مشاركة

CHAPTER 2

مؤلف: Maxellian Axton
last update تاريخ النشر: 2026-07-03 15:22:23

CHAPTER 2 — THE BILLIONAIRE APPEARS

SOFIA's POV

Tahimik.

Iyon agad ang napansin ko habang sinusundan ko si Nanay Matet sa loob ng Monteverde Mansion. Hindi ito ang ordinaryong katahimikan na maririnig mo sa simbahan o sa library. Ito iyong klase ng katahimikan na parang pati ang hangin ay nagdadalawang-isip kung gumawa ng ingay.

Napatingin ako sa paligid. May mga kasambahay na abala sa kani-kanilang trabaho. May naglilinis ng malalaking bintanang salamin, may nag-aayos ng mga sariwang bulaklak sa plorera, at may maingat na nagdadala ng tray ng tsaa.

Lahat sila seryoso. Walang nagkukuwentuhan. Walang nagtatawanan. Parang bawal maging masaya rito. Ang boring naman.

Lumapit ako nang kaunti kay Nanay Matet at marahang bumulong. "Nanay Matet..."

Hindi siya lumingon, diretso lang ang lakad. "Ano 'yon?"

"Bawal po bang huminga nang malakas dito?"

Huminto siya sa paglalakad. Dahan-dahan niya akong nilingon. Seryoso ang mukha. "Hindi."

Napangiti ako. "Ay, buti naman po."

Napapikit lang ang matanda at marahang umiling, tila pinipigilan ang sarili niyang makipagtalo sa akin.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at isa-isang ipinakita sa akin ang bawat sulok ng mansyon.

"Ito ang main living room," panimula niya habang itinuturo ang napakalawak na sala. Halos malula ako sa laki. May dalawang grand piano sa magkabilang sulok, napakataas na kisame, at mga mamahaling painting na mukhang milyun-milyon ang halaga.

"Wow..." Napakamot ako sa ulo. "Ilang araw kaya bago ko matapos alisin ang alikabok sa bahay na 'to?"

"Walang alikabok rito," maikling sagot niya.

Napakurap ako. "Ha?"

"Araw-araw nililinis. Walang puwang ang dumi rito."

Tahimik akong tumango. Sige, noted. Pati alikabok yata, takot sa may-ari ng bahay na 'to.

Pakiramdam ko, sampung bahay na ang nalibot namin habang binabanggit niya ang mga kwarto: dining hall, receiving area, library, music room. Sa huli, huminto kami sa paanan ng isang malaking hagdan na gawa sa mamahaling marmol.

"Makinig kang mabuti, Sofia. Ito ang mga pangunahing alituntunin sa bahay," seryosong sabi ni Nanay Matet.

Bigla akong napaayos ng tayo. "Opo."

"Una, bawal pumasok sa study room nang walang pahintulot. Pangalawa, hinding-hindi ka aakyat sa third floor. Pangatlo, huwag mong guguluhin o kakausapin si Sir Gab habang nagtatrabaho siya. Pang-apat, laging on time. At panglima, walang tsismisan habang naka-duty."

Napakamot ako sa batok. "Nanay Matet, may curfew din po ba ang paghinga?"

Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ako nang malamig.

Mahina akong umubo para bawiin ang biro ko. "Sabi ko nga po, gets ko na. Malinaw na malinaw pa sa sabaw ng nilaga."

Habang muli kaming naglalakad patungo sa kabila, may isang malaking oil painting na biglang nakakuha ng pansin ko. Isang eleganteng babae ang nasa larawan. Mahaba ang buhok nito at may matalim ngunit tila mabait na mga mata.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong puwersa na humila sa akin upang huminto. May pamilyar na pakiramdam na dumaan sa aking dibdib na hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko… parang nakita ko na ang mga matang iyon noon.

"Sophie," tawag sa akin ni Nanay Matet.

Napakurap ako at binitawan ang tingin sa painting. Lumingon ako sa kaniya. "Nandiyan na po."

Tahimik akong sumunod, pilit na ipinagkibit-balikat ang kakaibang kaba sa puso ko.

Gulat na lang ako nang biglang isa-isang tumigil sa paggalaw ang lahat ng staff sa paligid namin. Ang hardinero sa labas, ang kusinero sa may counter, ang driver na may dalang susi, pati ang kasambahay na may hawak na tray—lahat sila biglang naging estatwa.

Tahimik. Walang gumagalaw.

Napakurap ako at napatingin sa kisame. "May drill po ba?" bulong ko kay Nanay Matet.

Walang sumagot sa akin.

TOK... TOK... TOK...

Isang mabigat at ritmikong tunog ng sapatos ang umalingawngaw mula sa ikalawang palapag. Unti-unti akong napatingala sa grand staircase.

Isang pares ng makintab na itim na sapatos ang unang bumungad sa aking mga mata. Kasunod ang maayos na itim na trousers. Isang mamahaling relo ang bahagyang kumislap sa kaniyang pulso.

Nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng kaniyang dress pants habang dahan-dahan siyang bumababa.

Mataas. Matipuno. Malinis ang tindig. At nang tuluyan kong makita ang mukha niya… napakurap ako.

'Gwapo nga... pero parang freezer ang ugali.'

Huminto siya sa huling baitang ng hagdan. Ang kaniyang malamig at madilim na mga mata ay diretso at walang pakundangan na tumatama sa akin. Walang nagsalita. Walang gumagalaw. Pakiramdam ko, kahit ang orasan sa dingding ay nahihiyang tumunog. Hindi ko alam kung dahil ba sa aircon o sa presensya niya, pero kusa akong napalunok.

Malamig at kontrolado ang boses niya nang magsalita. "Ikaw ang bagong maid?"

"Opo," sagot ko, pilit na pinapanatili ang boses ko.

"Name."

"Sofia Montereal,"

Tahimik siyang tumingin sa akin. Walang emosyon ang mukha niya. Walang reaksyon. Para bang pangalan ko lang ang kailangan niyang malaman.

"Rules," maikli niyang dugtong.

Nalito ako. Napakurap ako. "Po?"

Bago pa ako makasagot nang tuluyan, mabilis na sumingit si Nanay Matet. Halata ang bahagyang kaba sa boses. "Hindi pa po tapos ang orientation niya, Sir Gab. Kasalukuyan ko pa lang pong ipinaliliwanag."

Hindi agad sumagot si Sir Gab. Nanatili ang malamig niyang tingin sa akin bago siya nagsalita uli. Ang boses niya ay hindi pasigaw, ngunit napakahina at napakatalim.

"I don't repeat instructions."

Pagkasabi niyon ay dumaan siya sa gilid namin at tuloy-tuloy na naglakad palabas ng mansyon patungo sa naghihintay niyang sasakyan. Hindi na siya lumingon kahit isang beses.

Nang tuluyang magsara ang malaking pinto… saka pa lang muling gumalaw ang lahat. May kusinerong napabuntong-hininga. May driver na muling naglakad, maging ang mga kasambahay na saka lang naglakas-loob na magsalita. Para bang ngayong lang pinayagang huminga ang buong mansyon. Matapos naming marinig ang pag-andar ng kaniyang sasakyan, palayo.

Dahan-dahang napahawak sa dibdib si Nanay Matet at lumingon sa akin. Humakbang siya palapit at mahinang bumulong,

"Makinig ka, Sofia. Kapag may isang mali kang nagawa sa harapan niya… wala ka na rito kinabukasan."

Napakamot ako sa ulo ko habang nakatingin sa nakasarang pinto ng mansyon. "Seryoso po siya roon?"

Tumingin ako sa malaking hagdan kung saan siya bumaba kanina. Napabuntong-hininga ako.

'Gwapo nga… pero parang kailangan niya ng isang tasang mainit na tsokolate para matunaw ang yelo sa ugali niya. Mukhang kailangan ko ng mahaba-habang pasensya ah,'

Sa unang araw ko pa lang, pakiramdam ko talaga… hinding-hindi magiging tahimik ang buhay ko rito sa Monteverde Mansion.

Hindi ko pala noon... Ang lalaking unang tumingin sa akin nang parang wala akong halaga...

Siya rin pala ang taong unti-unting babago sa buong buhay ko…

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • The Billionaire's Sassy Maid   CHAPTER 12

    CHAPTER 12 — THE FAVORITISM RUMORSOFIA'S POVMasarap ang gising ko kinaumagahan. Ewan ko ba, parang may kung anong liwanag ang nakapalibot sa akin habang nag-uunat ako. Sino ba namang hindi gaganahang magtrabaho kung ang pinakamasungit na bilyonaryo sa bansa ay dalawang beses nang nagpasalamat sa iyo at may bonus pang 'Good work' kagabi? Feeling ko talaga, unti-unti ko nang nakukuha ang tiwala ng boss ko. Ayiee… muntik ko nang sabihing puso.Ngunit ang magandang mood ko ay agad na nawala rin nang magsimula na ako sa aking mga routine sa ikalawang palapag.Habang hawak ko ang walis at marahang naglilinis sa hallway, napansin ko ang tatlong kasambahay sa may gilid ng linen closet. Mabilis silang nagkumpulan at nagbubulungan habang nakasulyap sa direksyon ko, mga marites!"Siya na naman ang pinapasok sa study room kahapon, ’di ba?" pabulong na sadyang pinaparinig ng isa sa akin. "Oo. At balita ko pa nga, siya pa raw ang nagtimpla ng kape para kay Sir Gab kagabi," sagot naman ng isa pa.

  • The Billionaire's Sassy Maid   CHAPTER 11

    CHAPTER 11 — THE MIDNIGHT COFFEESOFIA'S POVHalos alas-onse na ng gabi. Tahimik at madilim na ang malaking mansyon dahil tulog na ang halos lahat ng mga kasambahay sa kanilang mga quarters.Dahil sa tindi ng sikat ng araw kaninang hapon habang nagdidilig ako sa garden, nagising ako ngayong gabi na tuyong-tuyo ang lalamunan. Bumangon ako mula sa aking higaan at tahimik na naglakad pababa patungo sa kusina para uminom ng tubig.Habang binabaybay ko ang madilim na hallway sa ikalawang palapag, napahinto ako nang mapansing may kaunting liwanag na nanggagaling sa bahagyang nakabukas na pinto ng study room.Napakunot ang noo ko. Dahan-dahan akong lumapit at sumilip sa maliit na siwang ng pinto."Grabe… hindi pa rin ba natutulog ang taong 'yon?" bulong ko sa aking sarili.Sa loob ng silid, naroon si Sir Gab. Nakaupo pa rin siya sa kaniyang high-back leather chair sa harap ng kaniyang laptop.Halos mapuno ang malawak niyang lamesa ng mga makakapal na reports, conference documents, at mga fin

  • The Billionaire's Sassy Maid   CHAPTER 10

    CHAPTER 10 — THE MILLION-PESO INVENTORY PART 2SOFIA'S POVNang matapos ang buong audit, halos mapaupo na ako sa sahig ng study room sa tindi ng pagod. Pawis na pawis na ako at nakakaramdam na ako ng ngawit sa aking mga binti. Subukan mo kayang sumunod sa boss mong parang hindi marunong mapagod. Baka ikaw rin ang mawalan ng kaluluwa bago pa siya hingalin.Iyong mukha kang hagard, dosa, samantalang iyong kasama mong amo na nakatayo sa harap ng kaniyang desk… mukhang pa ring bagong ligo ang hitsura at hindi man lang nagulo ang kaniyang buhok. Nakakainis ang stamina ng mga bilyonaryong ito. Kahit siguro maghapong magtrabaho o tumayo ito sa labas ng gate, mukha pa rin itong mabango.Kinuha niya ang makapal na bundle ng aking inventory sheets. Isa-isa niyang binuklat ang mga pahina, seryosong sinusuri ang bawat numero, description, at halaga ng mga isinulat ko.Katahimikan. Kinakabahan ako habang nakatitig sa kaniya. Para akong naghihintay sa hatol ng isang propesor kung tama ba ang mga sa

  • The Billionaire's Sassy Maid   CHAPTER 9

    CHAPTER 9 — THE MILLION-PESO INVENTORYSOFIA'S POVAkala ko talaga, pagkatapos ng naganap na 'Crystal Vase Incident' kahapon kung saan lihim na ipinagtanggol ako ni Sir Gab gamit ang CCTV footage, ay magkakaroon na ako ng kahit isang araw lang ng katahimikan at kapayapaan sa mansyong ito.Hindi pala mangyayari. Kinaumagahan, habang masaya akong kumakain ng pandesal at humihigop ng mainit na kape sa kusina, biglang sumulpot sa harapan ko si Nanay Matet. May hawak siyang isang napakapal na clipboard at seryoso ang kaniyang mukha. Ano na naman kaya ito? "May annual insurance at inventory audit ang buong Monteverde Estate ngayon," pormal na bungad ni Nanay Matet.Napakurap ako. Muntik na akong mabulunan sa kinakaing pandesal. "Inventory... audit? Ano po ’yon?" Ano naman ang kinalaman ko doon?"Bibilangin, i-che-check, at pormal na idodokumento ang lahat ng antiques, paintings, sculptures, crystal collections, at vintage collectibles sa buong mansyon," paliwanag niya. "At may utos si, Si

  • The Billionaire's Sassy Maid   CHAPTER 8

    CHAPTER 8 — THE FIRST WARNINGSOFIA'S POVKinaumagahan pagkatapos ng aking madugong library test, maaga akong bumaba sa kusina para kumuha ng tsaa. Masaya ako dahil kahit papaano, nakakuha ako ng salitang 'Acceptable' mula sa pinakamasungit na bilyonaryong amo sa buong bansa.Para sa akin, katumbas na iyon ng isang gold medal, Enebe Yen...Ngunit pagpasok ko pa lang sa kusina, agad na naputol ang marahan kong pagmuni-muni. Ang ilang kasambahay na nakatipon sa gilid ng counter ay mabilis na nag-iwas ng tingin, ngunit malinaw ko pa ring narinig ang kanilang mga pabulong na usapan."Paborito ka na yata ni Sir Gab," mahinang wika ng isa na sapat lang para umabot sa pandinig ko."Oo nga," sang-ayon naman ang katabi nito. "Tatlong beses mo na siyang naiistorbo sa loob lang ng isang linggo—mula sa library, sa silent dance mo, hanggang doon sa malaking meeting sa foreign investors—pero hanggang ngayon, hindi ka pa rin niya pinapatalsik. Ang iba rito, isang maling galaw lang, i-impake na sila

  • The Billionaire's Sassy Maid   CHAPTER 7

    CHAPTER 7 — THE UNEXPECTED TESTSOFIA'S POVMatapos ang halos limang minutong pakikipagngitian at pormal na pagpapakilala ko sa limang foreign investors on screen habang si Sir Gab ay tila nagpipigil na lang ng hininga sa tabi ko, natapos din sa wakas ang video conference.Click.Nang tuluyang mamatay ang monitor, muling bumalik ang nakabibinging katahimikan sa loob ng study room. Tahimik kong nilaro ang mga daliri ko habang nakatayo sa gilid, naghihintay ng hatol.Hindi agad tumayo si Sir Gab. Inayos niya ang kaniyang mga sleeves bago dahan-dahang sumandal sa kaniyang upuan.Tumingin siya sa akin—malamig, kalkulado, at walang kaano-anong emosyon."The investors like you," simpleng utos at pahayag niya. Ang boses niya ay mababa at baritono.Biglang nagliwanag ang mukha ko. Automatic na pumasok ang self-confidence ko sa katawan. "Talaga po, Sir? Naku, sabi ko naman sa inyo, effective talaga ’yung charisma ko kahit sa mga taga-ibang bansa. International market pala ang level ko—""That

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status