LOGINJune 18, 202*— Present Day
Isa na namang maaliwalas at tahimik na umaga ang bumungad sa akin sa labas ng penthouse. Sa tuwing lumalabas ako para kumuha ng lakas ng loob para harapin ang isa na namang panibagong araw, hindi ko maiwasang malungkot. Hindi ako sanay na wala ang nakakainis na pagmumukha ni Amadeus na palaging bumubungad sa akin, kasabay ng halik at ngiti tuwing umaga. I miss my man and his silliness. Hindi ko maiwasang mas lalong bumigat ang aking nararamdaman sa tuwing naaalala ko ang mga pinagdaanan namin. I once swore to myself that I shouldn't fall for him, that I would make his life a living hell. But here I am—I'm the one foolishly missing her husband, living with his four-year-old nephew whom I have to take care of. Dang! This emotion. Ramdam ko ang pagkuyom ng aking kamao. I'll make sure talaga na pagdating niya, hindi siya— “Mama?” Nabasag bigla ang iniisip ko nang tawagin ako ng anak-anakan ko. Si Theron, ang pamangkin ni Amadeus, na kung ako ay ituring ay para na talaga akong kaniyang mama. Well, mama niya na talaga ako sa papel dahil anak na rin naman siya ni Amadeus. What else can I say about that? Sa tuwing nakikita ko si Theron, may kung anong gaan sa aking pakiramdam ang laging gumigising. Tila ba, parte na siya ng aking pagkatao. Alam mo 'yung feeling na sense of familiarity? Not because I am his mama sa papel, pero para talagang may kung anong koneksiyon siya sa akin. Agad naman akong ngumiti sa kaniya. “Yes, bunso. Come here.” I opened my arms, inviting him to come to me. Agad naman siyang tumakbo papalapit sa akin. Hindi ko maiwasang matuwa kasi naman, ang cute-cute-cute ng bunsuhan ko. Malambing din, kagaya niya—sumalta agad sa sofa at sumiksik sa tabi ko para lang yakapin ako at bigyan ng halik sa pisngi. Ganito siya tuwing umaga pagkagising, laging bumubungad sa akin at kay Amadeus na may kasamang halik. Speaking of Amadeus, nami-miss ko na siya. It's been nine months since wala siya rito sa Pinas dahil nag-aayos siya ng business sa ibang bansa. Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga nang may maramdaman akong maliit na puwersang humahaltak sa sleeve ko. Doon ko nakita si Theron, tila nag-aalala. “Mama, are you okay? Is Papa coming home na?” “Oh, bunso.” Niyakap ko siya at hinalikan sa noo dahil kahit ako, hindi ko alam kung ano ang isasagot. Hanggang ngayon, wala pa ring paramdam si Papa Amadeus niya. “I'm sorry, bunso. Mama can't say when Papa will be back. But I'm sure he will.” “Is Papa still busy with his work?” “Yes, bunso.” “Does that mean he will buy me tons of toys?” Napatawa naman ako sa inosente niyang tanong. “Yes, he will. So be a good little boy and wait till Papa comes back. Okay?” “Yes, Mama. I will.” Agad naman siyang bumitaw sa pagkakayakap, bumaba sa sofa, at nagtatakbo papaloob sa kaniyang kwarto. Haysst. Ang batang ito, hindi ko talaga maintindihan kung kanino nagmana. Hindi ko masabing kay Amadeus o sa akin. Teka lang... bakit ko iyon naisip? Oh well. Masyado na talagang magulo ang isip ko ngayon. Panahon nga naman, napakabilis. Pati ang aking puso ay mabilis na ring tumitibok sa tuwing naiisip si Amadeus. Ang aking atensyon ay agad na nakuha ng isang dumaraang ibon. Naalala ko na naman si Amadeus sa mga ito. Since tag-ulan na, panahon na para bumalik ang mga ito sa kanilang totoong tirahan. Oh, Amadeus ko... Kailan ka rin ba babalik? As I close my eyes, dreaming of how our story started... --- January 7, 202* — The Day of Our Marriage Malakas ang tunog ng kampana habang ako ay dahan-dahang humahakbang sa hagdan ng simbahan. Malakas ang kabog ng dibdib ko noon habang papalapit ako nang papalapit sa destinasyon kung saan kami nangakong magsasama habambuhay. Wala pa man ako sa mismong loob ng simbahan, umiiyak na ako nang walang tunog. Hindi ko kasi inaasahan na ang pangarap kong kasal ay mapupunta lamang sa taong hindi ko kilala. Mas masahol pa—sa taong pinagkautangan lamang ng aking ama. Nang makalapit ako sa pintuan, naroon ang mahal ko sa buhay, naghihintay sa akin upang ako ay ihatid sa altar. Yumakap agad ako nang mahigpit sa aking inay sapagkat may posibilidad na ito na lang ang huli naming pagkikita matapos kong malaman kung anong klaseng lalaki si Amadeus. Si inay na ang unang bumitaw sa yakap namin, at siya namang nakita kong lumapit kay ama. Aminin ko, naiinis at galit ako sa ginawa ng aking ama. Pero hindi ko siya masisisi dahil hanggang ngayon ay may pinagdadaanan pa rin siya, at iyon lamang ang naging daan niya para masolusyonan ang problema namin. Doon ko lang talaga napagtanto na sobrang hirap maging magulang. Mahirap din maging anak kapag pare-pareho kayong may ibang pinanggagalingan. I never hated my parents. I love them. I just hate those people who use their power to gain something out of someone's misery. Kaya galit na galit ako sa magiging asawa ko dahil alam kong wala akong control sa sitwasyon. Wala akong pagpipilian. Parehong hinawakan ng aking mga magulang ang magkabilang braso ko bago tuluyang bumukas ang malaking pintuan ng simbahan. Puno ito ng mga taong hindi ko kilala. At lahat sila ay nakatingin sa akin. Sobrang namamawis na ako sa mga panahong iyon. Hindi ako sanay sa maraming tao, lalo na sa ganitong klaseng atensyon. Buti na lamang at nakasuot ako ng veil. Unti-unti kaming humakbang ng aking mga magulang patungo sa altar, kung saan nakita ko ang magiging asawa ko. Nakatayo siya roon, composed at walang emosyon na ipinapakita. Si Amadeus. Ang lalaking hindi ko pinili. Ang lalaking magiging asawa ko dahil sa utang ng aking ama. Habang papalapit ako sa kaniya, mas lalo kong naririnig ang malakas na tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa kaba, galit, o takot. Siguro, lahat. Ngunit nang tuluyan nang maihatid sa kaniya ng aking mga magulang ang aking kamay, doon ko napagtanto na wala na akong magagawa. Totoo na. Ikakasal na talaga ako sa kaniya. Wala nang atrasan. Wala nang pagtakas. At sa sandaling iyon, hindi ko pa alam na ang lalaking kinaiinisan ko nang buong puso ay siya ring magiging dahilan kung bakit matututunan kong magmahal nang higit pa sa inaakala ko. Hindi ko rin alam na ang sapilitang pagsasamang ito ang magiging tulay upang maresolba namin ang bangungot na pareho naming haharapin balang araw. Pero higit sa lahat... hindi ko alam na siya rin pala ang taong magpapabulahaw sa pusong matagal ko nang pinatutulog. Ang puso kong sa simula ay puno lamang ng galit at takot. Ang puso kong ayaw nang muling maniwala sa pag-ibig. At ang puso kong hindi ko akalaing kay Amadeus pala muling matututong tumibok.It was very painful for me that my very own sister, whom I trusted the most, finally saw me as a monster. Defeated. I stormed inside, pretending that I wasn't hurt. My father casually greeted me with his cold words. “So, did that bastard finally leave?” “Yes, Dad.” “Good.” He patted my shoulder and casually announced these words as if they meant nothing. “From this day onward, the Von household recognizes only one true heir.” Knowing what it meant, I simply nodded. “Yes, Dad. I'll announce it to the public.” Hearing the words he liked the most, he nodded and left me again as if I were merely a subject to him, not his own son. I vividly remember looking back at the door, wishing you—Vivian—would go back and be with us again. But that was truly impossible for a person who had lost their mind in love. From that day onward, we eventually cut ties. Until the news about you came to light, making me even angrier at you and that person. It was what caused me to end up in this s
(His Voice) Isang taon akong naghintay para tuluyan kang lumapit sa akin. At ngayon, habang mahimbing kang natutulog, muli kong binalikan sa isip ko ang dahilan kung bakit kita pinakasalan or whatever they would call the situation between us. Hindi naman talaga kasal ang unang pakay ko sa'yo. You were supposed to be part of my plan. Umalis ako agad sa kama upang linisin ang sarili ko. Nang marating ko ang restroom, agad kong nakita ang sarili ko sa malaking salamin. Lumapit ako rito at marahang pinahid ang hamog na bumalot sa ibabaw nito. I stared at my reflection. Then I smiled. “You really did it, Amadeus.” Bahagya kong itinagilid ang aking ulo. “You won the game you played.” Kaswal kong nilinis ang sarili ko habang patuloy na bumabalik sa isip ko ang nakaraan. Kung ano ba talaga ang unang pakay ko sa'yo, Hera. At higit sa lahat kung bakit ikaw ang pinili ko. — March 22, 202 — The day I found out the truth about my sister and her final betrayal.* I
Isang gabi na naman na hindi ako makatulog. Napabuntong-hininga ako bago tuluyang bumangon sa kama. Tahimik ang buong penthouse. Tanging malamlam na ilaw mula sa hallway ang nagsisilbing gabay ko habang naglalakad ako papunta sa kusina. Kumuha ako ng mainit na gatas. Effective naman iyon sa akin bilang pampatulog. Pero bago pa man ako makabalik sa kwarto, napansin ko ang isang pamilyar na anino sa may malaking salamin. Si Amadeus. Tahimik siyang nakatayo roon. May hawak na baso ng whiskey sa isang kamay at sigarilyo sa kabila. Nakatingin siya sa labas ng malaking salamin, ngunit alam kong hindi niya talaga pinapansin ang tanawin. Malalim ang iniisip niya at alam kong may problema siya, dahil kilala ko na siya ng lubusan. Sa ibang tao, si Amadeus ay malamig. Reserved. Hindi basta-basta nagsasalita. Kahit galit o nasasaktan, kaya niyang itago ang lahat sa isang tingin lang. Pero sa akin? Hindi siya ganun kagaling magtago. Kaya hindi ko maiwasang lapitan siya, dahil nag-aalal
Simula nang makasama ko si Amadeus at Theron, wala nang masamang araw na nagaganap sa buhay ko.Aminado ako, unti-unti nang nahuhulog ang damdamin ko sa kaniya.Lalo na ngayong alam ko na kung gaano siya kaalaga at ka-attentive bilang asawa sa akin at bilang ama para sa aming dalawa ni Theron.Dumating nga rin yung time na nagpunta kaming tatlo sa botanical garden at zoo para maggala man lang bilang isang pamilya.Hindi ko in-expect na pagtitinginan kami ng mga tao at sasabihan kung gaano kagandang pagmasdan ang family dynamics namin.Lalo na noong ibinigay sa akin ni Amadeus ang coat niya habang nanonood kami ng fireworks sa tabing-dagat.At sa mga sandaling iyon, hindi ko na talaga maiwasang tuluyan nang ma-in love sa kaniya.Nang biglang tumunog ang alarm clock ko.Doon muli akong nagising mula sa mahimbing kong pagkakatulog.At kasabay noon ay ang pagbabalik ko sa realidad.Wala pa rin ang asawa ko hanggang ngayon.Iniwan niya kami para sa isang business trip, at hindi ko maiwasan
April 6, 202* — Three Months After Our MarriageTatlong buwan na ang lumipas mula nang ikasal kami, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano talaga ang dahilan mo kung bakit mo ako pinakasalan.Hindi ko rin maintindihan kung bakit hanggang ngayon, you still haven't asked about such a sensitive matter between us as husband and wife.It's not that it's bad or anything.I just don't understand you, Amadeus.What is your real plan for me?Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa ng penthouse namin habang nagbabasa ng libro nang bigla kong marinig ang pagbukas ng pintuan.Agad akong napatigil sa pagbabasa at tumayo.At doon ka bumungad sa akin.Pero hindi tulad ng dati, tila hindi ka mapakali at parang may kung anong iniisip.Agad akong napataas ng kilay at nag-cross ng arms sa aking dibdib.“What happened?”Hindi ka agad sumagot.Sa halip, bahagya kang tumabi.At doon ko siya nakita.Isang maliit na bata.Tahimik siyang nakatayo sa likuran mo, halos nagtatago sa katawan mo.Mukha siya
January 7, 202* — The Day After Our MarriageAfter ng wedding natin Amadeus, halos masuka ako sa realidad na kasal na tayo.Sobrang sakit ng ulo ko at bumibilis ang tibok ng puso ko nang maalala ko ang senaryong naglapit ang mga labi natin just to seal our marriage.Hindi ko talaga gustong pakasalan ka at mas lalong hindi ko nagustuhan na kinailangan pa nating gawin iyon.Kinasusuklaman kita ng sobra, Amadeus Sylus Von.At sisiguraduhin kong wala kang makukuha sa akin.Not even a single thing.Kaya nang sumapit ang gabi, ni-lock ko agad ang pintuan ng kwarto at hindi siya pinapasok sa loob.Ramdam ko pa ang pilit niyang pagbukas sa doorknob.Click.Click.Click.“Darling?”Hindi ako sumagot.Hinawakan ko pa lalo nang mahigpit ang doorknob mula sa loob para siguraduhing hindi niya iyon mabuksan.“Open the door.”“No.”“I'm not going to do anything.”“Then sleep somewhere else.”Sandaling natahimik ang kabilang bahagi ng pinto.“That's my bedroom.”“Then from today onwards, consider thi







