Mag-log in
(CHAPTER 1 - WELCOME TO MONTEVERDE MANSION)
SOFIA's POV Hindi ko akalaing ang pagtanggap ko sa trabahong ito ang tuluyang magpapabago sa buhay ko. "Kapag hindi ka pa rin tumagal dito, ewan ko na lang talaga," sabi ng aking agency manager na si Suzette, habang binababa ang mga gamit ko. Hinatid niya ako sa tapat ng isang napakalaking mansyon na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko. Napanganga ako habang nakatingala sa napakataas na itim na bakal na gate na may gintong nakaukit na apelyidong 'MONTEVERDE' sa gitna. Sa likod nito ay tanaw ko ang malawak na hardin na puno ng pulang rosas, isang napakalaking fountain, at isang mansyon na halos hindi ko maaninag ang dulo. "Grabe… bahay ba 'to o hotel?" bulong ko sa aking sarili. Napailing ang aking manager. "Huwag kang masyadong maingay. Kilalang-kilala ang magiging amo mo." "Hmm... celebrity?" curious kong tanong. "Hindi," sabi niya habang nakataas ang kilay. "Politiko?" hirit ko pa rin. "Hindi rin." "Artista?" Napanguso ako. Ang hirap namang hulaan. Paanong kilala-kilala, eh marami-rami lang ang may kakayahang bumili ng ganito karangya at kalaking mansyon. "Mas nakakatakot pa," bumuntong-hininga ang aking manager. Napakunot-noo ako. "Eh, sino ba?" Huminga siya nang malalim. "Sí, Elias Gabriel Monteverde aka Sir Gab." Natigilan ako. "Ah..." Napatingin siya sa akin. "Narinig mo na ang pangalan niya?" Napakamot ako sa ulo ko. "Hindi. Sino ba siya?" Halos mapa-facepalm si manager dahil sa sagot ko. "Isa siya sa pinakabatang billionaire sa buong bansa." Tumango-tango ako, "Ah… kaya pala ang laki ng bahay niya kasi billionaire pala siya." Muling bumuntong-hininga si manager. "Hindi 'yan ang problema." "Ano po ang problema?" "Ikaw," turo niya sa akin. "Ha? Ako?" Paanong ako? "Walang maid na tumatagal sa mansyon na 'yan. Nakakailang tawag na sa akin ang management para magpadala ng maid sa mansyon na ito. Kaya nag-aalala ako… dahil ikaw ang napili nila para ipadala dito. Isa ka ring walang tinatagalan na employer, eh." Napataas ang kilay ko, "Bakit? Nangangagat ba ang amo?" "Hindi." Humikab siya. " Nambabato...?" "Hindi!" "Edi ano pala?" naiinis kong sabi. "Masungit." "Sus, 'yon lang pala. Akala ko naman nangangatok sa gitna ng gabi." Napabuntong-hininga ko. Napahawak siya sa noo. "Ano'ng 'yon lang? "Oo," mayabang kong sagot. "Alam mo bang limang taon nang walang tumatagal na maid sa mansyon na iyan! At ilang maid na rin ang naipadala namin sa kanya. Ikaw na nga lang ang last option, eh!" "Five years?" Tinaas ko ang aking kamay sa harapan niya habang nagugulat sa sinabi nito. Tumango siya. "May tumagal ng tatlong araw." "O? Anong nangyari?" Maang tanong ko, "Umiiyak nang umalis." "Mahina," umiiling na sabi ko habang nakatayo pa rin kami sa tarangkahan ng mansyon at bitbit ang aking mga gamit habang naghihintay sa magbubukas para sa amin. "May tumagal na rin ng isang linggo." "Ow, tapos?" Na-curious ako sa maid na nakatagal ng isang linggo. "Nag-resign habang nanginginig." Walang ganang sagot ni manager na para bang nawawalan na ng pag-asa. "Mas mahina," komento ko. Naku-curious tuloy ako kung bakit walang tumatagal na maid sa mansyon na ito. Pangit ba iyong bilyonaryo na iyon? Parang beauty and beast, nyayyy! "May isa namang sinampal ang resignation letter sa lamesa." Aba, matapang.... Napangiti ako. " Okay siya ah, gusto ko ang tapang niya." Napapikit ang mata ng manager. Siguro nagtitiyaga siya na huwag akong pagsalitaan dahil alam niya ang ugali ko. Pakiramdam ko pa nga na parang napipilitan lang siyang ipadala ako dito. Nasabi pa nga niya na 'last option' niya lang ako na ipadala sa mansyon na ito. "Makinig ka, Sophie." "Okay, po." "Please lang, Huwag mong sasagutin ang amo mo," "Paano kung mali siya?" "..." Tinitigan ako ng manager ko. "Huwag." "Eh, Kung unreasonable?" Napanguso ako ulit. "Please, Sophie. Huwag." "Paano kung siya ang nagsimula? Tapos, mali talaga siya?" "Huwag pa rin." 'Yung mukha ng manager ko na ito, parang maiiyak na sa kunsumisyon sa akin. Napakamot ako sa ulo. "Ang hirap naman n'on." Bago pa siya makasagot ulit.... BEEEPPPP! Unti-unting bumukas ang napakalaking gate. Napalunok ako. Sabay ngiti, "Game na." Tumingin ako sa manager ko na si Suzxette. "Ms. Suzxette, kalma ka lang. Ako lang ito, si Sophie. Ako ang bahala sa big client ng agency natin." Sabi ko, sabay kindat sa kanya. Inirapan lang niya ako. Napatingin kaming dalawa sa matandang babae na lumabas sa bakal na gate. "Ikaw ba si Sofia?" Tanong ng isang matangkad na babae na nasa limampung taong gulang, maayos ang postura at may seryosong mukha. "Ayie, ayiehhh. Yes, madam!" sabi ko na sumaludo pa sa matandang mukhang mayodroma. Hindi ako masyadong pinansin ng matanda. Tumingin ito kay Manager. "Na-briefing mo na ba siya? Mukhang maingay ang babaeng ito. Baka bukas lang din palayasin agad ito." Grabe naman, makajudgemental ang mayodromang ito. Sumimangot ako. "Ah... Opo, nasabi ko na po sa kanya tungkol sa mga maid na natanggal agad," mahinahon at nahihiyang sabi ni Manager. "Last na itong chance ni Sir Gab sa inyo, kapag hindi pa rin niya nagustuhan ang mga pinapadala niyong maid, tapos na ang kontrata sa agency niyo." Nilakihan ng matanda ang bukas sa gate. "Oo nga pala, ako si Mayodroma Matet. Nanay, Matet na lang ang itawag mo sa akin. Pumasok ka na at ayaw ni Sir Gab ng maraming tao sa tapat ng bahay niya. " "Nanay Matet lang po? Akala ko po may 'Madam' sa unahan." "Sophieee.... please behave yourself." pasimple akong kinurot nito sa tagiliran. "Ouch, Ms. Suzxette!" sigaw ko. "Shhhh!" saway agad ng matandang mayodroma. Nakita ko ang mahinang pagtawa ni Manager. Pero alam ko, kinakabahan ito sa magiging resulta ng pagpapadala niya sa akin sa mansyon, na para bang isang nakakatakot na lugar, pero maraming perang naghihintay… Hmmm.... Ganoon ba talaga siya kasungit? O baka naman pangit lang kaya laging nakasimangot? Pagkapasok ko sa gilid na gate, para akong napunta sa ibang mundo. Sa magkabilang gilid ng malawak na driveway ay nakahanay ang mga pulang rosas na maingat na inaalagaan. Sa gitna naman, isang malaking fountain na ang linaw-linaw ng tubig na parang kumikislap sa sinag ng umaga. Ilang hakbang pa lang, bumungad na sa akin ang napakalaking mansyon. Kulay puti ang panlabas nitong pader na may halong kulay abo at malalawak na bintanang salamin. Hindi ito mukhang bahay ng isang modernong bilyonaryo. Mas kahawig pa nga ito ng isang lumang European estate—simple, elegante, at tahimik. Napalunok ako… "Grabe.... Ilang tao kaya ang kailangan para linisin 'to?" bulong ko. Bumungad agad ang napakataas na kisame na may nakasabit na napakalaking crystal chandelier. Kumikinang ang marmol na sahig na para bang bawat sulok ay araw-araw pinapakintab. Sa magkabilang gilid ay may magagarang painting at mga antique na kasangkapan, habang sa gitna ay isang malawak na hagdang paikot paakyat sa ikalawang palapag. "Sumunod ka sa akin," malamig na sabi ni Nanay Matet. Habang sumusunod ako kay Nanay Matet, hindi ko napansing napahinto ako sandali nang mapadaan kami sa isang lumang oil painting ng isang eleganteng babae. May kung anong kakaibang pakiramdam na dumaan sa aking dibdib, pero agad ko rin iyong ipinagkibit-balikat. Huminga ako nang malalim bago tuluyang tumapak sa loob ng Monteverde Mansion. Hindi ko pa alam na ang bahay na ito ang magiging simula ng pinakamagulong kabanata ng buhay ko.CHAPTER 7 — THE UNEXPECTED TESTSOFIA'S POVMatapos ang halos limang minutong pakikipagngitian at pormal na pagpapakilala ko sa limang foreign investors on screen habang si Sir Gab ay tila nagpipigil na lang ng hininga sa tabi ko, natapos din sa wakas ang video conference.Click.Nang tuluyang mamatay ang monitor, muling bumalik ang nakabibinging katahimikan sa loob ng study room. Tahimik kong nilaro ang mga daliri ko habang nakatayo sa gilid, naghihintay ng hatol.Hindi agad tumayo si Sir Gab. Inayos niya ang kaniyang mga sleeves bago dahan-dahang sumandal sa kaniyang upuan.Tumingin siya sa akin—malamig, kalkulado, at walang kaano-anong emosyon."The investors like you," simpleng utos at pahayag niya. Ang boses niya ay mababa at baritono.Biglang nagliwanag ang mukha ko. Automatic na pumasok ang self-confidence ko sa katawan. "Talaga po, Sir? Naku, sabi ko naman sa inyo, effective talaga ’yung charisma ko kahit sa mga taga-ibang bansa. International market pala ang level ko—""That
CHAPTER 6 — THE FOREIGN INVESTORS MET THE MAID SOFIA'S POV Click. Marahang sumara ang pinto ng study room sa likod ko. Pakiramdam ko, kasabay ng tunog na iyon ay ang tuluyang pagsara ng natitira kong pag-asa na makaligtas sa sermon ng seryosong bilyonaryong ito ngayon. Mahigpit kong hinawakan ang magkabilang gilid ng tray habang dahan-dahang lumalapit sa kaniyang mesa. Hindi agad nagsalita si Sir Gab. Tahimik lang siyang bumalik sa kaniyang ergonomic high-back chair, inayos ang kaniyang mamahaling suit jacket, at pinindot ang isang button sa kaniyang keyless mechanical keyboard. Sa isang iglap, bumalik ang audio at video feed ng kaniyang conference call. "Ladies and gentlemen," malamig at swabe niyang panimula, na tila ba walang naganap na biglaang folk-song concert sa labas ng kaniyang pinto kanina. "Thank you for waiting. Let's resume the session." Napatingin ako sa napakalaking monitor na nakasabit sa pader. Halos mapasigaw ako sa gulat nang makita ang screen. Lima?! Liman
CHAPTER 5 — THE CONCERT OUTSIDE THE DOORSOFIA'S POVTatlong araw pa lang ako rito sa Monteverde Mansion… pero pakiramdam ko, tatlong buwan na akong naglalakad sa paikot-ikot at napakalaking bahay na ito.At hanggang ngayon, aaminin ko, naliligaw pa rin ako."Left ba 'to o right?" bulong ko sa aking sarili habang may maingat na hawak na tray ng meryenda. Tumingala ako sa kisame, sinusubukang alalahanin ang daan patungo sa study room. "Parang araw-araw yata itong study room na 'to lumilipat ng puwesto, eh."Sa wakas, matapos ang ilang minutong pag-ikot, nakita ko rin ang tamang pasilyo. Sakto namang palabas si Nanay Matet mula sa pinto ng silid."Ayan ka na pala," sabi niya nang makita niya ako. Lumapit siya at bahagyang iniayos ang mga tasa sa tray. "Ipasok mo na ito kay Sir Gab."Napatingin ako sa nakasarang pinto. "May meeting po ba siya ulit, Nanay Matet?"Tumango siya nang seryoso. "Oo, isang napakahalagang virtual meeting. May kausap siyang mga foreign investors mula sa Europa at
CHAPTER 4 — THE PUNISHMENT PROTOCOLSOFIA'S POV"Magdasal ka na." Iyon ang huling salitang iniwan sa akin ni Nanay Matet bago niya ako tuluyang iniwang nakatulala sa labas ng study room. Napakamot ako sa aking ulo habang dahan-dahang sumusunod sa kaniya pabalik sa kusina. "Grabe naman po… nagsabi lang naman ako ng totoo. Masama na ba ang maging matapat ngayon?"Pagpasok namin sa kusina, parang may biglang dumaan na anghel. Sabay-sabay na napatingin sa akin ang lahat ng staff. May nagpipigil ng hininga, may mga napapikit, at may isa pang palihim na nag-sign of the cross habang nakatingin sa akin.Napakurap ako. "Bakit po kayo ganyan tumingin? Parang ihahatid n'yo ako sa sementeryo, ah."Tahimik. Walang sumagot.Hanggang sa ang isang matandang kusinero ang marahang nag-angat ng tingin mula sa kaniyang hinahalo. "Ilang taon na akong nagtatrabaho rito sa mga Monteverde, Sofia… pero ikaw pa lang ang nakita kong unang nangahas na sumagot kay Sir Gab."Napakamot ulit ako sa ulo ko. "Talaga
CHAPTER 3 — FINISHED? SOFIA'S POV Alas-sais pa lang ng umaga, gising na ang buong Monteverde Mansion. Ako? Kanina pa gising. Hindi dahil masipag ako o ganado sa unang opisyal na araw ko ng pagtatrabaho. Kundi dahil naligaw lang naman ako kagabi papunta sa banyo sa dulo ng quarters namin. "Huwag kang tatawa, Sophie," bulong ko sa sarili habang naglalakad sa malawak na pasilyo patungo sa kusina. "Isang barangay ba naman ang laki ng bahay na 'to, natural lang na mawalan ka ng direksyon." Pagpasok ko sa kusina, bumungad sa akin ang ilang staff na seryosong abala sa paghahanda ng almusal. "Good morning po," masigla kong bati. Halos sabay-sabay silang tumango, pero walang nagsalita. Parang natatakot silang ngumiti o gumawa ng kahit anong emosyon. Grabe, sa ganda ng mansyong ito, parang may multo yata sa takot ng mga tao rito. "Magandang umaga," seryosong bati rin ni Nanay Matet habang papalapit sa akin. "Magandang umaga po, Nanay Matet." Tinanguan niya ako at itinuro ang isang tr
CHAPTER 2 — THE BILLIONAIRE APPEARS SOFIA's POV Tahimik. Iyon agad ang napansin ko habang sinusundan ko si Nanay Matet sa loob ng Monteverde Mansion. Hindi ito ang ordinaryong katahimikan na maririnig mo sa simbahan o sa library. Ito iyong klase ng katahimikan na parang pati ang hangin ay nagdadalawang-isip kung gumawa ng ingay. Napatingin ako sa paligid. May mga kasambahay na abala sa kani-kanilang trabaho. May naglilinis ng malalaking bintanang salamin, may nag-aayos ng mga sariwang bulaklak sa plorera, at may maingat na nagdadala ng tray ng tsaa. Lahat sila seryoso. Walang nagkukuwentuhan. Walang nagtatawanan. Parang bawal maging masaya rito. Ang boring naman. Lumapit ako nang kaunti kay Nanay Matet at marahang bumulong. "Nanay Matet..." Hindi siya lumingon, diretso lang ang lakad. "Ano 'yon?" "Bawal po bang huminga nang malakas dito?" Huminto siya sa paglalakad. Dahan-dahan niya akong nilingon. Seryoso ang mukha. "Hindi." Napangiti ako. "Ay, buti naman po." Napapiki







