登入Para akong mabibingi matapos kong makinig sa mahabang sermon sa akin ni Mama tungkol na naman sa mga balitang kumakalat sa social media. Na kung kani-kanino na lang daw sumasabit ang pangalan ko.
Wala akong nagawa kundi ang tapusin ang mahaba nitong sermon bago ako umakyat at nagpasyang maligo na muna bago bumalik ng sarili kong bahay.
Nagbabad ako sa bathtub. At habang nagbababad ako ay nakatingin ako sa balitang naging dahilan para sermonan ako ni mama ng pagkahaba-haba.
Ngunit ang balitang iyon ay naging maganda ang feedback sa latest na damit na bagong launch ng kompanya.
Napangiti ako. Dahil iyon ang trinabaho ni Aliah kanina. Hindi nga nito iyon tinanggal kundi binago lang niya ng caption. At naging patok iyon sa publiko kaya naging marami na ang nag order ng naturang damit na suot ng bagong model nila.
“Hmmm, she really did a great job.” naibulong ko.
At habang abala ako sa pagbabasa ng mga comment ng balitang iyon ay nakatanggap pa nga ako ng tawag mula kay Lucy na muntik ko pang nabitawan ang cellphone ko.
Agad kung sinagot ang tawag nito.
“Very well, you did a great job. Wala bang 12 hours pero naabot na natin ang kota na kailangan natin.” siya na ang unang nagsalita. “I will double your bonus this month.” dagdag pa niya.
“I really deserve that.” sagot naman nito. “Ang napag usapan lang natin ay ang ayusin ko ang scandal sa larawang kumalat sa social media. At nagkamit pa natin ang kota sa sales natin. Kaya dapat lang iyan sa akin.” naringgan ko pa ang tila nanunuyang tono ng boses niya.
Kunot ang noo dahil doon na para bang may iba siyang gustong puntuhin.
“Pero hindi kasali doon ang pag aalaga ko ng anak mo sa labas. At ngayon ay nandito siya para ipaalaga mo sa akin.”
“Huh! Anong anak sa labas ang sinasabi mo?” talagang nagulat ako sa sinabi niya.
At saan naman niya nakuha ang bagaya na iyon na may anak ako sa labas?
“Ah! At gusto mo pang itanggi? Nandito ang anak mo sa bahay at kanina pa sayo naghihintay.” taas pa ang boses niya na sagot sa akin.
“Hey! Lucy, huwag mo akong akusahan na may anak ako sa labas. Maari kitang kasuhan sa pag aakusa mo sa akin ng walang katotohanan.” balik sumbat niya dito.
“Hindi kita inaakusahan. Sinasabi ko lang ang totoo. At hindi ko naman ako magsasalita kung wala akong katibayan. Nandito ang bata at kanina pa nga naghihintay sayo. At paanong hindi mo anak sa labas ang batang ito? Sa bata na tin mismo nanggaling na ikaw ang kanyang ama.”
“Sandali nga, Lucy. Ganyan ka na ba talaga magtanim ng galit sa akin at inaakusan mo akong may anak sa labas? At paano ako magkakaroon ng anak sa labas kung halos araw-araw tayong magkasama? Paano akong gagawa ng bata ng bata ng hindi mo malalaman?” may inis na tanong ko sa kanya. “Now you are provoking me like this, huh.”
“Do you think I am just provoking you?” balik tanong niya sa akin.
“Aren’t you just mad at me for messing up your blind date? That Mr. Johnson isn’t good enough for you anyway.”
“Can you stop being childish? Ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito tapos, sasabihin mong sira ang motor mo kahit hindi naman. Tapos paglilinisin mo ako ng mga scandals mo. At ngayon ipapaalaga mo sa akin ang anak mo na bigla na lang sumulpot sa harap ko at tatawagin pa akong mama niya.” may inis sa boses na panunumbat talaga nito.
“Aha! So, ikaw pala ang may anak sa kanya. Tinawag ka niyang mama tapos ngayon ay ipapasa mo sa akin ang responsibilidad. At sandali nga, kailan ka pa nagkaroon ng anak ng hindi ko nalalaman?” may panunumbat na rin na tanong ko sa kanya.
“Ugh. Huwag mong baliktarin ang usapan.” may taas ang tono na sabi niya sa akin.
“Hindi ko binabaliktad ang usapan. Ikaw na rin ang nagsabi. Saka teka nga, ilang taon na ba ang batang sinasabi mo?” tanong ko na naman sa kanya.
“Hmmm, six years old.”
“Six years old?”
“Yup.”
“Six years old?” pang uulit ko na naman. Nagpakawala ng malalim na paghinga bago ako muling nagsalita. “Narinig mo ba ang sinabi mo. Anim na taon na ang bata. Mas matanda lang ako ng tatlong taon sayo. Anong tingin mo sa akin? Nagkaroon ako ng anak sa edad kong labing siyam? At saka ng mga panahong iyon ay nag aaral pa lang tayo at lagi tayong magkasama.” sumbat ko na naman dito.
“How would I know that? Baka talagang mapaglaro ka lang noon.”
“Lucy, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Sinabi mo na tinawag ka niyang mama, ibig sabihin anak natin siya. So, paano ka nagbuntis? Ilang taon ka noon kung labing siyam lang ako noon?” tanong ko sa kanya.
Dahil sa paikot ikot na lang ang naging usapan namin tungkol sa batang sinasabi nito ay umahon na nga ako sa bathtub. Hindi na lang ako basta magbabad sa tubig dahil kailangan kong patunayan na nagkakamali ito ng pag aakusa sa akin.
Kailangan kong umuwi at makita kung totoo ang batang sinasabi nitong anak ko.
…..
Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa mga sinabi niya.
Ilang taon ba ako noon ng labing siyam na siya?
Naalala ko tuloy ang araw na nanirahan ako sa bahay nila dahil nasa parehong mahabang business trip sina mama at papa ng mga panahong iyon.
Nasa huling baitang na ako ng high school noong mga panahong iyon. At hindi na maaaring sumama ako sa mga magulang ko kung saan sila nagpunta dahil pag-graduate na nga ako noong mga panahong iyon. At si Magnus na labing siyam ay nasa ikalawang taon na sa kolehiyo. At si Magnus mismo ang naghahatid sa akin noon sa paaralan bago naman siya pumasok sa kanilang unibersidad.
Napasimangot ako. Hindi maipagkakaila na palagi nga kaming magkasama noon dahil magkatapat lang naman ang universidad nila sa school kung saan ako pumapasok.
Pero hindi ibig sabihin nun na sa tuwing nasa loob siya ng campus nila ay hindi siya nagloloko. At posible din talaga na magkaroon ito ng anak sa kung sinumang babaeng nagalaw nito.
At ang isipin iyon ay nagkaramdam na naman ako ng inis sa kanya na pilit niyang itinatanggi kahit na sukal na sukal na ito sa katotohanang posible ang mga hinala ko.
“Huwag kang mag alala. Habang narito ka sa bahay ay kami ang mag aalaga sayo.” sabi sa akin ng mama ni Magnus.Labing anim na ako noon at unang araw ng pasukan sa huling baitang ng highschool.“Habang nag aaral ka, Magnus will take care of you.” sabi pa nito sa akin“Maraming salamat, tita.” sagot ko na sinabayan ng pagtango.Tumingin na ito kay Magnus na abala naman sa paglalaro ng cellphone niya.“Magnus, nakikinig ka ba sa sinasabi ko? Naintindihan mo ba ang sinabi ko?” tanong nito kay Magnus.“Uhm, I heard it.” tugon naman nito na sinabayan ng pagtango.Pero napasimangot ako dahil paano niyang nasabi na nakikinig siya gayong nakasuot ito ng headset habang naglalaro.Sumulyap pa siya sa akin na bahagyang tumaas ang kilay niya.Pairap naman na tumingin ako sa kanya saka ako napasimangot.Sinabi nga niya na narinig niya pero palagi niyang nakakalimutan ang pagsundo sa akin sa paaralan kapag uwian na.…..“Have you thought it through?” tanong niya na nakapagpabalik sa akin sa kasaluku
Para akong mabibingi matapos kong makinig sa mahabang sermon sa akin ni Mama tungkol na naman sa mga balitang kumakalat sa social media. Na kung kani-kanino na lang daw sumasabit ang pangalan ko.Wala akong nagawa kundi ang tapusin ang mahaba nitong sermon bago ako umakyat at nagpasyang maligo na muna bago bumalik ng sarili kong bahay.Nagbabad ako sa bathtub. At habang nagbababad ako ay nakatingin ako sa balitang naging dahilan para sermonan ako ni mama ng pagkahaba-haba.Ngunit ang balitang iyon ay naging maganda ang feedback sa latest na damit na bagong launch ng kompanya.Napangiti ako. Dahil iyon ang trinabaho ni Aliah kanina. Hindi nga nito iyon tinanggal kundi binago lang niya ng caption. At naging patok iyon sa publiko kaya naging marami na ang nag order ng naturang damit na suot ng bagong model nila.“Hmmm, she really did a great job.” naibulong ko.At habang abala ako sa pagbabasa ng mga comment ng balitang iyon ay nakatanggap pa nga ako ng tawag mula kay Lucy na muntik ko p
Pahagis na binitawan ko ang huling dokumento na pinirmahan ko. Nag inat pa dahil sa pangangalay ng kamay at likod ko sa dami ng pinirmahan ko at binisang mga dokumento.Iginala ko ang paningin sa paligid.Nawala si Lucy na kanina lang ay nasa lamesa nito.Hindi ko na napansin ang paglabas niya kanina dahil naabala na ang pansin ko sa mga importanteng papeles na binabasa ko.“Where’s that money grubber? Hindi naman siya siguro basta na lang aalis matapos ang kanyang trabaho, would she?”Hinilot ko pa ang aking sintido at tamang pumasok ang secretary ko.“Mr. Mondragon, mayroon pong pinadala sa email ko si Ms. Lucy na resignation letter. Kanina lang dumating kaya pinaprint ko na.” sabi nito sabay bigay sa akin ng resignation na sinasabi nito.Kunot na naman ang noo ko na kinuha iyon ngunit hindi ko na binasa na basta na lang pinunit iyon sa harap ng secretary ko.Siguro ay ipinadala niya iyon ng nakaset kaya kusa iyong na isend dito.“Kahit na ilang beses pang magpasa ng resignation let
Hindi maitago ang gulat ko ng marinig ko ang pagtawag sa akin ng batang cute na lalaki na basta na lang sumulpot sa kung saan sa kaliwang bahagi ng kwarto ni Magnus.“Mama, hindi mo ako nahanap.” sabi pa nito na para bang nakikipaglaro pa ito ng taguan sa kanya.“No!” umiling ako. Kinalas ang pagkakayakap ng maliit nitong braso sa hita ko. “Hindi ako ang mama mo.” pagtatama ko sa pagtawag nito sa akin ng mama.At sino naman ang batang ito? Bakit may batang nagtatago sa kwarto ni Magnus?“Huh!”Ilang sandali pa ay mapatitig ako dito. Kunot na naman ang noo ko ng mapansin na mayroon itong pagkakahawig kay Magnus.“Who are you?” iyon ang tanong ko sa batang lalaki. “Anong ginagawa mo dito? Sino ang nagpapasok sayo? Sino ang mga magulang mo?” magkakasunod na tanong ko.Kung hindi ako magkakamali ay nasa edad anim na ang bata at alam kong naiintindihan na nito ang mga tanong ko.“Mama.” muli ay tawag lang niya sa akin.“Sinabing hindi ako ang mama mo.” pagtatama ko na naman dahil pinagpipi
Kinuha ko ang extra helmet sa topbox at binigay iyon sa kanya.Her helmet that I always prepare especially for her. I always carry it whenever I go using my big bike.Hindi na rin naman ito ang unang beses ko siyang naisakay sa motor ko.It’s been a long time since the last time.Isusuot na sana niya ang helmet ng nagnotify ang cellphone niya na agad niyang tinignan kung ano iyon.Taas pa ang isa niyang kilay habang binabasa iyon, ilang sandali pa ay ipinakita niya sa akin kung ano iyon.Nagpakawala naman ako ng buntong hininga saka napailing. And as always, mayroon na namang balita na lumabas kasama ang latest na model na kinuha ng kompanya para sa i-endorse naming mga damit.“Do you want me to clean this up for you again?” tanong pa niya sa akin bago niya ibinalik sa bag ang kanyang cellphone.Iyon ang isa sa trabaho niya. Ang linisin ang mga balita at itama ang kanilang mga maling hinala.Tumango ako. “Alam mong walang katotohanan iyan.” sabi ko sa kanya.Alam niya iyon dahil halos
Bumaba ako ng kotse.Nakahanda na para sa pakikipagkita ko sa kablind date na inayos pa nina mama para sa akin.Wala akong balak makipag blind date ngunit hindi na daw mahintay nina mama at papa kung kailan ko daw balak pumasok sa isang relasyon. Magkaroon ng boyfriend na agad magpaplano ng kasal at bubuo agad ng isang pamilya.Hindi ko naman sila mahindihan kaya kahit ayaw ko ay nagpunta pa rin ako dito sa restaurant kung saan naghihintay na sa akin ang lalaking napili nina papa para sa kablind date ko.Papasok na ako ng restaurant ng makatanggap pa ako ng tawag mula sa boss ko.Si Magnus Mondragon. Ang dakila kong boss na kung makapag utos ay para akong may malaking utang sa kanya na hindi ko pwedeng tanggihan. At hindi ko na matagalan ang kanyang pagkabossy, kaya aalis na ako sa trabaho ko.At kaninang umaga ay nagpasa na ako ng resignation letter na inilagay ko sa ibabaw ng lamesa niya bago ako nagtungo sa restaurant na ito.“Nasaan ka?”Iyon ang agad na tanong niya sa akin hindi







