LOGINAvelina "Avril" Montenegro
Isang linggo na ang nakalipas mula nang pumirma ako sa kontrata, at heto ako ngayon, nakatayo sa labas ng pintuan ng isang napakalaking ballroom para sa grand anniversary gala ng Montecillo Group. Suot ko ang asul na midi dress na pinili ko kahapon, habang si Stefan naman ay nasa tabi ko, nakasuot ng itim na tuxedo na bagay na bagay sa kanya.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya nang palihim. Kahit wala naman akong balak na hangaan ang lalaking ito, mahirap talagang hindi mapansin kung gaano siya kaayos tingnan sa suot niya. The black tuxedo, his perfectly styled hair, and that naturally intimidating expression made him look like someone who owned the entire building.
Which, considering his status, wouldn't even surprise me.
"Huwag kang masyadong kabahan. Ang kailangan mo lang gawin ay ngumiti, kumapit sa braso ko, at hayaan akong sumagot sa mga tanong ng mga tao rito," bulong ni Stefan habang inilalahad ang braso niya sa akin.
Napairap ako bago ko hinawakan ang braso niya. "Hindi ako kinakabahan sa mga negosyanteng nandito. Ang iniisip ko lang, makakakain kaya ako nang maayos mamaya nang hindi nasasamid sa harap ng mga elite mong kamag-anak?"
Bahagyang lumingon sa akin si Stefan. "Seriously? Pagkain talaga ang iniisip mo ngayon?"
"Of course. Hindi naman ako pumunta rito para mag-audition bilang next CEO ng kumpanya mo."
"Good. At least alam mong hindi mo trabaho ang pakialaman ang negosyo ko."
"Don't worry. Wala akong interes sa negosyo mo. Sa pagkain lang talaga."
Napailing siya bago muling humarap sa malaking pintuan. "Just act natural," sagot niya habang dahan-dahang binubuksan ng mga security guard ang malaking pintuan.
"Natural naman ako," bulong ko. "Ikaw lang talaga ang nakaka-stress kasama."
Narinig niya yata ang sinabi ko dahil bahagya siyang napatingin sa akin, pero hindi na siya sumagot.
Pagpasok namin, agad na bumungad sa akin ang naglalakihang chandelier, ang mga bisitang suot ang pinakamamahaling alahas at damit, at ang mahinang tugtog mula sa string quartet sa gilid ng ballroom. Halos lahat ng tao ay mukhang galing sa mga magazine. Mula sa mga mamahaling gown hanggang sa mga suit na siguradong mas mahal pa sa ilang buwang sahod ng ordinaryong empleyado, kitang-kita ang yaman ng mga taong naroon.
Napatingin ako sa paligid habang patuloy na naglalakad sa tabi ni Stefan. Ang laki ng ballroom, at halos bawat sulok ay may mga dekorasyong mukhang pinaglaanan ng malaking budget. May mga waiter na paikot-ikot na may dalang tray ng champagne at appetizers, habang ang ibang bisita naman ay abala sa pakikipag-usap at pagpapakilala sa isa't isa.
Pero hindi nagtagal ang paghanga ko sa marangyang paligid dahil may nakita akong pamilyar na mukha malapit sa buffet table.
Si Mark. At kasama niya si Chloe.
Sandaling natigilan ang mga paa ko.
Naka-gold gown si Chloe habang nakahawak sa braso ni Mark, na mukhang pinagpala na naman sa suot nitong imported suit. Pareho silang mukhang komportable sa gitna ng mga taong mayayaman, na para bang wala silang ibang ginawa sa buhay kundi dumalo sa mga ganitong event.
Nang magtama ang mga mata naming tatlo, agad na nawala ang mga ngiti sa labi nila. Halatang hindi nila inaasahang makikita ako rito, lalo na't kasama ko ang isang lalaking kilala sa industriya tulad ni Stefan Yñiguez.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa reaksyon nila o maiinis dahil kahit pagkatapos ng lahat ng ginawa nila sa akin, kaya pa rin nilang guluhin ang araw ko sa simpleng presensya lang nila.
"Bakit parang nakakita ka ng multo?" bulong ni Stefan nang mapansin niyang bigla akong natigilan.
"Wala. May mga langaw lang akong nakita sa tabi ng pagkain," sagot ko habang pinipigilan ang sarili kong lumapit sa kanila at ibuhos ulit ang wine sa mukha ni Mark.
Bahagyang gumalaw ang sulok ng labi ni Stefan, na para bang pinipigilan niyang matawa sa sagot ko.
"You're unbelievable."
"At least entertaining ako. Hindi tulad ng ibang taong kasama ko rito na parang laging may kaaway."
"Keep talking and I'll make sure you won't get near the buffet."
Agad akong napalingon sa kanya. "You wouldn't dare."
"Try me."
Napakagat ako sa loob ng pisngi ko at pinili na lang na manahimik. Hindi dahil natatakot ako sa banta niya, kundi dahil ayokong mapunta sa sitwasyong hindi ako makakakain mamaya.
Pero mukhang sadyang mapaglaro ang tadhana dahil habang papunta kami sa VIP table, lumapit sa amin si Mark kasama si Chloe. Pareho silang nakangiti nang pilit, na para bang wala silang ginawang masama sa akin noon.
Sa totoo lang, mas gugustuhin ko pang makipag-usap sa mga langaw na nakita ko kanina kaysa sa dalawang taong ito.
"Avelina? Is that you?" bungad ni Mark, halatang nagulat at may pait pa rin sa boses.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, na para bang sinusubukan niyang alamin kung paano ako nakapasok sa isang event na ganito kataas ang antas.
"Hindi ko alam na nakaka-attend na pala ang mga event stylist sa ganitong klaseng party ng mga alta ngayon," dagdag niya, sabay ngiti na halatang may halong pang-iinsulto. "Sino naman ang isinama mo para makapasok dito? O baka nag-cater ka na naman?"
Napatingin ako kay Mark. Ang kapal talaga ng mukha niya. Pagkatapos niya akong lokohin at ipahiya sa mismong trabahong pinaghirapan ko, may gana pa siyang magtanong nang ganoon sa harap ng maraming tao.
Gusto kong itanong kung wala ba talaga siyang hiya o sadyang makapal lang ang mukha niya mula pagkabata. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong bigyan siya ng satisfaction na makitang naaapektuhan pa rin ako sa mga sinasabi niya.
"Oo nga, Avril. Akala ko ba naghahanap ka pa ng matutuluyan dahil pinalayas ka na sa tinitirhan mo?" dagdag ni Chloe habang nakataas ang kilay at mas mahigpit pang kumakapit kay Mark.
Napatingin ako sa kamay niyang nakapulupot sa braso ng ex-fiancé ko. Ang galing talaga nila. Para silang proud na proud sa ginawa nila, na para bang may medalya silang dapat matanggap dahil nagawa nilang lokohin ang taong nagtitiwala sa kanila.
"At least, may sarili akong pangalan at hindi ko kailangang nakawin ang buhay ng ibang tao para lang maging masaya," sagot ko, pilit na pinananatiling kalmado ang boses ko.
Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Chloe, pero mabilis din siyang nakabawi.
"Excuse me? Anong ibig mong sabihin?"
"Kung hindi mo gets, problema mo na 'yon."
"Avelina," singit ni Mark, tila hindi nagustuhan ang sagot ko. "Huwag kang magpanggap na mas angat ka sa amin. Alam naman nating lahat kung ano na ang nangyari sa buhay mo."
Napangiti ako nang walang saya.
"At alam din naman nating lahat kung sino ang dahilan kung bakit nangyari 'yon, Mark."
Sandaling natahimik siya. Halatang hindi niya inaasahang sasagot ako sa halip na yumuko na lang at tanggapin ang pang-iinsulto nila.
Pero bago pa ako makapagsalita ulit at ipamukha sa kanila ang lahat ng kagaguhan nila, naramdaman ko ang paggalaw ni Stefan sa tabi ko.
Hinila niya ako palapit sa kanya at ipinatong ang isang kamay sa bewang ko. Matalim ang tingin niya sa dalawang taong nasa harapan namin, at agad kong naramdaman ang pagbabago sa hangin sa paligid namin.
Kung kanina ay parang simpleng pagtatalo lang ang nangyayari, ngayon ay tila biglang bumigat ang buong paligid dahil sa presensya niya.
"I think you are talking to my future wife," malamig na sabi ni Stefan.
Malinaw at may awtoridad ang boses niya, sapat para mapatingin sa amin ang ilang bisitang malapit at kanina pa nakiki-tsismis.
Napahinto ang ibang nag-uusap sa paligid. May ilang bisitang kunwari ay abala sa hawak nilang baso, pero halatang nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Stefan.
Nanlaki ang mga mata nina Mark at Chloe.
Maging ako ay napatingin kay Stefan dahil sa sinabi niya. Sa kontrata namin, girlfriend lang ang usapan. Walang nabanggit tungkol sa pagiging asawa!
Anong future wife ang sinasabi niya?
Hindi ba sapat na ang pagpapanggap na girlfriend niya ako? Kailangan ba talagang dagdagan niya ang role ko nang hindi man lang ako kinakausap?
Gusto ko siyang lingunin at tanungin kung may balak ba siyang magdagdag ng bayad sa kontrata dahil mukhang mas malaki na ang responsibilidad ko kaysa sa napag-usapan namin. Pero dahil nasa harap kami ng maraming tao, pinili kong pigilan ang sarili ko.
"Wife?" gulat na tanong ni Mark habang salit-salitang nakatingin kay Stefan at sa akin. "Sigurado ka ba, Mr. Yñiguez? Kilala mo ba talaga ang babaeng 'yan? Mang-uuto lang 'yan—"
Hindi na pinatapos ni Stefan si Mark.
Bahagya siyang yumuko palapit sa akin at tumingin sa mga mata ko. Sa isang iglap, nakita ko ang kakaibang lambot sa mga mata niya—isang bagay na hindi ko inaasahan mula sa lalaking kilala ng marami bilang Ice King.
Hindi ko alam kung nagkataon lang ba o sinadya niya, pero sa paraan ng pagtitig niya sa akin, parang wala kaming ibang kasama sa ballroom.
For a moment, nakalimutan kong nasa gitna kami ng isang malaking event. Nakalimutan ko ring ilang segundo lang ang nakalipas, pinagtatawanan ako ng dalawang taong minsang naging pinakamahalaga sa buhay ko.
Pero mabilis ding nawala ang sandaling iyon nang ibinaling ni Stefan ang tingin sa mini-stage kung saan naroon ang mikropono. Sa simpleng paggalaw niya, nakuha niya ang atensyon ng mga taong nasa buong hall.
May ilang bisitang napalingon sa kanya. Ang iba naman ay nagsimulang magbulungan, halatang gustong malaman kung ano ang susunod niyang sasabihin.
Hindi ko maiwasang kabahan.
Ano na naman ang gagawin ng lalaking ito?
"Meet the future Mrs. Yñiguez," malakas at buong kumpiyansang anunsyo ni Stefan sa harap ng lahat.
Nanlaki ang mga mata ko.
Future Mrs. Yñiguez?
Gusto kong kurutin ang braso niya para ipaalala na hindi kasama sa kontrata ang biglaang pag-aanunsyo ng kasal, pero bago pa ako makapagsalita o makapag-react, marahan niyang idiniit ang isang halik sa pisngi ko sa harap ng mga bisitang halatang hindi makapaniwala sa nasaksihan nila.
Napahigpit ang hawak ko sa braso niya.
Hindi dahil kinilig ako.
Hindi rin dahil kinailangan kong pigilan ang sarili kong ngumiti.
Kundi dahil gusto ko siyang tanungin kung tuluyan na ba siyang nawalan ng bait.
Pero kailangan kong panatilihin ang mukha kong kalmado. Alam kong maraming mata ang nakatingin sa amin, at isang maling reaksyon lang ay puwedeng makasira sa pagpapanggap namin.
Kaya ngumiti ako kahit gusto ko na siyang kaladkarin palayo sa mga tao at singilin sa lahat ng dagdag na trabahong ibinibigay niya sa akin.
Biglang natahimik ang buong ballroom. Napalitan ng katahimikan ang mga bulungan habang nakatingin sa amin ang lahat, kasama na ang ex kong si Mark, na ngayon ay namumutla na sa tabi ni Chloe.
Hindi na makapagsalita si Mark. Kanina lang ay ang lakas ng loob niyang insultuhin ako, pero ngayon, para siyang nawalan ng sasabihin matapos marinig ang anunsyo ni Stefan.
Si Chloe naman ay nakatitig sa akin na para bang hindi niya matanggap ang nakikita niya. Halatang hindi niya inaasahang ang babaeng pinagtawanan niya ilang sandali lang ang nakalipas ay siya palang makakatabi ng isa sa pinakamakapangyarihang negosyante sa lugar na iyon.
At ako?
Nakatayo lang ako sa tabi ni Stefan, nakangiti sa harap ng lahat habang pilit na pinananatiling maayos ang paghinga ko.
Dahil sa likod ng ngiting iyon, iisa lang ang tumatakbo sa isip ko.
Stefan Yñiguez, pagkatapos ng gabing ito, kailangan talaga nating mag-usap.
Avelina "Avril" MontenegroIsang linggo na ang nakalipas mula nang pumirma ako sa kontrata, at heto ako ngayon, nakatayo sa labas ng pintuan ng isang napakalaking ballroom para sa grand anniversary gala ng Montecillo Group. Suot ko ang asul na midi dress na pinili ko kahapon, habang si Stefan naman ay nasa tabi ko, nakasuot ng itim na tuxedo na bagay na bagay sa kanya.Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya nang palihim. Kahit wala naman akong balak na hangaan ang lalaking ito, mahirap talagang hindi mapansin kung gaano siya kaayos tingnan sa suot niya. The black tuxedo, his perfectly styled hair, and that naturally intimidating expression made him look like someone who owned the entire building.Which, considering his status, wouldn't even surprise me."Huwag kang masyadong kabahan. Ang kailangan mo lang gawin ay ngumiti, kumapit sa braso ko, at hayaan akong sumagot sa mga tanong ng mga tao rito," bulong ni Stefan habang inilalahad ang braso niya sa akin.Napairap ako bago ko hinawak
Avelina "Avril" MontenegroIsang malaking maleta lang ang dala ko nang lumipat ako sa penthouse ni Stefan nang gabing iyon. Ang akala ko, simpleng guest room lang ang ibibigay niya sa akin, iyong puwede akong matulog nang tahimik at magkulong hanggang sa matapos ang kontrata namin. Pero pagpasok ko sa kuwartong itinuro niya, parang hotel suite din pala ang dating. Malaki, sobrang linis, at amoy mamahaling air freshener.Naglagay ako ng ilang damit sa closet bago dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Kanina pa kasi tuyo ang lalamunan ko dahil sa kaba at inis.Pagdating ko sa kusina, nakita ko si Stefan na nakatayo sa harap ng kitchen island habang umiinom ng kape. Naka-itim pa rin siyang T-shirt at abalang nagbabasa sa tablet niya. Nang marinig niya ang mga yabag ko, saglit siyang lumingon bago muling bumalik sa binabasa."May mga gamit ka bang naiwan sa apartment mo? Ipinakuha ko na sa mga tauhan ko kanina," sabi niya na parang wala lang.Napatigil ako sa pag-inom ng tubig. "Teka,
Avelina "Avril" MontenegroDalawang araw ang ibinigay niya sa akin, pero wala pang twenty-four hours, heto na naman ako sa labas ng Grand Montecillo Tower habang hawak ang calling card na iniabot sa akin ni Stefan.Wala akong choice. Kung pride ang pipiliin ko, baka bukas ay tuluyan na akong palayasin ng landlady sa maliit na kuwartong inuupahan ko. Baka masampahan pa ako ng sunod-sunod na kaso ng bangko dahil sa mga utang na naiwan ng tatay ko. Masakit lunukin ang sariling dignidad, pero mas masakit ang kumalam ang tiyan at walang pambayad sa kuryente."Miss Montenegro, pinasasabi po ni Mr. Yñiguez na dumiretso na kayo sa penthouse suite niya," magalang na bati ng receptionist sa lobby. Mukhang nakatanggap na ito ng direktiba mula sa itaas.Kahit paano, natawa ako nang palihim. Kanina lang, para akong basang sisiw na gustong palayasin sa hotel na ito. Ngayon naman, parang VIP na ang trato sa akin dahil lang sa utos ng kanilang almighty CEO.Pag-akyat ko sa pinakataas na palapag gamit
Avelina "Avril" MontenegroNagkatinginan kami nang ilang segundo, parehong parang naghihintay kung sino ang unang aatras. Ang porma ng suot niyang suit, halatang galing sa mamahaling tailoring shop, habang ako naman ay naka-simpleng polo shirt at itim na slacks na uniform ng mga temporary crew sa hotel. Kung titingnan kami, halatang malaki ang agwat namin sa buhay. Pero sa sandaling iyon, wala akong pakialam kahit siya pa ang may-ari ng buong gusaling ito."Who are you?" malamig na tanong ni Stefan habang tinitingnan ang name badge na nakasabit sa dibdib ko. Bahagya siyang tumagilid para basahin ang pangalan ko. "Avelina Montenegro.""Opo, ako nga. At sorry kung natapunan ko ang mamahaling laptop mo. Pero kung nag-iingat ka sana sa paglalakad at hindi ka nagmamadaling parang may humahabol sa 'yong konsensya, eh di sana hindi nangyari 'to," sagot ko habang pinupulot ang huling papel na nakakalat sa sahig.Hindi agad nakapagsalita ang lalaki. Siguro sanay siyang yumuyuko ang mga empleya
Avelina "Avril" Montenegro Three days na akong halos walang matinong tulog. Kung puwede lang i-stapler ang mga talukap ng mata ko para hindi na pumikit, ginawa ko na. Kasal kasi nina Chloe at Mark ngayon—ang pinaka-high-profile na society wedding ng taon, at ako mismo ang nag-design at nag-asikaso ng lahat ng styling.Gusto ko na lang matapos ang lahat nang maayos. Sobrang pagod na ng katawan ko, at ang nasa isip ko na lang ay ang kama ko sa apartment pagkatapos kong makuha ang huling bayad nila para sa styling services ko. Pang-down payment na sana iyon sa bahay na inuupahan ng pamilya namin para hindi na kami mag-alalang mapaalis."Avril, paki-check nga ng audio feed sa gilid ng stage. Parang may pumipito," utos ng coordinator habang pabalik-balik sa paglalakad, hawak ang clipboard niya."Sige, ako na," sagot ko habang pinipilit ngumiti kahit parang sasabog na ang ulo ko sa sobrang puyat.Naglakad ako papunta sa gilid ng grand ballroom ng hotel habang suot ang simpleng itim na gown







