LOGINNang mapakalma ko ang sarili ko ay naisipan ko nang umuwi, ilang oras na rin akong nandito sa park.
Magluluto pa ako ng maraming handa, double celebration ang meron sa amin ngayon ni Ahashi.
Ipagdiriwang namin ang aming ikadalawang taon ng kasal
At higit sa lahat
Ang pagdating ng aming munting anghel
Pagdating ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa kusina at inihanda ang mga ingredients na gagamitin ko. Sinigurado kong fresh lahat ng ingredients na gagamitin dahil ayaw ni Ahashi na hindi fresh ang mga sangkap sa kinakain niya.
Madami siyang paboritong pagkain at lahat ng iyon ay inaral ko para lang sa kaniya.
Lulutuin ko lahat ng paborito niyang pagkain, magb-bake na rin ako ng cake.
Panigurado akong matutuwa siya pag nakita niya lahat ng ito.
Naiisip ko palang na uuwi siya at makikita lahat ng niluto ko ay hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko. Hindi ko na ininda ang mga pasong natamo ko habang nagluluto, ang mahalaga ay mailuto ko lahat ng paborito niya.
Hindi naman niya ako papagalitan kung masaktan ko man ang sarili ko dahil sa pagluluto..
Irarason ko nalang sa kaniya na para sa kaniya ang lahat ng luto ko at okay lang kung magkanda paso-paso pa ako.
Basta makita ko lang na ngumiti siya sa akin ay okay na.
Isa pa…
Sigurado akong matutuwa siya kapag nalaman niyang magkakaanak na kami.
Naiisip ko palang ang magiging reaksyon niya ay napapangiti na ako.
Hindi ko maisip kung paano ang gagawin niya…
Mabibigla ba siya?
Yayakapin niya ba agad ako?
Sisigaw ba siya na sa wakas ay magiging na siya?
Tatawagan ba niya si lolo Ernesto para sabihin ang magandang balita?
Palagi na rin kasing nangungulit si lolo na gusto na niyang makita ang great grandchild niya
Kaya paniguradong matutuwa yun ng sobra kapag nalaman nila ni Ahashi na buntis na ako.
Napatingin ako sa oras ng matapos ko ang lahat ng niluto ko. Ang bilis ng oras, 8pm na agad.
Tiningnan ko lahat ng niluto ko ay sinimulang ayusin sa hapag-kainan. Napahinto ako sa paglalagay ng plato nang maalala ang unang beses na pinagluto ko si Ahashi.
Hindi iyon perpekto
Sa katunayan ay may sunog pa nga ang gilid noon at hindi rin tama ang lasa.
Natawa nalang ako sa aking naisip, talagang hindi tama ang lasa dahil nakalimutan kong lagyan ng asin.
Hindi niya iyon pinuri,ang totoo ay nakakunot pa nga ang noo niya habang tinitingnan ang pagkaing inihanda ko sa kaniya.
Tila ba iniinspeksyon niya kung nakakain ba iyon o nakakalason
Pero sa huli ay inubos niya iyon ng walang angal.
Tuwing dinadalahan ko naman siya ng pagkain sa opisina ay kinukuha niya iyon palagi. Pero nang minsang natapunan ng mantika ang kamay ko at nagkaroon ng malaking paso ay agad siyang nagalit
Simula noon ay ayaw na niyang dinadalahan ko siya ng pagkain, ayaw na rin niyang pumupunta ako sa kaniyang opisina.
Sinampal ko ng mahina ang aking pisngi para mapigil ang aking pag ngiti. Naisipan ko na rin na magsindi ng ilang red candles at magtimpla ng juice.
Wine sana ang ilalagay kong inumin pero hindi na ako pwedeng uminom dahil may isang buhay na sa aking sinapupunan.
Pauwi na kaya siya?
Nang maayos ko lahat ng aking niluto at nakuntento na ako sa ilang dekorasyon ay napagdesisyunan kong pumanhik sa kwarto namin para maligo at mag-ayos ng sarili. Sakto pagkatapos kong mag-ayos ay baka dumating na siya.
Hinawakan ko ang tiyan ko at ngumiti
‘Baby siguradong matutuwa si daddy kapag nalaman niyang nandito kana’
Napangiti nalang ako sa naisip ko at agad na tinapos ang pag-aayos ko. Masaya akong bumaba sa pag-aakalang dumating na si Ahashi, ngunit wala siya pagdating ko sa kusina.
‘Baka na traffic lang siya’
Umupo ako sa dining table at hinintay ang pagdating niya, sinsusulyapan ko ang ultrasound report at napapangiti.
Paano ko kaya iaabot sa kaniya ito ng hindi niya nahahalata ang laman?
Pagtingin ko sa orasan ay 9pm na, gumapang ang kaba sa aking dibdib ng makitang hindi pa rin siya dumadating.
‘Asan na kaya siya?’
‘Nakalimutan ba niyang anniversary namin?’
‘Hindi, hindi, baka bumili lang siya ng regalo para sa akin.’
Napabuntong hininga ako at kumuha ng konting pagkain at nagsimulang kumain. Nagugutom na kasi ako at si baby. Kakain nalang ulit ako pagdating niya.
Paniguradong magagalit yun kapag hindi ako kumain sa tamang oras.
At kapag nalaman niya, mas lalo pa siguro. Baka maging dragon nalang iyon bigla sa harapan ko.
Napatawa ako sa naisip ko, Ahashi dragon.
First baby palang namin ito kaya paniguradong magiging over protective daddy siya.
Pagkatapos kong kumain ay muli akong napasulyap sa orasan, alas dyes na ng gabi pero wala pa rin siya.
Napatingin ako sa aking cellphone at napakagat ng aking labi
‘Walang text o tawag’
Uuwi pa kaya siya?
Ilang beses na lumamig ang ang pagkain at nakailang painit na rin ako pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dumadating.
Napabuntong hininga nalang ako dumukdok sa mesa, baka mal-late lang siya ng uwi.
Hihintayin ko nalang siya dito, baka magtampo iyon kapag nakita niyang hindi ko siya hinihintay umuwi, lalo na at anibersaryo pa namin ngayon.
Hindi ko alam ilang minuto pa ang lumipas ng walang dumadating na Ahashi…
Agad akong napaupo ng malaglag ang kamay ko sa lamesa, nakatulog pala ako. Kinusot kusot ko ang mata ko ay sumulyap sa orasan
Alas onse na..
Muli kong tiningnan ang cellphone ko at napangiti ng makita ang isang mensahe na galing sa kaniya.
Baka tama ang hula ko, natraffic lang siya. Umuulan pa naman sa labas ngayon, kaya paniguradong traffic sa dadaanan niya.
Nalaglag ang balikat ko ng mabasa ang chat niya, “Hindi ako makakauwi, busy.”
Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko at nagsimulang mangilid ang aking mga luha.
Hindi niya naalala
Kahit batiin na lamang niya ako ng ‘Happy anniversary’ dalawang salita na lamang iyon pero hindi pa rin niya masabi.
Dalawang salita lang naman iyon
Pero bakit parang hirap na hirap siyang sabihin
Tuluyang tumulo ang mga luha ko habang tinitingnan ang lahat ng inihanda ko. Kumpleto lahat ng paborito niya, at ang cake na pinaghirapan kong gawin…
Paubos na rin ang mga kandilang sinindihan ko
Pinunasan ko ang mga luha ko at napatawa ng mapait.
‘Hindi ba talaga niya ako mahal?’
Pero imposibleng hindi
Sa lahat ng ikinilos niya sa nagdaang taon, kung hindi niya ako mahal hindi niya gagawin yun.
Baka sadyang busy lang talaga siya.
Madami lang trabaho…
Pinigilan ko ang paghikbi ko at muling hinawakan ang tyan ko
‘busy lang si daddy, baby’
Dahan-dahan akong tumayo kahit na nanghihina ang mga tuhod ko at iniligpit lahat ng pinaghirapan ko.
Akala ko pa naman ay makakasama ko siyang magdiwang ngayong taon.
‘Nagpagod lang pala ako para sa wala.’
Pagkatapos kong ilagay sa ref lahat ng niluto ko ay agad na rin akong pumunta sa kwarto at humiga sa kama.
Hindi ba talaga niya naalala?
Muling tumulo ang luha ko habang nakatitig sa kisame. Kahit sana batiin lang niya ako ay matutuwa na ako.
‘Baby sorry kung umiiyak nanaman si mommy ah’
Hinaplos kong muli ang tiyan ko, ang baby ko nalang ang nagbibigay ng lakas sa akin.
Sadyang madami lang siguro siyang tinatapos ngayon at hindi niya maiwan, pero kahit gano’n sana ay tumawag man lang siya para batiin ko.
‘She ruined my life!’
Napahinga ako ng malalim ng muling bumalik sa aking isipan ang salitang narinig ko mula sa kaniya kanina.
Hindi ako ang tinutukoy niya, baka may ibang tao silang pinag-uusapan.
Napahawak nalang ako sa aking dibdib at napagtantong kanina pa pala lumuluha ang mga mata ko.
Hindi ko man lang namalayan
Agad kong kinuha ang cellphone ko ng mag vibrate ito. Npakaunot ang noo ko ng makita ang message request ni Kiara.
‘Ano kaya ang kailangan niya sa akin?’
Ang una naming pagkikita ni Kiara ay noong araw na iyon pero pagkatapos noon ay hindi ko na siya muling nakita
Hindi rin kami nagkakausap kaya nakakapagtakang bigla itong nagchat sa akin.
Nang buksan ko ang mensahe niya ay mabilisang umakyat ang kaba sa buong katawan ko
Parang may mali…
Iba ang kutob ko sa mensahe niya
“Ashryuin.”
Hindi ako nagreply sa kaniya bagkos ay nakatitig lamang ako sa pangalan kong chat niya. Maya-maya pa ay may panibago siyang mensahe na nagpagulo sa sistema ko.
“Wala akong balak saktan ka.”
Anong ibig niyang sabihin?
Nagsimulang mamawis ang aking kamay habang nakatitig sa aking cellphone.
“Pero sa tingin ko ay kailangan mo itong malaman,” chat niya
May masama bang nangyare?
Ano ang kailangan kong malaman?
Napakunot ako ng makitang audio ang sumunod niyang chinat.
Agad ko itong pinindot para mapakinggan.
Parang nawalan ng lakas ang kamay ko at nabitawan nito ang aking cellphone.
Nag-unahan na rin sa pag tulo ang mga luha ko.
Nagsimulang sumikip ang aking dibdib na tila ba nilalagutan ako ng hininga.
Ang boses na ‘yon…
Kilalang kilala ko ang boses na ‘yon
Hindi ako pwedeng magkamali…
Sa kaniya yun
Hindi ito totoo
Ginugulo lang niya ang relasyon namin ni Ahashi
Hindi niya iyon gagawin
Mahal niya ako
“Sana buntis kana Kiara, I can’t wait to be a father with our child…”
Mabigat ang talukap ng mga mata ko nang magising ako.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko na tila ba antok na antok pa ako sa bigat nito.Anong nangyari? Ang bilis ko naman yata nakatulog…Ang naalala ko lang ay ang party tapos napilitan akong uminom ng alak… nakausap ko pa si lolo Ernest Tapos…Hindi ko na matandaan ang mga sumunod na nangyari.Akmang gagalaw ako ng maramdaman ko ang isang bagay na mabigat na nakapatong sa bewang koBiglang nanigas ang katawan koNapalunok ako ng mariin. Abot-abot ang kaba ko habang dahan-dahang nililingon ang kung ano man sa tabi ko. Nang tuluyan ko itong makita ay para akong binuhusan ng malamig na tubig…Nanlaki ang aking mata‘What the hell?’Nanlaki ang mata ko sa aking nakita“What the fuck?” Sigaw ni Ahashi at agad na bumangon ng kama“What the hell happened?” naguguluhan niyang tanong habang nakasabunot sa kaniyang buhok at sumulyap kung saan ako nakaupo habang nakatakip ng kumot ang aking katawan.Napatulala nalang ako sa mga nangya
Napabuntong hininga naman siya at hinawakan ang kamay ko. “You suffered a lot, Ashryuin,” he shoved a bank card in my hands, “Get this card and go wherever you want and find your lost happiness. I will help you with these.”“I can’t accept these lolo,” umiiyak kong saad at pilit na ibinabalik ang mga credit cards pero hindi niya kinuha.“No, apo. Hindi mo mararanasan lahat ng ito kung hindi dahil sa akin,” saad niya at napabuntong hininga. “Kung hindi ko kayo pinilit noon, baka ay masaya ka ngayon.”Pinunasan ko ang mga luha ko at pilit akong nagsalita sa kabila ng aking mga hikbi, “H-Hindi niyo po kasalanan iyon lolo, hindi k-ko po kayo sinisisi.”Ngumit naman siya at pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko, “Ako na ang bahala dito, umalis kana apo.” Naiiyak niyang sambit, “Bisitahin mo nalamang ako kapag kaya mo na.” Tumayo ako at tumango, “Opo lolo, pangako po iyan.” Napangiti naman siya sa sinabi ko.Ipinahatid niya ako sa butler niya sa airport at ito na rin ang nag-ayos ng flig
Ang sabi niya ay busy siyaHindi pwedeng siya ang nagsabi noonNapatakip nalang ako ng aking mukha at tahimik na umiyak, kahit anong pigil ko ng hikbi ko ay lumalabas pa rin ito.Hindi ko matanggapParang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko.Bakit?Ano bang nagawa kong mali para maranasan lahat ng ito?Paano ang anak ko?Akmang papatayin ko ang aking cellphone ng biglang nagsend nanaman ng audio si Kiara.Nanginginig kong pinindot ito upang pakinggan ngunit dahil sa mga luha kong tumulo sa screen ay nahirapan akong pindutin ito bago tuluyang tumunog.“Wag mo ngang sabihin iyan, paano naman ang asawa mo.”Boses iyon ni KiaraPaki-usap, sabihin mong biro lamang ang lahat ng iyon…AhashiWag mong durugin ng pino ang puso koKahit hindi na para sa akin, Kahit para sa anak nalang natin“Ikaw lang ang asawa ko, sa’yo ko gustong magka-anak.”Tuluyan akong humagugol ng marinig ang mga salitang ‘yonKung siya ang itinuturing mong asawa…paano ako? Ano ako sa buhay mo? Kami ng anak mo?
Nang mapakalma ko ang sarili ko ay naisipan ko nang umuwi, ilang oras na rin akong nandito sa park. Magluluto pa ako ng maraming handa, double celebration ang meron sa amin ngayon ni Ahashi.Ipagdiriwang namin ang aming ikadalawang taon ng kasalAt higit sa lahatAng pagdating ng aming munting anghelPagdating ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa kusina at inihanda ang mga ingredients na gagamitin ko. Sinigurado kong fresh lahat ng ingredients na gagamitin dahil ayaw ni Ahashi na hindi fresh ang mga sangkap sa kinakain niya.Madami siyang paboritong pagkain at lahat ng iyon ay inaral ko para lang sa kaniya.Lulutuin ko lahat ng paborito niyang pagkain, magb-bake na rin ako ng cake.Panigurado akong matutuwa siya pag nakita niya lahat ng ito.Naiisip ko palang na uuwi siya at makikita lahat ng niluto ko ay hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko. Hindi ko na ininda ang mga pasong natamo ko habang nagluluto, ang mahalaga ay mailuto ko lahat ng paborito niya.Hindi naman niya ako papagali
Nagising ako sa amoy ng disinfectant, unti-unti kong minulat ang aking mata ngunit agad rin akong napapikit nang masilaw ako mula sa matinding liwanag Nasaan ako?Nang muli kong buksan ang aking mata ay bumungad sa akin ang puting kisame at ang mahihinang tunog ng mga makina sa paligid.“Mabuti naman at gising ka na,” nakangiting sambit ng isang babaeng nakasuot ng isang puting coat.“Nasaan ako?” tanong ko at dahan-dahang umupo.Nakakabit pa sa aking kamay ang isang swero, kumikirot-kirot pa ito nang umupo ako.Lumapit siya sa akin at inalalayan, “Nandito ka sa hospital. May babaeng nagdala sayo dito matapos mong mawalan ng malay.”Napakunot naman ang noo ko at sinubukang alalahanin ang mga nangyare.Maya-maya pa ay may pumasok na babae sa kwarto. Sa tantya ko ay nasa mid-50s na ang kaniyang edad.“Mabuti naman gising kana? Kumusta pakiramdam mo, ihja?” tanong niya.Napangiti naman ako,”Okay na po.”Muling lumapit sa akin ang doctor at may iniabot na papel, “Congratulations, ma’am.”







