Share

Chapter 2

Author: Luna Aura
last update publish date: 2026-05-26 22:02:28

Chapter 2

Mas mahalaga pa sa sariling buhay ni Jaxon ang singsing na iyon.

"Wag na wag mong susubukan uling hawakan ’yan," bulyaw ni Jaxon ng minsan niya itong aksidenteng nabunggo at halos magwala na ito sa galit. 

Pero ngayon, ang singsing na iyon ay hayagang suot na ni Clara. Wala nang duda na kasal na nga ang dalawa.

Si Jaxon at Clara ay parang mga bida sa nobela ng mga childhood sweethearts na kapwa nagmula sa mga tinitingalang pamilya. Isang henyo sa business si Jaxon samantalang si Clara naman ang National Sweetheart na humahakot ng mga parangal sa sining simula pagkabata. They both have beauty and brains.

Noong nag-viral ang video ng pagtugtog nila ng Wedding in a Dream sa unibersidad, buong mundo ang bumoto para sa kanila. 

Pero lahat ay nagbago dahil sa isang aksidente. 

Nawalan ng paningin si Jaxon at nawalan din ng karapatang magmana sa pamilya Singson. Itinaboy din siya ng kanyang tiyuhin, na siyang may hawak ng kapangyarihan noong panahong iyon. 

Sa gitna ng isang gabing maulan, doon siya natagpuan ni Bella at dinala sa kanyang tahanan. 

Noong kasama pa ni Bella si Jaxon, halos doon na umikot ang mundo niya. Maliban sa pagpasok sa klase, siya ang nagsilbing mga mata nito. Inalagaan niya ang bawat aspeto ng buhay ng lalaki habang pilit itong pinapagamot.

Nang sa wakas ay bumalik ang paningin ni Jaxon, agad na sinundo ni Don Victorino ang apo para ibalik sa poder ng mga Singson.  Walang pamilya si Bella kaya isinama rin siya ng matanda. 

"Mula ngayon, ikaw na si Elena Singson. Magkapatid na kayo ni Jaxon," deklara ni Don Victorino habang pinapirma sila sa household registration.

"Ang swerte mo, Elena. Mula sa pagiging basura, naging prinsesa ka na ng mga Singson!" sabi ng mga taong nakapaligid sa kanya na puno ng inggit.

Pero alam ni Bella ang totoo. Ginawa lang siyang anak ni Don Victorino para putulin ang anumang relasyon nila ni Jaxon kaya nakipaghiwalay agad siya pagkapasok sa mansion.

"Hindi na natin pwedeng ituloy kung ano mang namamgitan sa atin. Magkapatid na tayo ngayon," giit ni Bella isang gabi.

"Hindi ako pumapayag. Akin ka pa rin!" sagot ni Jaxon bago siya ikulong sa kwarto para sa kanilang lihim na pagkikita gabi-gabi.

Hanggang sa dumating ang huling taon nila sa kolehiyo. 

Na-engaged si Jaxon kay Clara. 

Sa sobrang sakit, pinunit ni Bella ang engagement dress na ipinagawa pa ni Jaxon sa isang sikat na designer mula Milan.

"Ano'ng ginawa mo?" galit na sigaw ni Jaxon sa harap ng maraming bisita.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Bella.  Doon natapos ang lahat. 

Kahit lumipas na ang panahon, hindi pa rin mawala sa isip ni Bella ang sunog na nangyari sa gabi ng engagement. Habang nagliliyab ang paligid, naramdaman ni Bella ang bigat ng paa ni Jaxon sa kanyang balikat para lang makaakyat ito at mailigtas si Clara palabas ng bintana.

Sa bingit ng kamatayan, doon lang niya narealize ang lahat. 

Mahal ni Jaxon si Clara. At siya na isang pipi, bingi, at matabang babae ay isa lamang mantsa sa perpektong buhay ng lalaki.

Naalala rin niya ang party bago ang engagement. 

Akala ng lahat ay hindi siya nakakarinig, kaya malaya silang nag-uusap sa harap niya.

"Jaxon, malapit na ang engagement niyo ni Clara, bakit hindi mo pa hiwalayan si Elena?" tanong ng isa sa mga kaibigan nito.

"Oo nga. Maganda lang ang mukha niyan pero ang taba ng katawan. Para kang nakikipag-kiskisan sa baboy tuwing magkasama kayo, hindi ba nakakadiri 'yun?" susog naman ng isa pa habang nagtatawanan sila.

Inasahan ni Bella na magagalit si Jaxon at ipagtatanggol siya tulad ng dati. Pero matagal na nanahimik ang lalaki bago sumagot.

Matamis na ngumiti sa kaniya ang lalaki bago nagsalita. "Saksi si Elena sa dalawang taon na paghihirap ko dahil sa pagkabulag. Sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko ang pinakamadilim na bahagi ng buhay ko. It’s quite disgusting.”

Uminom muna ito bago muling nagsalita.

"Nandoon siya sa pinakamadilim na parte ng buhay ko, kaya ituturing ko pa rin siyang kapatid at hindi ko siya pababayaan, pero..." lumingon si Jaxon sa kawalan. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa isang babaeng pipi at bingi na gaya niya." 

Bawat salitang lumalabas sa bibig ni Jaxon ay parang latigo na humahagupit sa puso ni Bella. Sobrang sakit nito hanggang sa puntong halos hindi na siya makahinga, pero nanatili siyang tahimik.

Hindi alam ni Jaxon na naririnig niya ang lahat. Hindi naman talaga siya bingi o pipi. 

Noong nag-aaral pa siya ng Law, pinag-aralan niya ang sign language dahil karamihan sa mga kaibigan niya ay may hearing impaired. Dahil introvert din siya at ayaw masyadong makipag-usap sa iba, nasanay na siyang gumamit ng sign language sa pang-araw-araw na buhay.

Noong mga panahong bulag pa si Jaxon, napaka-unpredictable ng ugali nito at umabot pa sa point na tinangka nitong magpakamatay. 

Ayaw ni Bella na lalong ma-depress ang lalaki kaya nagpanggap siyang katulad nito. Sa palad nito siya nagsusulat araw-araw para makipag-usap. Siguro dahil akala ni Jaxon ay may disability rin siya kaya gumaan ang loob nito sa kanya.

Pero nang bumalik ang paningin nito, bigla itong bumalik sa pamilya Singson para ipakasal kay Clara. Naisip ni Bella na wala na ring saysay na sabihin ang sikreto niya. Everything just went back to the starting point, na parang hindi naman talaga nag-exist si Elena sa buhay ni Jaxon.

Mabilis na pinunasan ni Bella ang mga luhang pumatak sa mukha niya. 

Pagtalikod niya, bigla siyang bumangga sa isang matigas at mainit na dibdib. 

The familiar scent hit her. It was an earthy, crisp scent that screamed power and sophistication at the same time. His perfume was subtle but lingering, like a memory she didn't want to escape. Sa bawat paglanghap niya, mas lalo lang siyang nahihilo sa presensya niya. 

Bella froze.

Sa tindi ng kaba ay dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at agad na sumalubong sa kanya ang isang pares ng madidilim at malalim na mga mata.

Elias Jaxon Singson…

Napakalapit nila sa isa’t isa. Halos dumikit na ang kanyang dibdib sa malapad at matigas nitong pangangatawan. Ramdam niya ang init na nagmumula sa matangkad at matikas nitong tindig, pati na ang mahinang paghinga nito na humahaplos sa kanyang balat.

"Let go." Malamig at puno ng awtoridad ang boses ni Elias Jaxon na tila humaplos sa kanyang pandinig. 

Doon lang napansin ni Bella na mahigpit pa rin pala niyang hawak ang manggas ng suot nitong polo.

"I’m... I’m sorry," nauutal niyang sabi.

Mabilis siyang humakbang paatras ng dalawang beses. Sa sobrang tensyon ay hindi na niya nagawang magsalita nang maayos.

Hindi naman napigilan ni Elias Jaxon na sulyapan siyang muli. Nakita nito ang kanyang mga mata na basang-basa pa ng luha. Saglit na kumunot ang noo nito bago mabilis na nag-iwas ng tingin.

Inisip ng mga pulis na umiiyak si Bella dahil sa takot na makasuhan kaya agad nila itong pinatahan.

"Huwag kang matakot, miss. Pumayag na si Sir Elias Jaxon sa settlement. Halika na sa mediation room para matapos na ito."

Sa Mediation room.

Matalim ang tingin ni Mateo kay Bella na kanina pa nakayuko at nananatiling tahimik.

"You damned woman! Malisyoso mong ni-report ang bar ko! Dahil sa'yo, nawalan ako ng daan-daang libo sa loob lang ng isang gabi. Kaya mo ba 'yong bayaran, ha?" asik ni Mateo, halos mamula na ang mukha at bumakat ang mga ugat sa leeg sa sobrang galit.

Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Bella. Hindi niya pinansin si Mateo. Sa halip, ang mga mata niya ay dumeretso kay Elias Jaxon.

The man kept his eyes down, not looking at her. 

Nanatiling nakayuko ang lalaki, tila walang pakialam sa paligid.

His long, slender, pale fingers gently traced the walnut-red string bracelet on his wrist. Isang simpleng pulseras na hindi bumabagay sa kanyang marangyang status, pero tila ba napakahalaga nito sa kanya. 

"According to Article 353 of the Revised Penal Code, libel is a public and malicious imputation of a crime, or of a vice or defect, real or imaginary, or any act, omission, condition, status, or circumstance tending to cause the dishonor, discredit, or contempt of a natural or juridical person..."  panimula ni Elias sa isang malamig at baritonong boses.

Nag-angat ito ng tingin, at sa pagkakataong ito, tumama ang madilim nitong mga mata sa kaniya. It was sharp and piercing, enough to make her knees tremble.

"And since you did it through a malicious report that reached the public and the authorities, it’s not just simple slander. It’s a calculated move to ruin someone’s reputation," he added, his baritone voice dropping an octave, sounding more dangerous than ever. "Sa batas, ang paninirang-puri ay hindi lang basta salita. It’s a crime that could cost you your freedom. Isang tawag ko lang, Bella, and I can make sure you’ll pay for every false word you’ve uttered against my brother-in-law's business."

Humigpit ang kapit niya sa kanyang relo, ang ekspresyon ay nanatiling blangko pero ang bawat salita ay parang kadenang pumupulupot sa leeg niya.

"So, tell me... are you still going to be stubborn, or are you going to apologize before I decide to make this your permanent reality?" Nag-angat si Elias ng tingin sa pulis. "Make her apologize, and we won't pursue the matter further."

Mabilis na ngumiti ang pulis, halatang gustong magpalakas. "Sir Elias, kabisadong-kabisado niyo po ang batas, ah?"

Kumunot ang noo ni Elias. "Mali ba ang pagkaka-recite ko?"

"Uh... h-hindi po! Tama po!" nauutal na sagot ng pulis.

"Then what are we waiting for?" malamig nitong tugon.

Lumapit ang pulis kay Bella at bumulong. "Miss, hindi biro ang daan-daang libong pambayad. Bakit hindi ka na lang humingi ng tawad kay Sir Mateo para matapos na ito?"

Bella's small hands, resting on her lap, were clenched into fists. 

Elias Jaxon is still selectively protecting his own. Wala pa ring nagbago. Gagawin niya ang lahat para protektahan ang kahit na sinong may kaugnayan kay Clara. At sa pagkakataong ito, ang bayaw ng lalaki ang pinoprotektahan.

"I will not reconcile," matigas na sabi ni Bella.

Tumawa si Mateo sa sobrang inis. "You stinking woman! Bihira lang maging maawain ang bayaw ko at pagbigyan ka na mag-sorry na lang. Huwag mong sagarin ang swerte mo!"

Stubbornly, Bella bit her lip. "Hindi ako hihingi ng paumanhin. At hindi ako makikipag-ayos."

"Then let's handle this officially." Ramdam ang pagkainip sa boses ni Elias Jaxon.

Agad na hinila ng pulis si Bella sa isang tabi. "Miss, kilala si Sir Elias Jaxon na malamig at mahirap kausap. Swerte mo na ngang pinapalampas niya ito ngayon. Mag-sorry ka na para maayos na ang lahat."

"He's just cold-hearted..." bulong ni Bella sa sarili.

Masyadong mababaw ang pagkakakilala nila kay Elias. 

Tanging si Bella lang ang nakakaalam kung gaano kasama ang lalaking ito. Elias Jaxon was not only cold-hearted; he was a ruthless, heartless, and a perverted man.

Instinctively, Bella touched her cheek. 

Tila nararamdaman pa rin niya ang hapdi ng sampal na tinanggap niya ilang taon na ang nakakalipas.

At kung bakit kabisadong-kabisado nito ang batas?

Mapait siyang napangiti. Dahil ilang taon din nitong nakasiping ang isang matabang babaeng nag-major sa sign language law...

Noon, sa mansion ng mga Singson, gabi-gabi itong pumupunta sa kwarto niya para gumawa ng mga absurd na bagay. Masyado na nitong naging pamilyar ang textbook niya sa batas na laging nasa gilid lang ng kanyang kama.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Secret Marriage Trap   Chapter 143

    Chapter 143Habang nagsasalita ay dahan-dahang hinawakan ng kanyang mahahabang daliri ang maliit na mukha ng dalaga, pino at maingat na hinahaplos iyon na tila isang napakahalagang bagay.Biglang napuno ng kakaibang init at tensyon ang buong kwarto.Mabilis na namula ang mga pisngi ni Bella. Inalis niya ang kamay ng lalaki at mabilis na humakbang pabalik upang lumikha ng ligtas na distansya."Bakit ako naging bukod-tangi?" medyo natatarantang tanong niya.Bahagyang yumuko si Jaxon habang ang kanyang manipis na labi ay halos lumapat na sa tainga ng dalaga."Nagkahalikan na tayo at natulog sa iisang kama, kaya magkaiba iyon," mahinang bulong ng lalaki sa sexy at paos na boses."Ikaw..." halos mamatay sa hiya si Bella nang kumalat ang pamumula sa ka

  • The Billionaire’s Secret Marriage Trap   Chapter 142

    Chapter 142Nang makitang magkamag-anak lang pala ang dalawa, unti-unting nawalan ng interes si Nanay Sela at ang iba pang mga kapitbahay. Nakatatak na sa tao ang mahilig sa usap-usapan at intriga. Kung hindi lang idinahilan ni Bella na pinsan niya si Jaxon, tiyak na nagkalat na ang iba't ibang uri ng tsismis tungkol sa kanilang dalawa sa buong eskinita.Gusto niyang patuloy na mamuhay nang tahimik kasama ang mga anak niya, at ayaw niyang makarinig ang mga ito ng anumang masamang balita tungkol sa kanya.Nang makalayo na ang mga tao ay mabilis na binawi ni Bella ang kanyang braso mula sa pagkakahawak sa lalaki."Jaxon, anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong niya.Nang makita ang mabilis na pagbabago sa mukha ng dalaga, bahagyang napatawa nang mapait ang lalaki."Ganyan ka

  • The Billionaire’s Secret Marriage Trap   Chapter 141

    Chapter 141"Seiji, sorry, ngayon ko lang nakita 'yung tawag mo. May kailangan ka ba?" tanong agad ni Bella sa kabilang linya.Galing siya sa PM Mall Law Firm at alas dos na ng hapon nang makalabas siya roon. Sa subway lang niya napansin ang mga missed call sa telepono dahil nakatagilid o naka-silent ito kanina.Nakatayo naman si Seiji sa loob ng opisina ng presidente habang hawak ang telepono. Mabilis niyang inilagay iyon sa loudspeaker at inilapag sa ibabaw ng mesa sa harap ng nakatitig na si Jaxon.Maitim ang mukha ng lalaki habang nakikinig sa boses ng dalaga."Ahm... kanina kasi, kailangan ko sanang kunin 'yung kontrata sa 'yo, kaya napatawag ako," pagsisinungaling ni Seiji habang sumusulyap sa kanyang boss."Ayy, nasa ibabaw ng mesa ko ang lahat ng mga dokumento ng kontr

  • The Billionaire’s Secret Marriage Trap   Chapter 140

    Chapter 140"May kailangan ba akong ibayad na kapalit?" tanong agad ni Bella habang nakatitig sa abogado.Para sa kanya, mas makatarungan at mas madaling tanggapin kung may kapalit ang ganoong kalaking tulong."Ang bayad-pinsala sa kontrata na babayaran ng PM Mall para sa 'yo, Attorney Evangelista, ay ibabawas na lang sa sweldo mo buwan-buwan o taun-taon," paliwanag ni Atty. Brent nang may kalmadong tono. "Ikaw ang magpapasya kung ilang porsyento ang ibabawas. Bukod doon, kapag pumasok ka na sa kumpanya, hindi ka itatali ng PM Mall sa mahigpit na kontrata. Kahit gusto mo pang umalis sa kalagitnaan ng trabaho, maaari mo pa ring bayaran ang anim na daang libong piso nang paunti-unti."Bahagyang kumislap ang mga mata ni Bella habang pinapakinggan ang bawat salitang binibitawan ng abogado.Masyadong maunawain

  • The Billionaire’s Secret Marriage Trap   Chapter 139

    Chapter 139"Maraming salamat po, Atty. Brent. Ipagpatuloy niyo na po ang trabaho niyo, hindi ko na kayo abalahin pa," dagdag pa niya sabay tango bago mabilis na tumalikod patungo sa pintuan.Naiwang nakatutok ang tingin sa kanya ni Atty. Brent, halatang nagulat sa kanyang pagtanggi. Ilang segundo itong natulala bago napasulyap sa pinto ng katabing opisina sa gitna ng kwarto.Biglang tumunog ang telepono nito. Isang tunog ng Cloudtalk message ang sumira sa katahimikan.Mabilis na binasa ng abogado ang mensahe at dali-daling lumabas upang harangan si Bella sa tapat ng elevator."Attorney Evangelista, pasensya ka na, pakiramdam ko ay hindi ko naipaliwanag nang maayos ang sarili ko kanina," hingal na pahayag nito. "Maaari ba tayong mag-usap muna kahit sandali lang?"Kahit nagugulu

  • The Billionaire’s Secret Marriage Trap   Chapter 138

    Chapter 138Samantala... nang makarating si Bella sa PM Mall Law Firm, doon niya nadiskubre na hindi lang pala siya ang nandoon para i-interview ngayong araw."I'm sorry to have kept you waiting, Attorney Evangelista," bungad ng isang lalaki sabay ngiti nang buksan niya ang pintuan ng opisina.Nakatayo ito roon, pormal na pormal ang suot, nasa humigit-kumulang huling bahagi ng trenta ang edad, at hindi maikakailang may taglay na kaakit-akit na mukha."Please sit down," dagdag pa nito habang itinuturo ang bakanteng upuan sa harap ng kanyang mesa.Dahan-dahan namang humakbang papasok si Bella. Medyo naiilang pa niyang hinila ang upuan bago pormal na umupo roon.Tinitigan siya ng lalaki nang ilang segundo. May bahagyang pagta

  • The Billionaire’s Secret Marriage Trap   Chapter 7

    Chapter 7Kagat-labi si Bella. Halos mabaon ang kanyang mga kuko sa sariling palad.Ang galit at ang pakiramdam na hinalay ang kanyang dignidad ay walang-wala kumpara sa matinding kawalan ng kapangyarihan na nararamdaman niya sa mga oras na ito.Hindi siya natatakot na bumangga sa kahit na sino. Ga

  • The Billionaire’s Secret Marriage Trap   Chapter 6

    Chapter 6Isang sulyap lang sa pulsuhan ni Jaxon, parang pinilipit na ang puso ni Bella.Iyon ang unang regalo na ibinigay niya rito noong birthday nito. Ang mga panahong iyon... hindi pa ito binabawi ng marangyang pamilya Singson. Ang mga panahong madilim pa ang mundo nito dahil hindi pa naibabali

  • The Billionaire’s Secret Marriage Trap   Chapter 3

    Chapter 3Chapter 3 He slapped herMabilis na itinago ni Bella ang nagbabadyang emosyon sa kanyang mga mata bago siya tahimik na bumalik sa pagkakaupo.Inakala ng pulis na natauhan na siya kaya inilapag nito ang mediation agreement sa harap niya. "Pirumahan mo na 'to, humingi ka ng paumanhin, at m

  • The Billionaire’s Secret Marriage Trap   Chapter 1

    Chapter 1Mistulang naging pinakamadilim na kabanata ng buhay ni Bella ang araw na ito. Sino ba naman ang mag-aakalang mapagkakamalan siyang bayarang babae at makakaladkad pa sa presinto?"Beatriz Elena Evangelista?" tanong ng pulis habang sinusuri ang kanyang ID."Ahm, opo... ako nga po," dahan-d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status