Share

Chapter 83

last update Huling Na-update: 2025-06-06 17:13:17
Puno nang kyuryusidad si Kara nang makita ang bata. Naisip niya na baka may bisita sa loob ang kanyang asawa na tinatawag ng bata na Papa. Lalabas na sana siya sa hallway nang marinig niya ang mahinang mura mula sa loob na parang boses ng kanyang asawa.

“Champ?” Malinaw na narinig ni Kara ang boses ng asawa na nang lingunin niya ang pinto ng opisina nito ay naroon na nakatayo ang lalaki at nakangiting umaabot sa kanyang mga mata na sinalubong ang bata at binuhat ito.

Natuod sa kanyang kinatatayuan si Kara at nagsimulang sumibol ang kaba sa dibdib nang makita niyang hinalikan ni Marco ang pisngi ng bata na halatang sabik na sabik dito. Nang humarap ang bata sa gawi niya ay nalaglag ang kanyang panga sa nakitang dalawang malalim na biloy sa mga pisngi ng guwapong bata na katulad sa kanyang asawa.

Kitang-kita rin niyang nahinto sa paggalaw si Marco, bahagyang umuwang ang mga nakangiting labi at kumislap ang mga mata nang napatingin ito sa elevator.

Sinundan ni Kara ang tinitingnan ng mist
Lilian Alexxis

Dear Readers, Naiyak ako habang sinusulat ang chapter na ito. Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa ng nobelang ito. Kung nagustuhan po ninyo ang kuwento ay maaari po kayong magbigay ng gem sa akin. Malaking tulong po ito.

| 19
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (15)
goodnovel comment avatar
Jurma Gulam
kawawa naman si kara kaya pala ayaw nya magbuntis si kara dahil may anak na cya
goodnovel comment avatar
Rose Abanilla
kawawa pala c khaira
goodnovel comment avatar
💙💙💙
yes siss bait ng character ni kara.. sure na iniicp nia na ayaw nia mkacra ng family, kz naawa xa sa bata, kya i think xa ang unang lalayo ky marco.. miss A update na hehe anu anu na naimagine nmen, nkakahurt tlga to pra ky kara sunod sunod ang lungkot na nangyayari sknya(T_T)
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 170

    Pinasadahan ni Kara nang tingin ang kanyang mga bistida sa rack. Nang hindi makuntento ay nilapitan niya ang mga iyon at inisa-isa. Kinuha niya ang peach halter dress niya at saka inilagay sa kanyang harapan. Pagkuwan ay ibinalik niya ang bistida sa kung saan niya iyon kinuha. Napabuntong-hininga siya. Ngayon lang siya niyaya ng kanyang asawa para mag-date na silang dalawa lang. Mula nang magkabalikan sila, umikot na ang mundo nilang dalawa kay Kyros dahil sa sakit nito at kay Kyzer. Kaya nagulat siya na tinawagan siya kanina ni Marco at sinabing susunduin siya ng alas sais ng gabi dahil may date sila.Galing sa ilang araw na business trip ang asawa kaya nga kaninang umaga paggising niya ay nanibago siya na walang paandar si Marco. Tuwing darating ang araw na ito, hindi pa lumiban ang lalaki na ipagluto siya ng paborito niyang almusal, ngayon lang. Muntik na nga sumama ang loob niya at naghanda na siyang magtampo sa lalaki pero nagulat siya nang tumawag ito at sinabing maghanda siya

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 169

    “Good morning!”Masayang mukha ni Marco ang bumungad kay Kara sa umaga. “Good morning!” nakangiting sagot ni Kara bago siya napalingon sa kanyang tabi. Wala ang dalawang bata. “Nasa swimming pool sila kasama sina Xander, Amari at Yaya Grace.” Isang pilyong ngiti ang nakapinta ngayon sa mukha ni Marco.Natawa si Kara. Kilala niya ang tingin at ngiti na iyon ng asawa. “Baka bigla silang bumalik.”Umiling ang lalaki. “Nag-usap na kami ni Xander.”Pinanlakihan ni Kara ng mga mata niya ang mister. “Pinag-usapan ninyo? Nakakahiya!”“Ngayon pa lang kita masosolo dahil busy tayo ng tatlong araw sa mga bisita tapos bukas babalik na rin tayo sa Palo Alto,” sagot ni Marco at saka mabilis na inangkin ang labi ni Kara.Magsasalita sana si Kara para tumutol pero nang ibuka niya ang kanyang bibig ay nilaliman na ng lalaki ang halik sa kanya. Mapusok ang mga halik nito dahilan para madala na rin si Kara. Maya-maya pa ay bumitaw sa kanyang labi ang lalaki at bumaba sa panga niya ang mga halik nito ba

  • The Billionaire's Rewritten Vow    Chapter 168

    “Grabe ka Marco, akala ko kami lang ang sinagot mo ang round trip ticket at accommodation. Iyon pala lahat ng guests sa kasal ninyo?” nanlalaki ang mga mata ni Layla na naka-abresiete sa kanyang mister.Si Layla ang Editor-In-Chief ng Showbiz Mag sa Pilipinas at isa sa mabuting kaibigan ni Marco noong sa Manila Office pa siya naka-assign. Maliban sa kanya ay kasama rin ang buong pamilya ni Nickelle at mismong si Kara ang namili sa mga anak ng babae bilang parte ng entourage. Si Nikolai bilang ring bearer habang sina Neisha at Naomi naman ang flower girls.“Anything for my wife,” nakangiting sagot ni Marco kay Layla.“Gaano ka na ba kayaman ngayon? Balita ko lalo kang nagpayaman noong iniwan ka ni Kara?” natatawang sabi pa ni Layla.“Hon, nakakahiya kay Kara,” pagsaway ng asawa ng babae na nasa kanyang tabi dahil ngayon lang nila nakasama ang misis ni Marco at bilang mga kaibigan nina Nickelle ay lubhang nag-iingat ang lalaki.Nanlaki ang mga mata ni Layla. “Bakit? Totoo naman iyon! For

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 167

    Hindi mapakali si Marco sa harap ng simbahan. Pinauna na kasi sila ng organizer at sinabing hindi sila sabay na babiyahe ni Kara mula sa hotel.“Bro, nakailang paroot-parito ka na. Maupo na lang muna tayo sa loob,” pag-aya ni Axel sa kanyang pinsan.“Nag-aalala kasi ako, nasa ibang bansa tayo at…” “At bitbit natin ang mga bodyguards ninyo. Nangako rin si Dom ng high security protocol. Wala ka bang tiwala sa kaibigan natin?” pagpapakalma ni Axel sa pinsang-buo.Isang malalim na buntong-hininga ang pinawala ni Marco. Last week kasi ay nakatanggap siya ng isang patay na ahas na nasa box. Ito na ang pinakamalala kumpara sa mga text messages at sulat na sinasabihan siyang mag-iingat siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kaya lagi niyang pinasasamahan sa bodyguard noon si Kara. Nang mabunyag na sa publiko ang tungkol kina Kara at Kyros, maging ang kanyang mag-ina ay idinadamay na. Wala naman siyang maisip na naagrabyado pero hindi pa rin niya maipagsawalang-bahala dahil hindi lang buhay n

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 166

    Nagising si Kara nang marinig ang isang musika na nagmumula sa isang violin. Napangiti siya dahil sigurado siyang may paandar na naman ang kanyang sweet na mister. Excited siyang naupo sa kama at napangiti siya nang makita ang isang pulang rosas sa night stand. Nakapatong ang bulaklak sa isang note:Happy 30th Birthday, my ever gorgeous wife!I love you times more than our networth!Love,HubbyNakangiting umikot ang mga mata ni Kara. Isang bulaklak at isang sweet note ay kaya na siyang pakiligin ng asawa.Kumunot ang noo niya nang mapansing nag-iisa siya sa kanilang silid. “Nasaan kaya ang tatlong boys ko?” pabulong niyang tanong, kausap ang sarili.Sinilip niya ang banyo, walang tao. Sumunod niyang sinilip ang walk-in cabinet sa pag-aakalang naroon ang tatlo at nagtatago pero wala rin sila roon. Napilitan na siyang maglinis muna ng katawan, magsipilyo at magbihis nang maayos na pambahay bago bumaba. Baka nag-aabang ang mga ito sa lanai para sa surprise breakfast.Pagbaba niya sa ha

  • The Billionaire's Rewritten Vow   Chapter 165

    “Hubby, wake up.” Ungol lamang ang isinagot ni Marco sa asawa dahil antok na antok ang lalaki. Wala pa kasing dalawang oras itong nakakatulog dahil hindi ito mapakali mula pa kaninang hapon nang magsimula ang contraction ng tiyan ni Kara kaya inaasahan na nila na anumang oras ay manganganak na siya. Napilitan nang bumangon si Kara mula sa kama para magpalit ng dami na pang-alis dahil mas dumalas na ang contraction pero nakailang hakbang pa lamang siya nang pumutok na ang panubigan niya. “Marco!” napasigaw ang babae nang may tumagas na maraming tubig mula sa kaniyang p*****a. Natatarantang napaupo si Marco. “What happened?!” “My water just broke. We need to be in the hospital as soon as possible!” aburidong sabi ni Kara sa takot na matuyuan. Alam niyang pagod ang asawa dahil sa kaliwa’t kanang meeting sa opisina at pasado ala una na ng madaling araw nakatulog kaya kahit ganun ay hindi niya magawang mainis sa lalaki na mahirap gisingin ngayon. Mabils na tumayo ang lalaki at tina

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status