LUMABAS si Julieanne ng bahay at nagpahangin sa hardin. Ang ganda ng liwanag na nagmumula sa buwan at ang mga bituin sa langit ay kumikinang. Ang masarap na simoy na malamig sa pakiramdam ni Julieanne.
Umupo siya sa swing at nagsimulang iugoy ito ng dahan dahan. Naalala niya ang kanyang Papa. Ilang buwan na noong sila ay iniwan nito. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kanya ang mga nangyari. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata saka tumingin sa langit ng may shooting star na gumuhit sa kadiliman ng langit."They said, na kapag humiling ka raw sa wishing stars ay magkakatotoo," sabi ng baritong boses na nasa likuran niya.Pinahid ni Julieanne ang mga luha sa kanyang mga mata dahil baka asarin siya ulit ng lalaking iyon na kahit hindi niya lingunin ay kilala na niya kung sino iyon."Naniniwala ka ba r'on?" tanong ni Julieanne dito na hindi tumitingin. Ngayon lang niya ito nakausap ng matino."Minsan," maikling sagot nito saka umupo sa katabing swing ni Julieanne."There are wishes that sometimes they are not meant to be granted. Hindi iyon natutupad dahil imposibleng mangyari," seryosong sagot ni John habang nakatingala sa kalangitan."Isa lang naman ang hiling ko. Gusto ko lang mayakap si Papa. Pero alam kong imposibleng mangyari iyon," naiiyak na sabi ni Julieanne. Napatingin si John kay Julieanne. Nakita niya itong umiiyak pero matapang pa rin ang anyo nito."That is what I like about her. Ang tapang niya kahit na gan'on lang siya," nanlaki naman ang mata niya ng sinabi niya iyon sa isip. "Wait, I like her?" tanong nito sa sarili. Never pa siyang nagkagusto sa isang babae. Ayaw man niyang tanggapin pero iyon ang nararamdaman niya ngayon.Tumayo si John at saka pumunta sa harap ni Julieanne. Pinunasan nito ang mga luha sa mga mata ng dalaga. Naestatwa naman si Julieanne sa ginawang iyon ni John at hindi nakapagsalita."Don't cry, kasi ang pangit mo," nang-iinis na sabi ni John kay Julieanne saka ngumisi ng nakakaloko.Tinabig naman ni Julieanne ang kamay ng lalaki dahil sa inis saka nagmartsa paalis papasok sa loob ng mansyon. Naiwan naman na nangingiti si John."Ang sarap mo talagang asarin," usal sabi ni John sa isip.Naiinis na pumasok sa kuwarto nilang magkapatid si Julieanne. Napansin ng kapatid niya ang mukha nito."Anong nangyari sayo, Ate? Bakit ganyan ang mukha mo?" curious na tanong ni Jane."Iyong apo ni Lolo Juan na arogante na, mayabang pa at saksakan ng suplado ay ininis na naman ako," nakataas ang kilay na sagot ni Julieanne. At nanlilisik ang mga mata sa galit."Alam mo Ate, huwag ka ng mainis kay Kuya John dahil sabi nga nila d'yan daw 'yan nagsisimula," sabi pa ni Jane. Ikinalingon naman ito ni Julieanne ang mga sinabi ng kapatid."Saan? Hindi ko maintindihan.""Hay, naku, Ate, iyan kasi aral ka ng aral kaya wala kang alam sa pag-ibig," sagot ni Jane."Naku, Jane. Sabihin mo nga sa akin may nagugustuhan ka na ba? Kasi parang sa ipinahihiwatig na salita mo. E, meron na.""Crush lang naman Ate. Fifteen na ako Ate, siyempre naman humahanga na din ako.""Iyong pag aaral mo ang atupagin mo at hindi iyong crush-crush na iyan," saway ni Julieanne sa kanyang kapatid. "Saka, sino ba iyong crush mo?" dugtong na tanong nito."Si Kuya John. Ang gwapo niya Ate tapos ang mga mata niyang kulay abo grabe ang gandang tingnan, nakakatunaw. Sobrang pointed ang ilong na parang mga kastila iyong nababasa ko sa mga pocketbook.""Nagkakagusto ka r'on sa mukhang tukmol na 'yon?" inis na tanong ni Julieanne. Sa dinami-rami ng puwedeng magustuhan ng kapatid niya ay bakit ang mayabang na si John pa."Masama ba, Ate? Siguro may gusto ka rin kay Kuya John, ano?" tuksong baling ni Jane sa kapatid. Napataas naman ang kilay ni Julieanne. "Huwag kang mag-alala, Ate. Kasi mas matanda naman sa akin 'yon. Saka mas bagay kaya kayo. Maganda ka tapos si Kuya John gwapo," lalo namang nagsalubong ang kilay ni Julieanne sa mga sinabi pa ng kapatid niya."Hindi kami bagay kasi mukha iyon tukmol! Tapos sobrang kapal ng mukha. May crush na rin akong iba," napataas ang balikat na sagot ni Julieanne."Sino 'yon, Ate?" usisang tanong ni Jane.Iniisip pa ni Julieanne kung sino nga ba ang nagugustuhan niyang lalaki. Napasubo siya sa mga sinabi niya. Wala pa naman siyang nagugustuhan dahil laging ginugulo ang isip niya ngayon ng aroganteng apo ni Lolo Juan.Nanlaki ang mga mata sa mga pumapasok sa utak ni Julieanne."Ayoko! Period!" malakas na sigaw ni Julieanne.Hindi nakatulog ng maayos si Julieanne magdamag. Puyat siya at nangingitim ang gilid ng mga mata. Nakita niyang tulog pa ang kapatid sa tabi niya kaya dali dali siyang bumangon at pumunta ng banyo para maligo.Araw ng Lunes, kailangan niyang pumasok ng maaga. Pupunta pa siya ng library para mag aral. Nang makapagbihis na si Julieanne ng kanyang iniform ay bumaba na siya ng hagdan para pumunta ng kusina. Tiningnan niya muna kung may luto ng pagkain ang Mama niya.Tiyempo naman na may nakita siyang nakatakip na pagkain sa mesa. Binuklat niya iyon at nakita ang sandwich. Kaya nagtimpla na siya ng kape saka kumain na lang sa kusina.Masayang natapos niya ang agahan niya at nagsimula nang maglakad palabas ng kusina. Tiyempo naman na tatapat na siya sa sopa nang mapansin na may nakaupo doon."Ang aga naman nitong nagising," sabi ni Julieanne sa isip niya.Katulad ni Julieanne hindi rin na katulad si John sa pag iisip kay Julieanne. Nakakapanibago, never pang may gumulo sa kanyang isipan na isang babae. At hindi ito mangyayari, hinding hindi siya maiinlove sa isang babae.Palabas na sana ng pinto si Julieanne nang may magsalita sa kanyang likuran."Hatid na kita sa University n'yo," prisinta ng lalaking nasa likod niya."Salamat na lang pero hindi na kailangan. Naglalakad lang naman talaga ako papasok sa University.""No, I insist. Saka may pupuntahan din ako. Kaya sabay na tayong umalis," buyo pa nito.Walang nagawa si Julieanne nang magpumilit si John na ihatid siya sa University. Habang nasa loob ng sasakyan ay walang imik si Julieanne."How old are you?" basag na tanong ni John."Seventeen," maikli nitong sagot na hindi nag abalang tumingin sa binata."Kailangan ka mag-eighteen?" tanong ulit ni John. Nakatingin lang din ito sa daan habang nagmamaneho."Next year pa," tipid na sagot ni Julieanne."May boyfriend ka na ba?" tanong ulit ni John. Hindi pa rin ito tumitingin sa dalaga.Ikinalaki naman ng mga mata ni Julieanne ang huling tanong ni John. Napapansin niya na kanina pa ito tanong ng tanong sa kanya. Humugot muna siya ng malalim na paghinga para pigilan ang inis sa loob niya."Ayokong sagutin ang tanong mo na 'yan. Masyado ng personal at privacy ko na abg unuirirat mo," nagtitimpi na sagot ni Julieanne.Doon napalingon si John. Suot nito ang shades niya kaya hindi niya kita kung kulay abo nga ba ang kulay ng mga mata nito gaya ng sinabi ng kapatid sa kanya."Sagutin mo na lang ng maayos ang tanong ko," may pagkademanding na sabi ni John."Bakit ka ba tanong nang tanong?" tanong din ng dalaga.Doon na nasukol ang binata. Bakit nga ba siya nagtatanong sa dalaga? Ang totoo gusto niya itong makilala at fiance na niya ito. Karapatan niyang malaman ang tungkol kay Julieanne. Ang mga sagot na nasa utak ni John pero hindi niya kayang sabihin iyon sa dalaga.Naramdaman ni Julieanne na tumigil ang sasakyan at napatingin sa labas ng bintana. Nasa harapan na pala sila ng University niya ng hindi napapansin. Nagtataka rin siya na alam nito kung saang University siya nag aaral."Salamat," Hindi na nito hinintay na magsalita si John saka pinihit ang pinto ng sasakyan at bumaba na si Julieanne.Maglalakad na sana siya para pumasok sa gate ng University nang maramdamang nasa gilid na niya si John."Umuwi ka na. Okay na ako rito," sabi nito kay John na nakairap ang mata. Saka nag-umpisa nang maglakad papasok sa gate ng University.Hindi nagsalita si John at sumunod ng lakad kay Julieanne. Hindi naman napapansin ng dalaga ang pagsunod niya kaya malaya niyang pinagmasdan ito habang naglalakad.Lahat naman ng madaanan ni Julieanne ay napapatingin sa kanya. Mapababae, bakla at kahit na mga lalaki ay lumilingon sa, kanya. Kaya nilingon niya sa kaliwat kanan niya kung sino ang kasabay niya maglakad. Nakahinga siya ng maluwag na wala naman pala siyang kasabay. Kaya nagpatuloy na siya sa paglalakad para pumunta sa library niya."Hi, Julieanne!" masayang bati ni Benny sa kanya. Lalapitan sana nito ang dalaga ng biglang umatras ito. Ikinagulat iyon ni Julieanne. Inamoy niya ang sarili bago kasi masama ang amoy niya. Kakamot kamot siya, ng ulo ng hindi naman siya mabaho.Hindi niya maintindihan ang mga tao na nakikita niya. Kaya lumingon na siya sa kanyang likuran. Doon niya napansin si John na nakatayo."Di ba sinabi ko na umuwi ka na?" inis na sabi ni Julieanne."Kami ang may-ari ng University na ito. At sa opisina ang punta ko," sagot ni John. Napahiya naman si Julieanne sa sagot nito. Sila nga pala ang may-ari ng University na pinapasukan niya."Assumera ka, Julieanne! Sinusundan ka niya, duh. Asa ka pa," pang-aaway ng sariling isip.Kaya kesa inisin siya ulit ni John ay nagmamadali na siyang naglakad papunta sa classroom nila. Walang lingon na iniwan niya doon ang binata.Hingal na hingal siya ng makaupo sa upuan sa loob ng library. Maya maya pa ay umayos na siya ng upo at kinuha ang libro sa bag niya. Nagsimula na siyang magreview, may exam pa naman sila mamaya. Ginulo na naman ni John ang utak niya.Hayss....Zia's POV Kakaiba ang istilo ng entourage ng aming kasal ni Greg. I suggest na sasayaw ang aking mga abay. Pati na din ang aming mga sponsor. Napuno nang tawanan sa buong beach. Kung saan ginanap ang aming kasal ni Greg. Nang marinig ko na ang favorite song ko. Hindi ko na napigilan na hindi maiyak. This is it! At last, I am not a mistress anymore. Magiging legal na asawa na ako ni Gregorio San Diego. Dahan-dahan akong lumalapit kay Greg. Hawak ang kamay ni Gia. Kasama ko siyang naglalakad papalapit sa aming pinakamamahal na lalaki sa aming buhay. Kanina lang nagtatawanan ang mga taong nasa loob ng simbahan. Ngayon ay tangan ang panyo at panay ang punas ng mga luha sa kanilang mga mata. Ang lahat ay nag-iiyakan. Katulad ni Mama. Nginitian niya ako. Tango ang naging tugon ko sa kanya. Nang matapos ang kanta ay nakalapit na kami ni Gia kay Greg. Greg hugged and kissed Gia on her cheek. "I love you, Daddy." "I love you too, Princess." lumuluhang tugon ni Greg. Binalingan ako ni G
Mahigpit ang hawak ni Greg sa kamay ni Zia. Habang karga niya si Gia. Nasa may pintuan na sila nang gate. Ang bahay ng Mama Alicia niya. Humingang malalim si Zia. Nginitian siya ni Greg at niyakap ni Gia ang ama. Buong pamilya silang haharap sa Mama ni Zia. Patutunayan ni Greg ang kanyang mga salita. Hindi niya bibitawan ang kamay ni Zia. Nasa tabi lang siya nito. At hindi niya pababayaan ang pamilya niya. Kumatok si Greg sa pinto. "Are you nervous, Baby?" tanong ni Greg kay Zia. "Sobra. Gumaganaan lang ang pakiramdam ko. Kasama ka. Kayo ni Gia.' Sabay na napalingon sina Greg at Zia sa nagbukas ng pintuan. Nanlaki ang mga mata ni Zia. Nangilid ang mga luha niya. Nang makita niya ang kanyang Mama. "Mama" tawag ni Zia sa ina-inahan. "Zia?" sabi naman ni Alicia. Napatakip ng kanyang bibig si Alicia. Saka umiyak. "Ang anak ko!" agad niyang niyakap si Zia. Nagbigay daan naman si Greg na mayakap si Zia ng Mama nito. Nakatingin lang si Greg at Gia sa mag-ina na parehong umiiyak at magk
Nakalabas na nang ospital at nagpapagaling na lang sa bahay si Greg. Pahilum na din ang sugat niya. Mula sa tama ng saksak mula sa kutsilyong dala ni Ria. Simula nuong umuwi si Greg sa mansyon nila ay sumama na ang kanyang mag-ina sa kanya. Masaya siyang kapiling ang kanyang mag-ina sa iisang bahay. Nakaangkla ang kamay ni Zia sa braso ni Greg. May benda ang bandang tiyan ni Greg ngunit hindi halata. Animo'y hindi naconfine sa ospital ito. Kung titingnan siya. "Baby, are you you're gonna be fine, alone?" tanong ni Greg kay Zia. Hinaplos ni Zia ang braso ni Greg. "Oo naman. Hindi ako natatakot. Ngayon, hindi na ako mangingiming saktan siya. Kapag sumayad ang palad niya sa kahit saang parte ng katawan ko." "That's my girl. I'm so proud of you" puri ni Greg at kinantalan nang halik sa labi si Zia. Ngumiti si Zia. "I love you. I'm only here. If you need me. Just give me a call." buong pagsuyong wika ni Greg. Tumango ng ulo si Zia. Saka diretso siyang pinapasok ng warden. Nakaupo na
Araw na madidischarge si Greg sa ospital. Simula nang maliwanagan si Zia ay hindi na siya umalis sa tabi ni Greg. Siya na ang nag-aasikaso sa binata habang nasa ospital. At walang araw na hindi siya naging masaya sa piling ni Greg. Kahit na nasa ospital sila at nakahiga ito sa hospital bed. "Baby, I've been planning to meet your Mama. Gusto ko ding pormal na humingi ng tawad sa kanya dahil sa mga nagawa ko sayo. I just wanna be with you always. That is why I want to take that opportunity to propose sa lahat nang mga taong mahalaga sayo. I snatch you to them. Dahil sa akin, nawala ka sa kanila ng limang taon. I'm really sorry" hawak ni Greg ang mga kamay ni Zia. Habang si Gia ay naglalaro sa sahig ng kanyang mga laruan. "Gusto ko nga din humingi ng tawad kay Mama at sa mga kapatid ko. Naging matigas ang ulo ko. Sinunod ko ang puso ko. Pero walang pagsisisi. Kapag nagmahal ka naman. Choice mo iyon. Choice mo na mahalin ang isang tao. Kaya hindi ko dapat pagsisihan na minahal kita" ngu
Nagmulat ng kanyang mga mata si Greg. Nabugaran ang Mommy at Daddy niya. Agad naman siyang nilapitan ng parents niya. "Greg" umiiyak na sabi ni Mrs. Marlyn. "Mom." sagot ni Greg. At niyakap ang ina. "Salamat at gising ka na." sabi ni Mrs. Marlyn at binalingan ang asawa. "Hon, call the doctor. Please." tumalima si Rigor ar lumabas ng kuwarto ni Greg. "Kumusta ang pakiramdam mo, Greg?" "I'm fine, Mom. Sina Zia? Are they safe? Si Gia? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kapag may masamang mangyari sa pamilya ko." "Andito kami, Greg" sagot na nang naulinagan na boses ni Greg. Hinanap ng mata ni Greg ang nagsalita. Dumako ang mga mata niya sa dalawng taong pinakamamahal niya sa buhay niya. Maluha-luha na tumatakbo si Gia sa ama. "Daddy, akala ko po mawawala po kayo sa amin ni Mommy. Please, Daddy don't ever leave us again." Umiling ng ulo si Greg. "No, Princess. Daddy is strong and will never leave you and Mommy." "I love you, Daddy." sabi ni Gia. At niyakap ang ama. "I love you
Lakad takbo ang ginawa ni Zia makarating lang sa private room ni Greg. Hawak ang dibdib na pinihit ang pinto papasok. Sumilip siya at nadatnan ang magulang ni Greg. "Zia" tawag ni Mommy ni Greg sa kanya. Pumasok si Zia sa loob ng kuwarto at nakita ang tulog pang si Greg. Nakahiga ito sa hospital bed at may benda ang tiyan. May dextrose din na nakakabit dito. "Hi po. Gusto ko lang pong makita si Greg" ani Zia. Tangi ang naging sagot ng Mommy ni Greg. Nilapitan siya ng Mommy ni Greg. Saka hinawakan sa kamay. "I'm sorry, Hija. Patawarin mo kami ng Daddy ni Greg sa mga nagawa namin sa inyong dalawa ng anak ko. I know napaka laki ng kasalanan namin ng Tito mo sa inyong dalawa. Nang dahil sa amin nagkalayo kayong dalawa. Nasira ang dapat sana magiging masaya ninyong pamilya. I'm really really sorry, Zia" umiiyak na humingi ng tawad si Mrs. San Diego sa kanya. "Hija, gusto sana naming makita ang apo namin. Kung papayag ka, puwede mo bang dalhin siya dito sa ospital? Alam kong matutuwa s