登入Ang sabi niya ay busy siya
Hindi pwedeng siya ang nagsabi noon
Napatakip nalang ako ng aking mukha at tahimik na umiyak, kahit anong pigil ko ng hikbi ko ay lumalabas pa rin ito.
Hindi ko matanggap
Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko.
Bakit?
Ano bang nagawa kong mali para maranasan lahat ng ito?
Paano ang anak ko?
Akmang papatayin ko ang aking cellphone ng biglang nagsend nanaman ng audio si Kiara.
Nanginginig kong pinindot ito upang pakinggan ngunit dahil sa mga luha kong tumulo sa screen ay nahirapan akong pindutin ito bago tuluyang tumunog.
“Wag mo ngang sabihin iyan, paano naman ang asawa mo.”
Boses iyon ni Kiara
Paki-usap, sabihin mong biro lamang ang lahat ng iyon…Ahashi
Wag mong durugin ng pino ang puso ko
Kahit hindi na para sa akin, Kahit para sa anak nalang natin
“Ikaw lang ang asawa ko, sa’yo ko gustong magka-anak.”
Tuluyan akong humagugol ng marinig ang mga salitang ‘yon
Kung siya ang itinuturing mong asawa…paano ako? Ano ako sa buhay mo?
Kami ng anak mo?
“Kung hindi niya sinira ang buhay ko, we could’ve been married now.”
Napatingala nalang ako habang umiiyak, paano niya nasasabing sinira ko ang buhay niya? Hindi ko naman ginusto ang mga nangyari.
Kung may pagpipilian lang ako, hindi ko sana siya pinakasalan.
Baka hindi ako nasasaktan ng ganito
“Paano kung nabuntis mo siya?” tanong ni Kiara
Kahit ayaw ko ng pakinggan ay pinili kong hintayin ang magiging sagot niya.
Paano nga kung nalaman mong buntis ako Ahashi?
Sasabihin mo pa ba ang mga salitang ‘yan?
Matututunan mo ba akong mahalin kahit para sa anak lang natin?
“Anak?”
narinig ko siyang tumawa mula sa kabilang linya. “Is that even mine? If he can climb to my bed for sure he can also climb into another person’s bed.”Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng marinig ang mga salitang iyon
Tuluyan kong pinatay ang cellphone ko at muling walang lakas na umupo sa gilid ng kama naming dalawa.
Ganon na ba kadumi ang tingin niya sa akin?
“AHHHHH!” Sigaw ko at napasabunot ng matindi sa aking buhok,
“Bakit? Hindi ko naman kasalanan ang lahat!” umiiyak kong sigaw at sinuntok ang kama sa tabi ko. “BAKIT!”
Bakit niya ako sinisisi sa kasalanang hindi ko naman ginawa?
Hindi ko namalayang nanginginig na pala ang buong katawan ko dahil sa nangyari
Hinawakan ko ang tiyan ko at tumingala. “Baby, ayaw na sa atin ni daddy.” Umiiyak kong saad, “Sorry baby.”
Kung gano’n totoo ang mga narinig ko kanina sa opisina
Hindi niya ako mahal at ayaw rin niya akong makasama
Hindi siya busy kaya hindi siya makauwi para sa anniversary namin, sadyang ayaw lang niya akong makita.
Si Kiara pa rin ang mahal niya, at gusto niyang maging ina ng mga anak niya.
Mapait akong tumawa at unti-unting umupo sa higaan naming dalawa.
Sa nakalipas na mga taon, ako lang pala ang nagmamahal
Ako lang ang nahulog…kaya ako lang din ang nasasaktan at nahihirapan.
Sana panaginip nalang ang lahat, kasi sobrang sakit na
Hindi ko na kayang tiisin pa.
Nagising ako ng tumama ang liwanag na nagmumula sa aking bintana, hindi ko namalayang nakatulog pala ako pagkatapos kong umiyak kagabi.
Napabuntong hininga ako at pinulot ang cellphone ko sa sahig.
Wala akong maramdaman, hindi ko alam kung pagod lang ako o tinakasan na ako ng kaluluwa ko.
Napatitig ako sa malaking picture namin ni Ahashi, kuha iyon nang kasal namin. Simula kaya nang araw na iyon ay galit na siya sa akin?
Matutuwa ba siya kapag umalis ako?
Napailing nalang ako sa naisip ko
Baka hindi lang iyon matuwa, baka mag handa pa iyon dahil sa wakas wala nang hadlang sa kanilang dalawa ni Kiara.
Bumaba ako sa kusina at nagluto ng makakain ko, hindi na akong nag abalang magluto pa ng pagkain ni Ahashi dahil paniguradong hindi iyon uuwi sa akin.
Sinulyapan ko ang tiyan ko at piit na ngumiti, “Baby tayo nalang ang meron sa isa’t isa.” mahinang sambit ko at tinapos ang pagkain ko.
Muli akong umakyat sa kwarto namin at kinuha ang dalawang malaking maleta.
Siguro nga ay kailangan ko ng umalis, para sa gano’n ay magawa na ni Ahashi ang gusto niyang gawin.
Para hindi na maging torture pa sa kaniya ang pag-uwi sa bahay na ito.
Napabuntong hininga ako bago unang ilagay ang pregnancy result at ultrasound result sa bag ko.
Hindi na niya kailangang malaman na magkaka-anak kami.
Tanging damit ko lang at mga regalo ni lolo Ernesto ang kinuha ko. Hindi pa napuno ang isang malaking maleta nang matapos akong mag-impake.
Sadya kong hindi kinuha ang mga regalo sa akin ni Ahashi, lahat pati mga damit na binigay niya ay hindi ko na kinuha.
Ayaw kong may bagay pang ipapaalala siya sa akin.
Pagkatapos kong mag impake ay kinuha ko ang photo album naming dalawa. Tuwing nagrerequest ako na samahan niya akong pumasyal ay nagagalit siya pero sa huli ay sasamahan pa rin naman niya ako.
Pero tuwing naalala ko ang lahat ng iyon, hindi na ngiti ang idinudulot sa akin…kundi luha.
Hinaplos ko pa ng isang beses ang mga picture namin at tsaka ko sinimulang gupitin sa gitna. Ibinalik ko ang mga litrato niya sa album, samantalang ang mga litrato ko ay ginupit ko ng maliliit bago tuluyang itapon sa basurahan.
Nang makuntento ako ay sinunod ko naman ang wedding photo namin, hinati ko ito sa gitna at iniwan sa frame ang litrato niya.
Ang ganda ng ngiti ko ng araw na ito
Kailan ba ako ulit ngumiti ng may nagniningning na matapos ang araw na ito?
Napahinga ako ng malalim bago nagsimulang gupitin ito sa pino at itapon.
Nagulat ako sa nakita ko nang binuksan ko ang divorce contract sa drawer.
Kung gano’n matagal na niyang naplano ang lahat.
Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang luhang gustong tumulo, kung alam ko lang sana
Sana matagal na kaming hindi nahihirapan
Kahit nanginginig ay agad kong kinuha ang ballpen at pinirmahan ang divorce contract at ibinalik sa drawer niya.
Kung matagal ko na sanang binuksan ang drawer na ito, baka nalaman ko ng mas maaga.
Baka hindi na rin ako umasa
Nang masigurado kong nakuha ko na lahat ng gamit ko ay inalis ko ang singsing sa kamay ko at inilapag sa ibabaw ng drawer.
Hindi naman talaga para sa akin ang singsing na ito.
Mabigat ang mga paa kong naglakad palabas ng mansyon. Gusto ko man itong lingunin ay pinigilan ko nalang ang aking sarili bago pumara ng isang taxi.
Gusto ko mang tuluyang umalis agad ay hindi ko magawa. Si Ahashi ang nanakit sa damdamin ko hindi si lolo. Kahit anong mangyari sa amin ni Ahashi ay hindi ko kayang idamay ang matandang wala namang ginawang kasalanan sa akin.
Isa siya sa naging sandalan ko nang mga panahong walang-wala ako, kaya paano ako aalis ng hindi nagpapaalam?
“Miss? Miss nandito na tayo.” Napabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni kuyang driver.
“Sorry po,” nahihiyang sambit ko.
“Okay lang ‘yan miss, matatapos din ang lahat.” Nakangiti niyang wika na nagpangiti sa akin.
Bumaba na ako ng taxi at kinuha ang maleta ko. Inipon ko lahat ng tapang ko bago tuluyang pumasok sa gate ng mansyon ni lolo Ernesto na minsan ko nang naging tirahan.
“Good morning ma’am,” bati ng kasambahay sa akin.
Ngumiti naman ako sa kaniya, “Ate Linda nasaan po si lolo?” tanong ko.
Kinuha naman niya ang gamit na dala ko bago sumagot, “Nasa living room siya, halika tulungan na kita.” Hinayaan ko nalang siya at dumiretso sa living room.
Huminga muna akong malalim bago tuluyang nagpakita kay lolo Ernesto. Nagulat pa siya ng makita ako, nginitian ko lang siya at nagmano.
“Ihja napadalaw ka?” nakangiting turan ni lolo ngunit nawala din ang ngiti niya ng idala ni ate Linda ang maleta ko sa aking tabi.
Naguguluhan naman siyang tumingin sa akin. Pilit akong ngumiti at hinawakan ang kamay niya, “Lolo, thank you po.” Naiiyak kong wika.
“Thank you saan? May nangyare ba?” nag-aalala niyang tanong.
Umiling naman ako at umayos ng upo, “Thank you po lolo sa pagtulong niyo sa akin at sa pag papaaral po sa akin.” Pinunasan ko ang luha ko.
“Naguguluhan ako ihja, nag-away ba kayo ng apo ko?” tanong niya. Hindi ako sumagot at patuloy na pinupunasan ang luha ko.
“Sandali at kakastiguhin ko ang lalaking ‘yan!” galit na turan ni lolo at akmang tatayo ng hawakan ko ang laylayan ng damit niya.
“Lolo, gusto ko pong umalis,” saad ko habang humihikbi.
Umupo naman siyang muli at mariing nakatitig sa akin kaya muli akong nagsalita, “Gusto ko pong makipaghiwalay kay Ahashi.” dugtong ko.
“Ano bang nangyayare ihja?” malumanay niyang tanong.
“Hindi ko na po kaya lolo, ayaw ko na pong lokohin ang sarili ko.” Tumingin ako sa malayo at mapait na napangiti.
Muling bumabalik lahat ng ala-ala naming dalawa sa loob nang dalawang taon.
“Madami po akong isinuko at tinalikuran noong araw na pakasalan ko si Ahashi…kasama na doon ang pangarap ko.” Yumuko ako at tumitig sa sahig.
Gusto ko noong maging manunulat
Maging radio host at maging business woman
Gusto kong libutin ang bawat bansa at mamuhay ng payapa
Gusto kong maranasan mahalin ng puro
Gusto kong maranasan maging masaya ng walang kapalit na kalungkutan
Napalunok ako ng mariin at nagpatuloy magsalita, “Pero kasabay po no’n unti-unting nawala ang sarili ko,” mahina kong saad sapat lamang para marinig niya.
Pero ngayon may isa nang buhay na nakadepende sa akin
Kailangan kong bumangon at buohin ang sarili ko
Kahit kapalit no’n ay masaktan ako sa pag-alis ko…para sa anak ko
“I-I thought forced love can turn into a wonderful marriage over years.”
“Maybe we can learn how to love someone over time.”
“But force love can be the sweetest love but it can also be the poison that will slowly kill you…
And before you notice it, it completely devours you.” Tumingin ako sa mata ni lolo Ernesto at pilit na ngumiti.
“I cannot stay with this marriage anymore, lolo.” Naluluha kong sambit, “Please let me go and may Ahashi won’t find me anymore.”
Napabuntong hininga naman siya at hinawakan ang kamay ko. “You suffered a lot, Ashryuin…”
Mabigat ang talukap ng mga mata ko nang magising ako.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko na tila ba antok na antok pa ako sa bigat nito.Anong nangyari? Ang bilis ko naman yata nakatulog…Ang naalala ko lang ay ang party tapos napilitan akong uminom ng alak… nakausap ko pa si lolo Ernest Tapos…Hindi ko na matandaan ang mga sumunod na nangyari.Akmang gagalaw ako ng maramdaman ko ang isang bagay na mabigat na nakapatong sa bewang koBiglang nanigas ang katawan koNapalunok ako ng mariin. Abot-abot ang kaba ko habang dahan-dahang nililingon ang kung ano man sa tabi ko. Nang tuluyan ko itong makita ay para akong binuhusan ng malamig na tubig…Nanlaki ang aking mata‘What the hell?’Nanlaki ang mata ko sa aking nakita“What the fuck?” Sigaw ni Ahashi at agad na bumangon ng kama“What the hell happened?” naguguluhan niyang tanong habang nakasabunot sa kaniyang buhok at sumulyap kung saan ako nakaupo habang nakatakip ng kumot ang aking katawan.Napatulala nalang ako sa mga nangya
Napabuntong hininga naman siya at hinawakan ang kamay ko. “You suffered a lot, Ashryuin,” he shoved a bank card in my hands, “Get this card and go wherever you want and find your lost happiness. I will help you with these.”“I can’t accept these lolo,” umiiyak kong saad at pilit na ibinabalik ang mga credit cards pero hindi niya kinuha.“No, apo. Hindi mo mararanasan lahat ng ito kung hindi dahil sa akin,” saad niya at napabuntong hininga. “Kung hindi ko kayo pinilit noon, baka ay masaya ka ngayon.”Pinunasan ko ang mga luha ko at pilit akong nagsalita sa kabila ng aking mga hikbi, “H-Hindi niyo po kasalanan iyon lolo, hindi k-ko po kayo sinisisi.”Ngumit naman siya at pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko, “Ako na ang bahala dito, umalis kana apo.” Naiiyak niyang sambit, “Bisitahin mo nalamang ako kapag kaya mo na.” Tumayo ako at tumango, “Opo lolo, pangako po iyan.” Napangiti naman siya sa sinabi ko.Ipinahatid niya ako sa butler niya sa airport at ito na rin ang nag-ayos ng flig
Ang sabi niya ay busy siyaHindi pwedeng siya ang nagsabi noonNapatakip nalang ako ng aking mukha at tahimik na umiyak, kahit anong pigil ko ng hikbi ko ay lumalabas pa rin ito.Hindi ko matanggapParang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko.Bakit?Ano bang nagawa kong mali para maranasan lahat ng ito?Paano ang anak ko?Akmang papatayin ko ang aking cellphone ng biglang nagsend nanaman ng audio si Kiara.Nanginginig kong pinindot ito upang pakinggan ngunit dahil sa mga luha kong tumulo sa screen ay nahirapan akong pindutin ito bago tuluyang tumunog.“Wag mo ngang sabihin iyan, paano naman ang asawa mo.”Boses iyon ni KiaraPaki-usap, sabihin mong biro lamang ang lahat ng iyon…AhashiWag mong durugin ng pino ang puso koKahit hindi na para sa akin, Kahit para sa anak nalang natin“Ikaw lang ang asawa ko, sa’yo ko gustong magka-anak.”Tuluyan akong humagugol ng marinig ang mga salitang ‘yonKung siya ang itinuturing mong asawa…paano ako? Ano ako sa buhay mo? Kami ng anak mo?
Nang mapakalma ko ang sarili ko ay naisipan ko nang umuwi, ilang oras na rin akong nandito sa park. Magluluto pa ako ng maraming handa, double celebration ang meron sa amin ngayon ni Ahashi.Ipagdiriwang namin ang aming ikadalawang taon ng kasalAt higit sa lahatAng pagdating ng aming munting anghelPagdating ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa kusina at inihanda ang mga ingredients na gagamitin ko. Sinigurado kong fresh lahat ng ingredients na gagamitin dahil ayaw ni Ahashi na hindi fresh ang mga sangkap sa kinakain niya.Madami siyang paboritong pagkain at lahat ng iyon ay inaral ko para lang sa kaniya.Lulutuin ko lahat ng paborito niyang pagkain, magb-bake na rin ako ng cake.Panigurado akong matutuwa siya pag nakita niya lahat ng ito.Naiisip ko palang na uuwi siya at makikita lahat ng niluto ko ay hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko. Hindi ko na ininda ang mga pasong natamo ko habang nagluluto, ang mahalaga ay mailuto ko lahat ng paborito niya.Hindi naman niya ako papagali
Nagising ako sa amoy ng disinfectant, unti-unti kong minulat ang aking mata ngunit agad rin akong napapikit nang masilaw ako mula sa matinding liwanag Nasaan ako?Nang muli kong buksan ang aking mata ay bumungad sa akin ang puting kisame at ang mahihinang tunog ng mga makina sa paligid.“Mabuti naman at gising ka na,” nakangiting sambit ng isang babaeng nakasuot ng isang puting coat.“Nasaan ako?” tanong ko at dahan-dahang umupo.Nakakabit pa sa aking kamay ang isang swero, kumikirot-kirot pa ito nang umupo ako.Lumapit siya sa akin at inalalayan, “Nandito ka sa hospital. May babaeng nagdala sayo dito matapos mong mawalan ng malay.”Napakunot naman ang noo ko at sinubukang alalahanin ang mga nangyare.Maya-maya pa ay may pumasok na babae sa kwarto. Sa tantya ko ay nasa mid-50s na ang kaniyang edad.“Mabuti naman gising kana? Kumusta pakiramdam mo, ihja?” tanong niya.Napangiti naman ako,”Okay na po.”Muling lumapit sa akin ang doctor at may iniabot na papel, “Congratulations, ma’am.”







