LOGINAstrid Madrigal
"Are you out of your mind, Val?!" hysterikal na sigaw ni Sabrina habang nakaturo ang mamahaling manicure sa akin. "Magpapakasal ka sa isang marungis at hampaslupang katulong para lang takasan ako?! She's nobody! Walang kumpanya o pamilyang maipagmamalaki 'yan!"
Hindi man lang nanginginig ang boses ni Valerius. Nanatiling nakatitig ang matatalim niyang mata sa akin, parang binabasa ang bawat tibok ng puso ko.
"I don't need a wife with a company, Sabrina," malamig niyang sagot nang hindi man lang nililingon ang babae. "I need a wife who will sign a contract, keep her mouth shut, and do as she’s told. At mas mapagkakatiwalaan ko ang isang taong kailangan ng pera para sa buhay ng anak niya kaysa sa isang tulad mong gagamitin ang apelyido ko para sa sarili ninyong interes."
"You will regret this!" galit na bulyaw ni Sabrina, sabay hablot sa kulay rosas niyang designer bag. Bago siya tuluyang lumabas, dumaan pa siya sa harapan ko at binigyan ako ng isang matinding tingin na puno ng poot. "Magbabayad ka sa pagpapahiya sa akin, maid."
Pagkaalis na pagkaalis ni Sabrina, naghari ang nakakabinging tahimik sa malawak na living room.
Nakatayo pa rin ako roon, pilit na pinapakalma ang panginginig ng aking tuhod. Limang daang libo para sa operasyon ngayon din, at limampung milyon pagkatapos ng anim na buwan. 'Yun ang inalok niya. Ang halagang 'yun ay hindi lang makakapagligtas kay Ezra, makakapagbigay rin 'yun sa amin ng bagong simula sa ibang bansa— malayo kay Valerius, malayo sa mga pumatay sa pamilya ko.
"Ano, Astrid?" tanong ni Valerius habang dahan-dahang humahakbang lapit sa akin. Humihip ang malamig na hangin mula sa aircon pero ramdam ko ang init ng presensya niya. "Gagawin mo ba o papanoorin mo na lang na mamatay ang anak mo dahil sa pride?"
Napayukom ang mga kamay ko sa gilid ng aking lumang skirts. Ang sakit. Ang sakit na kailangan kong makipagkasundo sa mismong lalaking nagpabagsak sa ama ko. Pero sa gitna ng galit at poot, mas nangingibabaw ang mukha ni Ezra na nahihirapan sa kama ng ospital.
Tumingin ako sa kanya nang diretso, itinaas ang aking ulo sa kabila ng makapal kong salamin. "Gagawin ko. Pero kailangan kong masiguro na babayaran mo agad ang ospital ngayon ding oras na 'to."
Bahagyang tumaas ang sulok ng labi ni Valerius, parang nagulat sa biglang pagbabago ng tono ng boses ko. Mula sa pagiging mahinhin at matatakuting katulong, biglang lumabas ang awtoridad at tapang na pilit kong ibinaon limang taon na ang nakararaan.
"Joaquin," tawag ni Valerius nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Mabilis na pumasok si Joaquin mula sa p***o ng study room. "Yes, Boss?"
"Transfer 1 million pesos directly to the hospital account under this woman's child," utos ni Valerius. "Make sure the best surgeons are assigned immediately."
"Naintindihan po, Boss," sagot ni Joaquin sabay mabilis na pagpindot sa kanyang tablet.
Nakahinga ako nang maluwag. Parang nabawasan ng napakalaking tinik ang dibdib ko. Salitang bitaw pa lang 'yun pero alam kong kapag si Valerius Del Rosario ang nag-utos, nangyayari agad. Naisalbar ko ang buhay ng anak ko.
"Follow me to my study," pormal na sabi ni Valerius bago binalikan ang lakad patungo sa malaking double-door sa dulo ng hall.
Sumunod ako sa kanya. Pagpasok ko sa kanyang study room, bumungad sa akin ang mga mamahaling libro, mga leather seats, at ang amoy ng luma at mamahaling kahoy. Umupo siya sa likod ng kanyang malaking wooden desk habang binubuksan ang kanyang laptop.
"I am having my lawyers draft the Non-Disclosure and Marriage Contract right now," simula niya habang mabilis na nagta-type. "Here are the ground rules, Astrid."
"Makinig ka nang mabuti," dagdag niya habang nakatitig sa akin. "First, our marriage is strictly business. Walang emosyon, walang personalan. Second, the public will not know you are my wife. To the world and to my family, you remain as a private staff in this house. Ayoko ng tsismis o espekulasyon habang hindi pa natatapos ang transition ng kumpanya."
Natawa ako nang tahimik sa loob-loob ko. Mas pabor sa akin 'yun. Walang makakakilala na ako si Astrid Madrigal kapag nanatili akong nakatago bilang isang ordinaryong maid.
"Pangatlo," pagpapatuloy ni Valerius, "you will attend private events with me only when necessary, disguised as my personal assistant or discreet partner if needed by the board. After six months, we divorce, you get the fifty million, and you vanish from my life forever."
"Pumapayag ako," mabilis kong sagot nang walang pag-aalinlangan.
Tinitigan ako ni Val nang ilang segundo. Tila nagtataka siya kung bakit hindi man lang ako nag-atubili o humingi ng karagdagang pabor. "Hindi ka man lang ba magrereklamo sa mga kondisyon ko?"
"Kailangan ko ng pera para sa anak ko, at kailangan mo ng asawa para sa kumpanya mo. Pantay lang ang palitan," malamig kong sagot. "Saan ako pipirma?"
Mula sa printer sa gilid ng desk, lumabas ang ilang pahina ng dokumento. Kinuha iyon ni Val at inilagay sa harap ko kasama ang isang mamahaling fountain pen.
Inabot ko ang bolpen. Pagkahawak ko pa lang sa metal nito, naramdaman ko ang bigat ng bawat salita sa papel. Ito na 'yun. Ibinenta ko na ang sarili ko sa lalaking kinamumuhian ko. Pero para kay Ezra, kahit sa impyerno pa ako pumirma, gagawin ko.
Mabilis kong inilagay ang aking pirma sa ibaba ng huling pahina— Astrid Madrigal.
Nanlamig ang buong katawan ko nang ma-realize ko ang ginawa ko. Sa sobrang pagmamadali at pag-aalala kay Ezra, ang tunay kong pangalan ang naisulat ko at hindi ang alyas na ibinigay ko sa agency!
Mabilis kong kinuha ang papel para takpan ang pangalan, pero bago ko pa iyon maidikit sa dibdib ko, mabilis na pinalit ng kamay ni Valerius ang kanyang hawak at hinablot ang kontrata mula sa akin.
Napatigil ang tibok ng puso ko.
Tinitigan ni Valerius ang linya kung saan nakasulat ang pirma ko. Kumunot ang noo niya habang dahan-dahang binabasa ang mga titik na nandoon.
"Astrid..." bulong ni Valerius. Ang boses niya ay naging pamilyar—malamig, malalim, at puno ng pagdududa.
Inangat niya ang kanyang tingin sa akin. Ang matatalim niyang mata ay nakatitig ngayon nang diretso sa aking mga mata sa kabila ng makapal kong salamin.
"Astrid Madrigal?" dahan-dahan niyang tanong, sabay tayo mula sa kanyang upuan at paghakbang pabalik sa kinaroroonan ko. "That's not the name on your agency profile."
Astrid MadrigalHindi ako mapakali sa loob ng kwarto ko. Paulit-ulit kong tinitingnan ang oras sa cellphone ko—alas-dyes na ng gabi.Wala pa ring tawag mula sa ospital, at wala rin si Valerius sa penthouse. Sabi ni Joaquin kanina, dumaan daw si Val sa ospital para siguraduhing direktang naayos ang bayad sa accounting at maasikaso ng head surgeon ang schedule ng operasyon ni Ezra bukas nang umaga.Dapat masaya ako at nakahinga nang maluwag dahil ligtas na ang anak ko. Pero imbes na kalma, matinding kaba ang sumasakal sa dibdib ko.Naalala ko ang bedside table ni Ezra sa kwarto niya sa pampublikong ospital. May maliit na silver frame doon na naglalaman ng litrato ng anak ko noong tatlong taong gulang pa lang siya. Sa litratong iyon, nakangiti si Ezra habang nakatitig sa camera—ang hugis ng kanyang mga mata, ang matangos niyang ilong, at ang bahagyang pagbaon ng dimple sa kanang pisngi... perpektong hawig ni Valerius noong bata pa ito.Nanalangin ako nang taimtim na sana ay hindi iyon na
Astrid MadrigalNapalunok ako nang malalim habang unti-unting lumalapit sa akin si Valerius. Hawak niya ang kontrata kung saan malinaw na nakasulat ang tunay kong pangalan.Kailangan kong mag-isip nang mabilis. Kapag nalaman niyang ako ang heiress ng Madrigal Enterprises na pinalubog niya limang taon na ang nakararaan, baka Isipin niyang naghihiganti ako. O mas malala, baka mag-imbestiga siya at matuklasan niya si Ezra."M-Madrigal po ang apelyido ng nanay ko," pilit kong pinalabas na nanginginig at utal-utal ang boses ko habang nakatungo. "Astrid Madrigal po ang ginagamit kong pangalan sa mga opisyal na dokumento... pero sa agency, alyas lang po ang ibinigay ko kasi ayaw ko pong ma-link ang pamilya ko sa sitwasyon ko ngayon."Huminto si Val sa harap ko. Nararamdaman ko ang matinding presensya niya. Dahan-dahan niyang itinaas ang aking baba gamit ang dalawa niyang daliri para pilitin akong tumingin sa kanya."Is that so?" malamig niyang tanong. Tinitigan niya ako sa gitna ng makapal k
Astrid Madrigal"Are you out of your mind, Val?!" hysterikal na sigaw ni Sabrina habang nakaturo ang mamahaling manicure sa akin. "Magpapakasal ka sa isang marungis at hampaslupang katulong para lang takasan ako?! She's nobody! Walang kumpanya o pamilyang maipagmamalaki 'yan!"Hindi man lang nanginginig ang boses ni Valerius. Nanatiling nakatitig ang matatalim niyang mata sa akin, parang binabasa ang bawat tibok ng puso ko."I don't need a wife with a company, Sabrina," malamig niyang sagot nang hindi man lang nililingon ang babae. "I need a wife who will sign a contract, keep her mouth shut, and do as she’s told. At mas mapagkakatiwalaan ko ang isang taong kailangan ng pera para sa buhay ng anak niya kaysa sa isang tulad mong gagamitin ang apelyido ko para sa sarili ninyong interes.""You will regret this!" galit na bulyaw ni Sabrina, sabay hablot sa kulay rosas niyang designer bag. Bago siya tuluyang lumabas, dumaan pa siya sa harapan ko at binigyan ako ng isang matinding tingin na
Astrid Madrigal"Ayoko ng makalat magtrabaho," malamig na wika ni Val habang inilalapag ang baso sa glass table. "Ang kwarto ko sa dulo ng hallway ay off-limits maliban na lang kung sasabihin ko. Walang maingay. At higit sa lahat, ayoko ng nakikialam sa personal kong buhay. Maliwanag?""Maliwanag po, Sir Valerius," sagot ko. Pinalalalim ko pa rin ang boses ko habang nakatungo.Kahit gustong-gusto kong sigawan ang lalaking 'to at isumbat sa kanya ang ginawa niya sa pamilya ko, kailangan kong lumunok ng pait. Kakausapin ko sana si Val para makiusap na mag-advance ng sweldo para sa operasyon ni Ezra, pero pumasok bigla si Joaquin na may hawak na tablet."Boss, tumatawag na naman si Don Fernando," seryosong sabi ni Joaquin. "Kumakalat na sa balita ang desisyon ng board. Babawiin daw ang posisyon mo bilang CEO ng Del Rosario Holdings kapag hindi ka pa nakipag-isang dibdib sa loob ng tatlumpung araw."Kumunot ang noo ni Val. Makita ko lang ang bahagyang pagkairita sa mukha niya, alam kong p
Astrid Madrigal"Mommy, masakit po..."Mahina ang boses ni Ezra habang nakahiga sa manipis na kama ng pampublikong ospital. Lumapit ako sa kanya, pilit na itinago ang panginginig ng aking mga kamay habang hinahaplos ang kanyang malamig na noo."Shh... tahan na, baby. Gagaling din si Ezra, okay? Gagawan ni Mommy ng paraan."Paano? Hindi ko rin alam. Tumingin ako sa resibo na hawak ko sa kabilang kamay. Half a million pesos. Limang daang libong piso para sa agarang operasyon ng puso ng anak ko sa loob ng isang linggo. Kung wala akong maibigay, hindi nila itutuloy ang procedure.Napapikit ako nang mariin. Gusto kong umiyak, pero wala nang luhang lumalabas sa mga mata ko. Tuyo na ang lahat mula noong limang taon ang nakalipas—noong gumuho ang buong mundo ko.Dati, ako si Astrid Madrigal. Tanging tagapagmana ng Madrigal Enterprises. Laking-yaman, walang iniisip na problema, at pinalaking may kulay ang hinaharap. Pero sa loob lang ng isang gabi, pinalubog ng bangkarota ang kumpanya namin. I







