Home / Romance / The Billionaire’s Scripted Wife / CHAPTER 1: THE MIDNIGHT TRAP

Share

The Billionaire’s Scripted Wife
The Billionaire’s Scripted Wife
Author: MIYAAAW69

CHAPTER 1: THE MIDNIGHT TRAP

Author: MIYAAAW69
last update publish date: 2026-03-10 11:34:43

Sa ilalim ng nakakasilaw na kislap ng mga camera sa grand entrance ng Metropoli Charity Gala, si Savannah Madrigal ang depinisyon ng perpeksyon. Nakasuot siya ng isang pasadyang ivory silk gown na tila yumayakap sa bawat kurba ng kanyang katawan. Ang kanyang ngiti ay matamis, inosente, at sapat na para mapatigil ang hininga ng sinumang makakakita sa kanya sa telebisyon.

"I love you all! Thank you so much for the support," malambing niyang bati sa mga fans habang kumakaway. Siya ang "Diamond Sweetheart" ng bansa, ang anak ng mga tinitingalang icons ng pelikula, at ang imahe ng kalinisan.

Ngunit pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng ballroom, kung saan wala na ang mga lente ng media, ang matatamis na labi ay agad na uminit sa inis. Binawi niya ang kanyang kamay mula sa kanyang manager nang may pandidiri.

"Get me a drink. Now! And tell my assistant to find a way to keep those sweaty fans away from my dress. Someone almost touched my face, for God's sake!" asik niya. Ang boses na dati ay parang musika sa pandinig ay puno ngayon ng lason at pagmamataas. Bilang isang babaeng ipinanganak sa ginto, ang luho at ang pagsunod sa bawat utos niya ang tanging mundong alam ni Savannah. At ngayong gabi, ang tanging gusto niya ay takasan ang "perfect angel" image na unti-unting sumasakal sa kanya.

Sa kabilang bahagi ng lungsod, sa pinakamataas na palapag ng De Cartier Tower, malamig na nakatingin sa nagkikislapang ilaw ng Makati si Sebastian de Cartier. Hawak niya ang isang baso ng mamahaling scotch, ang kanyang kurbata ay bahagyang nakaluwag na.

Bilang pangalawa sa pinakamayamang bilyonaryo sa Pilipinas—pangalawa lang sa sarili niyang ama na siyang numero uno sa ranking—si Sebastian ay nabubuhay sa ilalim ng isang matinding mikroskopyo. Sa boardroom, siya ang "Ice King." Isang henyo sa teknolohiya, kalkulado ang bawat salita, at walang puwang ang emosyon. Ngunit ang bawat matagumpay na deal at bawat bilyong nadagdag sa kanyang account ay tila mga bato na nagpapabigat sa kanyang balikat.

"Sir, your father expects you at the gala," paalala ng kanyang sekretaryo.

"Tell him I’m busy," malamig na tugon ni Sebastian nang hindi man lang ito nililingon. "And prepare my car. I'm going to The Abyss."

Si Sebastian ay may lihim na buhay. Sa likod ng kanyang seryosong anyo ay isang lalaking uhaw sa panganib. Kapag ang stress ng korporasyon ay hindi na niya kayang tiisin, nagpupunta siya sa kanyang private VIP bar. Doon, hindi siya ang CEO. Doon, isa lang siyang lalaking naghahanap ng panandaliang init sa piling ng mga babaeng hindi alam ang kanyang tunay na pangalan.

The Abyss. Isang ultra-exclusive underground club kung saan ang tanging rules ay: Walang camera, walang pangalan, at walang pagsisisi.

Naroon si Savannah, nakaupo sa madilim na sulok ng bar. Wala na ang kanyang "angelic" na aura. Ang kanyang buhok ay gulo na, at ang gown na kanina ay maayos na nakasuot ay bahagyang nakababa na sa kanyang balikat, naglalantad ng kanyang maputing balat. Ang alak ay tila tubig na nilalagok niya, isang paraan para mapatay ang boredom ng kanyang buhay.

"Another one, double shot," utos niya sa bartender, ang boses niya ay bahagyang garalgal na dahil sa kalasingan.

Sa kabilang dulo ng bar, naroon si Sebastian. Ang kanyang mga mata ay mapupula na rin, ang kanyang suot na suit jacket ay nakasampay na sa tabi. Ang dalawang pinakamakapangyarihang tao sa bansa ay naroon sa iisang silid, parehong lasing, parehong reckless, at parehong naghahanap ng paraan para makalimot.

Nang mag-krus ang kanilang mga mata sa gitna ng usok at malakas na musika, hindi anghel ang nakita ni Sebastian kay Savannah. Nakita niya ang isang rebelyon na katulad ng sa kanya. At si Savannah? Hindi bilyonaryo ang nakita niya kay Sebastian, kundi isang lalaking may mapanganib na titig na kayang tumunaw sa yelo ng kanyang puso.

"You look like trouble, sweetheart," baritono at aroganteng boses ni Sebastian habang lumalapit sa pwesto ng dalaga. Ang amoy ng alak at mamahaling pabango nito ay agad na humalo sa hangin.

Tiningnan siya ni Savannah mula ulo hanggang paa, isang mapanuyang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. "And you look like someone I can use tonight to forget who I am."

Walang babala, hinila ni Savannah ang kurbata ni Sebastian, pinaglapit ang kanilang mga mukha hanggang sa maramdaman nila ang hininga ng isa't isa. Ang tensyon sa pagitan nila ay tila kuryenteng dumadaloy sa buong bar.

"Careful what you wish for," bulong ni Sebastian bago niya tuluyang sinakop ang mga labi ni Savannah.

Ang kanilang halikan ay hindi marahan. Ito ay mapusok, gutom, at puno ng pagnanasa na dulot ng alak at pagod sa kani-kanilang mga buhay. Isang torrid kiss na tila wala nang bukas. Hindi alintana ni Savannah kung sino ang lalaking ito; ang mahalaga ay ang init na nararamdaman niya sa bawat haplos ni Sebastian sa kanyang bewang. At si Sebastian? Nawala ang lahat ng kanyang disiplina nang malasahan ang tamis at tapang ng babaeng nasa kanyang mga bisig.

Sa gitna ng kanilang paglalaplapan sa madilim na sulok ng club, hindi nila napansin ang isang maliit na kislap mula sa siwang ng pintuan ng VIP exit. Isang paparazzi na matagal nang naghihintay ng ganitong pagkakataon ang nakakuha ng pinaka-importanteng litrato ng taon.

Kinabukasan, ang bawat screen, bawat tabloid, at bawat social media feed sa buong Pilipinas ay may iisang headline:

"THE FALLEN DIAMOND SWEETHEART AND THE TECH KING: THE SCANDAL OF THE CENTURY."

Napabaliktad ang sikmura ni Savannah nang makita ang litrato sa kanyang tablet. Ang 'Innocent Darling' ng bansa, nakikipag-laplapan sa 'Ice King' ng Tech world sa loob ng isang madilim na bar.

"No... my career... my movies... My father will kill me!" sigaw ni Savannah, tuluyan nang nawala ang kanyang pagiging spoiled. Ang kanyang karera na binuo sa loob ng maraming taon ay tila gumuho sa isang gabi lang ng kalasingan.

Sa kabilang panig ng lungsod, isang malakas na hampas sa mesa ang yumanig sa buong opisina ni Sebastian. Ang kanyang ama, ang No. 1 Billionaire, ay nakatayo sa harap niya, ang mukha ay pula sa galit.

"You are the face of this company, Sebastian! Our stocks are plummeting because of this reckless behavior! You've ruined our reputation for a girl from showbiz?" sigaw ng kanyang ama. "Fix this immediately. Arrange a press conference. Tell them you’re engaged. Do whatever it takes to turn this scandal into a love story, or you lose the chairmanship."

Tumingin si Sebastian sa litrato ni Savannah sa dyaryo. Isang mapanganib na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Kung kailangan niya ng asawa para maisalba ang kumpanya, pipiliin niya ang babaeng kasing-wild niya sa kama.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 68: SCENTS OF THE PAST

    SAVANNAH Panibagong araw na naman dito sa Italya, at panibagong matinding morning sickness na naman ang sumalubong sa akin. Pagkagising na pagkagising ko pa lang, dumiretso na agad ako sa banyo para isuka ang hangin at tubig sa tiyan ko. Hapo ang buong katawan kong napasandal sa pader habang pilit kong hinahabol ang aking hininga. Nang makarating kami sa shooting location sa gitna ng Florence, ramdam ko pa rin ang labis na panghihina. Habang nakaupo ako sa tapat ng vanity mirror sa holding area ng cast, nilalapatan pa lang ng makeup artist ang mukha ko. Namumutla ang natural kong kulay, at tanging ang kapal ng blush-on at lipstick na lang ang nagbibigay ng kaunting buhay sa akin. "Gina, matagal ba ang mga eksena ko ngayon?" mahina kong tanong habang nakatitig sa salamin. "Gusto ko sanang umuwi nang maaga kapag natapos 'to." "Hindi naman ganoon katagal ang tatlo mong sequence ngayon, Van." Nagulat ako nang hindi boses ni Gina ang sumagot sa akin. Pag-angat ng paningin ko sa sa

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 67: THE WARMTH OF A REAL MOTHER

    SAVANNAH Ang amoy ng kumukulong sabaw at sariwang herbs ang dumagundong sa maliit na kusina ng aming apartment. Nakaupo ako sa tapat ng dining table habang pinagmamasdan si Tita Aurora na abalang nagluluto. Nagluto siya ng mainit na soup with salmon fish—isang simpleng resipe na puno ng nutrisyon para sa nagdadalang-tao. "Tita, huwag niyo na po akong pag-abalahan..." nahihiya kong subok na pagtanggi noong magsimula siyang maghiwa ng mga sangkap kanina. "Nahihiya po ako sa inyo. Hindi po ako sanay na pinagsisilbihan ng isang nanay." "Naku, Savannah, huwag ka nang mahihiya sa akin," pilit ngunit mapagmahal na giit ni Tita Aurora habang dahan-dahang hinahalo ang sabaw sa kaldero. "Nalaman ko kay Gina na puro pasta na lang daw ang kinakain mo nitong mga nakaraang araw dahil iyon ang iki-nki-crave mo. Hindi pwede 'yon, iha. Kailangan mo ng masustansyang sabaw para sa kalusugan mo at ng apo ko." Wala na akong nagawa kundi ang mapangiti nang tipid habang inaabot niya sa akin ang isang

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 66: AN UNEXPECTED SACRED BOUND

    SAVANNAH Medyo maaliwalas ang simula ng umaga rito sa Florence. Katatapos lang ng maikling eksena ko para sa pelikula, at kasalukuyan kaming nagpapahinga ni Gina sa maliit na terrace ng apartment. Hawak ko ang isang baso ng malamig na tubig habang pinagmamasdan ang mga lumang gusali, pilit na pinapakalma ang sarili mula sa panibagong attack ng morning sickness. Subalit biglang naputol ang katahimikan nang marinig namin ang sunod-sunod na katok sa p***o. Nagtakang nagkatinginan kami ni Gina. "May inaasahan ka bang delivery?" tanong niya habang dahan-dahang tumatayo. "Wala. Baka sa landlady?" mahina kong sagot. Mabilis na lumapit si Gina sa p***o at binuksan ito. Pero sa halip na ang landlady o sinumang staff ng produksyon ang bumungad, tuluyang natigil ang mundo namin pareho. Nakatayo sa labas ng p***o si Tita Aurora. Ang ina ni Sebastian. Nakasuot ito ng isang simpleng eleganteng dress, hawak ang kaniyang mamahaling bag, at may bitbit na maliit na basket ng mga sariwa

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 65: SHADOWS IN THE TOWER

    SEBASTIAN "Any update, Marcus?" Nakatitig ako sa kawalan habang nakasandal ang ulo ko sa likod ng swivel chair. Ang pormal at maayos kong imahe bilang CEO ay tuluyan nang nasira—ang polo ko ay nakatupi lang nang walang kaayos-ayos, gulo-gulo ang buhok ko, at ang buong opisina ko ay nangangamoy na ng matapang na alak. "Sir Sebastian... as per searching for Mrs. De Cartier, she's currently working on an Italian movie project," mabilis na ulat ni Marcus mula sa p***o. "And as far as our research goes, nasa Tuscany, Italy siya ngayon—sa country ng grandparents niyo, kung saan kayo mismo ipinanganak." Bawat salitang lumabas sa bibig ni Marcus ay parang biglang gumising sa buo kong sistema. Agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko, napahawak sa gilid ng mesa habang mabilis ang tibok ng dibdib ko. Tuscany, Italy. Napakalaking lugar noon. Malawak ang rehiyon na 'yon para sa isang taong gustong magtago, pero walang lugar sa mundong 'to ang sapat para itago ka sa akin, Savanna

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 64: SILENT BURDEN

    SAVANNAH Lumalalim na naman ang gabi rito sa Florence. Sa harap ng vanity mirror ng aming maliit na dressing room, nakatitig ako sa sarili kong repleksyon. Humuhupa na ang pamamaga ng aking mga mata, pero ang pagod—ang lalim ng pagod na nakaukit sa ilalim ng mga mata ko—ay hindi kayang takpan kahit ng pinakamahusay na makeup artist ng produksyon. Dumaan ang mga linggo. Bawat araw ay parang isang mahabang laban kung saan pilit kong itinutulak ang katawan ko para maging maayos sa harap ng camera, kahit na sa gabi ay halos madurog ako sa matinding hilo, pagsusuka, at sa hindi mawala-walang sakit sa aking dibdib. "Savannah, baka pwede namang magpahinga ka muna?" Napatigil ako sa pagpunas ng aking mukha at napatingin kay Gina na nakatayo sa may p***o ng dressing room, hawak ang panibagong baso ng warm water at reseta kong vitamins. Ang mukha niya ay punong-puno ng matinding pag-aalala—pag-aalala ng isang taong hindi lang manager ang turing sa akin, kundi isang magulang na kasama ko

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 63: UNINTENDED GIFTS

    SAVANNAH Mabigat pa rin ang pakiramdam ko pagkagising ko kinaumagahan. Akala ko ay mawawala ang pagkahilo ko kapag nakatulog ako nang ilang oras, pero pagkatayo ko pa lang mula sa kama, agad na namuo ang pawis sa noo ko at pinalibutan na naman ako ng matinding pagbaliktad ng sikmura. Nang pumasok si Gina sa silid para dalhan ako ng maiinom na tsaa, mabilis niya akong inalalayan papunta sa maliit na private clinic na malapit lang sa apartment namin sa Florence. Wala na kaming lakas na mag-argumento pa. Pareho naming alam na hindi na normal ang panghihina ng katawan ko. Tahimik ang waiting area ng clinic. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang tunog ng aircon at ang marahang paglipat ni Gina ng mga pahina ng magazine sa tabi ko. Maya-maya pa, tinawag na ng isang Italian nurse ang pangalan ko. Pagpasok namin sa consultation room, sinalubong kami ng isang may-edad nang doktora. Maayos ang pakikitungo niya at agad na nagtanong tungkol sa mga nararamdaman ko nitong mga nakaraa

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 2: PRICE OF REBELLION

    Ang sikat ng araw sa Maynila ay hindi mukhang bagong simula; para itong parusa. Nagising si Savannah Madrigal na sobrang sakit ng ulo, pero mas masakit ang kaba sa dibdib niya nang maabot niya ang phone niya. Halos manginig ang kamay niya habang tinitingnan ang screen.Sabog ang notifications niya.

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 5: BLOOD AND BUSINESS

    Alas-otso ng umaga nang dumarating ang itim na Rolls-Royce sa tapat ng main entrance ng mansyon. Kasalukuyang tinatapos ni Savannah ang kanyang kape habang si Sebastian ay seryosong nakatingin sa labas ng bintana. Ramdam ang bigat ng presensya ng mga parating."Ayusin mo ang mukha mo," sabi ni Seba

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 4: GOLDEN CAGE

    Pagpasok ni Savannah Madrigal sa loob ng De Cartier Mansion, unang pumasok sa isip niya ang isang salita.Museum. Hindi bahay.Ang lobby pa lang ay parang isang five-star hotel. Marble ang sahig na makintab na parang salamin, at ang kisame ay napakataas na halos hindi niya makita ang dulo. May isan

  • The Billionaire’s Scripted Wife   CHAPTER 3: SCRIPTED PRESS CONFERENCE

    Humarap si Savannah Madrigal sa salamin ng vanity area sa De Cartier Tower. Suot niya ang isang champagne-colored midi dress na simple pero halatang mahal. Ito ang kailangang imahe ngayon—ang "Diamond Sweetheart" na malinis ang pangalan. Pero sa totoo lang, gusto na lang niyang maglaho. "Kaya mo 't

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status