank you Author next please
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 157

    “It’s not your fault. Umiiwas na naman siguro. Hahanapin ko na lang siya,” ani Marco na hinalikan muna sa sentido ang misis bago tumayo.Tumango si Kara. Pagkuwan ay naalala naman niya si Amari dahil mula nang magdatingan ang mga bisita ay hindi na rin niya nakita ang nakababatang kapatid ni Marco. Nag-alala siya na baka umalis na ang mag-ina.“Aunt Liv, can you look after Kyros? I have to check the kitchen,” pakiusap ng babae sa tiyahin na dumating kaninang umaga.“No problem. I missed this boy, anyway,” nakangiting sabi ni Olivia na enjoy na enjoy na pakainin ang apo.Mula rin ng dumating ang matanda ay halos hindi na mahiwalay sa kanya si Kyros na halatang na-miss ang kanyang Mamita.Nilingon ni Mitch si Kara nang mapansing tumayo magkasunod ang mag-asawa. “May problema ba, Kara?”Umiling ang babae. “Wala naman po, Mama. I-check ko lang po ang desserts.”“Do you need help?” tanong muli ni Mitch.“Hindi na po, marami namang kasambahay at waiter,” nakangiting sabi ni Kara.May ibinul

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 156

    Nagising si Kara bago pa tumunog ang alarm niya, napatitig siya sa natutulog pa niyang mag-ama. Napailing siya dahil parehong-pareho nang pagkakadapa ang mag-ama pati na ang pagkakaangat ng kanan nilang mga tuhod.Pagkuwan ay inabot niya ang diigital clock sa night stand at in-off na niya ang alarm niya para hindi magising ang kanyang mag-ama. Hindi na niya alam kung anong oras na sila umakyat ni Marco kaninang madaling-araw dahil natulugan na niya ang mister na nakikipagkuwentuhan sa kanya habang umiinom ng wine sa lanai. It was the best and the most romantic date she ever had.Hindi na rin siya nagtaka na nagising siya sa kama dahil sigurado siyang binuhat na lamang siya ng mister kanina. Hindi siya uminom ng wine dahil maaga siyang gigising at maraming kailangang asikasuhin para sa party ng kanilang anak pero hindi pa rin niya napigilan ang antok at natulugan ang mister. Bigla siyang nahiya dahil naisip niyang mali iyon lalo na mga pangarap nila sa buhay ang pinag-uusapan nila. Tu

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 155

    Nagising si Kara nang maramdamang may paulit-ulit na humahalik sa buong mukha niya na sinabayan pa nang marahang paghaplos sa kanyang mga braso.Parang naririnig niya na tinatawag siya ni Marco.Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang masilaw sa liwanag ng bukas na ilaw sa kanilang silid. Mabilis namang hinarangan ni Marco ang liwanag para hindi na masilaw ang misis. Isang matamis na ngiti ang ibinungad ng lalaki sa kanya.“Gising ka muna, please?” halos pabulong nitong sabi para hindi magising ang anak.Napatingin siya sa digital clock, eksaktong alas dose na ng hatinggabi. Sabay-sabay silang nahigang tatlo kanina para matulog kaya nagtataka siya kung bakit siya ginigising ng asawa. Nilingon niya ang anak na mahimbing na natutulog.Inakala niya na maglalambing na naman ang mister kaya kahit inaantok ay naupo siya sa kama para pagbigyan ang asawa. Hinila siya ng lalaki kaya walang salitang sumunod siyang tumayo at hinayaan niyang igiya siya ng mister palabas ng kanilang silid.“Baka ma

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 154

    Inilipat ni Kara ang kanyang tingin sa mukha ng mister at tipid itong napangiti nang makitang hindi na maipinta sa inis ang mukha ng lalaki.“All I can remember was there’s this one young man who visits our bookstore often and would sit beside me while I was reading on this couch beside the glass window,” kuwento ni Kara na naupo na sa kabilang dulo ng upuan. Napatitig si Marco sa painting. Maya-maya ay bumaba ang tingin niya sa kanyang misis na hubo’t hubad na nakaupo sa couch at tinititigan ang lumang painting. Tumayo siya at saka mabilis na bumaba para kuhanin ang kanilang mga damit na isa-isa niyang hinubad kanina.Habang paakyat sa hagdan ay may kung ano siyang naalala. “What’s the name of your bookstore?”Nilingon siya ni Kara at saka tinanggap ang kanyang mga damit. “KB’s Bookstore.”Pagkarinig noon ay muling iginala ni Marco ang paningin sa paligid. Kumunot ang noo niya nang maalala niya ang bookstore na lagi nilang pinupuntahang mag-ama noong magdesisyon siyang samahan na a

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 153

    “Bye, Kyros! Enjoy your day with grandpa and grandma,” nakangiting sabi ni Kara sa anak habang kumakaway.Kunot ang noo ng bata na gumanti nang kaway sa ina habang tinuturuan ng kapwa nakangiting matatanda ang kanilang apo. Nang makausad na ang convoy ng mga magulang ni Marco ay sabay na pumihit ang mag-asawa papasok sa loob ng bahay.“Tingin mo kaya nina Mama alagaan si Kyros?” nag-aalalang tanong ni Marco.“Wala kang tiwala sa mga magulang mo?” natatawang tanong ni Kara sa asawa. “Kasi nga si Nana Selina ang nag-alaga sa akin mula two months old ako hanggang mag-teenager,” aburido pa ring sabi ni Marco.Kumunot na ang noo ni Kara. “Eh bakit ka pumayag sa request ng parents mo?”“Baka kasi sabihin ipinagdadamot ko ang apo nila sa kanila,” napabuntong-hiningang sabi ng lalaki.Pumasok si Kara sa library at sumunod naman si Marco. “Kasama naman nila si Emilia at katatapos lang ng transfusion ng anak mo kaya huwag ka na mag-alala. Sa mansiyon lang naman sila buong maghapon. Mamaya sus

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 152

    Kapwa nakaupo sa kama ang mag-amang Marco at Kyros at may hawak na tig-isang libro. Parehong-pareho ang bawat galaw ng mag-ama mula sa pagkakapuwesto ng mga binti sa kama at sa paraan nang paglilipat ng pahina nang binabasa nilang aklat.Bumukas ang pinto ng banyo at sabay silang sabik na umangat ang tingin sa banyo at halatang may inaabangan. Ang mga mata ay kapwa nagtatanong kay Kara kung may maganda ba itong ibabalita.Humaba ang nguso ni Kara at rumehistro ang lungkot sa kanyang mga mata bago umiling. Kumunot ang noo ni Marco at saka napatayo para lapitan ang asawa. “Can I see the stick?”Huminga nang malalim si Kara. “I didn’t test. I got my period.”Nakita ni Marco na nagsimulang lumukot ang mukha ni Kara at mukhang maiiyak kaya mabilis niyang niyakap ang misis. “Don’t cry, Baby. God will give us Baby #2 at His time,” bulong ni Marco.Itinukod ni Kara ang ulo sa dibdib ni Marco at saka nilingon si Kyros na nakatingin lang sa kanila. “Kawawa naman ang anak ko. Hanggang kailan t

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status