Share

Chapter 5: Balak

last update Last Updated: 2025-09-28 22:22:24

Sa nanginginig na kamay ay wala sa sariling pinirmahan ni Zarayah ang divorce papers. Parang may sariling utak ang katawan niya— na ito na mismo ang umaayaw sa ginagawa niyang pagpapakamartir sa asawa niya. Hindi na maampat ang mga luha niya nang matapos siya sa pagpirma.

"Very good.. Very good," natutuwang pumalakpak si Letecia. "Huwag ka nang muli pang tatapak dito, naiintindihan mo? Hindi ka nararapat sa pamilyang ito. Mabuti na lang at natauhan itong si Ethan. Hindi ko na kailangan pang magtiis sa pagmumukha mo." Nang-iinsulto ang mga mata nitong nakatingin sa dalaga.

Para namang binunutan ng tinik si Ethan nang sa wakas ay pumirma na rin ito. Si Sofia naman ay pinipigilan lang ang sariling magtatatalon sa tuwa.

Hindi na kaya ni Zarayah na pakinggan pa ang masasakit na salita ng mga ito sa kanya. Sobra siyang nasaktan na hindi man lang siya sinubukan na ipagtanggol ng kanyang asawa.

She never felt insulted like this in her entire life. Ang tingin sa kanya ng mga magulang ng binata ay isa siyang maruming babae dahil sa hilig niyang gumimik sa kung saan-saan noon. Noon pa man ay tutol ang mga ito sa relasyon nilang dalawa ngunit lagi siyang ipinagtatanggol ni Ethan dahil mahal siya nito. Unti-unti niyang binago ang sarili para lang magustuhan ng mga ito ngunit wala pa rin. Wala na atang taong tatanggap sa kanya ng buo. Hindi naman siya pok pok. Mahilig lang talaga siyang maglakwatsa.

Matapos ang komosyon sa hapagkainan ng mga Solomon ay muling ipinagpatuloy ng mga ito ang naudlot na dinner na parang walang nangyari. Mas lalo pa ngang sumaya ang mga ito na nagsalo liban kay Destiny na padabog na umakyat sa kwarto.

"Excuse me po. Meron lang akong tatawagan," paalam ni Sofia sa mga kasalo at pumunta sa madilim na bakuran.

"Good evening, ma'am. Napatawag po kayo," tawa ng bruskong boses mula sa kabilang linya.

"May ipapagawa ako sa inyo. At huwag na huwag kayong papalpak. Naiintindihan mo?"

"Yes, ma'am. No problem. Basta tama ang presyo, maasahan mo kami."

Napangisi si Sofia at sinabi sa kausap ang gusto niyang ipatrabaho. Ngunit naglaho ang ngisi sa kanyang labi nang muling maaala kung gaano kaganda si Zarayah Del Valle. Alam niya sa sariling maganda siya ngunit mas kakaiba ang ganda nito. Humigpit ang hawak niya sa cellphone at muling nagsalita.

"Change of plan. Huwag niyo na siyang p atayin. Ang gusto ko ay sirain niyo siya. Wasakin niyo ang lahat-lahat sa kanya hanggang sa wala na siyang mukhang ihaharap pa sa mga tao. Dodoblehin ko ang bayad kapag nagawa niyo ang pinapatrabaho ko ng tama."

Pagkatapos nun ay pinatay ni Sofia ang tawag at muling bumalik sa hapagkainan.

• • •

Mariin na pinunasan ni Zarayah ang kanyang mga mata nang mapagtantong naliligaw siya. Sa sobrang taas ng emosyon niya kanina ay hindi na niya namalayan ang direksyon na tinatahak niya. Wala siyang makitang kabahayan. Tanging madilim na kalsada at sa magkabilang gilid ay kakahuyan. Nakalabas na ba siya ng bayan?

Ginapangan na siya ng kaba lalo na nang makitang walang signal ang cellphone niya. Hindi niya tuloy malaman kung saan lupalop na siya ng mundo napadpad.

"Bwisit talaga ang buhay na ito," bulong niya sabay hampas sa manibela.

Doon niya napansin ang dalawang sasakyan na nakasunod sa kanya. Mabagal lang ang patakbo niya. Two lane ang malawak na kalsada ngunit kataka-takang hindi siya nilalampasan ng mga ito. Doon na siya nakaramdam ng takot.

Bakit parang.... sinusundan siya?

Pinabilis niya ang pagmamaneho at bumilis din ang takbo ng dalawang sasakyan. Sa mga oras na iyon ay gusto na niyang maiyak habang palingon-lingon sa magkabilang gilid ng kalsada, nagbabakasakali na may makita siyang bahay o establisyemento.

"Boss, nahalata tayo."

Pinaharurot na ng dalaga ang sasakyan sa kagustuhan na makatakas. She checked the gas. Full tank. Doon niya naalala na magaling siyang magmaneho. She used to join drag race along with her cousins. Kayang-kaya niyang takasan ang mga ito basta magpakahinahon lang siya. Swerte niya at naibagay ang kotse na nagamit niya.

"Shit. P utangina. Lumalayo!" anang lider ng grupo nang makitang lumalayo ang agwat ng target sa kanila.

"Bilisan niyo! Baka makawala!"

"Eh boss, ang bilis ng sasakyan niya kumpara sa ngarag nating second hand na van!"

Napamura si Kaloy at walang sabi-sabing kinuha ang baril at ikinasa iyon. Hindi pwedeng pumalpak sila dito dahil malaki ang makukuha nilang bayad sa trabahong ito.

Unti-unti nang nakakahinga si Zarayah nang makitang lumalayo na ang agwat niya sa dalawang sasakyan. Tiningnan niya muli ang cellphone kung may signal na ba ngunit ganun na lang ang sigaw niya nang makarinig ng malakas na putok ng baril. Nagpagewang- gewang ang sasakyan niya, hindi niya iyon makontrol hanggang sa sumalpok iyon sa malaking puno at nawalan siya ng malay.

"Wooh! Jackpot tayo dito, boss! Ang ganda! Sobrang kinis! Bakit ito pinapatumba ng kliyente natin?" tanong ng isa sa anim na kalalakihan habang pinagmamasdan ang walang malay na dalaga sa loob ng kotse.

"Hindi ko alam. Basta sumunod na lang tayo sa utos. Tayo na raw ang bahala sa kanya basta huwag papatayin at ibalik din agad sa bayan pagkatapos."

Nagkatinginan ang mga ito nang maintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kanilang lider. Sino ba ang tatanggi sa grasya kung ganito kaganda ang nakahain sa kanilang harapan? Ito ang klase ng ganda na galing sa alta sociedad na karaniwang hindi nila nakakasalamuha.

Isa-isang nagsiliparan ang mga damit ni Zarayah sa ere. At bawat kutis na malantad sa paningin ng mga kalalakihan ay lalong naglalaway ang mga ito. Doon na nagsimulang mag-away ang anim.

"Ako ang boss ninyo! Ako dapat ang nauuna sa lahat ng grasya na matatanggap ng grupo!"

"Pero ako ang pinakamatanda sa ating lahat dito! Ako dapat ang masusunod!"

"Hindi! Ang may itsura dapat ang mauna!"

Naalimpungatan si Zarayah dahil sa mga boses nag-aaway sa di kalayuan. Nilalamig ang katawan niya dahil tanging underwear na lang ang suot niya ng mga sandaling iyon. Kahit nananakit ang buo niyang katawan dahil sa pagkaka-aksidente ay pinilit niyang tumayo at lumakad ng tahimik hanggang sa unti-unti na siyang tumakbo papasok ng kakahuyan.

"Tumatakas ang babae! Habulin niyo!"

Napaiyak si Zarayah sa sitwasyong kinakaharap niya. Paano siya napunta sa ganitong sitwasyon? Ramdam niyang may sugat siya sa ulo dahil nahihilo siya ngunit sige pa rin siya sa pagtakbo kahit pagewang-gewang na siya.

Hindi pa siya pwedeng mamatay. Hindi niya hahayaan na magtagumpay ang masamang balak ng mga ito sa kanya.

Ilang sandali lang ay isang matinis na sigaw ang umalingawngaw sa buong kagubatan. Namalayan na lang ni Zarayah na gumugulong siya pababa ng bangin. Natawa siya ng mapakla. Bakit ba napakamalas niya? She refused to die here. Pero mukhang katapusan na niya talaga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Seventh Wife    Chapter 82: Not Invited

    "Once a man gets married, he must set some boundaries to every woman around him kahit na malapit pa niya itong kaibigan. I'm not saying na kalimutan nila ang kanilang samahan. Hindi lang kasi magandang tingnan na sobrang lapit ng asawa mo sa isang babae at nakikipagharutan pa dito," matigas niyang salita.Bumuntong hininga si Carcel at banayad na hinawakan ang hita ng asawa upang pakalmahin. Alam niyang galit na naman ito.Napahalakhak si Gregory sa turan na iyon ng anak. "Hindi ko alam na selosa ka pala, hija. Ang magkaibigan ay magkaibigan, pwera na lang kung malisyosa kang mag-isip. Parang tinatanggalan mo na si Sofia ng karapatan na makipaglapit sa iyong asawa.""Gregory..." mahinang suway ni Cristina. Nakikinita na niya kung saan na naman papunta ang usapan na ito."Karapatan?" Zarayah chuckled in sarcasm. Tuluyan na talaga siyang nawalan ng gana. "Anong karapatan ang pinagsasabi mo, dad? They're just childhood friends," pagdidiin pa niya sa salita. "Magkaibigan lang sila pero ak

  • The Billionaire's Seventh Wife    Chapter 81: Sly

    "Hello, sis!" Nagulat si Zarayah nang lumapit sa kanya si Sofia at nakipagbeso-beso. Hindi agad siya naka-react dahil hindi niya inaasahan ang ginawa na iyon ng babae. Last time she checked ay kulang na lang ay isumpa siya sa matinding galit. What was she planning this time? Nonetheless, ayaw niyang gumawa ng gulo dito kaya sasabayan na lang niya ang kung ano mang trip nito ngayon.Tipid lang siya na ngumiti dito at ikinawit ang mga kamay sa braso ni Carcel upang ipakita dito na pag-aari niya ang binata.Napagkit doon ang mga mata ni Sofia pero nanatili pa rin ang mga ngiti sa labi."Oh hali na kayo at ng makakain na tayo."Sumunod sila Zarayah kay Cristina. Nasa hapag sina Gregory, Alejandro at Margareth na nag-uusap. "Good evening, Tita Margreth.. Tito Alejandro," magiliw niyang bati sa dalawa. Nang mabaling ang kanyang paningin sa kanyang ama ay tinanguan lang niya ito. Tuluyan na talaga siyang nawalan ng amor dito. Ganun din ang ginawa ni Gregory sa anak pero si Carcel ay binat

  • The Billionaire's Seventh Wife    Chapter 80: Random

    "Ano ang nauna? Manok o itlog?""Manok," sagot ni Carcel habang naka-focus pa rin sa pagda-drive. Umalis na sila sa beach resort dahil birthday ng Mommy Cristina niya ngayon.Well, the lady told him to call her that way tutal at asawa naman na raw niya ang anak nito. Medyo ilang siya sa tawag na iyon pero nasasanay na rin kahit papaano. He grew up without parents. Ang abuelo niya ang una niyang nasilayan noong nagkamuwang siya sa mundo. Wala siyang mga magulang na nakagisnan. Ayon sa yumaong lolo ay nagkasakitan daw ang dalawa na sanhi ng ikinamatay ng mga ito. Her mother was a soldier while his father... well, do some illegal stuffs.Walang masyadong detalye na inilahad ang kanyang abuelo pero matindi raw ang pagmamahalan ng kanyang mga magulang. Na umabot nga hanggang sa hukay. It's not a big deal to him anyway dahil hindi naman niya nakilala ang mga ito. Bukod pa doon ay masyado siyang rebelde noong kabataan niya upang isipin ang kawalan ng mga magulang."Wrong!" Pinag-ekis ni Zar

  • The Billionaire's Seventh Wife    Chapter 79: Preparations

    Sa mga sumunod na mga araw ay naging busy sina Zarayah at Carcel sa paghahanda sa kanilang kasal. Binibilisan na nila dahil na rin sa kagustuhan na umalis na ng bansa. Imbitado ang mga malalapit niyang mga kamag-anak pati na rin ang mga naging kaibigan nila sa San Juan. Si Carcel mismo ang nag-asikaso sa sasakyan na susundo sa mga ito. Ayaw ni Zarayah ng enggrande na kasal pero hindi pumayag ang kanyang asawa sa gusto niya sa pagkakataon na ito. Ang sabi ay babawi raw sa kanya dahil impromptu lang ang unang kasal nila noon."Ito po miss Zarayah ang ilang mga theme and styles na napili ni Mr. Escalante sa inyong reception. Pwede po kayong mamili dito and if in case na wala kayong magustuhan then you can tell us your idea.""Wow. Ang gaganda," usal ni Zarayah habang tinitingnan isa-isa ang mga larawan na nasa ipad. Sa sobrang ganda ng mga nakikita niya ay hindi niya tuloy alam kung ano ang pipiliin."Pwede bang lahat?" tawa niya habang nahihirapang magdesisyon.Tumawa naman si Winie—

  • The Billionaire's Seventh Wife    Chapter 78: After The Wedding

    Tinitigan lang ni Cristina si Sofia at hindi agad sinagot ang tanong nito. Sinusubukan niyang basahin kung ano ang tumatakbo sa isipan ng dalaga ngunit bigo siya na gawin iyon. Sofia was smiling sweetly at her but she knew that behind that smile was something dark and evil.Bihira lang itong magtanong tungkol kay Zarayah at kung maaari ay ayaw nitong nababanggit ang pangalan ng kanyang anak. Mukha itong maamong tupa ngayon."Cristina, kinakausap ka ni Sofia," tikhim ni Gregory nang mapansing hindi kumikibo ang asawa.Hinawi ni Cristina ang sarili at sinagot ang tanong ng dalaga. "Yes. I'll invite them with her husband for a family dinner. Gusto ko sana na magbakasyon kami buong pamilya sa birthday ko pero next time na siguro kapag nakalabas na si Damian.""Kami? Si Tita naman. Kayo lang? What about me? Hindi niyo ako isasama? I'm already part of the family, right?" nakatawa na turan ni Sofia ngunit sa loob-loob ay nainis sa simpleng pasaring na iyong ng ginang.Muntik nang sabihin ni

  • The Billionaire's Seventh Wife    Chapter 77: Bipolar

    Malakas na ibinato ni Sofia ang cellphone sa pader at nagkalasog-lasog iyon nang mahulog sa sahig. Muli siyang humagulgol at pinagbabasag ang mga gamit na kanyang mahawakan. Hindi niya kayang matanggap na ganun na kalamig ang trato ni Carcel sa kanya. He used to comfort and hug her, tell her stories that would make her giggle. Pero ngayon ay nasira na ang lahat simula nang umeksena ang Zarayah na iyon sa buhay nila! She changed Carcel to someone she doesn't know anymore. Malamang sa malamang na sinabihan nito ang binata ng kung anu-ano upang siraan siya! Zarayah brainwashed him!Dali-dali namang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay si Gregory nang makarinig ng mga pagkabasag galing sa kwarto ng anak."Sofia!" Nagimbal si Gregory sa naabutang ayos ng kwarto ng dalaga. Punit ang mga kurtina, basag ang ilang bintana at nagkalat ang mga gamit sa lapag. "Ano ba ang nangyayari sa iyo?!" Nanlaki ang mga mata ni Gregory nang sa gitna ng mga paghagulgol ay sinasabunutan na rin ni Sofia ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status