Share

The Billionaire's Secret
The Billionaire's Secret
Author: LuianaZane

Prologue

Author: LuianaZane
last update publish date: 2026-09-04 16:16:30

Matapos kong matanggap ang pulang sobre tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng aking ama, napagtanto ko agad kung saan ko siya maaaring makita.

Hindi ako nagdalawang-isip na puntahan siya sapagkat nangako ako sa aking hindi mapakaling ina na aayusin ko ang lahat. Isang linggo nang nawawala ang aking ama.

Hindi naman umabot ng tatlong oras bago ko narating ang lugar kung saan sila naroroon.

Agad na bumungad sa akin ang iba't ibang pamilyar na mukha, abala sa paglalaro ng sugal.

Natatawa ako nang bigla akong salubungin ng isang lalaking naka-suit. Sa pananamit pa lamang niya, alam ko nang tauhan siya ng lalaki at alam niyang narito na ako.

Hindi ko pinansin ang tauhan niya at sumunod na lamang sa kaniya.

Dinala niya ako sa isang private room.

At pagpasok ko, agad siyang bumungad sa akin—sosyal at kalmadong nakaupo sa isang upuan.

Lumapit ako sa kaniya.

Paglapit ko, bigla niyang inihagis ang baril sa harapan ko.

Kinuha ko ito.

At nang makuha ko ang baril, saka ko nakita ang aking ama na nakagapos at nakabusal.

Nangigil ako sa lalaking ito na pasimpleng umiinom lamang ng whiskey, na para bang walang anumang nangyayari.

Tahimik ang paligid. Lahat ng mata ay nakatutok sa akin, habang ang amoy ng hangin ay pinaghalong usok ng sigarilyo, mamahaling alak, at pabango.

Bigla kong ikinasa ang baril na hawak ko.

Unang kasa.

Hindi ito pumutok nang itapat ko sa aking sintido.

Kinabahan ako sa mga oras na iyon, pero kailangan kong magpakatatag para sa buhay ng aking mga magulang.

Pangalawang kasa.

Muli kong itinutok ang baril sa aking sintido.

Hindi pa rin ito pumutok.

Hanggang sa umabot ako sa ikawalong kasa—lahat ay walang bala.

Ngayong ikasiyam na, ramdam ko ang panginginig ng aking kamay, pamamasa ng aking palad, at panandaliang pagkalabo ng aking mga mata.

Ito na ba talaga ang destino ng buhay ko?

Nakita ko ang aking ama na naluluha at nagmamakaawa. Tila nagsisisi siya sa kaniyang ginawa.

Samantala, ang lalaking nasa harapan ko ay walang emosyon na pinapanood ang lahat.

Mas lalo lamang tumindi ang bugso ng aking damdamin.

Tutupdin ko na ang aking napagpasyahan.

Walang pagdadalawang-isip, bigla kong itinutok ang baril sa lalaki at pinaputok ito.

Tumama ang bala sa kaniyang balikat.

Nagkagulo ang lahat. Agad akong sinugod upang i-restrain, habang ang ilan naman ay nagmadaling puntahan ang mayabang na lalaki.

Mas lalo akong nagimbal—pati na rin ang lahat ng nasa loob ng casino—nang bigla itong tumawa nang malakas.

Marahas niyang itinulak ang mga taong umaalalay sa kaniya bago siya sumugod sa akin.

Nang makalapit siya, agad niyang hinawakan ang aking pisngi, na tila halos durugin iyon sa lakas ng pagkakahawak niya.

Pero hindi iyon ang kinatakutan ko.

Kundi ang sumunod niyang sinabi.

“You are going to be my wife, with or without your agreement.”

At doon nagsimula ang nakakalbaryong pamumuhay ko kasama si Amadeus.

Ang lalaking ginawa akong pambayad sa utang ng aking ama para lamang gawin akong asawa.

Ang dahilan?

Para alagaan ang pamangkin niya.

Sa halip na ayusin ang gulong nangyari, itinali niya ang aking mga kamay gamit ang kaniyang panyo. Pagkatapos, kinuha niya ako sa mga tauhan niya at kinarga sa balikat niya.

Alam niya.

Alam ko rin.

Hindi na ako puwedeng pumalag matapos kong makita kung paano niya tinapos ang buhay ng isa pang lalaki sa harapan naming lahat dahil lamang sa pagkakamali nito sa trabaho.

Ngayon, narito ako sa loob ng kaniyang kotse.

Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari at kung paano sisimulang mamuhay sa mundong hindi ko naman ginusto.

Pero tila parehas kaming may kani-kaniyang tinatago sa isa't isa, at sa ngayon, wala kaming balak sabihin ito kundi ipagpatuloy lamang ang sinimulan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Secret   Ika-pitong kabanata

    It was very painful for me that my very own sister, whom I trusted the most, finally saw me as a monster. Defeated. I stormed inside, pretending that I wasn't hurt. My father casually greeted me with his cold words. “So, did that bastard finally leave?” “Yes, Dad.” “Good.” He patted my shoulder and casually announced these words as if they meant nothing. “From this day onward, the Von household recognizes only one true heir.” Knowing what it meant, I simply nodded. “Yes, Dad. I'll announce it to the public.” Hearing the words he liked the most, he nodded and left me again as if I were merely a subject to him, not his own son. I vividly remember looking back at the door, wishing you—Vivian—would go back and be with us again. But that was truly impossible for a person who had lost their mind in love. From that day onward, we eventually cut ties. Until the news about you came to light, making me even angrier at you and that person. It was what caused me to end up in this s

  • The Billionaire's Secret   Ika-anim na Kabanata

    (His Voice) Isang taon akong naghintay para tuluyan kang lumapit sa akin. At ngayon, habang mahimbing kang natutulog, muli kong binalikan sa isip ko ang dahilan kung bakit kita pinakasalan or whatever they would call the situation between us. Hindi naman talaga kasal ang unang pakay ko sa'yo. You were supposed to be part of my plan. Umalis ako agad sa kama upang linisin ang sarili ko. Nang marating ko ang restroom, agad kong nakita ang sarili ko sa malaking salamin. Lumapit ako rito at marahang pinahid ang hamog na bumalot sa ibabaw nito. I stared at my reflection. Then I smiled. “You really did it, Amadeus.” Bahagya kong itinagilid ang aking ulo. “You won the game you played.” Kaswal kong nilinis ang sarili ko habang patuloy na bumabalik sa isip ko ang nakaraan. Kung ano ba talaga ang unang pakay ko sa'yo, Hera. At higit sa lahat kung bakit ikaw ang pinili ko. — March 22, 202 — The day I found out the truth about my sister and her final betrayal.*

  • The Billionaire's Secret   Ika-limang Kabanata

    Isang gabi na naman na hindi ako makatulog. Napabuntong-hininga ako bago tuluyang bumangon sa kama. Tahimik ang buong penthouse. Tanging malamlam na ilaw mula sa hallway ang nagsisilbing gabay ko habang naglalakad ako papunta sa kusina. Kumuha ako ng mainit na gatas. Effective naman iyon sa akin bilang pampatulog. Pero bago pa man ako makabalik sa kwarto, napansin ko ang isang pamilyar na anino sa may malaking salamin. Si Amadeus. Tahimik siyang nakatayo roon. May hawak na baso ng whiskey sa isang kamay at sigarilyo sa kabila. Nakatingin siya sa labas ng malaking salamin, ngunit alam kong hindi niya talaga pinapansin ang tanawin. Malalim ang iniisip niya at alam kong may problema siya, dahil kilala ko na siya ng lubusan. Sa ibang tao, si Amadeus ay malamig. Reserved. Hindi basta-basta nagsasalita. Kahit galit o nasasaktan, kaya niyang itago ang lahat sa isang tingin lang. Pero sa akin? Hindi siya ganun kagaling magtago. Kaya hindi ko maiwasang lapitan siya, dahil nag-aalal

  • The Billionaire's Secret   Ika-apat na Kabanata

    Simula nang makasama ko si Amadeus at Theron, wala nang masamang araw na nagaganap sa buhay ko.Aminado ako, unti-unti nang nahuhulog ang damdamin ko sa kaniya.Lalo na ngayong alam ko na kung gaano siya kaalaga at ka-attentive bilang asawa sa akin at bilang ama para sa aming dalawa ni Theron.Dumating nga rin yung time na nagpunta kaming tatlo sa botanical garden at zoo para maggala man lang bilang isang pamilya.Hindi ko in-expect na pagtitinginan kami ng mga tao at sasabihan kung gaano kagandang pagmasdan ang family dynamics namin.Lalo na noong ibinigay sa akin ni Amadeus ang coat niya habang nanonood kami ng fireworks sa tabing-dagat.At sa mga sandaling iyon, hindi ko na talaga maiwasang tuluyan nang ma-in love sa kaniya.Nang biglang tumunog ang alarm clock ko.Doon muli akong nagising mula sa mahimbing kong pagkakatulog.At kasabay noon ay ang pagbabalik ko sa realidad.Wala pa rin ang asawa ko hanggang ngayon.Iniwan niya kami para sa isang business trip, at hindi ko maiwasan

  • The Billionaire's Secret   Ika-tatlong Kabanata

    April 6, 202* — Three Months After Our MarriageTatlong buwan na ang lumipas mula nang ikasal kami, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano talaga ang dahilan mo kung bakit mo ako pinakasalan.Hindi ko rin maintindihan kung bakit hanggang ngayon, you still haven't asked about such a sensitive matter between us as husband and wife.It's not that it's bad or anything.I just don't understand you, Amadeus.What is your real plan for me?Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa ng penthouse namin habang nagbabasa ng libro nang bigla kong marinig ang pagbukas ng pintuan.Agad akong napatigil sa pagbabasa at tumayo.At doon ka bumungad sa akin.Pero hindi tulad ng dati, tila hindi ka mapakali at parang may kung anong iniisip.Agad akong napataas ng kilay at nag-cross ng arms sa aking dibdib.“What happened?”Hindi ka agad sumagot.Sa halip, bahagya kang tumabi.At doon ko siya nakita.Isang maliit na bata.Tahimik siyang nakatayo sa likuran mo, halos nagtatago sa katawan mo.Mukha siya

  • The Billionaire's Secret   Ika-dalawang Kabanata

    January 7, 202* — The Day After Our MarriageAfter ng wedding natin Amadeus, halos masuka ako sa realidad na kasal na tayo.Sobrang sakit ng ulo ko at bumibilis ang tibok ng puso ko nang maalala ko ang senaryong naglapit ang mga labi natin just to seal our marriage.Hindi ko talaga gustong pakasalan ka at mas lalong hindi ko nagustuhan na kinailangan pa nating gawin iyon.Kinasusuklaman kita ng sobra, Amadeus Sylus Von.At sisiguraduhin kong wala kang makukuha sa akin.Not even a single thing.Kaya nang sumapit ang gabi, ni-lock ko agad ang pintuan ng kwarto at hindi siya pinapasok sa loob.Ramdam ko pa ang pilit niyang pagbukas sa doorknob.Click.Click.Click.“Darling?”Hindi ako sumagot.Hinawakan ko pa lalo nang mahigpit ang doorknob mula sa loob para siguraduhing hindi niya iyon mabuksan.“Open the door.”“No.”“I'm not going to do anything.”“Then sleep somewhere else.”Sandaling natahimik ang kabilang bahagi ng pinto.“That's my bedroom.”“Then from today onwards, consider thi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status