Mag-log inHello! I’m a new small author building my voice from scratch. This is where I share my rawest thoughts and wildest imaginations. Welcome, beloved readers! 📖✨ Your support means the world to me. So far, what is your favorite scene or lines? I’d love to hear what resonated with you! Share it below! 🙂 -MIYAAAW69 😘
SEBASTIAN "Any update, Marcus?" Nakatitig ako sa kawalan habang nakasandal ang ulo ko sa likod ng swivel chair. Ang pormal at maayos kong imahe bilang CEO ay tuluyan nang nasira—ang polo ko ay nakatupi lang nang walang kaayos-ayos, gulo-gulo ang buhok ko, at ang buong opisina ko ay nangangamoy na ng matapang na alak. "Sir Sebastian... as per searching for Mrs. De Cartier, she's currently working on an Italian movie project," mabilis na ulat ni Marcus mula sa p***o. "And as far as our research goes, nasa Tuscany, Italy siya ngayon—sa country ng grandparents niyo, kung saan kayo mismo ipinanganak." Bawat salitang lumabas sa bibig ni Marcus ay parang biglang gumising sa buo kong sistema. Agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko, napahawak sa gilid ng mesa habang mabilis ang tibok ng dibdib ko. Tuscany, Italy. Napakalaking lugar noon. Malawak ang rehiyon na 'yon para sa isang taong gustong magtago, pero walang lugar sa mundong 'to ang sapat para itago ka sa akin, Savanna
SAVANNAH Lumalalim na naman ang gabi rito sa Florence. Sa harap ng vanity mirror ng aming maliit na dressing room, nakatitig ako sa sarili kong repleksyon. Humuhupa na ang pamamaga ng aking mga mata, pero ang pagod—ang lalim ng pagod na nakaukit sa ilalim ng mga mata ko—ay hindi kayang takpan kahit ng pinakamahusay na makeup artist ng produksyon. Dumaan ang mga linggo. Bawat araw ay parang isang mahabang laban kung saan pilit kong itinutulak ang katawan ko para maging maayos sa harap ng camera, kahit na sa gabi ay halos madurog ako sa matinding hilo, pagsusuka, at sa hindi mawala-walang sakit sa aking dibdib. "Savannah, baka pwede namang magpahinga ka muna?" Napatigil ako sa pagpunas ng aking mukha at napatingin kay Gina na nakatayo sa may p***o ng dressing room, hawak ang panibagong baso ng warm water at reseta kong vitamins. Ang mukha niya ay punong-puno ng matinding pag-aalala—pag-aalala ng isang taong hindi lang manager ang turing sa akin, kundi isang magulang na kasama ko
SAVANNAH Mabigat pa rin ang pakiramdam ko pagkagising ko kinaumagahan. Akala ko ay mawawala ang pagkahilo ko kapag nakatulog ako nang ilang oras, pero pagkatayo ko pa lang mula sa kama, agad na namuo ang pawis sa noo ko at pinalibutan na naman ako ng matinding pagbaliktad ng sikmura. Nang pumasok si Gina sa silid para dalhan ako ng maiinom na tsaa, mabilis niya akong inalalayan papunta sa maliit na private clinic na malapit lang sa apartment namin sa Florence. Wala na kaming lakas na mag-argumento pa. Pareho naming alam na hindi na normal ang panghihina ng katawan ko. Tahimik ang waiting area ng clinic. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang tunog ng aircon at ang marahang paglipat ni Gina ng mga pahina ng magazine sa tabi ko. Maya-maya pa, tinawag na ng isang Italian nurse ang pangalan ko. Pagpasok namin sa consultation room, sinalubong kami ng isang may-edad nang doktora. Maayos ang pakikitungo niya at agad na nagtanong tungkol sa mga nararamdaman ko nitong mga nakaraa
SAVANNAH Malamig ang hangin na sumalubong sa akin pagkalabas namin ng Leonardo da Vinci Airport sa Rome. Isang matangkad na Italian local driver na kinuha ng production team ang nag-antay sa amin bitbit ang isang placard na may pangalan ni Gina. Tahimik lang akong sumunod habang hihila ni Gina ang dalawa naming maleta, ang malaking sunglasses ko ay sapat na para itago ang paos at magang-maga kong mga mata mula sa liwanag ng umaga. Sa buong biyahe patungo sa nirentahan naming maliit na apartment sa Tuscany, hindi ako gaanong nagsalita. Nakatitig lang ako sa bintana, pinapanood ang pagdaan ng mga lumang gusali at malawak na tanawin ng Europa. Napakalayo nito sa Manila. Napakalayo sa De Cartier Tower, sa penthouse, at sa mansyong pinanggalingan ko. Pero kahit ilang libong milya ang layo ng katawan ko sa Pilipinas, ang utak at puso ko ay naiwan pa rin sa silid kung saan nakita ko si Sebastian kasama ang ibang babae. "Dear, andito na tayo," marahang tapik sa akin ni Gina nang huminto
SAVANNAHPakiramdam ko ay napakahaba na ng isang oras na tulog. Sa tindi ng bigat ng dibdib ko, kahit ang antok ay pilit na lumalayas sa sistema ko. At heto ako ngayon, alas-tres pa lang ng madaling araw ay gising na gising na, abala sa pag-aayos at pag-iimpake ng mga damit kong pinakuha ko kay Gina sa penthouse ko kagabi.Habang itinutupi ko ang isang silk blouse, naalala ko ang sinabi ni Gina kanina habang nagkakape kami. Sabi niya, gulu-gulo raw ang higaan ko roon nang datnan niya. Dahil nagtaka siya, chineck niya ang CCTV ng unit ko para tingnan kung may ibang pumasok. At doon niya nakita na doon pala natulog si Sebastian sa gilid ng kama ko, yakap ang unan ko, habang umiiyak mag-isa.Napatigil ako sa pag-iimpake at napatawa nang mapait. Tss. Magloloko tapos iiyak? Sa pagkakaalam ko, ako lang ang artista sa aming dalawa. Ako lang ang Best Actress. Pero kung maka-akto siya ngayon, tila ba siya ang biktima at siya ang iniwan nang walang dahilan. Hindi ko alam kung anong klaseng palab
SAVANNAHNiyakap ako nang mahigpit ni Gina sa sandaling makapasok kami sa loob ng kaniyang condo. Doon ko tuluyang pinakawalan ang lahat ng emosyong pilit kong ikinukulong habang nasa biyahe. Iyak ako nang iyak, basang-basa ang mukha ko at halos hindi ako makahinga sa tindi ng sakit na sumasakal sa dibdib ko. Kwinento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari—mula sa pagbagsak ng pagkain sa sahig hanggang sa eksaktong posisyon kung paano ko nahuli si Sebastian at si Isabella sa opisina."HOW DARE HIM! And that slut, sasabunutan ko talaga 'yang impakta na 'yan!!" gigil na sabi ni Gina, namumula ang mukha niya sa galit habang hinahaplos ang likod ko. Kung may kakayahan lang siyang pumatay sa mga sandaling 'to gamit ang mga tingin niya, paniguradong ginawa na niya.Magang-maga na ang mga mata ko, pumurol ang paningin ko dahil sa walang katapusang pag-agos ng mga luha. In-off ko na rin ang cellphone ko dahil walang tigil ang pag-vibrate nito; walang katapusan ang mga tawag at text nina Marcus at
Pagpasok ni Savannah Madrigal sa loob ng De Cartier Mansion, unang pumasok sa isip niya ang isang salita.Museum. Hindi bahay.Ang lobby pa lang ay parang isang five-star hotel. Marble ang sahig na makintab na parang salamin, at ang kisame ay napakataas na halos hindi niya makita ang dulo. May isan
Humarap si Savannah Madrigal sa salamin ng vanity area sa De Cartier Tower. Suot niya ang isang champagne-colored midi dress na simple pero halatang mahal. Ito ang kailangang imahe ngayon—ang "Diamond Sweetheart" na malinis ang pangalan. Pero sa totoo lang, gusto na lang niyang maglaho. "Kaya mo 't
Ang sikat ng araw sa Maynila ay hindi mukhang bagong simula; para itong parusa. Nagising si Savannah Madrigal na sobrang sakit ng ulo, pero mas masakit ang kaba sa dibdib niya nang maabot niya ang phone niya. Halos manginig ang kamay niya habang tinitingnan ang screen.Sabog ang notifications niya.
Sa ilalim ng nakakasilaw na kislap ng mga camera sa grand entrance ng Metropoli Charity Gala, si Savannah Madrigal ang depinisyon ng perpeksyon. Nakasuot siya ng isang pasadyang ivory silk gown na tila yumayakap sa bawat kurba ng kanyang katawan. Ang kanyang ngiti ay matamis, inosente, at sapat na







