Matapos kong matanggap ang masamang balita mula sa kapatid ko, Mabilis akong nag paalam kay sir Jack " Sir , sorry po emergency lang po kailangan po kasi ako ng pamilya ko ngayon " akala ko tatanongin pa niya ako kong bakit pero hindi ko alam kong anong nakain niya at agad na siyang pumayag " Sige na magiingat ka sa byahe " ngayon kolang siya nakitang ganito ka ano.. Basta hindi ko maipaliwanag ang mga bagay tungkol sa kanya dahil sa kalituhan.Ng pumayag na nga siya mabilis kong binagtas ang direksiyon papunta sa sinilangan na aking pinanggalingan.Ngunit papunta palang ako roon habang nakasakay sa jeep yong kaba at takot ko ay malala na. Almost seven years narin akong hindi nagpapakita sa pamilya ko simula ng malugi na ang kompanya ng mga magulang ko. Masakit sakin , kasi yong pinaghirapan ng magulang ko bigla nalang mawawala na parang bula dahil sakin dahil ayaw kong magpakasal sa taong ni kilan hindi ko minahal si Bryan anak ng isang sangganong negosyanti, kong pumayag sana ako
" j-Jade ikaw ba yan ! " gulat kong bulalas , halos napanganga ako ng makita siyang nakatayo sa harap ko.Sa pagkagulat nabitawan ko ang bitbit kong nakabukas na mineral water , binili ko pa naman yon sa convenience store malapit sa aking tinitirhan.Nakita ko ang itsura niya mukhang galing sa away , basang basa pa ng ulan .Aaminin ko naawa ako sa ex boyfriend ko pero mas nanaig parin ang galit at hinanakit ko na halos magiisang taon kong kinimkim.Siya mismo ang bumasag sa pagkakagulat ko ." Bhem ... good evening lumipat kana pala kelan kapa rito? " his voice is soft ngunit mababakas sa kanyang mata ang lungkot at pagdadalamhati." Anong ginagawa mo rito ? Hindi mona kailangan malaman kong kelan pako lumipat dito " pagtataray ko , akala ko kasi pagnakaharap kona siya makakaramdam ako ng kaasiwaan sa kanya pero parang iba ang naramdaman ko ng kaharap kona siya .Yong pakiramdam na hindi ko maipaliwanag halo-halong kaba , galit ,poot at iba pa.Nakita korin na may dala siya ,nguni
Kumpirmado na.Sabi nga nila, walang baho ang hindi sumisingaw.Bilang isang babae, napakalaking dagok sa puso ko ang katotohanang pilit kong tinatakasan—ang katotohanang niloko ako ng taong buong akala ko ay akin. Gusto kong magalit. Gusto kong sumigaw. Gusto kong manira ng gamit, pero ni isa sa mga ito, hindi ko magawa. Alam kong sa huli, ako lang din ang talo. Ako lang ang masasaktan.Tama sila. Kapag nagmahal ka, huwag mong ibigay ang lahat. Dahil kapag ubos ka na, wala nang matitirang kahit konting halaga para sa sarili mo.Isang hindi inaasahang tawag ang gumising sa akin sa realidad. Isang lalaki ang nagsabing kailangan ko raw malaman ang totoo. Akala ko prank call lang, pero habang nagsasalita siya, isa-isa niyang binanggit ang lahat ng bagay na pilit kong kinukuwestyon sa isip ko. Ang totoo, matagal ko nang nararamdaman. Yung pakiramdam na may mali, pero pinipili mong huwag pansinin. Ngunit sa huli, lumabas din ang katotohanan.Tama ang hinala ko. Si Jade at ang Canadian na i
"Marami daw ang namamatay sa maling hinala," ika nga ng matatanda.Pero mali nga ba talaga ang maghinala?Babae ako. At sa dami ng nararamdaman ko ngayon kay Jade, palagay ko ay natural lang naman sa aming mga babae ang makaramdam ng pagdududa. Lalo na kung may basehan, 'di ba?Ang hindi ko lang maintindihan, bakit araw-araw ko na lang itong nararamdaman? Hindi na ito basta simpleng selos. Ito na ang uri ng pakiramdam na gumigising sa akin sa gabi, at hindi na rin ako makatulog dahil sa mga gumugulong na tanong sa isip ko.Praning na yata ako. Kahit anong bagay tungkol kay Jade, inuugnay ko sa posibleng pagtataksil. Wala pa mang kumpirmasyon, pero ramdam ko na may mali. Siguro maiintindihan ninyo ako kung alam ninyo ang sitwasyon namin. LDR. Nasa ibang bansa siya, ako nandito lang sa Pilipinas.Nakakainsecure talaga. Lalo na kung ang nararamdaman mo ay unti-unting nadudungisan ng duda.Alam ko, hindi ako nag-iisa. Maraming babaeng tulad ko—nagmamahal, nag-aalala, at patagong nasasakta
Limang letra. Isang salita. Ngunit kayang guluhin ang puso at isipan ng kahit sinong umiibig. Selos.Mula nang makita ko ang ekspresyon ni Jade habang kausap ang babaeng 'yon ang babaeng Canadian na sinasabi niyang katrabaho lang hindi na ako mapakali. Parang may multong kumakalikot sa dibdib ko, gumagapang sa konsensya at bumubulong ng mga tanong na hindi ko masagot.Hindi ko maipagkakaila. Selosa akong tao. Pero hindi mo rin ako masisisi. Mahal ko si Jade. At kapag mahal mo, ayaw mong may ibang lumalapit. Dapat ikaw lang. Ikaw lang dapat ang tinitingnan. Ang nilalapitan. Ang pinipili.Doon ko napatunayan: hindi biro ang selos. Dati, pinagtatawanan ko lang 'yan. Akala ko arte lang. Pa-cute lang ng mga taong insecure. Pero iba pala 'pag ikaw na ang nasa posisyon. Totoo palang kaya kang lamunin ng selos, lalo na kung mahal mo ang taong maaaring maagaw ng iba.Isang linggo ang lumipas. Isang linggong katahimikan mula kay Jade. Walang tawag. Walang text. Walang paramdam.Hanggang kailan
"Namimiss ba niya ako?" Iyan na lang ang tanong ko sa sarili ko habang nakaupo sa sofa sa loob ng opisina ni Jack.Halos hindi ko namalayan na tambak na pala ako ng trabaho dahil sa pagtitig ko sa cellphone ko, naghihintay ng tawag mula kay Jade."Hey... hey, Bhem. Kanina ka pa tulala riyan. Mukhang ang lalim ng iniisip mo ngayon, ah?""A-ah, s-sorry, h-hindi naman gaano kalalim," gulat kong sagot kay Jack. Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala siya. Kung hindi niya ako nilapitan at tinapik ang braso ko, baka buong araw na lang akong nakatulala.Buti na lang at bumalik ako sa realidad.Mag-aalas dose na ng tanghali nang makatanggap ako ng tawag mula kay Jade. Saktong tapos na ako mag-lunch at 1PM pa ang balik ko sa trabaho. May oras pa ako para maki-bebetime sa kanya."Hello, babe. Kumusta ka na riyan? Miss na miss na kita. Kumain ka na ba?" tanong niya habang ngumunguya ng salad."Opo, tapos na po ako. Ikaw na lang ang hindi pa tapos. Ubusin mo 'yan, babe. Halos mabulunan ka na.