LOGIN
Bumaba ako ng kotse.
Nakahanda na para sa pakikipagkita ko sa kablind date na inayos pa nina mama para sa akin.
Wala akong balak makipag blind date ngunit hindi na daw mahintay nina mama at papa kung kailan ko daw balak pumasok sa isang relasyon. Magkaroon ng boyfriend na agad magpaplano ng kasal at bubuo agad ng isang pamilya.
Hindi ko naman sila mahindihan kaya kahit ayaw ko ay nagpunta pa rin ako dito sa restaurant kung saan naghihintay na sa akin ang lalaking napili nina papa para sa kablind date ko.
Papasok na ako ng restaurant ng makatanggap pa ako ng tawag mula sa boss ko.
Si Magnus Mondragon. Ang dakila kong boss na kung makapag utos ay para akong may malaking utang sa kanya na hindi ko pwedeng tanggihan. At hindi ko na matagalan ang kanyang pagkabossy, kaya aalis na ako sa trabaho ko.
At kaninang umaga ay nagpasa na ako ng resignation letter na inilagay ko sa ibabaw ng lamesa niya bago ako nagtungo sa restaurant na ito.
“Nasaan ka?”
Iyon ang agad na tanong niya sa akin hindi pa man ako nakakapaghello. At saka wala naman akong balak maghello, naunahan lang niya akong magtanong. Na ang tatanungin ko sana ay kung bakit siya napatawag gayong nagresign na ako kanina.
“Do I still need to answer that, Mr. Mondragon?” balik tanong ko sa kanya kaysa sagutin ang tanong niya sa akin. “I’ve already resigned.” taas noo ko pang sabi sa kanya na para bang nasa harap ko lang siya.
Nagpatuloy ako sa pagpasok habang kausap ko siya.
“And it’s my day off today. Besides that, I'm going on a blind date right now.”
“At kanino ka naman makikipag blind date? Sa Henry bang iyon? Sandali nga, you actually like him? Your taste is really terrible.”
“I've already handed in my resignation, mr. Mondragon. Kaya huwag mo na akong asahan na pumasok sa trabaho bukas.”
“No! No! My all-capable assistant, alam mong hindi ako tumatanggap ng resignation kung manggagaling sayo. Oh! Sandali, my motor broke down. Come and pick me up.”
“Sandali nga. Sinabi ko na…”
“Overtime pay, I will give you an extra double payment.”
At bago pa nga ako muling makapagreklamo, nakatanggap na ako ng bayad sa sinasabi niyang extra double pay.
“You…” napapailing na napatitig na lang ako sa screen ng phone ko habang binibilang ang zero ng pinasa niya sa aking pera.
Napangiti na lang ako. Kahit papano ay hindi naman madamot sa pasahod ang boss ko.
Ibinalik ko ang cellphone sa bag ko at nagpatuloy sa pagpasok ng restaurant. Tinungo ang pribadong box kung saan naghihintay sa akin ang ka blind date ko.
“Hello, mr. Henry.” pagbati ko ng mabuksan ko ang pinto.
Tatayo na sana ang lalaki ngunit muli akong nagsalita.
“Sa susunod na lang tayong mag usap. Marami pa akong trabahong gagawin ngayon. See you next time.” sabi ko dito at bago pa nga ito makasagot ay agad din akong umalis.
Hindi ko na naisip kung ano ang magiging reaksyon nito sa aking pag alis.
…..
Mabilis na pinatakbo ko ang motor na sinasakyan ko.
Nakatanggap ako ng tawag mula sa HR department kanina at sinabing nagpasa nga ng resignation letter si Lucy. At ng tawagan ko ang mga magulang niya kung nasaan siya ay sinabi nga ng mga ito na nakipagblind date siya.
Kababata ko si Lucy, lumaki kaming magkasama, malapit noon sa isa’t isa ngunit sa paglipas ng mga taon habang nagkakaedad na kami ay nararamdaman ko na lumalayo na ang loob niya sa akin. Lagi na lang siyang umiiwas at ayaw niya na akong makasama pa tulad noon.
And I don’t like it. Hindi ko nagugustuhan ang paglayo niya sa akin. At higit sa lahat ay hindi ko lubos maisip na magkakaroon siya ng ibang makakasamang lalaki at magkaroon ng sariling pamilya habang ako ay minsan ng nangako na hindi ako magkakaroon ng asawa dahil ayaw kong malayo sa kanya.
But now, time can change. Everything has changed already.
Kaya ngayon, nagmamadali ako para puntahan siya. At dahil sa hindi ko na siya maabutan pa para pigilan ay kailangan kong gumawa ng paraan para hindi siya matuloy na makipagblind sa lalaking iyon.
Kaya ang naisip ko ay tawagan ko siya habang papunta ko kung nasaan siya. At tama lang ang oras ng pagtawag ko dahil halatang hindi pa sila nagkikita ng kanyang katagpo.
At kailangan kong magbigay ng dahilan para tuluyan siyang pigilan. Sinabi ko na nasira ang sasakyan ko at dapat niya akong sunduin. At bago pa siya makapagreklamo at makatanggi, I cut off the line.
Tama lang na narating ko ang labas ng restaurant kung saan siya makikipagkita sa lalaking iyon.
…..
Lihim akong napangiti dahil natanaw na siya ng mga mata ko na palabas na ng restaurant.
Tagumpay ang ginawa ko na hindi makipagkita sa lalaking iyon.
Ngunit kung gaano ako natuwa dahil hindi natuloy ang lakad niya ay ganun naman ang pagkakasalubong ng kanyang kilay ng masulyapan ako at ngayon ay palapit na siya sa akin.
“Hello!” kumaway pa ako sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin.
Diretso siya sa motor ko at tinignan at inspeksyon in kung ano ba ang problema dahil sinabi kong sira iyon kanina.
Ilang sandali pa ay doon na niya ako binalingan.
“Mr. Mondragon, wala naman akong nakitang problema sa motor mo. Did you make this purpose again?”
“Nope. Ayaw ko lang sayangin ang oras mo sa mga walang kwentang tao. Sa tingin mo ba ay magiging kompatible kayo ng lalaking iyon sakaling nagpatuloy ka sa pakikipag kita sa kanya?”
“Problema ko na iyan, mr. Mondragon. Kung wala rin naman palang problema ang motor mo ay aalis na ako. I have to…”
“I will increase your salary,”
Patalikod na siya ng sabihin ko iyon. Natigil siya sa pagtalikod at muling humarap sa akin.
“What? Ayaw mo? Hindi ba ay malaking sahod lang naman ang hinahanap mo? Ayaw mo pa nun, you can do whatever you like when you are working with me and double your salary.”
Kunot na naman ang noo niya. Napailing na halatang hindi makapaniwala na nakatitig lang siya sa akin.
Ilang sandali pa ng kanyang papahimik ay nagpakawala siya ng buntong-hininga, saka niya tinapik ang motor ko.
“Then, what are you waiting for? You already paid for my day off today, let’s go back to work.”
Sa sinabi niya ay napangiti ako. Ngunit sa loob-loob ko ay naiinis pa rin ako dahil kung hindi dahil sa tinaas kong sahod niya ay siguradong hindi na siya magtatrabaho sa akin.
Hindi agad kami pumasok ng kanya-kanya naming kwarto matapos kumain.Magkasalo kaming kumain kasama si Lucian na naging magana ang pagkain niya ng binili naming fried chicken.Matapos nga kaming kumain ay nagtungo kami ng sala at doon sinabi sa amin ni Lucian na palagi daw kaming nanunuod ng TV pagkatapos kumain sa gabi.Hindi ko lubos maisip na ganito ang routine ng buhay namin sa hinaharap. Ang magkatabing maubo na nasa gitna namin si Lucian.Nanatili kami sa sala ng halos isang oras habang nanunuod nga ng pambatang palabas. Hanggang sa makatulog na si Lucian na nakaunan sa hita ko.“Nakatulog na siya,” mahina kong usal na napasulyap pa kay Magnus na sumulyap sa rin sa tulog ng si Lucian.“Sigurado ka bang sa kwarto mo siya matutulog?” muli ay tanong niya sa akin.“Natulog na siya kagabi sa kwarto ko. At sabi niya na kung nagkaka tampuhan tayo ay sa akin siya lagi tumatabi.”“Okay, kung ganun ay ako na ang kakarga sa kanya paakyat.”Tumango na lang ako.Tumayo na siya, niyuko si Luc
“Mr. Johnson, bago ka gumawa ng desisyon sa susunod ay sabihin mo muna sa akin. At wala tayong relasyon para magdesisyon para sa akin.” seryoso kong sumbat kay Henry.“Pasensya ka na, kasalanan ko. Huwag ka naman magalit sa akin.”Napabuntong hininga ako habang napatitig dito.Nakikita ko na parang totoo naman ang paghingi nito ng tawag.“Ilang beses na kasing napupurnada ang blind date natin.” sabi pa nito.Oo nga naman. Pangatlong beses na ang huling blind date sana namin pero dahil kay Magnus ay hindi natutuloy. Lagi niya akong pinipigilan makipagkita sa kahit na sinong lalaki.Kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa nararanasan ang magkaboyfriend.Kung sakaling hindi dumating si Lucian at nagpakita sa amin. Posible kayang sagutin ko si Henry at ikonsidera na ito na ang pakakasalan ko?“Lucy..” ngunit hindi ko napansin ang pagbabago ng tono ng boses nito. “Lucy!” napakurap na lang ako at nawala ang mga naisip ko ng bigla na lang tumaas ang boses nito. “Mayroon ka bang itinatago sa akin
Tumingin ako sa kanya.At kahit na hindi siya magsalita ngayon dahil kaharap namin si Henry ay alam ko ang ibig niyang sabihin sa klase ng tingin niya sa akin.Sinasabi niya na hindi ako pwedeng umalis, pinapaalala ang tungkol kay Lucian na kung hindi kami magkasundo sa loob ng tatlong buwan na iyon ay baka tuluyan ngang maglaho ito.“Anong ibig mong sabihin, mr. Mondragon? Ikaw na ba ang nagpapasya para kay Lucy ngayon?” tanong pa ni Henry sa kanya.“No! He is not. At wala siyang pakialam sa kung ano ang magiging desisyon ko.” agad ko naman na pagtatama sa sinasabi nito.Pinandilatan niya ako ng mata.“See, kay Lucy na rin mismo nanggaling na wala kang pakialam. Kaya mr. Mondragon, huwag kang makialam sa aming usapan.”Naipilig ko ang ulo ko dahil hindi ko rin nagustuhan ang pananalita nito.Nagpakawala pa ako ng malalim na paghinga.“She is still my assistant.” sabi naman ni Magnus dito. “At siya ang pinakamagaling na assistant kaya hindi ako makakapagtrabaho ng wala siya.”Pilit an
“At talagang sabay pa kayong magsalita.” nakangiti pa nitong tila panunukso sa amin.Nagkatinginan na lang ulit kami ni Magnus.“Pero huwag kang mag alala, papa. Tatawagin ko si mama tulad ng tawag mo sa kanya lagi.”“Huh!”“My sweet, sweet Lucy.” saka nito hinawakan ang kamay ko at niyugyog iyon na parang naglalambing sa akin.“Stop it, Lucian. Hindi ko kailanman siya tinawag ng ganyan,” agad na pagsita ni Magnus kay Lucian.Nakasimangot si Lucian at pinamaywangan pa siya nito.“Palagi mo naman talaga tinatawag ng ganun si Mama, papa. Gusto mo ba na ipakita ko pa sayo kung pano mo siya tawagin ng sweet Lucy?” at halata na hinahamon nga ni Lucian si Magnus.Napangiwi naman ako. Parang biglang tumakbo sa isip ko ang eksenang tinatawag nga ako ni Magnus ng tulad ng tinawag sa akin ni Lucian.“Ehem,” napatikhim ako para mawala ang tila bumara sa lalamunan ko sa naisip ko. “Let’s go.” saka ko muling niyaya si Lucian na umalis na.Nalampasan ko na ulit sana siya ng inabot niya sa akin ang
Nakangiting napatingin sa amin si Lucian sa pagpayag naming kumuha ng larawan naming tatlo.Naupo na ito sa tabi ko habang si Magnus ay inayos ang camera sa harap namin.“Dito mo ba gustong ilagay ang camera?” tanong ni Magnus hindi sa akin kundi kay Lucian.Sinabi kasi niya na ang larawang nasa ibabaw ng lamesa ay larawan nilang tatlo na kuha nga mismo sa sala ng suite ni Magnus.“Uhm,” sagot naman nito na halata na masayang masaya ngayon habang naghihintay na makuhanan kaming tatlo ng larawang magkakasama.Matapos i set ni Magnus ang camera ay bumalik na ito. Umupo sa tabi naman ni Lucian saka ito inakbayan.Habang ako ay nakahawak naman sa kamay ni Lucian na nakapatong sa hita ko. Nakatingin na kami sa camera ng bigla siyang nagsalita.“Not like this.” sabi nito sa amin na tinapik pa ang hita ni Magnus.Sabay kaming napatingin dito.“Anong ibig mong sabihin?” halos sabay rin naming tanong sa kanya.“Kailangang maging kapareho ng larawan na nasa bahay. Hindi ganito ito.” reklamo nit
Muli kaming nagkatinginan ni Magnus.“June 11 next year, counting one year from now on, mabubuo siya this coming September. Kailangan nating…”“No!” mabilis kong putol sa sasabihin pa niya. Saka ko niyakap ang aking sarili to express that was below the belt to talk about.“We have just three months left… we…” ngunit hindi siya tumigil sa pag aanalisa kung kailan magagawa si Lucian ngayong taon na ito para maipanganak sa saktong araw ng kapanganakan nito sa susunod na taon.“Shut up!” ngunit ayaw pumayag ng utak ko na gagawin nga namin iyon ni Magnus just to give birth to Lucian. “S-shut up and stop thinking about it.” pagpapatigil ko sa kanya. “Hindi ako makakapayag. Absolutely not.” saka ko siya tinalikuran at lumayo sa kanya.Iisipin pa lang kung paano namin iyon gagawin ay parang sasabog na ang utak ko.Padabog pa akong naupo sa sofa.“Tsk!”Napailing naman siya at sumunod lang sa akin at naupo isang metro ang layo sa kinauupuan ko.“Sa tingin mo ba gusto ko ding gawin iyon sayo? H
Para akong mabibingi matapos kong makinig sa mahabang sermon sa akin ni Mama tungkol na naman sa mga balitang kumakalat sa social media. Na kung kani-kanino na lang daw sumasabit ang pangalan ko.Wala akong nagawa kundi ang tapusin ang mahaba nitong sermon bago ako umakyat at nagpasyang maligo na m
Pahagis na binitawan ko ang huling dokumento na pinirmahan ko. Nag inat pa dahil sa pangangalay ng kamay at likod ko sa dami ng pinirmahan ko at binisang mga dokumento.Iginala ko ang paningin sa paligid.Nawala si Lucy na kanina lang ay nasa lamesa nito.Hindi ko na napansin ang paglabas niya kani
Hindi maitago ang gulat ko ng marinig ko ang pagtawag sa akin ng batang cute na lalaki na basta na lang sumulpot sa kung saan sa kaliwang bahagi ng kwarto ni Magnus.“Mama, hindi mo ako nahanap.” sabi pa nito na para bang nakikipaglaro pa ito ng taguan sa kanya.“No!” umiling ako. Kinalas ang pagka
Kinuha ko ang extra helmet sa topbox at binigay iyon sa kanya.Her helmet that I always prepare especially for her. I always carry it whenever I go using my big bike.Hindi na rin naman ito ang unang beses ko siyang naisakay sa motor ko.It’s been a long time since the last time.Isusuot na sana ni







