FAZER LOGINNapabuntong hininga naman siya at hinawakan ang kamay ko. “You suffered a lot, Ashryuin,” he shoved a bank card in my hands, “Get this card and go wherever you want and find your lost happiness. I will help you with these.”
“I can’t accept these lolo,” umiiyak kong saad at pilit na ibinabalik ang mga credit cards pero hindi niya kinuha.
“No, apo. Hindi mo mararanasan lahat ng ito kung hindi dahil sa akin,” saad niya at napabuntong hininga. “Kung hindi ko kayo pinilit noon, baka ay masaya ka ngayon.”
Pinunasan ko ang mga luha ko at pilit akong nagsalita sa kabila ng aking mga hikbi, “H-Hindi niyo po kasalanan iyon lolo, hindi k-ko po kayo sinisisi.”
Ngumit naman siya at pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko, “Ako na ang bahala dito, umalis kana apo.” Naiiyak niyang sambit, “Bisitahin mo nalamang ako kapag kaya mo na.”
Tumayo ako at tumango, “Opo lolo, pangako po iyan.” Napangiti naman siya sa sinabi ko.
Ipinahatid niya ako sa butler niya sa airport at ito na rin ang nag-ayos ng flight ko. Pagkalipas lamang ng isang oras ay narinig kong tinawag na ang flight ko kaya naman tumayo na ako. Nilingon ko pa ang labas ng airport bago tuluyang umalis.
Habang nakaupo sa loob ng eroplano at nakatitig sa labas kung saan tanging ulap lamang ang aking nakikita ay unti-unting bumabalik ang isip ko sa nakaraan.
at bumalik ako sa gabi bago mangyare ang lahat...
Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng hotel kung saan gaganapin ang welcome party ni Lolo Ernest para sa apo niya galing sa America. Simula noong tumira ako kila lolo ni minsan ay hindi ko pa nakita ang apo niya.
“Ihja, okay ka lang ba?” napalingon ako ng may nagsalita. Si lolo Ernest pala.
Nahihiya naman akong ngumiti sa kaniya, “Opo lolo, namamangha lamang ako,” sagot ko at muling iginala ang aking paningin.
Humalakhak naman siya ng mahina, “Dapat ay masanay kana ihja, para na kitang apo.” Napangiti naman ako sa sinabi niya, lubhang napakabait ni lolo.
“Thank you po sa lahat ng tulong niyo sa akin, balang araw ay masusuklian ko rin po ang kabutihang ipinagkaloob niyo sa akin,” turan ko.
“Hindi kailangan ihja, kung hindi dahil sa kabutihan mo ay baka wala na ako.” Napangiti nalang ako ng pilit.
Hindi kasi ako sanay na may taong iniisip na ang kabutihan na ginawa ko ay utang na loob nila sa akin.
“Oh siya, aalis na muna ako at makikipagkamustahan habang hinihintay si Ahashi.” Inayos niya ang kaniyang necktie at muling tumingin sa akin, “Kumain kana ng kahit anong gusto mo dyan, wag kang mahihiya.” Tumango naman ako at ngumiti.
“Salamat po lolo.” Nginitian naman niya ako at tinapik ang aking balikat bago umalis.
Huminga ako ng malalim bago naglakad papunta sa isang lamesang madaming pagkain. Mas mabuting kumain na muna ako, anong oras na rin. Isa pa nagugutom na ako.
“Gwapo daw yung apo niya.”
“Magaling nga raw na negosyante iyon.”
“Hindi naman nakakapagtaka at mukhang nasa dugo na nila ang pagiging magaling.”
“Balita ko nga ay hindi iyon masayang bumalik dito.”
Napahinto ako sa paglalakad ko dahil sa aking narinig. Bakit naman kaya ayaw niyang umuwi dito?
Sino ba kasi ang apo ni lolo?
“Ang alam ko nga ay nagkaroon sila ng pagtatalo. Hindi lang malinaw kung tungkol saan.” Napailing nalang ako at tumuloy sa lamesa, kumuha lamang ako ng ilang putahe bago pumunta sa pinakasulok na lamesa.
Hindi ko nalang pinansin ang mga bulungan sa aking paligid sa halip ay itinuloy ko nalang ang pagkain ko. Napalingon ako sa entablado ng tumunog ang mikropono.
Sa gitna ng entablado ay nakatayo si lolo Ernest na may malaking ngiti sa labi, “Magandang gabi sa inyong lahat. Salamat sa pagdalo sa bienvenida ng aking apo.” Nagpalakpakan naman ang mga tao.
Luminga-linga naman ako nagbabakasaling mahanap ko ang apo ni lolo. Ang mysterious naman kasi ng taong iyon, ni isang litrato sa mansyon ni lolo ay wala siya.
“Please welcome my grandson, Ahashi!” nagagalak na sambit ni lolo.
Napaawang ang aking labi ng makita ang isang lalaking makisig at may angking kagwapuhan na bumababa sa stage. Npahawak ako sa aking dibdib ng magtama ang aming mga mata. Hindi ko alam ngunit may kung anong masamang pakiramdam ang namuo sa aking dibdib.
Parang nakita ko na siya noon…hindi ko lang maalala kung saan
‘Siya pala si Ahashi, bakit parang pamilyar ang pangalan na iyon. Saan ko ba narinig yun?’
Hindi ko namalayang nakatitig na ako sa kaniya ng napakatagal. Napansin ko rin ang bahagyang pagkunot ng noo niya habang nakatingin sa akin na para bang may pilit siyang inaalala.
Agad akong umiwas ng tingin, hindi ko maintindihan kung bakit ngunit hindi ako komportable sa paraan ng pagtitig niya.
Maya-maya pa’y may lumapit sa kaniyang isang lalaki at muling bumalik ang malamig na ekspresyon nito sa kaniyang muka.
Muli ko siyang sinulyapan at napansin ko ang bahagyang pagkairita sa kaniyang mukha. Para siyang napilitan lamang na dumalo sa isang piging na para din sa kaniya.
Napabalik ako sa reyalidad ng abutan ako ng waiter ng isang alak. Lumingon ako sa aking paligid at nakitang lahat ng tao ay may hawak na alak.
“Thank you everyone for attending my welcome party, and to express my sincere gratitude let me give you a toast.” Malamig na turan ni Ahashi at itinaas ang baso ng alak.
Agad kong itinaas ang baso ng alak na hawak ko at itinungga kasabay ng ibang mga bisita.
Napaubo ako ng maramdaman ang init na dumalayo sa aking lalamunan.
“Ihja, okay ka lang?” napatingin ako sa nagsalita sa aking gilid.
“Kayo po pala, okay lang po ako. Nasamid lang po sa alak.” Mahabang litanya ko.
“Mabuti naman, nag-enjoy ka ba?” nakangiti niyang tanong.
Napatango naman ako, “Opo,” mahina kong sagot.
Napahawak ako sa aking sentido ng makaramdam ng hilo.
“Okay ka lang ba?” tanong ni lolo.
“Opo, medyo nahihilo lang po ako,” sagot ko.
“Ipahahatid na kita kung gano’n.” Napailing naman ako.
“Wag na po lolo, magpapahinga lang po ako. Mawawala din po ito.”
“Hindi ka naman umiinom, hindi ba?” tanong ni lolo.
Napahawak naman ako sa aking ulo at nahihiyang tumango, “Opo, kaya po siguro ako tinamaan agad.”
Napabuntong hininga naman siya, “Oh siya, magpahinga ka na sa kwarto sa itaas.”
Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango, “Thank you po lolo,” sambit ko bago yumuko at dahan-dahang naglakad papunta sa elevator.
Pagkadating ko sa elevator ay agad kong pinindot ang 8th floor bago tuluyang sumandal sa dingding.
Ramdam ko ang pagbigat ng katawan ko sa bawat hakbang ng aking paa.
Hindi ko na rin maaninag ng maayos ang paligid.
Sinulyapan ko ang pintuan bago ito tuluyang binuksan. Napaupo nalang ako sa tabi ng kama at huminga ng malalim.
Ang sakit na talaga ng ulo ko at parang gusto na ring huminto ng katawan ko.
I breathe heavily at humiga, hindi ko na inalintana kung maayos ang pagkakahiga ko sa aking higaan.
Pumikit ako at pilit na nilalabanan ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko. Sa huling sanadali ay may pakiramdam akong may gumalaw sa tabi ko.
Ngunit masyado na akong inaantok at pagod para pagtuunan pa iyon ng pansin at tuluyan na akong nilamon ng dilim.
Mabigat ang talukap ng mga mata ko nang magising ako.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko na tila ba antok na antok pa ako sa bigat nito.Anong nangyari? Ang bilis ko naman yata nakatulog…Ang naalala ko lang ay ang party tapos napilitan akong uminom ng alak… nakausap ko pa si lolo Ernest Tapos…Hindi ko na matandaan ang mga sumunod na nangyari.Akmang gagalaw ako ng maramdaman ko ang isang bagay na mabigat na nakapatong sa bewang koBiglang nanigas ang katawan koNapalunok ako ng mariin. Abot-abot ang kaba ko habang dahan-dahang nililingon ang kung ano man sa tabi ko. Nang tuluyan ko itong makita ay para akong binuhusan ng malamig na tubig…Nanlaki ang aking mata‘What the hell?’Nanlaki ang mata ko sa aking nakita“What the fuck?” Sigaw ni Ahashi at agad na bumangon ng kama“What the hell happened?” naguguluhan niyang tanong habang nakasabunot sa kaniyang buhok at sumulyap kung saan ako nakaupo habang nakatakip ng kumot ang aking katawan.Napatulala nalang ako sa mga nangya
Napabuntong hininga naman siya at hinawakan ang kamay ko. “You suffered a lot, Ashryuin,” he shoved a bank card in my hands, “Get this card and go wherever you want and find your lost happiness. I will help you with these.”“I can’t accept these lolo,” umiiyak kong saad at pilit na ibinabalik ang mga credit cards pero hindi niya kinuha.“No, apo. Hindi mo mararanasan lahat ng ito kung hindi dahil sa akin,” saad niya at napabuntong hininga. “Kung hindi ko kayo pinilit noon, baka ay masaya ka ngayon.”Pinunasan ko ang mga luha ko at pilit akong nagsalita sa kabila ng aking mga hikbi, “H-Hindi niyo po kasalanan iyon lolo, hindi k-ko po kayo sinisisi.”Ngumit naman siya at pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko, “Ako na ang bahala dito, umalis kana apo.” Naiiyak niyang sambit, “Bisitahin mo nalamang ako kapag kaya mo na.” Tumayo ako at tumango, “Opo lolo, pangako po iyan.” Napangiti naman siya sa sinabi ko.Ipinahatid niya ako sa butler niya sa airport at ito na rin ang nag-ayos ng flig
Ang sabi niya ay busy siyaHindi pwedeng siya ang nagsabi noonNapatakip nalang ako ng aking mukha at tahimik na umiyak, kahit anong pigil ko ng hikbi ko ay lumalabas pa rin ito.Hindi ko matanggapParang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko.Bakit?Ano bang nagawa kong mali para maranasan lahat ng ito?Paano ang anak ko?Akmang papatayin ko ang aking cellphone ng biglang nagsend nanaman ng audio si Kiara.Nanginginig kong pinindot ito upang pakinggan ngunit dahil sa mga luha kong tumulo sa screen ay nahirapan akong pindutin ito bago tuluyang tumunog.“Wag mo ngang sabihin iyan, paano naman ang asawa mo.”Boses iyon ni KiaraPaki-usap, sabihin mong biro lamang ang lahat ng iyon…AhashiWag mong durugin ng pino ang puso koKahit hindi na para sa akin, Kahit para sa anak nalang natin“Ikaw lang ang asawa ko, sa’yo ko gustong magka-anak.”Tuluyan akong humagugol ng marinig ang mga salitang ‘yonKung siya ang itinuturing mong asawa…paano ako? Ano ako sa buhay mo? Kami ng anak mo?
Nang mapakalma ko ang sarili ko ay naisipan ko nang umuwi, ilang oras na rin akong nandito sa park. Magluluto pa ako ng maraming handa, double celebration ang meron sa amin ngayon ni Ahashi.Ipagdiriwang namin ang aming ikadalawang taon ng kasalAt higit sa lahatAng pagdating ng aming munting anghelPagdating ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa kusina at inihanda ang mga ingredients na gagamitin ko. Sinigurado kong fresh lahat ng ingredients na gagamitin dahil ayaw ni Ahashi na hindi fresh ang mga sangkap sa kinakain niya.Madami siyang paboritong pagkain at lahat ng iyon ay inaral ko para lang sa kaniya.Lulutuin ko lahat ng paborito niyang pagkain, magb-bake na rin ako ng cake.Panigurado akong matutuwa siya pag nakita niya lahat ng ito.Naiisip ko palang na uuwi siya at makikita lahat ng niluto ko ay hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko. Hindi ko na ininda ang mga pasong natamo ko habang nagluluto, ang mahalaga ay mailuto ko lahat ng paborito niya.Hindi naman niya ako papagali
Nagising ako sa amoy ng disinfectant, unti-unti kong minulat ang aking mata ngunit agad rin akong napapikit nang masilaw ako mula sa matinding liwanag Nasaan ako?Nang muli kong buksan ang aking mata ay bumungad sa akin ang puting kisame at ang mahihinang tunog ng mga makina sa paligid.“Mabuti naman at gising ka na,” nakangiting sambit ng isang babaeng nakasuot ng isang puting coat.“Nasaan ako?” tanong ko at dahan-dahang umupo.Nakakabit pa sa aking kamay ang isang swero, kumikirot-kirot pa ito nang umupo ako.Lumapit siya sa akin at inalalayan, “Nandito ka sa hospital. May babaeng nagdala sayo dito matapos mong mawalan ng malay.”Napakunot naman ang noo ko at sinubukang alalahanin ang mga nangyare.Maya-maya pa ay may pumasok na babae sa kwarto. Sa tantya ko ay nasa mid-50s na ang kaniyang edad.“Mabuti naman gising kana? Kumusta pakiramdam mo, ihja?” tanong niya.Napangiti naman ako,”Okay na po.”Muling lumapit sa akin ang doctor at may iniabot na papel, “Congratulations, ma’am.”







