Matapos makauwi galing bakasyon at makipaghiwalay kay Zarayah, walang pag-aalinlangan na inimbitahan ni Ethan si Sofia sa kanilang family house kung saan nakatira ang kanyang mga magulang at nakababatang kapatid. Nasabihan na niya ang nga ito na may kasama silang magdi-dinner. Alam ng kanyang mga magulang ang pinaggagagawa niya sa kanyang buhay at wala siyang narinig na salita galing sa mga ito.
"Ma, Pa. Si Sofia pala. Ang bago kong kasintahan," puno ng pagmamalaki na pakilala ni Ethan sa dalaga. Mahinhin ang ginawang pagtawa ni Sofia, kalkulado ang mga galaw na parang babasaging krystal. Sa isip ng dalaga ay hindi siya pwedeng magkamali sa harap ng mga ito. "Hello po, Mr & Mrs. Solomon. Nice meeting you po." "Nice meeting you rin, hija. Naku, napakagandang bata. Parang anghel!" puno ng galak na litanya ni Letecia Solomon na agad namang sinang-ayunan ng asawa. Pustorang-pustora ang ginang. Kahit nasa bahay lang ay kumikinang ang mga palamuting alahas sa katawan. Maganda pa rin ito kahit may edad na ngunit mahahalata rito ang pagiging mataray at estrikta. "So, kailan niyo kami bibigyan ng apo? Naku, Ethan. Alam mong matagal na naming pinapangarap iyon," pasaring pa ng ginang sa gitna ng pagkain. Wala na silang pakialam kay Zarayah sa puntong ito. Mas mabuti ngang hiniwalayan ito ng kanilang anak dahil wala rin namang silbi. Mainit na nga ang dugo niya rito, hindi pa sila kayang bigyan ng apo. "Gusto namin ng lalaki," dagdag naman ni Ernesto Solomon na tahimik lang na nakikinig sa usapan. Namumula naman kunwari ang mukha ni Sofia ngunit sa loob ay gustong-gusto niya ang mga naririnig na salita galing sa mag-asawa. Ibig sabihin ay gusto siya ng mga ito para kay Ethan! Etsapwera na talaga ang kapatid niya. "Kung ako po ang tatanungin ay gusto ko na talagang bumuo ng pamilya. Pero si Ethan pa rin po ang magdedesisyon. Right, honey?" Ginagap ni Ethan ang kamay ng dalaga at hinalikan iyon. "Don't worry, hon. Magpapakasal tayo sa lalong madaling panahon. Pagkatapos nun, kayang-kaya kitang bigyan ng maraming anak," pilyo nitong sinabi na siyang ikinapula ng mukha ni Sofia. Gosh. Hindi na talaga siya makapaghintay! Samantala, mabilis ang patakbo ni Zarayah ng kanyang sasakyan papunta sa mansyon ng mga Solomon. Nanginginig ang kanyang mga kamay na nakahawak sa manibela. Kailangan niyang makausap ang mga magulang ni Ethan. Kahit na pakiramdam niya ay ayaw ng mga ito sa kanya ay hindi naman naging bastos ang mga ito lalo na at magkaibigan ang kanilang mga magulang at magkasosyo rin sa negosyo. Simula nang umuwi siya ng Pilipinas ay wala pa siyang naging sapat na pahinga dahil sa magkabila niyang probelema. Divorce? Sa kabila ng pag-iyak ay mapakla siyang natawa. Bakit ang dali lang para sa kanyang asawa na palitan siya? Ni hindi man lang nito pinakinggan ang mga pagmamakaawa niya. Ang dami niyang naging sakripisyo dito ngunit itatapon lang siya na parang basura. Hindi siya yung tipo ng babae na basta-basta na lang iniiwan. Hindi siya makakapayag! Sakto namang kakauwi ni Destiny galing sa paaralan at nagtaka nang makitang umiiyak ang dalaga na lumabas ng sasakyan nito. "Ate Zara. Why are you crying? May nangyari ba?" Ate na ang tawag niya rito dahil nga asawa na ito ng kuya Ethan niya. Kahit hindi sila parating nag-uusap ay gusto niya ang vibe ni Zarayah Del Valle— cool and classy like her. "Don't mind me," maikling sagot ni Zara at nagmamadaling pumasok sa loob ng kabahayan. Nagmamadali namang sumunod si Destiny sa dalaga sa pakiramdam na may interesanteng bagay na mangyayari. "Nasaan si Tita at Tito? Nakauwi na ba sila? Gusto ko silang makausap," dire-diretsong tanong ni Zarayah sa katulong na namutla pagkakita sa kanya. "Yaya. Here. Take my bag upstairs," bigay ni Destiny sa katulong at sinundan si Zarayah sa kusina. Sa bungad pa lang ay rinig na ni Zarayah ang masayang usapan at tawanan sa loob ng kusina. At nang tuluyan na ngang makapasok ay halos maitulos ang dalaga sa nakita. Nandito nga ang mag-asawang Solomon, si Ethan at ang... at ang babae nito! Sa tindi ng galit na nararamdaman sa mga oras na iyon ay hindi na napigilan ni Zarayah na sugurin ang mga ito. Hindi niya alam kung sino sa dalawa ang uunahin pero kusang umigkas ang kamay niya at sinabunutan ang haliparot na kabit ng kanyang asawa. "Walang hiya ka talaga! Ang kapal ng mukha mo na pati dito ay dadalhin mo ang kalandian mo! Hindi mo ba alam na may asawa na iyang kinakarengkeng mo?!" sigaw niya dito sabay hila mula sa pagkakaupo. Hindi siya bayolenteng tao pero hindi lang niya talaga mapigilan ang sarili sa sobrang sakit na nararamdaman niya nitong mga nakaraang araw. "Bitawan mo siya, Zara!" galit naman na inawat ni Ethan ang dalaga at malakas itong itinulak ito palayo. Dinuro pa niya ito habang mahigpit na nakayakap sa umiiyak na si Sofia. "At ikaw? Ano ang ginagawa mo dito sa pamamahay ng aking mga magulang ng walang pahintulot? This is clearly trespassing! Pwede ka naming idemanda for harassment!" Muntik nang matumba si Zarayah sa pagkakatulak sa kanya ni Ethan kung hindi lang siya mabilis na naalalayan ni Destiny. Hindi pa siya nakakatayo nang mabuti nang isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya. "Mommy!" sigaw ni Destiny sa gulat sa ginawa ng kanyang ina sa sister-in-law niya. "T-Tita—" "Ito ang tatandaan mo, Zarayah. Wala kang karapatan na dungisan ng masama mong ugali itong pamamahay ko! Pangkanto talaga ang ugali mo kahit kailan. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ka pinakasalan ng anak ko!" matalim ang mga mata na wika ng ginang. Gustong maiyak ni Zarayah sa mga oras na iyon dahil pakiramdam niya ay wala siyang kakampi. Ngunit kahit ganun ay sinabi pa rin niya kung ano ang pakay niya sa pagpunta rito. "T-Tita, Ethan wanted us to divorce. Please, kausapin niyo po siya. Magagalit si Papa kapag nalaman niya ito. Ang mga kompanya...baka maapektuhan." Iyon na lang ang tanging alam niya upang kumampi ang mga ito sa kanya. Ngunit isang nang-iinsultong tawa ang lumabas sa bibig ni Letecia. Nagawa pa nitong manakot eh sariling ama rin nito ang nagbigay ng pahintulot sa relasyon ni Ethan at Sofia. Isa itong mang-mang kung hanggang ngayon ay wala pa itong nalalaman. "Sa tingin mo ba ay may pakialam pa kami sa bagay na iyan? Walang may gusto sa iyo dito kaya gumising ka na! Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa mga taong ayaw sa iyo. Mahiya ka naman sa sarili mo!" Tahimik lang si Ernesto Solomon sa tabi habang natutuwa naman si Sofia sa mga nangyayari. Ang tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan upang mawala sa landas niya ang babae. Hinablot ni Ethan ang envelope kung saan nakapaloob ang kanilang divorce paper. Marahas niyang inilahad iyon sa harap ng dalaga. Nakaramdam siya ng kaunting guilt ngunit mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang kumawala dito. "Pirmahan mo," matalim niyang utos. Unti-unting namalisbis ang luha sa mga mata ni Zarayah habang nakatitig sa papel. Ito na ba? Wala na ba talagang pag-asa? "I said pirmahan mo!" bulyaw ni Ethan."Let's give a round of applause to the new CEO of the Escalante Empire— Martina Davison!"Napagkit ang mga mata ng lahat sa babaeng lumabas mula sa backstage. Ngiting-ngiti ito at kumakaway pa na parang beauty queen. Sa loob-loob ni Martina ay minumura na si Zarayah dahil dinamay pa siya sa mga kalokohan! Goodness, flight niya dapat ngayong gabi na ito!Muling nagbulungan ang mga bisita doon dahil base na rin sa pagkaka-describe ng emcee ay si Zarayah Del Valle lang ang maaring tinutukoy nito. Nalito tuloy ang mga tao."Wala ba akong masigabong palakpakan diyan?" untag ni Martina sa mga tao. Nag-tagalog na siya para maniwala ang mga ito na Filipino siya kahit mukha siyang banyaga.Ang pamilya Del Valle ang unang pumalakpak na sa kabila ng kalituhan ay nakaginhawa na ibang mukha ang lumantad. Impossible naman kasing si Zarayah ang tinutukoy ng emcee.Ang palakpak na iyon ay nasundan hanggang sa napuno na ng masigabong palakpakan ang silid. "Look at here, miss! There you go! You look s
Pinanuod ni Sofia si Ethan na nagbibihis. Sobrang tikas nito ngayon na para bang pinaghandaan ang gabi na ito. Hindi tuloy napigilan pa ni Sofia ang sarili at nilapitan ang asawa. Mula sa likod ay niyakap niya ito."You're so handsome, hon. Bagay na bagay talaga tayo sa isa't-isa."Napangiti naman si Ethan sa sinabing iyon ng babae. Muli niyang pinasadahan ang buhok. He even had a haircut just for tonight. Hindi niya namamalayan na sinusunod na pala niya ang bilin ng ama. Ang mga kamay ni Sofia ay walang pasabing bumaba at dinama ang pagkalalaki ng asawa. Napapitlag si Ethan ngunit napaungol din ng mahina nang maramdaman ang pagpisil ng babae doon."Hon, we're going to be late.."Bahagyang napasimangot si Sofia dahil sinusuway siya ng asawa. Mas gugustuhin pa nga niyang manatili na lang sa bahay at maglampungan kaysa sa um-attend sa event na iyon. Kung hindi lang nila nililigawan ang may-ari ng Escalante Empire ay nunca siyang pupunta."Do I look good in my dress?" Umikot-ikot pa si
"I can't believe that Signore Carlos assigned me with this kind of job."Binalingan ni Zarayah si Stephan na naghihimutok na naman. Hindi na talaga ito nagtigil sa kakareklamo simula nang dumating ng Pilipinas. Isa ang lalaki sa mga elite bodyguards ni Lolo Carlos. Maging siya ay nagulat nang malamang pinasundan pala siya ng matanda. Sa totoo ay hindi niya kailangan ng bodyguard at lalong hindi magmumukhang bodyguard si Stephan."Bumalik ka na lang kasi ng Italy—""Speak in English, damnit!" Natawa si Zarayah. Bugnutin talaga kahit kailan. "Ang sabi ko ay bumalik ka na lang sa Italy. Hindi rin naman kita kailangan dito.""Wow!" Puno ng pagkamangha at sarkasmo ang mga mata ni Stephan sa sinabi na iyon ng babae. "Look at you being proud now when you're the one begging me before to teach you how to handle guns.""That was before," sagot naman ni Zarayah habang inaayos ang make-up. This night is her welcome party at walang nakakaalam na siya ang nagmamay-ari na ngayon ng Escalante Empire
1 year later....."Ahhh!. E-Ethan. Why are you so rough?" pasigaw na ungol ni Sofia habang walang kapaguran at paulit-ulit na inaangkin ng asawa. Para namang nabingi na si Ethan at hindi pinapakinggan ang mga hinaing ng dalaga at tuloy lang sa ginagawa."Ohhh Ethan!" tili ni Sofia nang marahas siyang binaliktad ng lalaki at mula sa likod ay muling inangkin. "Shit... ahhh... ahhh." mga palahaw niya nang maramdaman ang sarap sa bawat hugot at baon ng pagkalalaki ng sa kanyang kaloob-looban. Sobrang tigas nun at halatang sabik na sabik sa kanya. Ang hindi alam ni Sofia ay may halong galit ang pag-angkin sa kanya ni Ethan. Isang taon na ... Isang taon na ngunit hindi pa rin nagbubuntis ang babae. Ayaw niyang magalit dito kaya sa ganitong paraan na lang niya ibubunton ang sama ng loob. Hindi alam ni Ethan kung paano kukumbinsihin muli itong magpacheck-up dahil nag-away sila noong una at huli nilang pag-uusap tungkol sa bagay na iyon. "Ahh... I'm coming, Ethan!" nanginginig ang buong kat
Muling napabuntong hininga si Zarayah habang nakapangalumbaba sa veranda ng silid na tinutuluyan niya. Hindi niya alam kung ilang oras na siya naroon. Malalim na ang gabi ngunit hindi talaga siya dalawin ng antok sa dami ng bumabagabag sa isipan niya. Muli niyang ginunita ang naging usapan nilang tatlo kanina..Ayon kay Carlos Escalante ay para raw may sumpa si Carcel. Though hindi naniniwala ang mga ito sa sumpa ngunit dahil sa mga nararanasan ng binata ay ganun na ang iniisip ng lahat. They dug deep at base na rin sa mga nakalap na data at impormasyon ni Carlos Escalante ay nag-ugat ito simula nang sumali ang apo sa organisasyong kinabibilangan ngayon. Dahil ang ibang mga miyembro ng grupo ay ganun din ang nangyayari. Minamalas sa pag-ibig. Karamihan doon ay namamatay ang mga babaeng minamahal ng mga ito. Hindi sa sakit kung hindi dahil sa mga pangyayaring nasasangkot ang mga babae sa gulo ng buhay ng mga ito.So it was like a curse, a plaque that spread all throughout the members o
Sicily, Italy..."Woah..." Namamanghang inilibot ni Zarayah ang paningin sa bawat kalye at establisyemento na nadadaanan ng sasakyang kinalalagyan nila. She never been to this country at nagsisisi siya na hindi siya bumisita dito noong mga panahong naglalakwatsa pa siya kasama ng mga kaibigan.This place is magnificent! Ibang-iba sa mga bansang napasyalan na niya.Hindi pa lumalapag ang eroplanong sinakyan nila kanina ay napansin na niyang may naghihintay na na service sa kanila. Nakauniporme ang driver at parang robot, walang emosyon ang mukha at hindi nagsasalita hangga't hindi kinakausap. 'Sobrang trained naman nito,' sa isip-isipni Zarayah.Ang totoo niyan ay kanina pa siya kinakabahan. Pinagpapawisan din siya ng malamig. Wala siyang ideya ni isa kung bakit siya napunta sa sitwasyon na ito. Sumunod lang siya sa utos ni Magnus. Go with the flow ika pa nga nito.Napalunok si Zarayah nang bumukas ang malaki at mataas na bakal na gate. Pumasok ang sasakyan sa isang malawak na bakura