Share

Chapter 4

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2024-08-17 20:48:02

BIGLANG sumagi sa kanyang isipan ang mga alala nila ni Greg. Masaya silang nagmamahalan. Hindi niya lang matanggap na ginawa siyang isang kabit ni Greg.

Mahal na mahal niya ang lalaki kaya siya na ang lumayo dito para tuluyan nang magkahiwalay sila. Hanggat kasama niya si Greg ay hindi siya matatahimik. Inuusig na siya nang konsensiya niya dahil sa mga pagtataksil nila sa asawa nito.

Napansin ni Carol ang pananahimik nang kaibigan. Ang dalawang bata ay kasama ng mag asawa na naglalaro sa Funhouse sa loob ng mall.

"Natahimik ka. Anong iniisip mo?" tanong ni Carol.

"Naiisip ko lang si Greg. Ano kayang gagawin niya kapag nalaman niyang may anak kami?"

"Zia, kalimutan mo na si Greg. Hangang ngayon sinasaktan mo pa din ang sarili mo dahil hanggang ngayon mahal mo pa din si Greg"

Tumulo ang masaganang luha ni Zia sa kanyang mga mata. Hindi niya ikakaila na mahal pa din niya si Greg. Kahit na lumipas pa limang taon. Hindi siya nawawala sa puso niya.

"Carol, kung puwede lang na hindi na tumib
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 24

    "CAN we talk?" untag ni Ria kay Zia. Hinarang si Zia ni Ria nang papunta siya sa canteen. Nauna na si Carol doon at hinihintay lang siya.Matiim na tiningnan ni Zia si Ria. "Tungkol saan?""I just want to make things clear. Karapatan mo namang malaman ang lahat. Since nainvolved ka na sa aming dalawa ni Greg. Let's go to the coffee shop there" turo ni Ria sa coffee shop na katapat na building ng MDC. Pumayag na din si Zia. Dahil sa pakiusap nito sa kanya."Inform ko lang ang friend ko na hindi ako sasabay sa kanya maglunch" ani Zia. Hindi na niya hinintay na sumagot sa kanya si Ria at kinuha ang phone niya sa bulsa nang skirt niya. Saka nagtipa nang mensahe para kay Carol.Nauna ng pumunta si Ria sa coffee shop at sumunod na lamang si Zia. Ayaw niya sanang maglihim kay Greg. Pero kailangan bang malaman ni Greg ang magiging usapan nila ni Ria?Napansin ni Zia na nakaupo si Ria sa pinakadulo ng coffee shop. May maliit na table at dalawang upuan. Humihigop na si Ria nang kape sa tasa. Um

  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 23

    KUMAKAIN na sila. Panay ang sulyap ni Greg kay Zia. Tahimik lang itong kumakain at hindi kumikibo. Nitapunan nang tingin ay hindi nito ginagawa."Baby, any problem? Ang tahimik mo. Hindi ako sanay na hindi mo ako kinikibo" Greg asked. Napatigil si Zia sa pagsubo ng pagkain at inilapag ang kutsara sa plato niya."Iniisip ko lang. Paano na kaya ako kapag naisip ng parents mo na ipakasal ka kay Ria? Hindi nawawala ang takot ko, Greg. Kahit piiltin ko ang sarili ko na kalimutan na lang ang mga nangyari kanina. Sa restaurant, sa mall. Pabalik balik, eh. Ang sakit" nanubig na ang mga mata ni Zia. Napaiwas ng tingin kay Greg at pinunasan ang mga luha.Greg reached Zia hands. Mahigpit na kapit. "Baby, remember this. I love you so much" madiing sabi ni Greg. Kahit anong mangyari, basta ipangako mo lang na hindi ka bibitaw. Dahil hindi kita bibitawan. Kahit magsama sama pa sila Mommy, Tita Bettina at si Ria. Hindi kita iiwan. Kahit si Ria pa ang gusto nila for me. Sa puso ko ikaw lang ang mahal

  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 22

    "MAHAL na mahal din kita" madamdaming sagot ni Zia. Pinunasan ni Greg ang mga luha ni Zia. Pagkatapos ay hinila niya ang dalaga papunta sa sasakyan niya.Pinagmamasdan ni Zia si Greg habang ito ang mga mata ng binata ay tutok sa daan. Napalingon si Greg at nagbawi bigla ng tingin si Zia. Napangiti si Greg."Baby, It's okay. Wala naman pumipigil sayo na titigan ako. Kaya lang baka mabangga tayo. Natutunaw na kasi ako sa mga titig mo" birong sabi ni Greg.Umismid naman si Zia. At napairap. "Napakahangin! Hindi ikaw ang tinititigan ko" tanggi ni Zia. Natawa naman ng mahina si Greg.Huminto ang sasakyan ni Greg sa tapat ng building kung saan ang kanyang condo. Tinanggal niya ang seatbelt niya. Pati na din ang seatbelt ni Zia. Nagtatakang tumingin si Zia sa kanya."Akala ko ba ihahatid mo ako sa bahay" turan ni Zia."Baby, puwede bang dito na muna tayo. Gusto pa kitang masolo. Ihahatid din kita maya-maya" tugon ni Greg sa kanya. Tumango na lang ng ulo si Zia. Naunang lumabas si Greg ng sas

  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 21

    BUMALIK na silang magkaibigan sa kompanya. Nawalan na din ng gana si Zia na kumain. Kahit anong pilit na kalimutan ang mga nakita ay hindi niya magawa. Nasasaktan man. Pero anong magagawa niya?Bestfriend ni Greg si Rhea. Mas matagal silang nagsama kesa sa kanya. At kilalang kilala nila ang isat isa."Huwag mo munang isipin yun. Mas maganda na kausapin mo ang boyfriend mo. Tanungin mo siya. Kung ayaw mo naman itanong ang mga nakita mo. Eh di alisin mo na lang diyan sa isip mo. Kahit na masakit" litanya ni Carol.Malungkot na tumingin si Zia kay Carol. Namumula na ang mga mata niya. Nagbabadya ang luha na kanina pa niya gusto ilabas."Hoy. Huwag ka naman ganyan. Pati ako ay nahahawa na sayo" alo ni Carol at niyakap na lamang si Zia.Iniharap ni Carol ang kaibigan niya sa kanya."Carol, ayaw kong masaktan. Pero anong gagawin ko? Mahal ko si Greg. May nangyari na din sa amin" sabi ni Zia habang panay ang tulo ng luha niya."Alam ko. Kaya nga siguraduhin mo. Kung sino ka talaga kay Sir Gr

  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 20

    HINATID ni Greg si Zia sa bahay nila. Pasulyap sulyao siya sa dalaga na tahimik na nakaupo.Malapit na sila sa bahay ng dalaga. Pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya iniimik nito.Napabuga ng malalim na buntong hininga si Greg. At inihinto ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada."Baby, please. Kausapin mo naman ako. What I will do to prove to you, na ikaw ang mahal ko. Huwag mo naman akong ignorin ng ganito" pagmamakaawa ni Greg kay Zia. Alam niyang masama ang loob ni Zia sa kanya.Napatingin si Zia kay Greg."Wala ka naman kailangan na patunayan sa akin. Naiinis lang ako at nasasaktan dahil sa sinabi ng Mommy ni Ria" sagot ni Zia."Natatakot ako, Greg. Sobra akong natatakot ngayon. Kasi mahal na mahal kita" umiiyak na dagdag ni Zia."I love you too, so much. Kaya ialis mo na sa isip mo ang takot. Hindi kita iiwan. I will always beside you. Hindi ako aalis sayo. I promise" ani Greg at niyakap si Zia na panay ang iyak.Nakauwi na si Zia at nakahiga na sa kanyang kama.Hindi mawal

  • The Billionaire's Secret Love   Chapter 19

    PresentCebuNATULALA si Greg nang makita si Zia kasama ng mag asawang Camus. Pati ang batang babae na katabi ni Mrs. Rita ay napatingin din siyang pinagmamasdan maigi ito. Pakiramdam niya kilala niya ito.Pero napalingon siya sa babaeng nakakapit sa braso niya na may matamis na ngiting nakapaskil sa mukha nito.Bigla niyang tinanggal ang kamay ni Dion na nakahawak sa kanya at muling tumingin kay Zia."Dion, kaibigan siya ni Zia, si Carol at ang anak nitong si Cassy" pakilala ni Mrs. Camus kina Carol.Tumango ng ulo si Carol at binalingan ang katabi na si Zia."Umupo na kayong dalawa" utos ni Mr. Carter sa anak at kay Greg.Naghila ng dalawang upuan si Greg para sa kanilang dalawa ni Dion. At umupo si Dion sa katabi ng Daddy niya. Habang si Greg ay katabi ng anak ni Carol na si Cassy. Halos katapat ni Zia si Greg.Kaya halos iwasan nitong tumingin sa kabilang side dahil magtatama ang mga tingin nila ni Greg. Ayaw niyang ipakita na apektado pa din siya sa presensiya ng binata."Mom, Da

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status