เข้าสู่ระบบ....."I came here in Manila to visit the two of you last Friday. And guess what kung ano ang naabutan kong eksena ninyong dalawa ni Isabelle sa kusina? You two were kissing like a passionate lovers! What was that, Reagan? Paano kayo humantong sa ganung gawain?!"Reagan's heart literally stopped upon hearing those words. P-Pumunta ang ina dito? And... they saw them kissing..?Lalong nagliyab sa galit si Zarayah nang makita ang bahagyang pagputla ng mukha ng binata. His face looked guilty! And the fact na hindi man lang ito nagdahilan upang ipagtanggol ang sarili ay sapat na na pag-amin nito."How can you do that? Magkapatid kayo ni Isabelle! What you two did was immorally ill! Hindi man kayo tunay na magkadugo ay lumaki kayong magkapatid ang turingan sa isa't-isa! Paano mo ito nagawa, Reagan? Why Isabelle of all people? Bakit siya pa ang kinatalo mo?!"Sinalubong ng diretso ni Reagan ang nag-aalab na tingin ni Zarayah. Si Carcel ay pinili munang manahimik sa gilid."Forgive me, mom..d
......"Ang ganda naman ng damit mo, anak. Naka-turtle neck ka eh ang init-init diyan sa labas."Naasiwang ngumiti si Isabelle at inayos ang suot na damit. Ayaw din naman niyang magsuot ng ganito pero wala siyang choice. Medyo halata pa rin kasi ang ilang mga marka sa leeg niya."Hindi naman po ganung kainit, 'my," tawa na lang niya. "At tsaka may aircon naman sa room namin."Tumango-tango na lang si Zarayah habang patuloy sa pagluluto. Si Isabelle naman ay tinutulungan ang ina habang ang iba ay nagkakatuwaan sa sala."Let's eat!" anunsyo ni Zarayah sa lahat nang matapos sa pagluluto.It was a good dinner. Napuno ng tawanan at kwentuhan ang hapag kainan. Sobrang saya ni Isabelle ng mga oras na iyon. Panaka-naka rin ang pagtama ng mga tingin nila ng kanyang kuya Reagan. Ngingiti ito sa kanya kaya ngingiti na lang din siya upang wala ng problema."Siguro ka ba, anak, na wala ka pang boyfriend? Baka naman meron at inililihim mo lang sa amin," nanunudyong tanong ni Carcel sa panganay, tin
.....Hindi nakaligtas kay Isabelle ang bumadhang gulat sa mukha ng kuya Reagan niya nang makita siyang nakapwesto na sa passengers seat ng sasakyan nito. Natigil ito sa paglakad at bumaling pa ito sa direksyon kung saan nanggaling. Maybe he was wondering if she saw Kath kissing her.Yes, she saw it! Now what? Ano namang klaseng palusot ang gagawin nito?Umismid si Isabelle at humalukipkip nang pumasok na ito. Ang mga mata nito ay nakatutok sa kanya. At pagkaupo na pagkaupo nga nito ay agad siyang hinarap upang magpaliwanag."It's not what you think, Belle. Hindi ko alam na gagawin ni Kath iyon—""Dapat ay alam mo!" pagpuputol niya sa sinasabi nito. Naiinis siya at hindi na niya kayang itago pa iyon. She was in good mood until she saw them."What?" Kunot na kunot ang noo nito."Don't play dumb, kuya Reagan! Bakit ba kasi hindi mo pa siya ipagtulakan palayo? Hindi mo naman siya girlfriend ah? I don't understand why you're still letting her close to you when you already have me!""Princ
....."Good morning!" Masiglang bati ni Isabelle sa kuya Reagan niya nang pumasok ito sa kusina. Kakagising lang nito dahil napuyat ito sa kaka-review ng mga papeles na kailangan nitong pirmahan. Kaya kahit na ayaw pa sana niyang bumangon para magluto ay wala siyang choice. Papasok pa kasi ito ng maaga sa opisina."Good morning," anito sa garalgal na boses at yumakap sa kanya mula sa likuran. Isinubsob nito ang mukha sa kanyang leeg at huminga doon. Kinikilig naman siya dahil para na silang mag-asawa sa sitwasyon nila. Ang sweet sweet nito at maalaga sa kanya."Did you have a good sleep?" tanong niya. Hindi na rin kasi niya namalayan kung anong oras na siya nito dinaluhan sa kama. Simula nang may nangyari sa kanila ay sa kwarto na siya nito natutulog. Wala naman siyang tutol doon dahil gusto niyang lagi silang magkasama."I did," he hummed against her neck. "I always get good sleep whenever you're in my arms."Napanguso si Isabelle upang supilin ang pag-usbong ng ngiti sa kanyang lab
......"Will you calm down? Bakit ba galit na galit kang umuwi? Here, drink some water."Inabot ni Zarayah ang malamig na baso ng tubig at inisang lagok ang laman nun. She had mixed emotions right now— pagkalito, labis na pagkagulat at higit sa lahat... galit at pagkabigo."I thought bukas ka pa uuwi? Bakit bumalik ka agad?" kunot ang noo na tanong ni Carcel sa asawa. Palakad-lakad ito sa sala at hindi mapakali. Siya tuloy ang nahihilo dito. "Can you tell me what happened?" dagdag pa niya nang matulungan ito kung sakaling meron itong malaking problema.Nagngingitngit ang ngipin na hinarap siya ni Zarayah, para bang sa kanya pa galit. "I-I saw them kissing!"Lalong nangunot ang noo ni Carcel. "Kissing? Who's kissing who?""Sina Isabelle at Reagan!" bulalas nito sa nanlalaking mga mata.Natigilan siya sa sinabi ng asawa at nagseryoso. "Stop it, Zara. Hindi nakakatuwa yang biro mo.""Tingin mo ba ay nagbibiro ako?! Tingnan mo nga ang mukha ko kung natutuwa ako!"Itinikom na ni Carcel an
.....Naalimpungatan si Isabelle sa init ng sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. She groaned, wincing in pain as she tried to move to sat up on the bed. Her body was aching all over. Kaunting galaw lang ay napapangiwi na siya sa sakit. Nilingon niya ang kabilang panig ng kama. Bakante na iyon. Nasaan kaya ang kuya Reagan niya?Isabelle almost took forever to finally leaned back against the headboard. Maya-maya ay natulala siya sa kawalan. Malinaw na malinaw pa rin sa kanya ang nangyari sa kanilang dalawa kahapon. Hindi niya mabilang kung ilang beses nilang ginawa iyon. Paulit-ulit siya nitong inangkin na para bang walang kapaguran. Nagsimula sila sa hapon hanggang sa maggabi na at natulugan na lang niya sa matinding pagod. Kaya hindi na nakapagtataka pa na parang binugbog ng isang dosenang sanggano ang pakiramdam niya. A soft smile crept on Isabelle's lips. Despite all the pain that she was feeling right now, she was happy.Basta masaya siya. Hindi dahil sa may nangyari sa ka
"A-Allison?!" Bulalas ni Zarayah sa pinaghalong surpresa at pagkagulat pagkakita sa kanyang kaibigan. Ang alam niya ay nawawala ito at sa loob ng isang taon ay wala siyang narinig na balita dito. Inakala ng lahat na baka namatay na rin si Allison sa kung saan. Kaya sobra siyang nagulat nang basta
"G-Gregory!" tili ni Cristina habang sinusubukan na awatin ang asawa. "Tama na iyan! Baka mapaano si Ethan!"Isa pang suntok ang pinakawalan ni Gregory bago tinantanan ang binata. Hindi nila mahanap sa kung saan si Sofia, wala ring alam ang mga kaibigan nito kaya napilitan na silang humingi ng tulo
"Honey. I miss you so much!" Dinambahan ni Sofia si Ethan pagkapasok na pagkapasok pa lang ng dalawa sa sasakyan ng binata. Sinunod nila ang lahat ng instructions ng kidnapper, walang pulis at dapat ay walang ibang makaalam sa mga pangyayari. Alas onse ng gabi nang matagumpay nilang nakuha si Sof
Malakas na hinampas ni Sofia ang kanyang lamesa nang malaman na hindi na-approved ang kanilang business proposal. Ilang gabi nilang pinagpuyatan iyon ng kanyang ama tapos mauuwi lang sa wala? Hindi siya papayag!"Analisa!" tawag ni Sofia sa kanyang sekretarya. Ito ang dating secretary ni Damian. Ay







