LOGINHindi maitago ang gulat ko ng marinig ko ang pagtawag sa akin ng batang cute na lalaki na basta na lang sumulpot sa kung saan sa kaliwang bahagi ng kwarto ni Magnus.
“Mama, hindi mo ako nahanap.” sabi pa nito na para bang nakikipaglaro pa ito ng taguan sa kanya.
“No!” umiling ako. Kinalas ang pagkakayakap ng maliit nitong braso sa hita ko. “Hindi ako ang mama mo.” pagtatama ko sa pagtawag nito sa akin ng mama.
At sino naman ang batang ito? Bakit may batang nagtatago sa kwarto ni Magnus?
“Huh!”
Ilang sandali pa ay mapatitig ako dito. Kunot na naman ang noo ko ng mapansin na mayroon itong pagkakahawig kay Magnus.
“Who are you?” iyon ang tanong ko sa batang lalaki. “Anong ginagawa mo dito? Sino ang nagpapasok sayo? Sino ang mga magulang mo?” magkakasunod na tanong ko.
Kung hindi ako magkakamali ay nasa edad anim na ang bata at alam kong naiintindihan na nito ang mga tanong ko.
“Mama.” muli ay tawag lang niya sa akin.
“Sinabing hindi ako ang mama mo.” pagtatama ko na naman dahil pinagpipilitan nitong ako ang kanyang ina.
“Ikaw ang mama ko. Nasaan ba si papa? Papa! Papa!” saka sumigaw pa ito at hindi ko alam kung sino naman ngayon ang papa na tinatawag niya.
Agad kung tinakpan ang bibig nito dahil sa pagsigaw nito.
“Sino ba ang papa mo? Anong pangalan ng papa mo?”
“Uhm, may amnesia ka ba, mama? Bakit hindi mo ako nakikilala? Nasaan ba si Papa?”
“Just answer me? Sino ang papa mo? Ano ang pangalan niya?” muli ko lang tanong.
“Magnus. Magnus Mondragon.” taas noo nitong sagot.
Unti unting nanlaki ang mga mata ko na hindi makapaniwala sa pangalang binigay niya.
Magnus Mondragon?
Paanong nagkaroon ng anak si Magnus ng hindi ko nalalaman?
Muli kung tinitigan ang bata. At hindi nga pwedeng ipagkaila na pinagbiyak nga na bunga ang mukha nito kay Magnus. At ng masulyapan ko ang pin na nasa damit nito ay hindi na ako pwedeng magkamali dahil ang pin na suot nito ay ang tanda na isa itong Mondragon.
“Aha! Hindi ito maari. Kaya ba niya ako ayaw payagang magresign dahil gusto niyang ipaalaga sa akin ang anak niya. Huh!” napatuwid ako ng tayo at hinayaan na muling yakapin ng bata ang hita ko.
Pinagkross ko pa ang mga kamay ko sa dibdib habang ang lalalim ng paghingang pinakawalan ko na napapasulyap sa bata.
“Mama, nasaan ba si Papa?”
“Sandali. Sandali. Sinabi ko sayong hindi ako ang iyong ina. Maaring si Magnus nga ang papa mo pero imposible ng ako ang maging mama mo.”
At talagang impossible iyon. Dahil dalawampu't dalawa pa lang ako. At kung anim na taon na ito ay ang ibig sabihin ay labing anim lang ako ng maipanganak ko ang bata.
At paanong nakalimutan ko na nagsilang ako sakaling anak ko man siya?
Umiling na naman ako dahil hindi parang ayaw ng gumana ang utak ko kung sino ba talaga ang batang ito sa harap ko na pinagpipilitang ako ang kanyang ina.
“Pero…”
“Hindi ako magagalit sa kung paano ka nakapasok dito. Just don’t call me mama, okay?”
Ito naman ngayon ang nagpakawala ng isang buntong hininga.
“Okay. Pero nasaan ba si papa? Para maniwala ka na anak mo ako. Anak niyo ako ni papa.” sabi na lang nito.
“Okay! Okay! Tatawagin ko ngayon ang papa mo. Basta huwag kang maingay baka may ibang makarinig sayo. Magkaroon pa ng panibagong eskandalo ang papa mo.”
Pagpapatahimik ko dito dahil halatang napakadaldal pa nito. Naging masunurin naman ito at tumahimik na nga.
“Sa ngayon ay mayroon pang ginagawang trabaho ang papa mo. Tatawagan ko siya mamaya para puntahan ka dito. Basta huwag ka na munang lumabas sa kwartong ito para walang makakita sayo. Nagkakaintindihan ba tayo?”
Muli itong tumango.
Kinalas ko na ulit ang kamay niya na nakayakap sa hita ko saka ko siya kinarga at dinala siya sa sofa sa gilid ng kama ni Magnus.
Pinaupo ko ang bata doon. Saka naman ako tumabi sa kanya.
“Anong pangalan mo?”
Nausisa na ako kaya sinimulan kong tanungin kung ano ang pangalan nito.
Tumingin ulit ito sa akin.
Ilang sandali pa ay tumingin na siya sa hawak niyang relo. At halatang napapaisip.
“Kaya naman pala. Mas maganda kayo ngayon at bumata.”
“Huh!”
Ako naman ngayon ang nawala sa usapan namin ng bata dahil sa sinabi nitong mas bumata ako at gumanda.
“Ehem, maganda naman talaga ako. Nahalata mo rin ba?”
“Mama naman, hindi na kailangan iyang tanungin. Napakaganda mo nga kahit nasa 30 ka na.”
“30?”
“Oo,”
“Sandali nga, naguguluhan na talaga ako. Ayaw man tanggapin ng utak ko pero hindi pwedeng magkamali ang iniisip ko. Ang ibig mong sabihin galing ka sa hinaharap?”
“Tama ka sinabi mo, mama. Anak niyo ako ni papa. Ako si Lucian.” nakangiti itong nagpakilala na nga sa kanya ng mahulaan ko kung ano ang nangyayari ngayon.
Pero ano nga ba ang nangyayari ngayon? Parang hindi naman yata pwedeng mangyari na maglakbay ang batang ito galing sa hinaharap at pumunta ngayon dito sa kasalukuyan.
At paanong naging anak ko siya.
Hindi! Ang ibig kong sabihin paanong naging anak namin siya ni Magnus gayong hindi naman kami magkasundo. At lalong walang romantikong namamagitan sa aming dalawa.
“Pinagloloko ba kami ng tadhana?” hindi ko mapigilang bulalas sa katotohanan na hindi lang basta guni-guni ang batang nasa harap ko dahil nahahawakan ko talaga ito.
Mainit ang katawan nito tulad ng init ng katawan ko. Humihinga ito. At nararamdaman ko ngayon ang pagpintig ng pulso nito habang hawak ko ang kamay nito.
“Mama, totoo ako. Hindi ba at magkahawig tayo?”
Napalunok na naman ako. Napatitig na naman sa mukha nito.
Kung talagang tititigan ko siya ng maigi. Magkahawig talaga sila ni Magnus, ngunit mayroon din akong pagkakahawig talaga sa kanya.
“Mama, you’re the most beautiful woman in the world.” paglalambing pa sa akin ng bata.
“Tsk. Kahit na nagsasabi ka ng totoo sa bagay na iyan pero hindi talaga ako ang mama mo. Okay.”
Hindi pa rin ako naniniwala kaya ayaw kong paasahin ang bata.
“Mama, you really got younger. Nasaan ba si Papa? Siya ang makakapagpatunay na anak niyo ako.”
Ngunit naging mapilit ang bata. Muli akong nagpakawala ng isang malalim na paghinga dahil hindi ko na talaga ang gagawin sa batang ito.
Ang akala ko ay mamamatay na kami ni Magnus ng biglang nasira ang elavator na sinakyan namin.Nagulat pa ako ng makita ko siya ng makasakay ako ay nasa harap ko na siya. Pero bago pa man ako makapagtanong sa kanya kung bakit siya biglang nasa harap ko ay nakarinig na kami ng langitngit sa taas ng elevator ng sumara ang pinto.Hinawakan niya ako sa kamay at hinila saka mahigpit na yumakap sa akin.Dahil sa takot ko sa narinig ko na tila may naputol sa mga kable ng elevator ay napayakap ako sa kanya ng mahigpit. At habang nakayakap ako sa kanya ay pinasuot niya sa akin ang helmet na hawak niya.Mabilis na ang pangyayari at hindi ko na halos matandaan ang mga sumunod na nangyari. Basta ang huli kong natandaan ay ang malakas na kalabog na tuluyang bumagsak ang elevator at tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.…..Parang binugbog ang katawan ko ng magising ako mula sa pagkawala ng malay sa pagbagsak ng elevator. Ang akala ko nga ay isa lamang panaginip iyon dahil ang bilis ng pangyayari per
Hindi ako makakapayag na ganun na lang matatapos ang ugnayang mayroon kami ni Magnus. Hindi ko hahayaan na malamangan ako ng Lucy na iyon.“Her drinks are on my tab.”Umangat ang mukha ko at lumingon sa lalaking lumapit at naupo sa tabi ko.Kunot ang noo ko ng mapagsino ito.Si Henry Lacson. Ang lalaking nanliligaw sa Lucy na iyon. At tulad ko ay tinanggihan din ito ni Lucy.Nilagok ko ang alak sa baso ko at muling humingi sa bar tender.“Don’t bother me.” malamig ang tono ng boses na sabi ko dito.“So you are Mr. Magnus Mondragon's former rumored girlfriend, huh.” at talagang ngumisi pa ito habang sinasabi iyon. “Wala kang maipagmamalaki sa akin dahil naibalita sa akin na tinanggal ka ni Mr. Mondragon sa kompanya niya at talagang nilagyan ng black record ang papel mo. Haha.” at talagang nilangkapan pa nito ng pangungutya ang bawat kataga nito.Tumalim ang mga mata kong nakatingin dito. Muling kinuha ang baso ko na may laman na ulit at muli iyong itinungga.“Wala ka ring maipagmamalak
“Hindi na masama, Mr. Mondragon. Hindi mo ba pagsisisihan ang pagpapatanggal mo sa kanya?”“She is nothing. Maraming ibang model dyan na maaaring kunin at ipalit sa trabaho ng isang iyon. At ayaw mo ba nun… ngayon na wala na siya ay hindi ka na mahihirapan pang mag ayos ng mga gulo dahil wala ng madadawit sa pangalan ko.”Ngumiti ako. Tumango. Alam ko naman iyon at malaking pabor iyon sa trabaho ko. Hindi na ako mag iisip pa kung paano ko na naman aayusin at lilinisin ang pangalan niya kung sakaling muling madawit ang pangalan niya sa babaeng iyon.“Hmmm, not bad. Yeah, not bad after all.” sabi ko sa kanya. “Hindi na ako mahihirapan sa laging pagtakip ng mga balita tungkol sayo.”“Well, tell me. Ano ang gusto mong kapalit sa nagawa mo tungkol sa bagay na iyon ngayon?”“Hmmm, no need. Lunch will cover it.” sagot ko sabay turo ng pagkaing dala niya kanina.“Oh…The money-grubber isn’t greedy anymore. That’s rare…”Kunot ang noo ko.“Bakit? You get anxious if you’re not spending money, d
“Is this really for me?” tanong ko ng makasakay na kami.“Our son buy it for you.” agad na sagot niya.Lihim akong napangiti dahil sa napakadefesive ng kanyang pagtanggi pero hindi ko na iyong binigyan ng pansin pa.“Thank you for the flower, baby.” at nagpasalamat na lang ako kay Lucian na nilingon ito sa likod.. “I love it so much.”“You are welcome, mommy.”Umayos ako ng upo. Hihilain ko na sana ang seatbelt para isuot iyon pero naunahan niya ako.Napaatras ako ng upo, leaning back in the chair just not to touch our faces together.“I-I can do it.” mahina kong saad na halos wala ng boses na lumabas sa bibigNakita ko kung paano gumalaw ang kanyang adams apple ng mapatitig sa akin.Hindi na ako halos kumurap pa at pigil ko ang aking paghinga. Napalunok na rin ako dahil sa naramdaman ko ang init ng hanging lumalabas sa kanyang ilong na tumatama sa pisngi ko. Ganun na nga kalapit ang mukha namin.“Oh,” ngunit hindi niya iyon binitawan at tuluyan na iyong hinila saka ikinabit ang seatb
Napatingin ako sa damit na kinuha ni Lucian sa kabinet na ibinigay nito sa akin.“At para saan naman ito?” tanong ko pa dito dahil wala naman kaming ibang pupuntahan maliban sa sunduin si Lucy sa airport.“Isuot mo iyan, daddy.”“Huh!”“Mas lalong mai-inlove si Mommy sayo kapag isusuot mo iyan.”Gusto kong mapanganga. Hindi yata’t talagang bumalik ito dito sa kasalukuyan para lang sa aming dalawa ng mama niya. Nagtataka tuloy ako ngayon kung paano talaga kami nagkatuluyan ni Lucy sa hinaharap. Ano ba talagang nangyari sa aming dalawa.Nagpakawala ako ng malalim na paghinga na may kasamang pag-iling. Hindi ko na ito kinontra pa sa gusto nito. Nagbihis at isinuot ko nga ang damit na napili nito para sa akin.“I am done. Let’s go.” aya ko dito.Hawak ko ang maliit nitong kamay na lumabas ng kwarto ko.“Sasalubungin niyo na ba si Lucy?” tanong ni Mama ng maabutan namin ito sa may sala.“Yes, Grandma.” si Lucian ang sumagot kay Mama.“Okay. Mag-ingat kayo sa daan.”Matapos naming magpaalam
Nagpasya kami ni Lucy na sabay na sunduin si Lucian sa paaralan kung saan niya ito in-enroll.Mabuti na rin ang naisip niya para hindi naman mahuli sa pag aaral si Lucian habang narito siya sa amin hanggang sa makabalik siya sa hinaharap.Nasa labas na kami ng paaralan ng makarinig kami ng bulungan. At ang bulungan nila ay tungkol kay Lucian na inaapi ito ng isang sikat na model.Nagkatinginan pa kami ni Lucy. Saka nagmamadaling pumasok sa loob at doon namin nakita si Lucian na nasa sahig na at umiiyak.“How dare you to hit my son.” gigil na nagmamadali akong nilapitan si Lucian.Sa galit ko ay malakas na naitulak ko si Lanie kaya natumba ito. Tumama ang tagiliran nito sa gilid ng maliit na lamesa.“Lucian, are you okay?” tanong naman ni Lucy sa anak namin na agad kaming dinaluhan.Umiiyak na yumakap si Lucian sa kanya.“You…”Hindi na natapos ni Lanie ang nais pa sanang sabihin ng biglang tumayo si Lucy at malakas na sinampal si Lanie.“You dare to hit me!” bulalas na sabi nito hawak
Para akong mabibingi matapos kong makinig sa mahabang sermon sa akin ni Mama tungkol na naman sa mga balitang kumakalat sa social media. Na kung kani-kanino na lang daw sumasabit ang pangalan ko.Wala akong nagawa kundi ang tapusin ang mahaba nitong sermon bago ako umakyat at nagpasyang maligo na m
Pahagis na binitawan ko ang huling dokumento na pinirmahan ko. Nag inat pa dahil sa pangangalay ng kamay at likod ko sa dami ng pinirmahan ko at binisang mga dokumento.Iginala ko ang paningin sa paligid.Nawala si Lucy na kanina lang ay nasa lamesa nito.Hindi ko na napansin ang paglabas niya kani
Kinuha ko ang extra helmet sa topbox at binigay iyon sa kanya.Her helmet that I always prepare especially for her. I always carry it whenever I go using my big bike.Hindi na rin naman ito ang unang beses ko siyang naisakay sa motor ko.It’s been a long time since the last time.Isusuot na sana ni
Bumaba ako ng kotse.Nakahanda na para sa pakikipagkita ko sa kablind date na inayos pa nina mama para sa akin.Wala akong balak makipag blind date ngunit hindi na daw mahintay nina mama at papa kung kailan ko daw balak pumasok sa isang relasyon. Magkaroon ng boyfriend na agad magpaplano ng kasal a







