LOGINAstrid Madrigal
Napalunok ako nang malalim habang unti-unting lumalapit sa akin si Valerius. Hawak niya ang kontrata kung saan malinaw na nakasulat ang tunay kong pangalan.
Kailangan kong mag-isip nang mabilis. Kapag nalaman niyang ako ang heiress ng Madrigal Enterprises na pinalubog niya limang taon na ang nakararaan, baka Isipin niyang naghihiganti ako. O mas malala, baka mag-imbestiga siya at matuklasan niya si Ezra.
"M-Madrigal po ang apelyido ng nanay ko," pilit kong pinalabas na nanginginig at utal-utal ang boses ko habang nakatungo. "Astrid Madrigal po ang ginagamit kong pangalan sa mga opisyal na dokumento... pero sa agency, alyas lang po ang ibinigay ko kasi ayaw ko pong ma-link ang pamilya ko sa sitwasyon ko ngayon."
Huminto si Val sa harap ko. Nararamdaman ko ang matinding presensya niya. Dahan-dahan niyang itinaas ang aking baba gamit ang dalawa niyang daliri para pilitin akong tumingin sa kanya.
"Is that so?" malamig niyang tanong. Tinitigan niya ako sa gitna ng makapal kong salamin. "Madrigal... pamilyar ang apelyidong 'yan."
Sumikip ang dibdib ko. Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kanya pero hindi niya ako binatawan. "Marami pong Madrigal sa Pilipinas, Sir Valerius."
Nakatitig pa rin siya sa akin nang ilang segundo na tila may pinag-aaralan. Biglang pumasok si Joaquin sa study room kaya mabilis na binitawan ni Val ang baba ko.
"Boss, handa na ang dokumento sa city hall para sa civil wedding registration," ulat ni Joaquin. "Naayos na rin ang schedule ng operasyon ng bata sa ospital. Nagsimula na ang paunang pagsusuri ng mga doktor."
Mabilis kong pinalitan ang paksa. "Maraming salamat po, Sir Joaquin."
Humarap si Val kay Joaquin at ibinigay ang kontratang pinirmahan ko. "Make sure everything is legally binding. Starting today, she is my registered wife. But no one outside this room needs to know her real background."
"Naintindihan po, Boss," sagot ni Joaquin.
Pagkaalis ni Joaquin, muling humarap sa akin si Val. "You stay here as my housekeeper. In front of my family, the staff, and the media, you are just a servant. Clean the house, do your duties, and don't draw attention to yourself."
"Mas gusto ko rin po 'yun, Sir," sagot ko habang nakatungo.
Pagkalipas ng dalawang araw, pormal nang nairehistro ang kasal namin sa papel. Walang kasal na ginanap, walang singsing, at walang selebrasyon. Isang pirma lang sa mga dokumento at naging Mrs. Valerius Del Rosario na ako—isang sekretong asawa na nagtatrabaho bilang katulong sa sarili niyang bahay.
Araw-araw, nagpupunas ako ng mga muwebles, nagluluto, at nag-aayos ng penthouse habang naghihintay ng balita mula sa ospital. Stable na ang lagay ni Ezra pero kailangan pa ng ilang araw para sa mismong operasyon ng puso niya.
Isang hapon, habang nagtatalop ako ng mga prutas sa kusina, naramdaman kong may nakatayo sa likuran ko. Paglingon ko, naroon si Val. N*******d ang kanyang suit jacket at naka-unbutton ang dalawang itaas na pindutan ng kanyang puting polo.
Inilapag niya ang isang folder sa counter table. " The board meeting is tomorrow. I need you to clean my study and prepare the legal documents on my desk."
"Opo, Sir," sagot ko habang patuloy na nagpuputol ng mansanas.
Hindi siya umalis. Sa halip, lumapit pa siya sa kinaroroonan ko at kumuha ng isang hiwa ng mansanas mula sa plato. Sa sobrang lapit niya, naamoy ko na naman ang pamilyar niyang pabango—ang amoy ng cedarwood na nagbabalik sa akin sa gabing iyon limang taon na ang nakararaan.
Nanginig ang kamay ko habang humahawak sa kutsilyo.
"May problema ba?" tanong ni Valerius habang nakatingin sa mga kamay ko.
"W-Wala po, Sir," pilit kong sagot. Mabilis kong inilagay ang kutsilyo sa tabi.
Dahan-dahang inabot ni Val ang aking kamay. Bago ako makaiwas, hinawakan niya ang pulso ko. Malamig ang mga daliri niya pero mainit ang haplos nito sa balat ko.
"You have very soft hands for someone who works as a housekeeper," bulong niya habang nakatitig sa kamay ko.
Nag-unahan ang kabog sa dibdib ko. Pilit kong hinila ang kamay ko pero hindi niya pinalagpas ang pagkakataon. Hinawakan niya pa nang mas mahigpit ang aking pulso at inilapit ako nang kaunti sa kanya.
"At ang amoy mo..." dagdag niya habang nagtataka ang kanyang mga mata. "You smell like lavender and rain. It’s the exact same scent."
Tumigil ang ikot ng mundo ko. Ang pabangong gamit ko ngayon ay ang paborito kong amoy noong heiress pa ako—isang custom-made lavender oil na binibili ko pa sa France. Kahit naghihirap na ako, 'yun lang ang natatanging bagay na hindi ko naipagbili dahil iyon ang natitirang remembrance ko sa dati kong buhay.
Hindi ko pwedeng hayaang makilala niya ako.
Mabilis kong itinulak ang kamay niya at lumayo ako nang ilang hakbang. "P-Patawad po, Sir Valerius! M-Mura lang po ang sabon na ginagamit ko sa palengke. Baka nagkakamali lang po kayo."
Kumunot ang noo ni Valerius. Ang matatalim niyang mata ay puno ng pagdududa habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.
"Nalilito ka ata, Astrid," malamig niyang sabi habang umahakbang patungo sa akin. " cheap soaps don't smell like French lavender. At hindi ganyan gumalaw ang isang ordinaryong katulong kapag nahahawakan."
Napahawak ako sa makapal kong salamin, pilit na itinatago ang aking mukha habang nakayuko. "Kailangan ko na pong tapusin ang paglilinis sa kwarto niyo, Sir."
Nagmadali akong tumalikod at naglakad palabas ng kusina. Nararamdaman ko ang titig niya na nakasunod sa akin hanggang sa makarating ako sa hallway.
Kailangan kong mag-ingat. Konting pagkakamali na lang, mabubunyag na ang lahat.
Nang makapasok ako sa kwarto ko, mabilis kong isinara ang p***o at napasandal ako roon. Hawak-hawak ko ang aking dibdib na halos sumabog sa bilis ng tibok. Nararamdaman ko pa rin ang haplos ng mga daliri ni Valerius sa aking pulso.
Alam kong naghihinala na siya. Hindi siya bobo. Si Valerius Del Rosario ang pinakamagaling na negosyante sa bansa dahil sa matalas niyang instinct. Kapag nalaman niyang ako si Astrid Madrigal—ang babaeng nakasama niya sa kama limang taon na ang nakararaan—hindi lang ang kontrata namin ang masisira.
Baka kunin niya sa akin si Ezra.
Kinabukasan ng gabi, pumunta si Valerius sa ospital para personal na tingnan ang account payment para sa operasyon ng bata. Habang wala siya sa penthouse, nanatili ako sa kwarto ko habang nakatingin sa relo. Ito na ang gabi bago ang operasyon ng anak ko.
At sa ospital na iyon, sa loob ng kwarto ni Ezra, may isang maliit na picture frame na nakatabi sa bedside table. Litrato iyon ni Ezra noong tatlong taong gulang pa lang siya—litrato kung saan kitang-kita ang perpektong hawig ng bata sa ama nito.
Nanlamig ang buong katawan ko nang ma-realize ko ang pwedeng mangyari.
Naiwan ko ang picture frame na 'yun sa bedside table ni Ezra.
Astrid MadrigalHindi ako nakatulog sa Forbes Park villa noong gabing iyon.Pagkagising ko pa lang nang alas-sais ng umaga, dalawang makeup artist at isang stylist na ipinadala ni Valerius ang agad na sumalubong sa akin sa grand living room. Isang mamahaling emerald green cocktail dress na may eleganteng cut at kapares na simpleng diamond earrings ang inihanda nila para sa akin.Nang tumapat ako sa tapat ng malaking salamin pagkatapos nilang ayusin ang buhok at makeup ko, natigilan ako.Wala na ang manang na katulong na may makapal na salamin at nakatali ang buhok. Ang nakatayo na sa salamin ay ang dating Astrid Madrigal—elegante, matapang, at may tindig ng isang pinalaking heiress. Pero sa pagkakataong ito, hindi lang ako lumalaban para sa sarili ko. Lumalaban ako para sa anak ko."Magandang umaga, Mrs. Del Rosario," bati ng stylist habang iniaabot ang isang pares ng designer heels.Sumikip ang dibdib ko sa itinaas nilang apelyido. Mrs. Del Rosario. Isang titulong binayaran ng limang
Astrid MadrigalParang sumasabog ang ulo ko habang nakatitig kay Valerius. Ang lakas ng loob niyang magdesisyon para sa aming dalawa nang hindi man lang ako tinatanong!"Nababaliw ka na ba talaga, Valerius?" sigaw ko sa mahinang boses habang pilit kong hinahatak ang pulso ko mula sa pagkakahawak niya. "I-aanunsyo sa buong bansa?! Do you even hear yourself? Sa tingin mo ba ganoon lang kadali 'yun?"Huminto siya sa tapat ng sliding glass door ng Pediatric ICU at dahan-dahang humarap sa akin. Hindi pa rin niya binibitawan ang pulso ko, pero hindi na rin ganoon kahigpit ang hawak niya."Mas madali 'to kaysa hayaang sirain ni Sabrina ang buhay niyo ni Ezra," malamig pero seryoso niyang sagot. "Isipin mo ang mangyayari kapag nailabas ng mga reporters na may anak ka at ginawa nilang 'bastardo' ang tingin ng publiko kay Ezra. Do you want your four-year-old son to grow up under that kind of scandal?"Napatigil ako. Parang tinusok ng pako ang dibdib ko sa salitang ginamit niya.Gusto kong magal
Astrid MadrigalMabigat ang bawat minutong lumilipas habang nakatitig ako sa pinto ng operating room.Limang oras na ang nakakalipas. Dalawang magkaibang swab sample na rin ang nakuha ng mga med tech mula sa akin at kay Valerius para sa DNA test. Walang imik si Valerius sa gilid ko buong oras na iyon. Nakatayo lang siya sa tapat ng bintana habang pasimpleng tumitingin sa akin at sa pinto ng OR.Nang sa wakas ay bumukas ang malaking pinto ng operating room, mabilis akong tumayo. Halos maipatid ako sa sarili kong mga paa sa pagmamadali."Dok! Kamusta po ang anak ko?" halos maubusan ako ng hininga sa pagtatanong.Lumabas ang head surgeon na pinaliligiran ng tatlong assistant doctors. Tinanggal niya ang kanyang surgical mask at ngumiti nang bahagya sa amin ni Valerius."The surgery was a complete success, Miss Madrigal," pahayag ng doktor. "Naiayos na natin ang ventricular septal defect sa puso ni Ezra. Stable ang lahat ng vital signs niya. Inililipat na natin siya sa Pediatric ICU para s
Astrid MadrigalPagsara ng pinto ng study room ni Valerius, napaupo ako sa malamig na sahig ng hallway.Nanginig ang buo kong katawan habang nakatitig sa mga basag na bubog ng salamin kong nakakalat sa marble floor. Ang salamin na ginamit kong panangga sa loob ng ilang linggo—ang nagsilbing pader sa pagitan ng nakaraan kong buhay bilang Astrid Madrigal at ng kasalukuyan kong pagpapanggap bilang isang ordinaryong housekeeper—ay tuluyan nang nawala.Alam na niya.Alam na ni Valerius na ako ang babaeng nakasama niya limang taon na ang nakararaan. Alam na rin niyang ako ang heiress ng kumpanyang pinalubog ng pamilya niya, at higit sa lahat... alam na niyang si Ezra ay dugo't laman niya.Naalala ko ang bawat segundo ng nakaraang gabi habang nakakulong ako sa pagitan ng mga bisig niya. Ang matinding galit at pagdududa sa mga mata niya noong ihagis niya ang litrato ni Ezra, at ang biglang pagbabago ng boses niya noong tinawag niya ang tunay kong pangalan. Akala ko nung una, aagawin na niya a
Valerius "Val" Del RosarioHabang nakatitig ako sa babaeng nakasandal sa pader, mabilis na naglakbay ang isip ko sa nakalipas na limang araw.Noong unang beses siyang dinala ni Joaquin sa penthouse ko bilang bagong housekeeper, wala akong ibang nakita kundi isang ordinaryong babae. Suot niya ang isang malaking salamin na halos tumakip sa kalahati ng mukha niya, may maluwag at lumang damit, at nakatungo ang ulo. Hindi ko siya binigyan ng kahit konting pansin. Sa mundo ko, marami ang lumalapit para lang humingi ng pabor o kumuha ng pakinabang.Pero noong pumagitna siya sa gitna ng gulo namin ni Sabrina, may pumasok na kakaibang hinala sa isip ko.Hindi iyon ang kilos ng isang karaniwang katulong. Ang paraan ng pagtayo niya sa harap ni Sabrina, ang diretso niyang tingin sa kabila ng makapal niyang salamin, at ang linaw ng bawat salitang binibitawan niya—may awtoridad. May pinag-aralan. May isang klase ng dignidad na hindi basta-basta nawawala kahit gaano karami ang hirap na pinagdaanan ng
Astrid MadrigalHindi ako mapakali sa loob ng kwarto ko. Paulit-ulit kong tinitingnan ang oras sa cellphone ko—alas-dyes na ng gabi.Wala pa ring tawag mula sa ospital, at wala rin si Valerius sa penthouse. Sabi ni Joaquin kanina, dumaan daw si Val sa ospital para siguraduhing direktang naayos ang bayad sa accounting at maasikaso ng head surgeon ang schedule ng operasyon ni Ezra bukas nang umaga.Dapat masaya ako at nakahinga nang maluwag dahil ligtas na ang anak ko. Pero imbes na kalma, matinding kaba ang sumasakal sa dibdib ko.Naalala ko ang bedside table ni Ezra sa kwarto niya sa pampublikong ospital. May maliit na silver frame doon na naglalaman ng litrato ng anak ko noong tatlong taong gulang pa lang siya. Sa litratong iyon, nakangiti si Ezra habang nakatitig sa camera—ang hugis ng kanyang mga mata, ang matangos niyang ilong, at ang bahagyang pagbaon ng dimple sa kanang pisngi... perpektong hawig ni Valerius noong bata pa ito.Nanalangin ako nang taimtim na sana ay hindi iyon na







