ログインMabigat ang talukap ng mga mata ko nang magising ako.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko na tila ba antok na antok pa ako sa bigat nito.
Anong nangyari? Ang bilis ko naman yata nakatulog…
Ang naalala ko lang ay ang party tapos napilitan akong uminom ng alak… nakausap ko pa si lolo Ernest
Tapos…
Hindi ko na matandaan ang mga sumunod na nangyari.
Akmang gagalaw ako ng maramdaman ko ang isang bagay na mabigat na nakapatong sa bewang ko
Biglang nanigas ang katawan ko
Napalunok ako ng mariin.
Abot-abot ang kaba ko habang dahan-dahang nililingon ang kung ano man sa tabi ko.
Nang tuluyan ko itong makita ay para akong binuhusan ng malamig na tubig…
Nanlaki ang aking mata
‘What the hell?’
Nanlaki ang mata ko sa aking nakita
“What the fuck?” Sigaw ni Ahashi at agad na bumangon ng kama
“What the hell happened?” naguguluhan niyang tanong habang nakasabunot sa kaniyang buhok at sumulyap kung saan ako nakaupo habang nakatakip ng kumot ang aking katawan.
Napatulala nalang ako sa mga nangyayari, hindi ko maigalaw ang katawan ko. Para akong nakapako sa higaan at hindi ma-proseso ng maayos ng utak ko ang mga nangyayari sa paligid.
“I didn’t know,” mahina kong sambit.
Paano ko sasagutin ang mga tanong niya kung hindi ko naman maalala ang mga nangyari.
Napalingon ako sa pintuan ng marinig ang mga malalakas katok sa pintuan…
Parang may mga dagang nagtatakbuhan sa aking dibdib
‘Anong gagawin ko’
Isang katok
Dalawang katok
Tatlong katok
Napahilamos ng mukha si Ahashi dahil sa inis, kung nakakamatay lamang ang mga titig niya ay malamang nakaburol na ako ngayon.
“Ahashi open this goddamn door!” rinig kong sigaw ni lolo Ernesto na mas lalong nagbigay sa akin ng kaba.
Ilang segundo lamang ang nakalipas ng biglang bumagsak ang pintuan, napatakip nalamang ako ng kumot sa takot.
‘Paano na’
Pag tingin ko sa pintuan ay napapikit ako sa mga nakakabulag na ilaw mula sa lente ng camera
“I-It’s not what you think,” garagal na sabi ni Ahashi at tumayo sa harapan ko.
“Hindi ko naman inakalang may babaeng gagapang sa ibabaw ng kama mo Ahashi para lamang mapabilang sa pamilya mo,” nangungutyang sabi ng isang babae.
Namuo ang mga luha ko dahil sa sinabi ng babaeng iyon. Kahit kailan ay hindi ko maiisipang magpakama sa kung sino para lamang umangat.
Lalong lalo na kay Ahashi
“It’s a misunderstanding!” sigaw ni Ahashi at lumingon sa akin, “Tell them,” desperado ng wika nito.
“M-Mali po kayo ng iniisip, walang nangyari sa amin.” Naiiyak na turan ko.
Narinig ko naman ang pag lagabog ng tungkod ni lolo Ernestro, “M****a! paanong walang nangyari kung nasa iisang kama at kwarto kayong dalawa.” Agad akong tumayo upang ipakita na may damit pa rin ako at lumuhod sa harapan ni lolo Ernesto.
Umiiyak akong tumingin sa kaniya habang nakaluhod, “Lolo wala po talagang nangyari sa aming dalawa ni Ahashi, nagising nalang po kami na nasa iisang kwarto kami. Maniwala po kayo,” umiiyak kong sambit at hinawakan ang laylayan ng damit niya.
Para akong tinakasan ng lakas sa katawan, ngayon ko lang nakita na ganito kagalit si lolo. Pakiramdam ko ay ipinahiya ko ang buong angkan niya sa kabila ng lahat ng tulong na ipinagkaloob niya sa akin.
Nahihirapan na akong huminga ng marinig kong muli ang boses ni Ahashi…para akong nabuhayan ng pag-asa.
Kung hindi maniniwala sa akin si lolo Ernesto, siguro naman ay maniniwala siya sa apo niya. Kasi kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin.
“She’s telling the truth grandpa, we just woke up beside each other.” Ahashi said, “Look, she still wears her clothes,” he added.
“So what? How about you Ahashi? You are topless!” malamig na turan ni lolo Ernesto. Napatakip ako ng mukha ko ng muling manguha ng litrato ang mga media ng biglang humarap sa kanila si lolo.
“Subukan n’yong ilabas ang balitang ito at sisiguraduhin kong wala nang tatanggap sa inyo kahit kailan!” Mariin niyang bigkas, agad namang nagsi-alisan ang media dahil sa takot.
“Ikaw Ahashi, walang Silvein ang tumatakas sa responsibilidad.” nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin kay Ahashi na tila ba pinag bagsakan ng langit at lupa.
“YOU.WILL.MARRY.HER whether you like it or not.” Madiin niyang sambit at tinulungan akong tumayo.
Para akong nabingi sa aking narinig, nawalan ng ingay ang paligid
Tanging ang apat na salitang iyon lamang ang aking naririnig at paulit-ulit na umaalingaw-ngaw sa isipan ko.
“Lolo no please..” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin niya ang sasabihin ko.
“No more buts, you will do what I said.”
“L-Let’s check the CCTV lolo, please.” nahihirapan kong sambit pero tila hindi niya narinig ang mga sinabi ko at tuluyang umalis ng kwarto.
Ayaw ko ng ganito
Lumapit ako kay Ahashi at hinawakan ang braso niya ng bigla niya akong itulak.
Napaatras ako dahil sa pagtulak niya, ngunit hindi iyon naging dahilan ng takot ko…
kundi sa paraan ng pagtitig niya
Na para bang ako ang may kasalanan ng lahat
“Ahashi please, let’s c-check the CCTV.” Umiiyak kong saad at binalewala ang sakit ng tumama ako sa kanto ng kama.
Narinig ko ang pag angil niya bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Bakit ayaw nila akong pakinggan?
Bakit parang ayaw nilang maniwala sa akin?
Pero hindi ko naman talaga alam kung bakit kami nasa iisang kwarto, kahit anong pilit ko ay hindi ma-proseso ng isip ko lahat ng nangyari.
‘Panaginip ba lahat ng ito?’ Sinampal ko ng ilang beses ang sarili ko nagbabakasakaling binabangungot lamang ako pero naramdaman ko na lahat ng sakit ay hindi pa rin ako nagigising.
Muling tumulo ang luha ko habang nakatingin sa kawalan, hindi ko maisip bakit nandito ako sa sitwasyon na ito.
Hindi ko matanggap, ayaw kong ikasal sa taong hindi ako mahal at hindi ko mahal.
At isa pa
Ayaw kong itali ang aking buhay at sarili sa isang pagkakamaling hindi ko naman ginawa.
Mabigat ang talukap ng mga mata ko nang magising ako.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko na tila ba antok na antok pa ako sa bigat nito.Anong nangyari? Ang bilis ko naman yata nakatulog…Ang naalala ko lang ay ang party tapos napilitan akong uminom ng alak… nakausap ko pa si lolo Ernest Tapos…Hindi ko na matandaan ang mga sumunod na nangyari.Akmang gagalaw ako ng maramdaman ko ang isang bagay na mabigat na nakapatong sa bewang koBiglang nanigas ang katawan koNapalunok ako ng mariin. Abot-abot ang kaba ko habang dahan-dahang nililingon ang kung ano man sa tabi ko. Nang tuluyan ko itong makita ay para akong binuhusan ng malamig na tubig…Nanlaki ang aking mata‘What the hell?’Nanlaki ang mata ko sa aking nakita“What the fuck?” Sigaw ni Ahashi at agad na bumangon ng kama“What the hell happened?” naguguluhan niyang tanong habang nakasabunot sa kaniyang buhok at sumulyap kung saan ako nakaupo habang nakatakip ng kumot ang aking katawan.Napatulala nalang ako sa mga nangya
Napabuntong hininga naman siya at hinawakan ang kamay ko. “You suffered a lot, Ashryuin,” he shoved a bank card in my hands, “Get this card and go wherever you want and find your lost happiness. I will help you with these.”“I can’t accept these lolo,” umiiyak kong saad at pilit na ibinabalik ang mga credit cards pero hindi niya kinuha.“No, apo. Hindi mo mararanasan lahat ng ito kung hindi dahil sa akin,” saad niya at napabuntong hininga. “Kung hindi ko kayo pinilit noon, baka ay masaya ka ngayon.”Pinunasan ko ang mga luha ko at pilit akong nagsalita sa kabila ng aking mga hikbi, “H-Hindi niyo po kasalanan iyon lolo, hindi k-ko po kayo sinisisi.”Ngumit naman siya at pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko, “Ako na ang bahala dito, umalis kana apo.” Naiiyak niyang sambit, “Bisitahin mo nalamang ako kapag kaya mo na.” Tumayo ako at tumango, “Opo lolo, pangako po iyan.” Napangiti naman siya sa sinabi ko.Ipinahatid niya ako sa butler niya sa airport at ito na rin ang nag-ayos ng flig
Ang sabi niya ay busy siyaHindi pwedeng siya ang nagsabi noonNapatakip nalang ako ng aking mukha at tahimik na umiyak, kahit anong pigil ko ng hikbi ko ay lumalabas pa rin ito.Hindi ko matanggapParang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko.Bakit?Ano bang nagawa kong mali para maranasan lahat ng ito?Paano ang anak ko?Akmang papatayin ko ang aking cellphone ng biglang nagsend nanaman ng audio si Kiara.Nanginginig kong pinindot ito upang pakinggan ngunit dahil sa mga luha kong tumulo sa screen ay nahirapan akong pindutin ito bago tuluyang tumunog.“Wag mo ngang sabihin iyan, paano naman ang asawa mo.”Boses iyon ni KiaraPaki-usap, sabihin mong biro lamang ang lahat ng iyon…AhashiWag mong durugin ng pino ang puso koKahit hindi na para sa akin, Kahit para sa anak nalang natin“Ikaw lang ang asawa ko, sa’yo ko gustong magka-anak.”Tuluyan akong humagugol ng marinig ang mga salitang ‘yonKung siya ang itinuturing mong asawa…paano ako? Ano ako sa buhay mo? Kami ng anak mo?
Nang mapakalma ko ang sarili ko ay naisipan ko nang umuwi, ilang oras na rin akong nandito sa park. Magluluto pa ako ng maraming handa, double celebration ang meron sa amin ngayon ni Ahashi.Ipagdiriwang namin ang aming ikadalawang taon ng kasalAt higit sa lahatAng pagdating ng aming munting anghelPagdating ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa kusina at inihanda ang mga ingredients na gagamitin ko. Sinigurado kong fresh lahat ng ingredients na gagamitin dahil ayaw ni Ahashi na hindi fresh ang mga sangkap sa kinakain niya.Madami siyang paboritong pagkain at lahat ng iyon ay inaral ko para lang sa kaniya.Lulutuin ko lahat ng paborito niyang pagkain, magb-bake na rin ako ng cake.Panigurado akong matutuwa siya pag nakita niya lahat ng ito.Naiisip ko palang na uuwi siya at makikita lahat ng niluto ko ay hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko. Hindi ko na ininda ang mga pasong natamo ko habang nagluluto, ang mahalaga ay mailuto ko lahat ng paborito niya.Hindi naman niya ako papagali
Nagising ako sa amoy ng disinfectant, unti-unti kong minulat ang aking mata ngunit agad rin akong napapikit nang masilaw ako mula sa matinding liwanag Nasaan ako?Nang muli kong buksan ang aking mata ay bumungad sa akin ang puting kisame at ang mahihinang tunog ng mga makina sa paligid.“Mabuti naman at gising ka na,” nakangiting sambit ng isang babaeng nakasuot ng isang puting coat.“Nasaan ako?” tanong ko at dahan-dahang umupo.Nakakabit pa sa aking kamay ang isang swero, kumikirot-kirot pa ito nang umupo ako.Lumapit siya sa akin at inalalayan, “Nandito ka sa hospital. May babaeng nagdala sayo dito matapos mong mawalan ng malay.”Napakunot naman ang noo ko at sinubukang alalahanin ang mga nangyare.Maya-maya pa ay may pumasok na babae sa kwarto. Sa tantya ko ay nasa mid-50s na ang kaniyang edad.“Mabuti naman gising kana? Kumusta pakiramdam mo, ihja?” tanong niya.Napangiti naman ako,”Okay na po.”Muling lumapit sa akin ang doctor at may iniabot na papel, “Congratulations, ma’am.”







